logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 3: Story Became Reality

(Tinanong niya ang sarili niya kung gusto niya ba talaga si Cheska. Naghanap siya ng sagot sa kung bakit niya palaging naiisip ang babae. Ngunit iisa lang ang pumapasok sa isip niya.
Gusto niya si Cheska.
"Kirun."
Dahan-dahan niyang nilingon ang pinanggalingan ng boses. Nagsimulang tumibok ng napakabilis ang puso niya nang masilayan ang hitsura ng babaeng napupusuan niya. Ngunit itinatanggi ng utak niyang hindi niya ito gusto.
"Hindi niya ako gusto, kaya bakit ko siya dapat gustuhin? Sandali ko palang siyang nakikilala pero ito na kaagad ang iniisip ko. Ano bang nangyayari sa'kin? Ano bang mayroon ka, Cheska?" tanong niya sa sarili niya.
Isang mabilis na pangyayari, may mga naghahabulan sa hagdaan kung nasaan si Cheska. Namalayan niya nalang ang kanyang sarili na tumatakbo papunta kay Cheska upang hindi ito mahulog sa hagdanan.
Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Hindi niya alam kung saan niya nakuha ang lakas para hilahin si Cheska paakyat.
Tinignan niya ang mga estudyanteng naghahabulan at tinapunan ito ng masamang tingin.
"Pasensya na Kirun."
At muling nagtakbuhan ang mga ito papalayo.
Binaling ni Kirun ang tingin niya kay Cheska na parang nawala ata sa wisyo sa bilis ng pangyayari.
"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Kirun.
Hindi nakapagsalita ang babae dahil gulat parin.
"Bakit naman kasi doon ka pa pumwesto? isang atras mo lang, hulog ka na eh. Mag-isip ka nga." Galit na sabi nito sa babae.
"Tama 'yan Kirun, 'Wag kang magpapahalata na masyado kang nag-aalala sakanya." pagkumbinsi nito sa sarili.
Matapos noon ay parang walang nangyaring tinalikuran ni Kirun si Cheska.)
"Aeliana!"
Nagising ako dahil sa pangyuyugyog saakin ni Adrianna.
"Ano ba?"
Tinakluban ko ang mukha ko ng unan pero pinilit niyang tanggalin 'yon.
"Hey, Reinier's calling me a hundred times already. Anong oras ba ang usapan niyo?"
Napabalikwas ako sa higaan.
"Usapan?"
She crossed her arms.
"Oo."
"Anong oras na?"tanong ko.
"7:40"
Nanlaki ang mata ko.
Nagmamadali akong nagpunta sa banyo hindi man lang binati ang kapatid kong mukhang naistorbo ata ni Reinier.
"Bakit ka ba kasi nagpuyat nanaman sa kakagawa ng kwento mo? Makakapaghintay naman 'yan." sigaw niya.
"Kapag nawala sa utak ko 'yong idea baka hindi ko na maalala kinabukasan!" sigaw ko pabalik.
Hindi ko na narinig ang boses niya malamang ay umalis na 'yon at bumalik na sa tulog niya.
Kadalasan ay kung ano-ano pang seremonyas ang ginagawa ko. Pero ngayon ay daig ko pa si Flash sa bilis ko maligo.
Hindi ko na alam kung ilang minuto bago ako natapos mag-ayos pero pagkatapos ko ay bumaba kaagad ako at nakita ko si Reinier na fresh na fresh habang nakaupo sa sofa.
"Reinier." hingal na sabi ko.
"Sa'n ka galing? parang daig mo pa nakipagmarathon."
Daig ko pa talaga 'no? Ngayon lang ako kumilos ng ganito kabilis sa tanang buhay ko.
"Pasensya na, late kasi akong nagising ngayon kaya nagmadali akong mag-ayos tsaka bumaba. Naghintay ka ba ng matagal?"
Sa wakas ay nahimasmasan narin ako.
He chuckles.
Napaatras ako ng bigla siyang lumapit sa'kin. Pero hinayaan ko parin siyang makalapit.
Inayos niya ang buhok ko habang nakangisi.
"Sa susunod, 'di mo na kailangan magmadali. Hindi naman ako mainipin."
Hindi mainipin pero ilang beses tumawag kay Adrianna, atat lang?
Tsaka, sa susunod? ibig sabihin may kasunod pa?
Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti.
"Bakit ka nangingiti?"
Umiling-iling ako at hinawi ang kamay niya sa ulo ko.
"Wala, tara na baka malate pa tayo."
Hindi ko na siya pinagsalita at nagmadali na 'kong naglakad palayo.
Habang nasa biyahe ay napapansin kong lingon siya ng lingon sa'kin.
"Bakit ka ba lingon nang lingon? Sa kalsada ka nga tumingin, baka mamaya imbis na sa school tayo dumiretso eh diretso tayo sa hospital."
Narinig ko ang mahinang tawa niya.
"Namiss lang kita, ilang araw na tayong hindi nagkikita. Halatang iwas na iwas ka sa'kin."
Paano akong hindi iiwas eh madikit nga lang ako sa'yo ng kaunti eh halos patayin na 'ko ng mga may gusto sa'yo.
"Hindi ako umiiwas, sadyang busy lang talaga ako noong mga nakaraang araw."
Sinungalig ka Aeliana, Alam mo bang pwede kang mapunta sa impyerno?
"Eh sa mga susunod na raw, hindi na ba?"
Hindi na, free ako para sa'yo.
"Hindi ko alam, titignan ko pa schedule ko."
Eh halos wala namang laman 'yong schedule ko.
"Then, sasabayan nalang kita palagi tuwing break."tuwang-tuwa niyang idineklara.
Kung ako lang mag-isa ay nagtatalon na 'ko sa tuwa. Kung minsan talaga ay umaasa ako na may nararamdaman rin sa'kin si Reinier pero mas nangingibabaw sa'kin 'yong reyalidad na sinasampal sa'kin na imposibleng mangyari 'yon.
"Hindi."
Kumunot ang noo niya.
"Anong hindi?"
"Hindi ako nagbebreak."
Saktong pagkasabi ko noon ay naigarahe niya na ang sasakyan kaya dali-dali akong lumabas sa kotse.
Ano ba 'tong sinasabi ko? Ibig sabihin ba hindi ako magbebreak para lang maiwasan siyang makasama?
"Aeliana!"
Lupa! kainin mo 'ko! bakit kailangan mo pang isigaw 'yong pangalan ko? pwede namang itext mo nalang ako.
Tinakpan ko ng palad ko ang mukha ko at ramdam ko naman ang mga pares ng matang nakatitig sa senaryo namin ngayon.
Kaloka! daig ko pa artista.
Hinawakan niya ang braso ko na pilit ko namang hinahablot.
"Bakit hindi ka kumakain? Inaalagaan mo ba 'yong sarili mo? Isusumbong kita kay Tito at Tita." Pagbabanta niya.
"Reinier, isumbong mo nalang ako. Papasok na 'ko sa klase."
Sinubukan kong umalis pero hindi pa 'ko nakakadalawang hakbang ay nagsalita nanaman siya.
Kung hindi lang kita gusto, Reinier!
"Hatid na kita."
Hinayaan ko nalang siyang bumuntot sa'kin todo takip naman ako sa mukha ko dahil baka may makakilala sa'kin kahit alam ko naman alam na nila kung sino ako dahil sinigaw na ni Reinier kanina ang pangalan ko.
Sa wakas isang hakbang nalang, makakalayo na 'ko kay Reinier.
"Aeliana!"
Saktong paghakbang ko sana ay ang pagkasanggi saakin ng mga nagtatakbuhan sa hagdan.
Ramdam kong naa-out of balance ako.
Lord, katapusan ko na ba?
Isang kamay ang bigla nalang nag-angat sa'kin.
Buti nalang nasagip ako ni Rei-
Shocked, I look at the person holding my waist. He looks pissed.
"Pasensya na Kirun!"
Napaigtid ako sa gulat sa sinabi ng mga nagtatakbuhan sa hagdan. Nakita ko si Reinier na kulang nalang habulin 'yong mga nagtatakbuhan kung hindi lang naawat ng malapit sakanya.
Teka! Kirun?
Did I just heard that right? kapangalan lang ba? same pronunciation pero different spellings? ano 'to spelling bee? Guess the meaning of the name?
"Ayos ka lang ba?"
Someone tell me that this is just a dream!
Ganitong-ganito 'yong sinulat ko kagabi sa ginagawa kong kwento! Naaddict na ba ako sa pagsusulat kaya pati sarili kong gawang kwento napapanaginipan ko na?
"Bakit naman kasi doon ka pa pumwesto? isang atras mo lang, hulog ka na eh. Mag-isip ka nga." Galit na sabi niya.
Parang may sariling buhay 'yong bibig ko at ngumanga ito mag-isa.
Hindi ko na namalayan na umalis na 'yong lalaki sa harapan ko.
"Aeliana, ayos ka lang ba?"
"What just happened?" bungad ko kay Reinier not answering his question.
"I'll make those brats pay for this. Muntik ka nang mahulog sa hagdan dahil sakanila!"
Nabalik ako sa wisyo nang mapansin kong pinagtitinginan kami.
"Reinier, okay na 'ko dito. Baka mahuli ka sa klase, bumalik ka na."
He looks worried but he managed to give me a smile.
"Okay, call me when you need anything."
Tumango nalang ako. But there’s no way I’ll call him.
Habang naglalakad ako ay halos ilapit na ng mga babae ang mukha nila sa'kin.
Hanggang sa naramdaman ko na may dalawang katawan na tinatabunan ako. Hindi ko agad nakita ang mukha nila dahil nakayuko ako habang naglalakad.
"Anong tinitingin-tingin mo?"
My two life savers came!
"Jeline, Yumi."
They're my friends. Actually, the only friends I have.
"Hay naku Aeliana, kakarating lang namin, isa ka nang sikat na celebrity ha!" pang-aasar ni Yumi.
"Anong celebrity?" naguguluhang tanong ko.
"Eh pa'no ba naman nakalive kanina 'yong official facebook page natin at ang tea, ikaw sis!" si Jeline.
"Ako?"
"'Wag ka na mag maang-maangan, may utang kang kwento sa'min."
"Pero wala naman akong ginagawa."depensa ko.
"Wala ka ngang ginagawa pero 'yong dalawang prince charming mo, mayro'n." kinikilig na sabi ni Yumi.
"I don't get it."
"'Yong eksena kanina sa hagdanan, kaloka ka!"
Damn.
Matagal kong pinangalagaan ang katahimikan ng buhay ko. Tapos masisira lang sa loob ng isang araw?"
I already told myself, I don't want to be involve with Reinier. At 'yong lalaki kanina, bakit kapangalan niya 'yong character na sinusulat ko? bakit nangyari sa'kin 'yong pangyayari na isinulat ko? May kapangyarihan na ba ako?
Honestly, hindi pa nagsisimula 'yong klase, pagod na 'yong utak ko.

Komento sa Aklat (89)

  • avatar
    shikori

    Not gonna lie this is one of the best and we'll written story I've seen so far. Looking forward to your upcoming works ^^

    20/07/2022

      0
  • avatar
    USNIEKRISJEN

    wonder full story

    1d

      0
  • avatar
    AnghoyEmanjun

    it's good

    7d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata