logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 05

Yakap-yakap ang makapal kong jacket na suot ko ay lumabas ako ng bahay. Hindi naman ako napansin ni Mama at Papa, paniguradong nasa kusina at naluluto lang ng hapunan namin.
Medyo madilim na sa labas. Malayo pa naman ang bahay nila mula sa 'min. Dapat sa cellphone na lang n'ya sinabi kung ano man ang gusto n'yang sabihin.
Nakita ko naman s'ya kaagad sa labas ng aming bahay. May dala s'yang motor na ngayon ko lang nakita. Kadalasan kotse ang dinadala n'ya sa school. Ang astig lang.
Napatayo s'ya ng matuwid nang makitang nasa harapan ko na s'ya. Tila malalim ang kan'yang iniisip at hindi ako namalayang nasa harapan na n'ya.
Sumandig ako ng bahagya sa kan'yang motor at hinimas ito. Namamangha lang talaga ako. “Hindi mo gamit ang kotse mo,” anas ko.
Sinuklay n'ya ang kan'yang buhok gamit ang mga daliri n'ya. “Baka may masagasaan ako rito. Konti lang 'yong space ng kalsada n'yo.”
Tumango naman ako. “So, ano ang pag-uusapan natin?” tanong ko. “Tungkol sa atin?”
Bumuga s'ya ng hininga bago ako tinitigan ng mabuti sa mukha. Para 'bang sinasaulo n'ya ang bawat hulma sa 'kin. “Hindi ko na maitutuloy pa ang panliligaw ko sa 'yo.”
Bahagyang nagulat naman ako sa kan'yang sinabi. Ano dapat maramdaman ko? Sasagutin ko na sana s'ya, bakit naman?
“Bakit? Na-realize mo na 'bang 'di mo ako gusto?” tanong ko. Hindi naman ako nalungkot na parang hiniwalayan ng jowa. Na-disappoint, oo.
“H-Hindi sa gano'n,” mabilis n'yang tangi, parang nahihirapan pa kung sasabihin ba n'ya. “Pupunta ako ng America. I'll be far away from you so that's why hindi na kita maliligawan pa.”
Gusto kong itanong kung bakit pero natatakot ako na baka hindi n'ya kayang sabihin. Baka personal na bagay lang. Sa tagal naming nagkatitigan hindi man lang n'ya sinabi kung ano iyon kaya alam kong ayaw n'yang sabihin sa 'kin.
Medyo nasaktan lang ako sa part na 'yon. May pinagsamahan kami kaya sana ipaintindi n'ya sa 'kin. Kahit bilang isa sa nililigawan n'ya.
Umalis ako sa pagkakasandig. Inilagay ko ang mga kamay ko sa bulsa ng jacket. “K-kailan ka babalik?” tanong ko.
“Siguro kung matapos ko ang kolehiyo sa Amerika,” sagot n'ya, natahimik ulit kami ng sandali.
Napatango lamang ako. Wala naman akong magagawa, eh. Hindi ko na pala s'ya masasagot nito. Ayaw ko 'yong LDR at saka gulong-gulo na rin ang puso't isipan ko ngayon.
“So ano na?” Paano na tayo? Gusto ko pa sana idagdag pero wala namang kami.
Hinawakan n'ya ang aking kamay at bahagyang pinisil. “Don't worry, I'll come back here. Babalikan kita pagtapos na ang lahat.” Ngitian n'ya ako para mawala ang aking lungkot. Totoong malungkot ako.
“Bumalik ka, ah? Hihintayin kita sa simbahan.” Half totoo 'yong sinabi ko pero may parte naman na nag-aalinlangan pa ako.
Sa huling pagkakataon ay niyakap ko s'ya ng mahigpit na tinugun naman n'ya.
“Pupunta ako... I'll promise you that,” sinsero nitong sambit at hinalikan ako sa noo na ikinapikit ko.
Hindi ko hawak ang tadhana. Hindi ko alam kung s'ya pa rin ang makakatuluyan ko kung sakaling babalik s'ya. Baka nga pagbalik n'ya iba na ang magustuhan ko.
Saglit naming sinulit ang pagkakataon na magkasama pa kami. Magkahawak ang aming mga kamay habang nakasandig sa motor n'ya.
Nakatingin sa itaas ng mundo kung saan bahagyang gumagalaw ang mga ulap.
Bukas na raw s'ya aalis ng America. Nakakalungkot dahil biglaan ang kan'yang desisyon. Hindi naman ako makatanong, siguro hahayaan ko muna na s'ya mismo ang magsasabi sa 'kin.
Isa sa kinatatakutan ko ay may tanong ng bagay na pakiramdam ko hindi ko dapat malaman. Minsan na rin akong nasaktan sa gano'ng sitwasyon.
Pagdating ng alas-syete ng gabi, nagpaalam na si Hancel na s'ya'y aalis na. Mag-aayos pa s'ya panigurado ng maleta na kan'yang gagamitin bukas.
Normal lang naman ang gabing iyon kung titignan. Nakasabay at nakitawa pa ako sa kuwento ni Papa no'ng kabataan n'ya. Isa na ro'n sa kwento n'ya ang kung bakit pinuwersa n'ya si Mama na magpakasal sa kan'ya.
“May dating kasintahan kasi si Mama n'yo.” Pumihit ng dahan-dahan ang mukha ni Papa kay Mama na nasa gilid lang n'ya. “Sa pagkakaalam ko kasi mahal nila ang isa't-isa kaya kinuha ko ang pagkakataon na maikasal s'ya sa 'kin habang nasa ibang baryo ang kan'yang dating nobyo.”
Kinunutan s'ya ni Mama na para 'bang sinabi n'yang 'ano ang ginawa kong kasalanan?'
Parang batang sumimangot si Papa kay Mama. “Mahal mo pa yata ang lalaking iyon.” Nagtatampong bumalik s'ya sa kan'yang kinakain.
Tahimik kaming dalawa ni Duday. Lihim kaming natatawa sa kanilang dalawa. Para kasing mga teenager pa sila.
Nilambingan naman s'ya ni Mama. Tudo nguso naman si Papa na parang pato.
“Naku talaga si Mahal,” naglalambing n'yang sambit. “Malamang hindi ko na s'ya mahal. Ang tagal na no'n hindi ka pa rin naka-move on?”
“Huh!” asik n'ya. “Sabi nila guwapo ang dating kasintahan mo kaya 'di na ako magtataka kung babalikan mo pa s'ya.”
Imbes na malungkot si Mama ay natawa na lang sa mga pinagsasabi ni Papa. Kahit ako rin, eh. May anak na pero gan'yan pa rin?
“Mahal talaga ako ni Manuel.” Niyakap n'ya si Papa kahit kumakain pa ito. Kunwari 'pang inis si Papa, gusto lang din naman. “Sinong nagsabing guwapo s'ya? Kahit ikaw ang pinakapangit sa mun—”
“Ayan ka na naman sa pangit na 'yan, eh!” agap na reklamo ni Papa.
Natatawang tinampal ni Mama ang kan'yang mukha. “Kahit ikaw ang pinakapangit sa mundo, hindi kita ipagpapalit 'no! Ang tanda na natin para sa ganito, Manuel. Jusko!”
Napuno ng tawanan at saya habang naghahapunan kami. Ayon hindi na galit si Papa sa binanat ni Mama. Minsan iniisip ko na baka si Papa talaga 'yong babae sa kanila.
Sana hindi mabuwag o magkaroon man ng grabeng problema ang pamilya namin. Natatakot ako na baka sa sobrang saya namin ay baka grabe na ang malas na madadanas namin.
Na-late ako sa klase pagkadating ko pa lang ng eskwelahan. Grabe 'yong tinakbo ko mula sa aming bahay hanggang sa makarating dito sa eskwelahan tapos pinalabas lang ako ng guro!
Kaya wala akong nagawa kundi tumambay muna sa tambayan ng campus. Hindi gano'n kalakihan ang aming eskwelahan. Sakto lang sa maliit naming lugar.
Pero kahit ganito ang eskwelahan namin ay marami pa ring nag-e-enroll dito. Oo nga pala! Kaka-transfer lang ni Hancel dito tapos transfer ulit s'ya sa America?!
Pilit ko namang h'wag s'yang isipin. May problema ako ngayon kaya ayaw kong idagdag. Wala na nga ako sa first subject ko tapos lulunurin ko pa ang aking sarili sa problema na hindi maisolba?
Wala naman kasi akong magagawa kung aalis s'ya.
Tahimik talaga banda sa pwesto ko kaya gano'n na lang ang aking takot nang marinig ang kaluskos banda sa 'king likuran.
Tinignan ko naman kung ano iyon pero wala namang kahi-kahinala. Baka hayop lang siguro.
Naglaro na lang ako sa 'king cellphone ng games para hindi ko maramdaman ang takot.
“Hey!”
“Ay kabayo!” hiyaw ko sa gulat, muntik ko nang mahulog ang aking cellphone!
Inis akong lumingon sa president ng eskwelahan namin. Walang magawa kundi sumulpot sa 'king pwesto kung nasa'n ako. Pansin kong palagi kaming nagkikita rito sa eskwelahan.
Gusto ko s'yang hampasin pero pinili ko na lang na ibalik ang aking atensiyon sa 'king ginagawa. Bwesit talaga. Akala ko mababasag na ang cellphone ko.
“Class hour ngayon. Why are you here?” Ramdam ko naman s'yang umupo sa 'king tabi.
Napaikot ang maganda kong mata sa kawalanan at 'di s'ya sinilip man lang sa 'king tabi.
“Hindi ako pinasok ng teacher sa room,” mabilis kong sagot, kinalikot ko na lang cellphone ko dahil hindi rin naman ako makapag-concentrate.
“Siguro hindi ka nakikinig sa klase,” bigla n'yang akusa. 'Di naman ako makapaniwalang nakatingin sa kan'ya.
“Grabe ka naman, president!” Diniin ko talaga ang pagkasabi ng president. “H'wag judgemental. Na-late ako ng pasok kaya hindi na ako nakasabay sa klase.”
Mapaglarong ngisi ang pumaskil sa kan'yang mukha. “Oh, gano'n ba?” Mukhang tuwang-tuwa naman s'ya sa nalaman. “Alam mo 'bang bawal ma-late sa klase?”
Tinaasan ko s'ya ng kilay. “Oo, alam ko.” Akala siguro n'ya bobo ako.
“Then, bakit nagpalate ka?”
“Hindi ko sinasadya, okay?” pagtanggol ko pa. “May nangyari lang masama sa 'ming bahay kaya na-late ako.”
Nagsinungaling na lang ako. Ayaw ko naman ipahiya n'ya ako dahil sa na-late lang. Hahaba ang usapan namin kapag gano'n.
Unti-unti namang nawala ang kan'yang mapaglarong ngisi at napalitan ng pag-alala. Tama ba ang nakita ko sa kan'yang mukha? Nawala rin kasi kaagad.
“Ayos ka lang ba? Ano ba nangyari?” sunod-sunod n'yang tanong.
Tumaas ang sulok ng aking labi sa kan'yang inaakto. “Bakit parang concern ka? Ayos lang naman ako, walang bali sa katawan.”
'Di nawala ang kan'yang titig sa 'kin. “'Di ko rin alam. May something talaga sa 'yo, Lexi,” tugon n'ya na nagbigay kakaiba sa 'king damdamin. “I think nababaliw na ako.

Komento sa Aklat (6)

  • avatar
    Nokcal ZyeCan ZueZan

    Nice story

    14/08

      0
  • avatar
    Hanifa U Pendilang

    Nice

    02/08

      0
  • avatar
    Avryl Caubang

    ang kwentong ito ay maganda dahil nakaka tulong den ito sa atin para sa pag babasa

    24/12

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata