logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 5

JARED'S POV
Nasasaktan ako sa mga sinasabi ni Chloe sa akin, lahat ng iyon at tagos sa puso ko. Hindi ko naman kailangan ipakita sa kanya na apektado ako. Gusto kong ipamukha sa kanyang sincere ako sa paghingi ng tawad sa kanya. Na kahit madalas nakakasakit na siya ay kailangan kong tiisin. Darating din kami sa puntong pinapangarap ko at 'yon ay ang mapatawad nya ako. Alam kong mahihirapan ako pero kakayanin ko.
We're here to eat our lunch. Kahit pa man ilang beses ko na silang niyayang kumain, hindi talaga sumasali sa kwentuhan si Chloe. Nanatili lang siyang tahimik na para bang wala siyang kasama. Wala naman magawa si Mikay lalo na ako. Hinahayaan nalang namin siya. I understand her, alam kong hindi pa siya totally moveon sa ginawa ko a years ago.
Hindi nya basta-basta makakalimutan iyon dahil siya ang mas naapektuhan sa nangyari. Kung mayroon man sa amin ang lubos na nasaktan, si Chloe iyon. She's very caring girlfriend tome before. She never let me do the household chores. She always prove on me that she's different from other girl. May pagkamaldita siya pero nakakaya ko naman ihandle ang ugali nyang iyon. No more words can express how lucky I am before cause I have her. Ganon nalang ang pagsisisi ko ng maghiwalay kami.
Kung darating man 'yong tamang panahon para masabi ko sa kanya ang totoo, sana sa panahon na iyon ay tanggapin nya ulit ako. Pero ngayon I need to be more patient. And of course wala akong pwedeng gawin ngayon kundi pakisamahan muna siya. Sa pagiging maldita pa naman nya kasi. Doon yata ako nainlove, sa pagiging defensive nya.
"Hi Miss, I'm Zues, can I have some picture with you?" mungkahi ng isang lalaki na kung susuriin ay may lahi. Napatingin kami lahat ng lumapit siya kay Chloe upang makapagpapicture.
Tumingin siya sa amin. Nagtatanong kung pagbibigyan nya ba ito o hindi. Pero sa huli wala na siyang nagawa pa. Wala namang masama kung makikipagpicture lang siya. Pero, hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko. I get jealous. I don't know why but is there something that I can't explain.
"Yeah,sure.." Usal nya kaya ganon nalang ang tuwa ng lalaki. Kung ilalarawan ko ang lalaki, magkasingtangkad lang kami. Mas maputi nga lang siya kumpara sa akin pero hindi parin nito matatalo ang hubog ng aking katawan. Inshort mas hot pa rin akong tignan.
Tumayo si Chloe sa tabi ng lalaking na si Zues. Tuwang-tuwa ang lalaki sa kanya na para bang bata. Hindi ko talaga maiwasang mainis. Talagang pinapamukha yata ng tadhana na nagloko ako. Nakakaloka na itong nangyayari. Hindi ko kayang makita si Chloe na may katabing ibang lalaki. Gusto ko ako lang!
"Thank you for granting my wish, Miss Beautiful.." Ani ng Zues. Sinusuri ko ang kabuuan nya. Maganda ang katawan nya pero mas lamang talaga ako.
"No problem, it just a simple wish anyway.." sagot naman ni Chloe na napakaformal ng pakikipag usap sa lalaki. Nagkatinginan kami ni Mikay. Nangungusap ang mga mata nyang iiwas ko na si Chloe sa lalaking iyon kaso wala akong lakas ng loob para gawin 'yon.
"So uhmm..do you have a boyfriend?" gulat kami ng itanong ng lalaking iyon kay Chloe. Parang kahit anong oras magkakaroon ng gyera sa pagitan namin ng bugok na 'yan.
Hindi kaagad nakasagot si Chloe. Tumingin muna siya sa amin. Hindi alam kung ano ang isasagot sa tanong na 'yon. Tinignan ko siya ng makahulugan kaso parang walang epekto 'yon sa kanya.
"I don't have.." Tipid nyang sagot kaya napatingin ako sa kanya ng matagal.
Kinakailangan ba talagang ipamukha mo sa akin na nagloko ako, Chloe? Bakit ganito nalang ang epekto sa akin ng simpleng sagot mong 'yon? Hindi ko maintindihan pero nakapatraydor ng isip ko. Sobrang lungkot ko ng isampal nya sa akin ang salitang wala siyang nobyo. Sinampal nya sa akin na nagloko ako kahit sa salita lang. Napakasakit sa pakiramdam iyon.
'Yong taong dating sinasabing swerte siya dahil ako ang kanyang nobyo, ngayon single na.'Yong taong dating ayaw akong mawala, galit na sa akin. 'Yong taong dating ayaw malayo sa akin, halos mapaso na kapag lalapit sa akin ngayon. Ang daming nagbago dahil lang sa isang pagkakamali ko. Pagkakamali ko na balang araw masasabi ko sa kanya ang totoong dahilan kaya ko 'yon nagawa.
"Great! So can you go a dinner date with me tonight?" Zues asked while he has a large smile on his face.
Napatigil na naman kami. Talaga bang nananadya ang tadhana? For real? Sa harapan ko pa talaga nya mismong niyayaya si Chloe? Ang sakit naman nito. Pakiramdam ko sinampal ako ng reyalidad na nagloko ako sa babaeng mahal ko.
"Yeah, sure why not?" hindi ko inaasahan na papayag si Chloe sa alok ng Zues na 'yan. Imbes rin na pumalag si Mikay, parang natuwa pa siya. Minsan hindi ko rin maintindihan si Mikay kung may balak ba syang tulungan ako o wala.
"Niceone! So can I get your number Miss?"
"Ahh..just call me Chloe. Yeah suree.." tugon nito. Binuksan nya ang kanyang shoulder bag saka may inabot sya sa lalaki na calling card.
Tinignan ko ng mabuti si Chloe. Hindi siya ganyan dati. Hindi siya noon pumapayag na may lumapit sa kanyang lalaki dahil alam nyang magagalit ako, pero ngayon wala, nag iba na. Hindi siya noon sumasama sa mga taong kakikilala pa lang nya pero ngayon, pumayag siya ng ganoon kabilis. Nag-iba nga talaga siya.
Masayang nagpaalam ang lalaki sa kanya. Pinakiramdam ko naman siya at pansin kong masaya siya. Magsasalita sana ako ng pigilan ako ni Mikay. Siguro pinupunto nyang hayaan ko nalang ang pinsan nya. Lalo na wala na akong karapatan para kwestyunin ang kanyang desisyon.
Natapos kaming kumain pero nakatitig parin ako kay Chloe. Gusto kong sabihin sa kanya na may mali akong pakiramdam sa lalaking 'yon kanina. Kakikilala palang nila kanina at pumayag na siya kaagad makipagdate. Iba ang pakiramdam ko. Tindig palang noong lalaki, may kutob na akong masama.
Hinatid ko sila sa kanilang kwarto. Sinadya kong papasukin muna si Mikay. Nang makapasok na ito ay hinila ko ang braso ni Chloe saka isinandal sa pader. Nilagay ko ang aking braso sa magkabilang side upang sigurado na hindi siya makakatakas. Nabigla naman siya sa ginawa ko kaya halos magkasalubong ang kanyang kilay.
"Red, no ba! What do you think you're doing, huh?" singhal nya sa akin na pilit kumakawala kaso nagmatigas ako. Hindi ko hinayaan na makawala siya dahil kailangan ko siyang kausapin.
"Huwag kang sumama sa lalaking yun, Chloe.."usal ko.
"Ha!"mapaklang tawa nya. "At bakit naman kita susundin? Sino ka ba para utusan ako ng ganyan?And besides, I dont need your opinion so please let me go.."pagmamatigas pa nya.
"Hindi maganda ang kutob ko sa lalaking 'yon, Chloe. Makinig ka naman sa akin.." pagpupumilit ko.
"Wala akong pakialam! Sarili ko ito kaya labas ka na doon. Hindi kita boyfriend para pangunahan ako sa mga gusto ko. So please stop this bullshit thing, Red. This is not funny anymore!" Singhal nya sa akin ng harap-harapan. Pero, hindi parin ako nagpatinag. Nagmatigas parin ako hanggang sa makumbinsi ko siyang h'wag sumama sa lalaking 'yon.
"Hindi ka naman ganyan dati ah, noon ayaw mong sumasama sa mga taong hindi mo lubos kilala tapos ngayon, wala pang isang oras na kilala mo 'yon, Chloe, pumayag ka na? What's wrong with you now?"
"People change, Red" sagot niya.
"Pero hindi kasali don 'yong tratuhin ako ng ganito, Chloe.." prangka ko sa kanya. Gusto ko nang aware siya na hindi ako natutuwa sa paraan ng pakikitungo nya sa akin.
"Excuse me? For all the bullshit things that you'ved that to me in the past, sa tingin mo tratratuhin kita ng higit pa sa inexpect mo? Ha? Hell no! Sampalin pa ako ng reyalidad na nagsisisi ka, I DONT CARE!" pagdidiin nya sa kanyang mga salita.
Napayuko ako bigla. Nasaktan ako sa mga sinabi nya sa akin. Na kahit daw sampalin siya ng reyalidad na nagsisisi ako ay wala siyang pakialam. 'Yong lahat ng lakas ko ay para bang nalusaw sa mga narinig ko. Sapol ang puso ko sa mga kataga na 'yon. Natahimik ako't hinintay ang mga susunod nyang sasabihin.
"If you're expecting me that I'm gonna forgive you as soon as possible, you're wrong. Mali ka ng taong niloko, Red. You know me already from the beginning.." Ani Chloe't tinapik ang braso ko na nakaharang. Malaya siyang nakalabas sa pagkakakulong sa mga bisig ko dahil naubusan na ako ng lakas.
Narinig ko na lamang na sumara ang pintuan ng kanilang kwarto. Wala na akong nagawa pa kundi mapabuntong-hininga. Naisuklay ko ang daliri sa aking buhok. Sumandal ako sa pader at pumikit.
Akala ko noong una magiging madali, na 'yong salitang paghahabol ay hindi mahirap. Ngayon ramdam ko na ang hirap. Hindi ko yata maipapangako sa sarili kong mapapatawad ako ni Chloe. Sa simpleng harangin ko na kumbinsihin siya ay napunta sa prangkahan. Alam ko naman na pinapakisamahan nya lang ako kasi ayaw nyang may masabi si Mikay sa kanya.
Sa gabi na 'yon ay hindi ako mapakali. Iniisip ko kasi na sasama si Chloe sa lalaki na 'yon na hindi pa nya lubos na kilala. Kaya bumangon ako sa pagkakahinga't naligo. Nagbihis ako dahil pupuntahan ko si Chloe. Hindi ko hahayaan na may gawin si Zues sa kanya na hindi maganda.
Nang matapos akong magbihis ay dumaan ako sa kwarto nila ni Mikay pero ganoon nalang ang paghihinayang ko ng wala na doon si Chloe at tanging si Mikay nalang ang naroon na natutulog. Hindi na pa ako nagsayang ng oras. Pumaroon ako sa kainan nagbabakasali na nandoon sila. Ilang minuto ang ginugol ko bago makarating doon. Inilinga ko ang aking paningin. Hindi ako nahirapan na hanapin sila dahil nasa sulok sila puwesto. Para makapag-abang ay umupo ako sa table na medyo malapit sa kanila.
Nakikita ko kung paano ngumiti at tumawa si Chloe habang kausap si Zues. Nasaktan na naman ako. Hindi kasi ganoon katamis ang ngiti na binibigay ni Chloe sa akin ngayon e. Mas mapait pa yata sa ampalaya ang ngiti nya sa akin.
Pinanood ko lang sila hanggang sa niyaya ni Zues na kumain si Chloe. Hindi ko man naririnig ang kwentuhan nila, alam kong nagtatanong si Zues about sa kanya. Hindi na muna ako kumilos basta pinanood ko lang sila.
Nahulog ang kutsara ni Zues sa ilalim ng mesa kaya pinulot nya ito. Pero ganon na lamang ang aking gulat ng pasimple itong sumilip sa mga legs at binti ni chloe sa ilalim ng mesa. Nakasuot kasi ito ng dress na hapit na hapit sa kanya. Wala manlang siyang kamalay-malay na binobosohan na siya ng gago. Ilang ulit pang sinasadya ni Zeus na ihulog ang kutsara para mabosohan lang si Chloe.
Nakaramdam ako ng inis kaya naman dali-dali ko na silang nilapitan. Hindi kaya ng konsensya kong makitang binabastos nya si Chloe ng ganoong kadali. Makagawa man ako ng gulo dito, mailigtas ko lang siya sa manyakis, okay lang.
"Red, what are you doing here?" nagtatakang tanong ni chloe ng mapansing papalapit ako sa kanila. Hindi ko sinagot ang tanong nya.
"Chloe, lets go.." Saka ko siya hinila papatayo sa upuan. Ganoon nalang ang gulat nilang dalawa kaya naman hinarangan ni Zeus ang dadaanan ko sana.
"Hey bro, what's your problem ha?" inis na wika ng lalaki habang masama ang tingin sa akin.
Ginalaw ko naman ang aking panga. Talagang may gana pa siyang magtanong kung ano ang problema ko.Tsk! Rinig ko kung paano ako sitain ni Chloe pero para akong nabingi.
"Problema ko? Hindi mo alam? Ha?"saka pa ako tumawa ng mapakla. Binitawan ko ang kamay ni Chloe saka kaagad na sinapak ang lalaki sa mukha.
Hindi lang tatlong beses na sinuntok ko ang mukha nya. Sa inis ko kung paano nya bastusin si Chloe ay sinagad ko na. Todo awat naman si Chloe sa akin pero hindi sapat ang kanyang lakas .Nagsilapitan na rin ang mga naroon upang awatin ako.
"Red, tama na ano ba!" sita ni Chloe sa akin na ngayon ay nailayo na ako sa hayup na Zues. Hinahawakan nya ako ng mabuti upang hindi ako makawala. Nakita ko nalang na pumutok na ang labi ni Zues dahil sa pagsuntok ko sa kanya. Itinayo siya ng ilang lalaki dahil bahagya siyang nanghina sa ginawa ko.
"Fuck you! Paano mo nagagawang magmala-anghel sa harap ng babae kung palihim mo palang binabastos? Akala mo siguro walang nakakita sa kalokohang ginawa mo ha?Tsk!" bulyaw ko rito at wala akong pakialam kung sino man ang makarinig.
"What are you talking about?"
"Aba! Nagdedeny pa ang gago!"singhal ko. Akma ko siyang susugurin ng may umawat sa akin na ilang kalalakihan. Pilit akong inilalayo para hindi ko na ulit siya masapak.
"Sir, tama na po..." pakiusap ng isang lalaki at kung hindi ako nagkakamali ay isa itong staff ng barko.
Tinulungan nilang itayo si Zues upang madala sa clinic. Binitawan na rin ako ng mga kalalakihan kaya humarap ako kay Chloe na noon ay masama na ang tingin sa akin. Umiling siya't tinalikuran ako. Sinundan ko naman siya hanggang sa labas.
"Chloe, let me explain.." usal ko habang sinusundan siya papalabas ng kainan. Pero ganoon pa rin ang ginawa nya, para siyang walang narinig.
Patakbo akong lumapit sa kanya hanggang sa mahawakan ko ang kanyang braso. Hinarap naman nya ako at sa hindi inaasahang pagkakataon ay sinampal nya ako ng sobrang lakas. Halos mapatingin pa ako sa gilid dahil sa lakas noon. Naramdaman kong kumirot ito kaya hindi kaagad ako gumalaw.
"Ano ba talagang gusto mo, Red?! Ha? Ano masaya ka na kasi nasapak mo na si Zues? Ano masaya ka na? Nanalo ka na eh! I don't understand why you need to do all of this! Wala akong makitang dahilan para maging ganyan ka, Red! Imagine, sinapak mo nalang bigla si Zues ng walang kalaban-kalaban. Gusto ko lang sabihin sayo na mali ka ng iniisip tungkol sa kanya. Mali ka!" Depensa nya kaya humarap ako sa kanya.
Hinaplos ko ang aking panga saka umiling. Tumingin ako sa malayo upang makontrol ang emosyong namumuo dito sa aking dibdib.
"Ako pa talaga 'yong mali?"
"Of course you are!" Duro pa nito.
"Tsk! Sabagay wala ka palang kaalam-alam kanina.."
"What are you talking about?"nakunot ang kanyang noo.
"'Diba hindi mo namalayan kasi nagpakampante ka base lang sa pinakita nya sayo. Nabilog nya ng ganoon kabilis 'yang utak mo, Chloe. Ngayon tatanungin kita kung mali ba sa part na sinapak ko sya dahil binastos ka nya kanina?"
"..."hindi nya ako sinagot bagkus nagulat nalang siya sa sinabi ko. Hindi nya akalain na ganoon ang sasabihin ko.
"Oo, binastos ka nya ng hindi mo namamalayan. Na kunwari nahulog 'yong kutsara para makita lang lahat ng nasa baba mo.." Bahagya kong dinuro ang kanyang mga legs.
Hindi pa rin nya ako sinagot. But, this time, napatakip na siya sa kanyang bibig sa gulat. Hindi nya siguro akalain na magagawa ng lalaking akala nya mabait. Hindi ko na pa siya hinintay na sumagot pa. Tumango na ako't tinalikuran na siya. Alam ko naman na kahit concern ako sa kanya ay ako pa rin ang mali. Na kahit ipakita ko sa kanya na nagsisisi na ako, hindi pa rin siya naniniwala. Ang hirap nang iparamdam sa kanyang nagbago na ako. Masyado kasi siyang manhid para hindi maramdaman ang mga iyon.
Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko papalayo sa kanya ay narinig ko nang nagsisigawan ang mga tao.nAng ilan ay nagtatakbuhan kaya naman kinabahan ako bigla. Sa takot kong baka mabangga nila si Chloe ay binalikan ko siya't hinapit sa beywang. Naguguluhan din siya sa mga nangyayari. Ang dami ng tao na nagtatakbuhan. Gusto ko mang magtanong pero hindi ko magawa dahil nagsisitakbuhan talaga ang mga tao.
"What's happening?" kabadong tanong ni Chloe sa akin na kapit na kapit sa aking braso. Hindi na namin inisip ang nangyari kanina, ang importante ay malaman namin ang totoong nangyayari.
"I dont know.." sagot ko at nagkibit-balikat.
Naglakad pa kami upang malaman ang dahilan kung bakit nagtatakbuhan ang mga tao. Naguguluhan kami parehas ni Chloe kaya ramdam ko ang takot nya base sa pagkakayakap nya sa isang braso ko. Pero, paakyat na sana kami ng hagdanan papunta sa floor kung saan ang kwarto namin ay pinigilan kami ng isang lalaki. Kung tutuusin galing din siya sa floor namin.
"Huwag na kayong tumuloy, may sumabog sa ikalawang palapag kaya nagkasunog baka mayamaya lamang ay buong barko na din ang sasabog. Mamatay na tayong lahat!" Paliwanag ng mama kaya kinabahan na ako. Nagsitaasan ang aking balahibo sa aking narinig.
"Si Mikay!" usal ni Chloe kaya naman patakbo na siyang humakbang pero pinigilan ko siya.
"Chloe, tara na. Sasabog na 'tong barko!" pilit kong wika habang hinihila siya sa braso kaso nagpupumiglas siya.
"Red, si Mikay naiwang tulog kanina sa kwarto iligtas natin sya.." depensa nya at akmang hahakbang ito nang niyakap ko siya't binuhat pero ilang dipa lamang ang layo ng nilakad ko ng buhatin siya ay nabitawan ko siya.
Nagulat kami ng may pumutok sa ilang parte ng barko na kung nasaan kami. Kinabahan na naman ako. Kaya ginawa ko ang lahat para kunin na si Chloe upang makaalis na kami kaagad dahil delikado kami.
"Chloe, tara na sasabog na 'tong barko. Ano ba!" Sigaw ko sa kanya dahil sa kaba. Nanginginig pati ang bibig ko sa mga nangyari.
"Red, si Mikay iligtas natin please..." humihikbi na siyang nagmamakaawa sa akin pero kaligtasan namin ang iniisip ko. May ilang piraso ng kisame na din ang nagsibagsakan sa pwesto namin at buti ay nakailag kami pareho.
"Umalis na kayo rito kung gusto nyo pang mabuhay!" Sigaw ng isang babae na galing din sa taas. Patuloy pa rin si Chloe sa paghikbi dahil sa kaibigan. Pero, wala na akong nagawa pa kundi buhatin na siya.
Im sorry, Mikay.
Natakot na ako kaya naman patakbo na ang aking ginawa makaalis lang kami sa barko na 'yon. Sinuntok-suntok ni Chloe ang aking likuran pero hindi ko na iyon pinansin pa. Gusto ko mang iligtas si Mikay pero hindi ko na ginawa. Pinangunahan na ako ng takot. Alam ko naman na maiintindihan nya ako sa desisyong ginawa. Inisip ko lang ang kaligtasan namin ni Chloe.
Naghanap ako ng pwedeng daanan kaso pahirapan dahil maraming tao. Ang ilan ay nagkakasakitan na dahil nag-aagawan sila sa life vest. Ang kalahati ng barko ay nakalubog na kaya puro iyakan ang maririnig sa paligid. Nakaramdam ako ng takot nang sumagi sa utak ko kung mabubuhay ba kami ni Chloe pagkatapos nito o hindi na. Kung isa sa amin ba mabubuhay o matutuluyan na.nPero, kapag hindi man, sana mapatawad nya parin ako sa lahat ng aking nagawa.

Komento sa Aklat (3)

  • avatar
    Ciera Maraguinot

    mahal

    18/05

      0
  • avatar
    LJ Villaceran Pasaylo

    good author

    27/03/2022

      0
  • avatar
    Harren Jay

    nu gvbb

    19/02/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata