logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 03

“Mabuhay ang kasal!” Itinaas ni Bestie ang baso nito na may juice. Bawal alcohol dito.
“Mabuhay!” sabay-sabay nilang sabi habang nakataas 'din ang mga baso nila sa ere.
Di lang ako sumali sa toast nila dahil abala ako sa pagkuha ng mga dessert dito sa tabi. Gusto ko na tuloy sakupin lahat ng pagkain dito sa sobrang sarap!
Nakangiting kinuha ko ang donut at isinawsaw sa chocolate fountain. Akmang isusubo ko na sana ito 'nang maramdamang may nakatingin sa gilid ko.
Dahan-dahan naman akong napatingin dito habang nasa tapat pa bunganga ko ang donut.
“What are you doing?” seryosong tanong ni Hansel sa 'kin, tinignan n'ya ang hawak kong donut at ibinalik 'din ang tingin sa 'kin. “Madami na ang kinain mong dessert. Gusto mo 'bang mamatay kaagad?”
Nanghihinayang na ibinalik ko ang donut sa dala-dala kong plato na puno ng dessert at labag sa loob na ibinigay sa nakalahad nitong kamay sa harap ko.
Sa kan'ya kasi lahat ng dessert na 'yan kaya dapat mahiya na lang ako. Nakakatampo.
Nakita n'ya sigurong nakabusangot ako kaya napabuntong hininga s'ya.
“I have something to give you. Come with me,” aya n'ya sa 'kin. Tumalikod ito at naglakad s'ya sa labas ng room namin.
Dito kasi ginawa ang celebrate namin sa kasal kuno. Oh my, kahit peke lang ang kasal, may handa kami 'no!
Nakabusangot na sumunod ako dito hanggang sa makarating kami sa office ng mga SSG. Oo nga pala, SSG Vice President kasi s'ya kaya nakapasok kami. 'Di ako part ng SSG dahil 'yong karibal ko sa posisyon ng Treasurer dumaya! Makakakuha 'raw ang mga students ng free kiss sa pisngi kapag s'ya ang binoto. Ayon! Sinungaban nila. Syempre biro lang.
Napatingin ako sa hawak-hawak n'yang chocolate cake na sigurado akong mas mahal pa sa panty ko!
Nawala tuloy ang busangot na nakapaskil sa pisngi ko at abot taengang kinuha ang cake na iyon at sinuri ang design.
“Where's my thank you?”
Nag-giggle ako sa sobrang saya! “Love you na talaga!” Dali-dali kong niyakap s'ya sa braso.
Sa braso lang dahil hawak ko ang cake, eh.
“Damn. I said where's my thank you but instead I received love you from you.” Mukhang di maintindihan ang itsura n'ya kung ngingiti ba s'ya o pipigilan n'ya ito. Di pa sabihin na kinikilig s'ya!
“Gusto mo bawiin ko?” nakapameywang kong tanong dito at inilapag sa lamesa ang cake.
Umiling ito at ito na nga ngumiti na s'ya sa pangalawang pagkakataon!
“I have a favor,” bigla nitong sabi.
Gosh! Binigyan ako ng cake kasi may favor s'ya! Hmp!
Napa-flip hair ako rito sa inis. “Ano?”
“Can you hug me while saying how much you love me?” 'Di ko naman s'ya love, ah.
Napatitig ako dito. Anong kinain nito at mukhang sinapian ng engkanto? Yayakapin s'ya? Ayaw na ayaw pa naman n'ya 'yan, ah!
Mukhang kawawa naman s'ya, eh kaya sige pagbigyan na 'tin!
Lumapit pa ako ng konti rito at dahan-dahan s'yang niyakap na kaagad naman n'yang tinugunan.
Sasabihin ko 'bang mahal ko s'ya? Bakit bigla na lang n'ya naisip 'yon? Hindi ko naman s'ya mahal dahil gusto ko pa lang s'ya. Magkaiba kasi 'yon, eh. Gusto n'ya ba ako?
“Gusto kita..” Imbes na sabihin kong mahal ko s'ya, sinabi ko lamang na gusto ko s'ya. Nakakahiya kayang ulitin iyon!
“Gusto mo ako?” Humiwalay s'ya sa yakap at tinignan ako. Nakangiti pa 'rin ito at mukhang masaya pa s'ya, ah.
Dahan-dahan akong napatango rito nang ikinangiti pa n'ya ng sobra. May sira na s'ya!
“So? Tayo na?” tanong nito.
Taka naman akong napatingin dito. “Hey, asa boy. Gusto lang, hindi mahal. Sus!” Ano s'ya sinuswerte?
Napakamot naman ito sa batok, nahiya si Bebe ko.
“I'll court you then,” sambit nya.
“Of course, Mr. Vise President. Ligaw first bago shupshup labi!”
“Shupshup?” taka nitong tanong.
“Kiss ba, Hans! Hay naku!” Mukhang nasa makalumang panahon pa ito si Hans sa sobrang eng-eng.
Nakangisi na naman ito. “Okay, I am willing to wait for you.”
Sobrang saya ko 'nang sabihin n'ya iyon! Gusto ko pa lang s'ya kaya ayaw ko muna tanggapin ang pagmamahal n'ya. Ano ako easy to get? Never!
Grade 10 na kami 'nang mangyari ang Wedding Perform namin. At 'don na mismo nagsimula ang lahat, nagsimula s'yang manligaw at hindi nagsawang pasayahin ako.
Pilit ko naman hinuhukay sa 'king puso ko kung mahal ko na ba s'ya? Di pa 'rin ako sigurado dahil bago pa lamang ako sa ganito. Paano nga malalamang mahal ko s'ya? O mas magandang paanong magmahal?
Umabot ng isang linggo na niligawan n'ya ako. Pinipilit na nga ako ng mga kaklase ko na sagutin ko na 'raw s'ya. Paano ko sasagutin, eh 'di pa ako sigurado?
Sabi ni Mama, wag 'raw ako magpadalos-dalos sa desisyon kung hindi pa sigurado. Di ako sigurado sa kan'ya kaya hindi ko s'ya sinagot.
Wala ngayon si Hans, absent s'ya at sinabi n'ya iyon kagabi sa 'kin. Malamang tinext n'ya ako, hindi naman kailangan, eh.
Napagtanto kong napadaan na pala ako sa office ng SSG officers. Saglit akong tumigil sa harapan at inisip kung nandito ba ang president. Ilang araw na rin pala simula nang makita ko s'ya at hinila kung saan.
Matapos ko s'yang hinila no'n ay iniwan ko na lang s'ya na parang aso. Pero syempre biro lang na parang aso s'ya. Sunod ng sunod sa 'kin kaya ayan, eh.
Napahinga ako ng maluwag at napagpasyahan na kumustahin s'ya kahit hindi naman dapat. Bigla ko lang s'ya naisip sa 'di malamang dahilan. Aaminin kong na-miss ko na ang kan'yang masingkit na mata.
“Ano na naman ang ginagawa mo rito?” rinig kong malalim na boses mula sa 'king likuran dahilan para lumingon ako rito.
Saglit akong natigilan at kalaunan naman ay bumalik sa katinuan. Umiwas ako ng tingin.
“Titignan ko lang kung may kababalaghan na naman 'bang nangyayari rito. Gusto ko lang takpan ang inosente mong mata,” sagot ko at sinilip s'ya sa peripheral vision ko.
Pinag-krus n'ya ang kan'yang braso sa harapan ng dibdib at mapaglarong ngisian ako. “Paano mo nasabing inosente ako?”
Nag-isip naman ako. “Dahil... 'Yon ang balita sa campus?” pa tanong ko 'pang sambit at ngiwian s'ya.
'Di makapaniwalang inilingan n'ya ako. “Hindi ako gano'n ka inosente, Miss Sanchez. Binata na ako kaya malamang may ideya na ako tungkol sa kababalaghan na sinasabi mo.”
Fake news din pala mga tao rito. Sana pala inaya ko na lang s'yang manood ng kababalaghan pero syempre, again biro lang. Hindi ako gano'n katanga kahit tanga naman talaga ako minsan.
“Gusto mong pumasok?” tanong n'ya, binuksan n'ya ng maluwag ang pintuan at unang pumasok sa loob.
Napalunok ako ng sariling laway. Iba na ang iniisip ko ngayon, baka may mangyari sa 'ming kababalaghan. Hayst! Ang wild ng isip ko.
'Di ko alam kung excited ba akong pumasok o kinakabahan lang talaga. 'Di ko na lang pinahalatang may iba akong iniisip. Divert your attention, Lexi! Naks! English 'yon.
Umupo s'ya sa kan'yang trono kuno. Malawak ang office nila, may isang malawak din na lamesa na nasa gitna. Sigurado ako rito rin sila nagme-meeting. Alangana naman sa labas 'no.
Umupo ako sa kan'yang tabi. Siguro secretary ang nakaupo rito. Di'ba gano'n naman dapat? Ang bobo ko talaga.
Sumandig s'ya sa kan'yang inuupuan at tinignan ako na tagos kaluluwa. Umiwas naman ako ng tingin at nagkunwaring nililibot lamang ang tingin sa loob ng office.
“Ano pala pangalan mo? Kilala mo ako tapos ikaw 'di ko kilala,” simula n'yang sambit dahilan para mapatingin ako sa kan'ya.
Tinaasan ko s'ya ng kilay kahit hindi naman dapat. “Hindi ko rin alam ang pangalan mo. At saka, kung 'di mo alam ang pangalan ko, bakit alam mo 'yong surname ko?” Loko rin 'to, ah.
Tinuro n'ya ang banda sa dibdib ko. Mabilis kong tinakpan ang aking flat chested. Bastos talaga!
Natawa s'ya sa 'king ginawa at inulit ulit n'yang tinuro ang dibdib ko. Umatras ako na para 'bang may gagawin s'yang masama sa 'kin.
Humagalpak tuloy s'ya ng tawa sa 'king ginawa. “Hindi ako bastos! Grabe ka naman kung makahusga,” tawa n'yang sambit. “Nasa uniform mo ang iyong surname.” Tinuro ulit n'ya ang banda sa dibdib ko na name tag, tanging surname lang pala nakalagay rito.
Nahiya naman ako sa 'king ginawa at inalis ang aking kamay sa dibdib. Taas noo akong tumayo sa pagkakaupo at umikot ng lakad sa kan'yang office. Hindi ko kakayanin na makausap s'ya ng gano'n kalapit.
“Lexi Marie ang aking pangalan. Hindi kita kilala kaya magpakilala ka.” Tuloy-tuloy lang ako sa pagtingin-tingin sa bawat sulok ng kan'yang office.
Rinig ko ang pasinghal n'yang tawa. “Hindi mo talaga alam pangalan ko?” 'di makapaniwalang tanong n'ya. “Alam mong president ako pero f*ck— you're unbelievable.”
Magsasalita sana ako nang bigla kaming may narinig na ungol. Nagkatinginan kaming dalawa at mas lalong lumakas ang ungol. Nasa Cr banda!

Komento sa Aklat (6)

  • avatar
    Nokcal ZyeCan ZueZan

    Nice story

    14/08

      0
  • avatar
    Hanifa U Pendilang

    Nice

    02/08

      0
  • avatar
    Avryl Caubang

    ang kwentong ito ay maganda dahil nakaka tulong den ito sa atin para sa pag babasa

    24/12

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata