logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 02

“Lexi Marie Sanchez and Hancel Manalo, have you come here to enter into Marriage without coercion, freely and wholeheartedly?” tanong ni Leonel sa amin dahil nga s'ya ang Pari.
“Yes.” Di ko alam kung na bo-boringan ba s'ya sa kasal na ito dahil wala itong reaksiyon man lang.
“Yes, Father!” masigla kong sagot na ikinahiyaw ng mga kaklase ko sa likuran lang namin.
Lumingon ako sa kanila at nagpa-cute face rito na ikinatawa nila. Actually, sila 'yong gagawing mga Tita at Tito and the rest ay bisita na.
“Are you prepared, as you follow the path of Marriage, to love and honor each other for as long as you both shall live?” tanong ulit ni Father.
Kinurot ako ni Hancel sa hawak-hawak nitong kamay ko kaya napa-aray ako. 'Di naman masakit, nag-iinarte lang kasi ako!
Nilingon ko s'ya at bumungad kaagad sa 'kin ang suplado nitong mukha. Pinandilatan n'ya ako ng mata. Parang sinasabi n'ya sa 'kin na focus ako sa marriage na ito. Tsk!
Nakibat-balikat lamang ako sa kan'ya at tinuon na ulit ang pansin kay Father kuno.
“Yes, Father,” sabay-sabay naming sagot. Kinilig tuloy ako!
Talaga 'bang ginusto rin n'ya ito? Oh my! Ang swerte ko naman! Dagdag ganda ko ngayon dahil hawak-hawak n'ya kamay ko.
“Are you prepared to accept children lovingly from God and to bring them up according to the law of Christ and his Church?”
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Leonel. “Bakit nasali dito ang anak natin?!” Tirik-mata akong napalingon kay Hancel na ngayon ay 'di na maintindihan ang mukha. Parang konti na lang ang pasensiya n'ya sa 'kin.
Nagtawanan na ulit ang mga kaklase ko. “Kahit kailan ka talaga, Lexi, panira!”
“Damn,” nasabi lamang ni Hansel. Grabe naman s'ya, damn talaga? Pwede 'bang f— wag na nga lang.
Ilang seremonyas pa ang sinabi ni Leonel at sa kalagitnaan ng seremonyas n'ya ay wala akong ginawa kundi magpatawa sa kaklase ko. Tinaas ko rin ang magkahawak kamay namin ni Hancel sa ere at sinesenyasan sila na 'Holding hands kami mga classmate!'
Ito namang si Hancel panira minsan sa trip ko, halos pisilin na n'ya ang kamay ko. Di naman n'ya ako sinasaktan 'no! Oa ko lang talaga kaya gan'on. Paanong sasaktan n'ya ako, eh, ikakasal na nga kami, oh! Mahal n'ya ako!
Kailan kaya ang tunay na kasal namin? 'Di tuloy ako makapahintay!
Magkaharapan kami sa isa't-isa ni Hancel. Kinilig tuloy ang mga kaklase ko. Syempre dapat 'di ako magpahalata 'no!
Itinapat niya sa 'kin ang singsing. Di ko nga alam kung magkano ang singsing na hawak-hawak n'ya, eh. Kanya-kanya kasi kami bili ng singsing.
“I give you this ring as a symbol of my love and faithfulness. As I place it on your finger, I commit my heart and soul to you. I ask you to wear this ring as a reminder of the vows we have spoken today, our wedding day,” saad nito at isinuot sa 'kin ang singsing. Tinignan n'ya ako sa mata at ngitian! Sh*t!
Ang ganda ng speech ni Hancel bebe ko. Huhuhu, kumusta naman kaya akin?
“Through this ring, I accept you as my husband, now and for all time.” Nakangiting isinuot ko ang singsing na binili ko lamang sa palengke. Gagi, nakalimutan ko kasing bumili sa jewelry shop tapos kanina ko lang natandaan.
Sarado pa kasi ang jewelry shop kanina kaya sa palengke na lang ako bumili sa sobrang pagmamadali ko.
Napanguso na lamang ako, mukhang nagustuhan naman ni Hancel ang singsing kahit halatang fake naman iyon. Napatingin ako sa singsing na bigay n'ya. Gagi, mukhang sa jewelry shop 'to, eh!
Napansin siguro ni Hansel na nakanguso ako. “What's on your face, huh? You want a kiss already?”
Gulat naman akong napatingin dito. Namula tuloy ang pisngi ko sa sinabi n'ya!
Hinampas ko ito sa balikat pero tumawa lang s'ya. “Hindi 'no! Hmp!” Nakasimangot ako. “Sorry, nakalimutan ko kasing bumili sa jewelry shop. Ayan tuloy sa palengke na lang.”
Napabuntong hininga s'ya at hinawakan ang pareho kong kamay. Napatingin tuloy ako sa kamay namin.
“It doesn't matter, okay? Besides, I love this ring.” Itinaas n'ya ang singsing n'ya at ngitian ako ng matamis-tamis. Mas matamis pa sa expired na chocolate n'yo! Just kidding!
Napa-giggle tuloy ako. Wag kayo! Ako lang pwede mag-giggle dito!
“Do you take Lexi Marie Sanchez to be your wife? Do you promise to be faithful to her in good times and in bad, in sickness and in health, to love her and to honor her all the days of your life?” Si Leonel.
“I do,” walang paligoy-ligoy na sagot ni Hancel. Sure ka na bebe ko? Walang atrasan?
Napatingin sa 'kin si Leonel. “Do you take Hancel to be your husband? Do you promise to be faithful to him in good times and in bad, in sickness and in health, to love him and to honor him all the days of your life?” tanong n'ya.
Faithful? Hala! Di pa naman ako stick to one! Anong isasagot ko? Dapat honest ako 'no!
“Tagal mo, Lexie!” sigaw ni Bestie na taba.
Kunwari nag-iisip ako kahit wala naman akong isip. “Marami akong collection ng mga asawa, eh. Paano 'yon Father? Huhu—”
“Aist! Just f*cking say 'I do' ! Damn it.” Galit ka Hancel? Galit? Itigil ang kasal na ito!
“Hehe, I do po,” nasabi ko lamang. Takot ako kay Hancel ano ba! Tawag dito blackmail!
Napakamot na lamang si Leonel sa noo. Kanina pa kasi kami pasaway ni Hancel. Sorry naman, Father.
“Go now in peace and live in love, sharing the most precious gifts you have– the gifts of your lives united. And may your days be long on this earth,” saad nito at hinarap si Hansel na ngayon ay nakangisi na. Hala! Ano 'yan!?
“I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride.”
Nanlaki ang mata ko nang hawakan ako sa bewang ni Hansel at hinila papalapit sa kan'ya. Kaya naman pala nakangisi s'ya dahil may binabalak!
Inilapit nito ang mukha sa 'kin at konti na lang ay mahahalikan na ako! Napaduling tuloy ang mata kong nakatingin sa kan'ya sa sobrang lapit.
Napailing s'ya. “Nah, I won't kiss you without your permission. I'll just kiss you if we end up together,” sabi nito at hinalikan lang ako ng mabilis sa ilong ko.
Tulala naman ako pagkatapos n'yang gawin iyon. Gosh! Magpapahanda na ba ako sa sobrang haba ng hair ko?!
Naghihiyawan lamang ang mga kaklase namin at napapasayaw sa gitna. Agaw pansin tuloy sila sa mga estudyanteng nakatingin sa 'min.
“Wala sa script na hahalikan mo s'ya sa lips o saan man parte ng mukha n'ya, Hancel.” nakangisi ng nakakaloko tuloy si Leonel at bumaba sa kinatatayuan nito at lumapit sa 'min.
Hala! Di ko 'yon nabasa, ah! Sa pagkakaalam ko lang may kiss na scene sa huli dahil 'yon naman talaga, eh!
Perform nga lang ito, Lexie! Gagi ka talaga!
“I don't care,” walang pakialam nitong sambit at inalalayan akong maglakad kahit kaya ko naman. Tsk, tyansing lang talaga s'ya sa 'kin.
“Mabuhay ang pekeng kasal! Haha! Walang forever!” Mukhang nagwawala ang kalagayan ng kaklase kong bitter. Panget kasi ayan iniwan ng jowa n'yang panget din. Biro lang!

Komento sa Aklat (6)

  • avatar
    Nokcal ZyeCan ZueZan

    Nice story

    14/08

      0
  • avatar
    Hanifa U Pendilang

    Nice

    02/08

      0
  • avatar
    Avryl Caubang

    ang kwentong ito ay maganda dahil nakaka tulong den ito sa atin para sa pag babasa

    24/12

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata