logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Closed Beauty Coffee

Fallen Galaxy La Chance
Isang linggo bago ako nakapasok sa Aempleforthe University. Sa pagmulat ng aking mga mata alam kong nasa kamay pa din ako ni Archival kaya nagdesisyon na akong umalis.
F L A S H  B A C K
Walang Archival akong nakita kaya nilibot ko ang buong condominium niya. Hindi ko alam ang pasikot-sikot dito kaya mukhang naligaw ako. Hanggang sa isang mabangong ulam ang naamoy ko.
Kahit pala payat siya at walang abs ay marunong siyang magluto. Mukhang hindi magiging kawawa ang asawa niya sa future kasi kaya niyang ipagluto. Ganoon pa man babaero pa din siya kahit payat at walang abs. Amp!
“Aalis na ako,” paalam ko sa kaniya. Nakatalikod siya at abalang-abala sa paghihiwa ng bawang.
Pinagmamasdan ko kung paano gumalaw ang kaniyang buto sa katawan dahil sa payat niya parang instant x-ray kaagad. Bumaba ang mata ko sa kaniyang magandang balakang. Ay wow ang ganda ng puwetan.
Hanla! Kaagad kong tinakpan ang mga mata ko. Jusko! Tama ba ‘to?
“Hmm?” bakit parang ang slow ng pag-ikot ng mundo ko? Hanla oy tangina walang ganyanan!
“Aalis na ako,” sabay lunok ng aking laway.
Hanla bakit parang kinakabahan ako? Hanla! Papaalam lang naman ako naalis na ako pero bakit ganoon?
“Bago ka umalis,” hmm — ang bango naman ng niluto niya shuta! Nako naman aalis na nga lang ako ginugutom mo pa ako.
“Kumain ka muna,” paanyaya niya sa akin sabay daan sa harapan ko na dala-dala ang
ulam na sisig. Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa dining table niya. Kumpleto na ang lahat mayroon ng kanin at ulam.
Putangina, what a coincidence?! Mahilig ako sa sisig shuta! Naiiyak na ako sa gutom at natatakam ako sa niluto niyang sisig.
“Kain ka muna Fallen. Baka sabihin nila na hindi ako hospitable na tao. Saka —” tumingin siya sa akin sabay ngisi. Tangina!
“Saka mukhang natatakam ka sa niluto kong tuna sisig,” tumango ako ng walang pag-aalinlangan. Umupo na ako at naglagay ng kanin sa aking plato. Hindi ko na pinansin si Archival kung kumakain ba siya o hindi. Ang mahalaga ay ang importanteng makakain na ako.
“Yam! Yam!” tuwang-tuwa kong pahayag sabay taas ng kutsara at tinidor.
“Tss. Para ka naman bata kung kumain. Palibhasa sa inyo walang ganyan kaya hindi ka nakakain ng masarap na pagkain,” napahinto ako sa pagnguya ng pagkain.
“By the way, nawalan na ako ng ganang kumain. Ikaw na lang umubos niyan tutal wala kayong pagkain sa inyo. Bago ka umalis siguraduhin mong malinis ang kusina at walang pinggan na nakatambak,” sabay tayo niya sa kaniyang kinauupuan. Naglakad na siya diretso sa kaniyang kuwarto.
Sinasabi ko na nga ba. Itong ginawa niyang pagpapakain sa akin ay may kasamang panlalait. Wala talagang kabutihan itong matangkad na payatot na ‘to. Napakayabang porket mayaman siya at may magandang tinitirhan.
Makaalis na nga lang. Kabadtrip akala ko pa naman nauntog na ‘to at bumait na pero — it’s a joke lang pala.
End of flashback
“Woi!” pinitik-pitik ni Graham ang noo ko. Nang pumunta ako dito wala akong suot panloob kagaya ng panty at bra. Mabuti na lamang at pareho kami ng katawan ng kapatid niyang 13 years old. Teka lang? Teka? Hanla! Iyong katawan ko pang-13 years old lang?!
Ay wow!
“Nene?! Bakit ba nakatulala ka diyan?! Tell me honestly, ginalaw ka ba ni Archival? Tangina kahit kaibigan ko ‘yon bubugbugin ko ‘yong payatot na ‘yon,” nakatingin lang ako sa reaksyon niyang namumula na sa galit kay Archival.
“Hindi. Hindi niya ako type kaya hindi niya ako gagalawin. Nandidiri nga siya sa akin e,” sagot ko. Dumating ang kapatid niyang babae na si River na may dalang mabanging tsaa. Tumingin siya sa akin ng matamis at sabay upo sa tabi ko.
“Ate,” napakalambot ng boses niya para siyang anghel. Itong si Graham lang talaga ang demonyo sa kanilang magkakapatid.
“Alam mo River mas mapagkakamalan pa tayong magkapatid kesa sa kuya mo. Kasi pareho tayong mukhang anghel. Iyong kuya mo kampon ng dilim kaya mukhang demonyo,” sabay mapang-asar kong tinignan si Graham at ngumisi.
“Aba woi nene! Tigil-tigilan mo ako. Tignan mo ang sarili mo sa salamin maa matangkad pa sa iyo ang kapatid ko. Saka wala sa lahi namin ang pandak ‘no,” sinamaan ko siya ng tingin pero hindi ako makapagpigil sa nakakaasar na pagmumukha ni Graham kaya buong lakas ko siyang hinampas.
“Hala! Tama na po ‘yan ate Fallen, kuya Archival. Pumasok na po kayo sa school pareho na po kayong late,” oo nga pala. Dalawang araw na akong hindi pumapasok sa school since nung makatanggap na ako ng notice mula sa Aempleforthe University.
“Woi! Dalawang araw ka ng hindi pumapasok sa school maski si Archival. Hindi namin siya macontact no’n iyon pala magkasama lang kayong dalawa,” nagkatitigan lang kaming dalawa. Ako ang unang bumawi ng tingin at itinuon ang ang atensyon ko sa iniinom kong tsaa.
“Ate pumasok ka na po sa school. Sure akong kasya sa iyo ang damit ko kasi pareho lang naman tayo ng size ng katawan —”
“Pero hindi ng height. Pandak si Fallen, matangkad ka naman River,” aba mapang-asar talaga ‘tong si Graham tapakan ko nga ang paa.
“Woooooooooooooi! Araaaaaay!!” todo hiyaw niya at hawak sa daliri ng kaniyang paa. HAHAHAHAHAHA! Mabuti nga sa iyong lalaki. Masyado kang mapang-asar sa akin!
“Ano ka ba naman, Fallen?! Ang liit mong babae pero ang sakit mo umapak sa paa. Aish!” umalis na siya sa harapan namin dalawa ni River habang hirap na hirap maglakad.
“Ate Fallen naman,” sabay pout niya sa harapan ko. Ang cute niya mukha manyika.
“Bakit mo naman po inapakan yung paa ni Kuya Graham? Alam niyo naman pong inaasar lang kayo niyan,” dagdag niya.
“Inaasar ko lang din naman siya e. Hayaan mo gagaling din yung paa ng kuya mo,” sabay mahinang tapik sa braso niya.
“Nako! Sa kakaasar ninyong dalawa baka kayo ang magkatuluyan,” napatingin ako kay tiya Tita na may dalang school uniform at school shoes.
Kalma Fallen. Huwag kang maiinis sa kapatid ni Graham. Inaasar ka lang din niya. Kalma Fallen. Hindi mangyayari ang sinasabi niya. Malayo sa katotohanan na mangyari iyon. Kalma...
‘I’m calm as fuck. I need to be calm. Fallen be calm,’ bulong ko sa sarili ko.
“May sinasabi ka ba ate?” umiling ako sa tanong ni River.
“Ayan na po pala yung damit mo na ipinahanda ko pa kay tiya Tita,” sabay turo niya sa mga damit.
“Salamat,” ngiti sabay dampot ko ng uniform na nasa lamesa nakalagay.
“Doon ka ate Fallen magbihis sa kuwarto ko,” turo niya sa second floor ng kanilang bahay.
“Sa may bandang dulo lang ang kuwarto ko,” tumango ako at tinahak na ang hagdanan nila.
Habang naglalakad ako ay tinitignan ko ang anim na kuwarto na magkakatapat. Tatlo sa kanan at tatlo naman sa kaliwa. Saan nga dito yung tinuro ni River? Sabi niya sa bandang dulo daw e. Wala naman siyang sinabi kung sa kanan o kaliwa ang kuwarto niya.
“Hays bahala na nga!” dumiretso ako sa dulong kuwarto sa bandang kanan. Pinihit ko ang doorknob. Hindi ito nakalock kaya malamang ito na ang kuwarto na sinasabi ni River. Tuloy-tuloy sana akong papasok —
“ANONG GINAGAWA MO SA KUWARTO KO?!” sigaw ni Graham sabay takip sa hubo’t hubad niyang katawan. Basang-basa siya tila kakatapos niya lamang maligo.
Kaagad naman ako lumabas kagaya nung iniutos niya. Omayghawd! Nakita ko talaga yung talong ni Graham! Omayghawd! Tayong-tayo at kulay pink! Ghawd! My innocent eyes are now not innocent! Hindi ko nakita! Oo tama dapat magpanggap na lang ako na walang nakita! Pero — shuta!
“Woi babae!” ay palaka ka! Nakakagulat naman ‘tong si Graham. Shuta! Bakit ba may gulat na ako ngayon?!
“Sa kaliwa ang kuwarto ng kapatid ko hindi sa kanan. Hindi niya ba sinabi sa iyo?” umiling ako. Bumuntong hininga siya at tinampal-tampal ang kaniyang noo. Alam niya kayang nakita ko ‘yon?
“Hays! Pumasok ka na nga doon at magbihis ka na! Hmp!” sabay pasok niyang muli sa kuwarto niya. This time nung sinarado niya yung pinto niya ay padabog na.
Owemjii! ≧ω≦
Pumasok na ako sa kuwarto ng kapatid niya at nagbihis na. Hindi ako nahirapan sa damit kasi saktong-sakto lang sa akin. Pinagmasdan ko pa ang sarili ko sa malaking salamin at umikot-ikot pa. Iyong sapatos
“Ate Fallen, yung cellphone mo po kanina pa po may tumatawag,” napatingin ako kay River na nakatayo sa may pintuan.
“Nakita mo kung sino yung caller?” tumango siya.
“Manager Lauren pangalan,” sabay abot niya ng cellphone sa akin. Tinanggap ko ito at nakumpirma ngang si manager ang timatawag. Sinagot ko ang kaniyang tawag.
“Hello, manager Lauren bakit ka po napatawag?” tanong ko.
Hindi kaagad siya nakasagot sa tanong ko at puro buntong-hininga ang pinapakawalan niya.
“Manager Lauren, may nangyari po ba na hindi ko po alam?” tanong kong muli.
“Punta kayo dito sa beauty coffee may mahalaga akong sasabihin sa inyo,” sabay patay ng tawag. Ano naman kayang sasabihin no’n? Parang iba ang pakiramdam ko sa mangyayari ngayon.
“Ah, River, pakisabi sa kuya mo aalis na ako. Kailangan ko pa kasing pumunta sa trabaho ko e. Paalam na din ako kay tiya Tita,” tumango lamang siya at kaagad niyang kinatok ang kuwarto ng kuya niya. Bumaba na ako at dumiretso sa kusina kung saan nakita kong naghahanda si tiya Tita ng pagkain na nakalagay sa tuppeeware.
“Tiya Tita —” nagulat ako ng bigla akong abutan ni tiya Tita ng magandang tupperware tapos nakangiti pa siya sa akin.
“Baon mo ‘yan,” hanla! Ang bait-bait niya.
“Kung kailangan mo ng baon lagi ka lang pumunta dito para hindi ka na gumastos ng pagkain mo sa school. Saka mas madami ako magbigay ng pagkain kesa sa canteen niyo sa school,” parang natutunaw ang puso ko sa sinasabi ni tiya Tita.
“S—salamat po,” tugon ko.
“Sige balik ka ha,” sabay kindat pa ni tiya Tita.
“Woi nene aalis ka na?” biglang sulpot ni Graham mula sa likuran ko. Hinarap ko siya at tumango lang. Lalagpasan ko na sana siya ng bigla niyang hinawakan yung palapulsuhan ko.
“Aalis ka na?” tanong niyang muli. Baliin ko kaya kamay nitong lalaking ‘to napakakulit akala mo sampung beses inire ng nanay niya.
“Oo,” sabay bitaw ko sa hawak niya sa palapulsuhan ko.
“Sama ako,” tinignan ko siya mula ulo mukha siyang paa. Umirap ako bago nagsalitang muli.
“Hindi puwede. Pumasok ka na sa Aempleforthe University. May trabaho pa akong dapat daanan bago pumasok e,” nilagpasan ko na siya pero hinabol niya pa din ako.
“Sama ako! Gusto ko din maghanap ng work e,” wala na akong sinabi at nagpatuloy na sa paglalakad.
“Bye kuya, bye ate! Ingat kayo baka kayo magkagustuhan sa isa’t isa,” ay awit ‘yan lods. Muntikan na akong matisod dahil sa sinabi ni River.
“Hayaan mo na yung kapatid ko minsan talaga hindi niya iniisip yung mga sinasabi niya. Pero alam mo — minsan yung sinasabi ni River nagkakatotoo,” pahayag ni Graham.
Wala akong pakialam kung may makakita man sa amin pero dinagukan ko talaga siya. Yung malakas saka mabigat para dama niya na kanina pa ako nakararamdam ng hiya.
Nako kung magiging kami man baka puro lang kalokohan ang magiging takbo ng relasyon namin dalawa.
Pero — huh? — hanla tangina bakit ganoon yung nasa isip ko?! Shutangina naman.
“Woi sa lalim ng iniisip mo nakarating na tayo sa beauty coffee. Ano ba gagawin natin dito?” nagising ako sa katotohanan na hindi puwedeng maging kami. Hindi puwede kasi kailangan ko pang makatapos ng pag-aaral at makahanap ng trabaho na makakatulong kay mama.
“Tara na,” sabay kaming pumasok sa loob ng beauty coffee. Lahat sila nandoon na ako na lang ang kulang. Lahat sila malungkot at tila ba may nangyaring masama.
“Manager Lauren, ano po ang nangyayari dito?” tanong ko sa kaniya. Maski siya ay hindi ko makitaan ng saya at sigla.
“Baon na sa utang ang beauty coffee —” lahat kami ay nakatingin sa kaniya ng seryoso, ang iba hindi makapaniwala sa sinabi ni manager.
“Matagal na palang hindi nababayaran ng may-ari ang utang niya sa bangko ng Guthram City. Hindi ko alam paano nangyari iyon kasi tuwing kukuha siya ng pera mula dito lagi niyang sinasabi sa amin na maglaan daw kami ng pera pambayad sa mga utang niya. Lagi ko naman iyon ginagawa pero ang hindi ko maunawaan ay kung bakit hindi niya nababayaran ang utang niyang iyon?” lahat kami tahimik sa isinasalaysay ni manager Lauren.
“We don't have the money to pay off his vast bank debt. There was no money left because he had already taken all that. The bank also did not agree to pay the installment payments,” ganito ba kapag stress na full english hindi man lang nagtaglish. Huhu sakit niyo sa bangs sa true lang.
“He decided to closed this coffee shop,” pinakamasaklap na sinabi ni manager Lauren sa amin lahat. Paano na ‘yan? Paano ko na mababayaran yung damit ni Marleigh? Paano na ako at si mama? Tiyak ko lagot na naman ako sa kaniya.
“I’m sorry I guess this is the last time we see each other,” paalam ni manager Lauren.
Cross My Heart I Swear It’s You
Written By: SEA_GM

Komento sa Aklat (16)

  • avatar
    Lawrelyn Mae Benola But

    maganda

    29/06

      0
  • avatar
    TomolinCurvie

    thank

    17/06

      0
  • avatar
    SulitHazel

    great story

    12/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata