logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 04

Magsasalita sana ako nang bigla kaming may narinig na ungol. Nagkatinginan kaming dalawa at mas lalong lumakas ang ungol. Nasa Cr banda!
Aligang tumungo ako sa pinto ng Cr at idinikit ang aking taenga para marinig kung totoo 'bang ungol iyon.
“B-Baka may makakita sa 'tin, babe.” Boses babae at mukhang tama nga ang hinala ko!
Ramdam kong nakiki-ususyo naman itong si President. Kay lalaking tao chismoso, dapat ako lang, eh. Bahala na s'ya.
Rinig ko pa ang ungol sa loob. Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan! Hindi ko alam kung ano ang naging reaction ni President pero malamang enjoy na enjoy s'ya!
Hinampas ko ang likuran ni President. Magkatabi kami pero 'di ko makita ang kan'yang mukha dahil nakatalikod s'ya sa 'kin.
Inis n'ya akong nilingon at sumenyas na tumahimik ako at hahampasin n'ya raw ako! Ikaw hampasin ko, eh!
“B-Bilisan na lang natin, babe,” rinig kong tugon ng lalaki sa loob. Abay ina-araw-araw na yata nila ang pagdidilig, ah.
Tinignan ko si president. Parang natigilan din s'ya katulad ko sa kinatatayuan.
“Sino sila?” anas kong tanong sa kan'ya.
Lumipat ang kan'yang tingin sa pinto na nasa gilid lang namin kung nasa'n ang dalawang tao gumagawa ng milagro.
“Miss treasurer and Mr. PIO,” mabagal n'yang sagot.
Nanlaki ang mata ko. Aba naman, girl! Kilala ko ang treasurer na 'to! S'ya pala ang nasa likod ng pintuan ng Cr na 'to?
May tinatago rin pala si girl. Hayaan na, magkaaway lang naman kami pero 'di ko naman s'ya sisirain tungkol dito. Blackmail pwede!
Taranta naman akong umayos ng tayo nang makitang tumayo s'ya ng matuwid. Mabilis ko s'yang inawat na h'wag magsalita o buksan man lang 'tong Cr pero talagang ayaw s'yang maawat.
Pikit mata na lang akong tumalikod mula sa harapan ng pinto. Hinintay ko na lang na lumabas 'yong gumagawa ng milagro.
“What the f*ck?!” Tinakpan ko ang aking taenga nang sumigaw ng malakas ang lalaking 'di ko kilala. Ito 'yong kasama ni Miss Treasurer at hindi ako maaaring magkamali.
“Ano ang ginagawa n'yong katarantaduhan, ah?” mahinahon pero ramdam naman ang diin sa boses ni President. “Mga officers kayo ng eskwelahan tapos para kayong mga asong ul*l? Get the f*ck out of here!”
Unti-unti akong lumingon sa kanila. Magulo pa ang kanilang uniform. Aligagang lumabas sila ng office, 'di na ako napansin dahil sa kakamadali nilang makaalis.
Tinignan ko ang masungit na mukha ni President. Sino ba naman kasing matutuwa sa ginawa nila? Isa s'yang president at obligasyon n'yang panatilihing malinis ang eskwelahan.
Sapok n'ya ang kan'yang noo at tinignan ako. Unti-unti namang nawala ang galit at pagkakunot-noo n'ya.
“Hindi ka ba na-trauma sa narinig o nakita?” Bahid ang pag-alala sa kan'yang boses.
Tinaasan ko s'ya ng isang kilay. “Na-shock lang naman ako. Normal lang talaga sa 'kin makakita at makarinig ng asong ul*l.” Pilit kong pinapatawa s'ya pero mukhang 'di s'ya mahilig sa jokey.
“Hindi normal sa inyong mga babae na makakita ng gano'n,” pagtatama pa n'ya sa mali kong tinuran.
Tumango na lang ako kahit gusto kong ipaglaban na pwede rin kami makakita ng gano'n. Chos! Bahala s'ya sa kan'yang buhay.
Tinuro ko ang labas ng office. “Aalis na ako, Mr. President.” Lalabas na sana ako nang magsalita s'ya ulit.
“Geo. Geo Ruiz is my name.”
Hindi ko na s'ya hinintay pa at umalis kaagad sa office na iyon. Hindi maganda ang aking kalagayan ngayon, ang lakas ng pintig ng aking puso matapos kong malaman ang kan'yang pangalan.
I-memorize ko talaga ang pangalan n'ya. Hindi ko na naman hahayaang makalimot ulit.
Pumasok na ako sa room ko at nakinig sa teacher. Bago rin 'to sa 'kin, hindi talaga ako pala kinig sa tinuturo ng guro. Barumbado kaya ako kahit 'di halata, ang ganda ko kasi kaya hindi nila ako masabing barumbado.
Walang nagtangkang kulitin ako. Alam nila kapag nasa ganito akong sitwasyon ay hindi na dapat nila akong kulitin pa dahil black eye ang kanilang katapat.
Iniisip ko pa kasi 'yong president na 'yon. Dapat si Hans ang iniisip ko ngayon dahil magiging boyfriend ko na s'ya. Soon!
Napag-isipan kong sagutin na lang s'ya. Kakairita na kasi ang mga kaklase kong tudo tulak sa 'kin kay Hancel. Gusto ko naman magkaroon ng experience pagdating sa relasyon na 'yan.
Umuwi ako ng bahay na walang kasama. Usually si Duday o Charry ang kasama ko sa pag-uwi pero dahil walang klase ngayon si Duday at saktong may sumundo kay Charry, nag-iisa na lang akong naglalakad sa daan.
Konti lang ang taong dumadaan sa lugar namin. Hindi gano'n kahirap ang aming baryo, kumbaga sakto lang. Walang skuwater dito, barumbadong mga tambay meron pa.
“Lexi!” rinig kong may tumawag sa 'kin.
Palinga-linga naman ako sa paligid hanggang sa makita ko ang isa sa mga kaibigan ni Papa. Sa pagkakaalam ko kaibigan lang sa tagayan, eh.
Bahagyang lumapit lamang ako sa kan'ya. Takot ako sa lasinggero, eh.
Kinawayan n'ya ako na para 'bang nasa malayo pa rin ako. Kumaway naman ako sa kan'yang harapan.
“Sabihin mo kay Papa mo, tagay kami ngayon din, ah?” utos n'ya sa 'kin.
Napangiwi ako nang biglang bumagsak ang kan'yang noo sa lamesa. Kung hindi ko lang 'to kilala baka akalain kong nabagok na ang kan'yang noo sa lakas ng pagkabagsak. Matibay ang bungo n'yan kaya wala na sa 'min kung mahampasan man ng dos pordos ang kan'yang noo.
Alas-singko pa lang pero tumatagay na.
Imbes na tulungan s'ya ay tumalikod na lang ako at nilakad ang daan papunta sa aking bahay. Nando'n naman ang kan'yang asawa kaya wala ng problema kung hayaan ko s'yang malunod sa lasing do'n.
Pagkadating ko sa bahay, harutan ng magulang ko ang bumungad sa 'kin. Napangiwi na lang ako at napailing sa kawalan. Mapusok na damdamin!
Napansin siguro nilang may tao kaya tumigil sila sa paglalambingan. Tinawag ako ni Papa.
“Anak! Kanina ka pa d'yan?” tanong n'ya.
“Ngayon lang, Pa. Hindi ko nga nakita ang labing-labing n'yo ni Mama,” sarkastik kong tugon.
Naghahampasan ulit sila at hindi na ako tinuon ng pansin. Ganito pala ang feeling na maging third wheel. Chos!
Umakyat na lang ako sa kwarto ko at nagbihis ng pambahay. Maglalaro na lang muna ako ng games sa cellphone bago kumain ng hapunan. Mukhang hanggang hating-gabi pa matapos ang lambingan nilang dalawa.
Kaya wala rin akong problema sa pamilya ko. Halos 'di na sila mapaghiwalay sa sobrang clingy ni Papa. 'Di na ako magtataka kung bakit n'ya kinidnap si Mama, masyado n'yang mahal si Mama kaya gusto n'yang matali ito sa kan'ya.
Hindi rin ako pinapagalitan masyado ng magulang ko. Pinagsasalitaan pwede pa pero 'yong grabeng sigaw at hampas sa 'kin ay hindi ko pa naranasan. Swerte ko talaga di'ba? Pero lahat naman daw may kapalit kapag gano'n ang sistema.
Papahiga pa lang ako sa kama nang biglang tumunog ang aking cellphone na nakapatong sa side table ko. Binuksan ko kung sino ang hinayupak na tumawag.
Hindi ako na-excite o kung ano nang makita ang pangalan ni Hancel sa screen. Hindi tulad no'ng kasal-kasalan namin noon, kinikilig pa ako at halos 'di na ako humiwalay sa kan'ya.
Tumikhim ako sandali at sinagot ang kan'yang tawag. Wala akong ideya kung bakit na-miss kaagad n'ya ako. Chos!
Saglit namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Sa sobrang tagal n'yang magsalita'y ako na ang nauna.
“Ba't napatawag ka?”
Rinig kong bumuga s'ya ng hininga sa kabilang linya. “May sasabihin sana ako sa 'yo. Personal sana tayong magkita ngayon.”
Nagtaka naman ako nang mabahid ang kalungkutan sa kan'yang boses. “Bakit? Anong meron?”
“It's about us. Pupunta na lang ako d'yan sa bahay n'yo maya-maya.”

Komento sa Aklat (6)

  • avatar
    Nokcal ZyeCan ZueZan

    Nice story

    14/08

      0
  • avatar
    Hanifa U Pendilang

    Nice

    02/08

      0
  • avatar
    Avryl Caubang

    ang kwentong ito ay maganda dahil nakaka tulong den ito sa atin para sa pag babasa

    24/12

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata