logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 4

CHLOE'S POV
"Sabihin mo nga sa'kin, Mikay, ikaw ba ang nag-utos kay Red na sundan ako?" tanong ko sa aking kaibigan ng makabalik kami sa aming kwarto.
Hindi ko na pa mapigilan ang inis na aking nararamdaman. Para akong bulkan na kahit anong oras ay sasabog na. Masyado akong ginalit ni Red sa hindi malamang dahilan.
"Grave ka naman mambintang, bes. Pero yeah, ako ang nag-utos hihihi..." Pang-aamin nya kaya naman binato ko sa kanya ang unan na nahawakan ko sa aking left side. Naupo kasi ako dito sa malambot na kama.
"Mikay, naman e." Nasapo ko ang aking sentido. Imbes yata na mawala ang stress ko ay madadagdagan dahil narito si Red. Hindi ko inakala na ganito ang mangyagari. Sana pala hindi na ako sumakay ng barko. Gosh!
"Bakit na naman? Sasabihin mo na naman bang matabas ang dila ko? Aba! kasalanan ko bang masyado akong masaya dahil nakita natin ang ex mo.." depensa niya at hinawi pa ang buhok na nakaharang sa kanyang mukha.
"Ewan ko nga ba sa'yo, alam mo na nga kung ano ang nangyari sa'min, gumagawa ka pa ng kalokohan." Nakasimangot kong tugon. Pwede naman na umakto na lang siya kanina na hindi niya nakita si Red. Edi sana hindi ako nastress ng ganito. Psh!
"Kalokohan ba ang tawag doon? Hindi ba pwedeng i-entertain ko lang si Red dahil I know naman na hindi mo 'yon gagawin .." wika nya.
"At nag-isip ka pa ng palusot mo, ha? Sus!"
"Hoy bruha! Hindi ako nagpapalusot ah, Im just saying the truth. Kung may balak kang i-entertain siya, pwes, bakit hindi mo ginawa?" Pinagtaasan ako ng kilay.
Natahimik ako. Oo nga, bakit nagpadala naman yata ako sa galit ko. Nagmukha tuloy affected ako sa breakup namin. Eh sa naiilang ako e. Alangan naman yakapin ko siya na para bang hindi ako niloko. Psh!
"See, natahimik ka. 'Yan kasi ang mahirap sa'yo e, pinapangunahan ka ng galit ayon tuloy nagmukha kang affected pa rin. Bes, sana naman nakipagplastikan ka nalang. Kunwari moveon ka na para hindi ka sana nahalata. Masyado ka kasing maarte e.." wika nya't sinuklay ang buhok.
Natahimik ulit ako. Bakit hindi ko manlang naisip ang mga iyon bago ako kumilos kanina. Ayon tinuloy nalaman nyang affected pa rin ako. Jusmiyo naman! Hindi kasi ako makaisip kaninang naramdaman ko na ang presensya nya. Nablangko ang utak ko at hindi makapag-isip ng maayos kanina.
Matapos naming mamasyal ni Mikay ay naisipan na naming magpahinga. Kaya naman nagkulong na kami sa kwarto nanood nalang kami. Nagpahatid na din kami ng dinner upang hindi na kami lumabas pa. Kumagat ang dilim pero nandoon parin kami sa kwarto. Hanggang sa lumalim ang gabi ay hindi na kami lumabas pa. Naligo na ako upang matulog na. Nag-abala akong patuyuin ang buhok ko gamit ang blower. Nakatulog naman ang kasama ko dahil sa busog. Hindi lang yata isang putahe ang tinikman nya kaya nabusog kaagad. Okay na din kung natulog siya para naman walang maingay. Nakakarindi kasi ang bunganga nya daig pa nya ang announcer sa radio.
Hindi pa ako dinalaw ng antok kaya naman naisipan kong lumabas. Nagsuot ako ng pares na pantulog saka naglagay ng pabango sa aking katawan. Naisipan kong magpahangin muna para dalawin ng antok.
Naglakad lakad ako habang nakatanaw sa lawak ng karagatan. Tanging sinag ng buwan ang nagsisilbing liwanag sa kapaligiran ng dagat. Napakalamig ng simoy ng hangin kaya naman napapapikit pa ako. Nakakarelax iyon kaya namalagi pa ako doon ng ilang oras.
Kaya naman pala gusto ni Mikay na sa barko kami sumakay dahil paborito nyang tanawin ang dagat. Nakakaaliw kasing tignan lalo na siguro pagmatirik ang araw. Maganda din itong pagkuhanan ng litrato lalo na mahilig ang isang 'yon sa pagselfie.
Humikab na ako kaya naman naisipan ko ng bumalik sa kwarto. Napakrus pa ako ng braso dahil sa lamig na nararamdaman. Nakakaginhawa sa pakiramdam iyon kaso hindi ako sanay masyado sa malamig.
Tinignan ko ang aking relo na suot at malapit ng maghatinggabi. Babalik na sana ako sa kwarto namin nang mapahinto ako. Napatigil ako at hindi na naman alam ang gagawin. Guess what, makakasalubong ko si Red na sobrang laki ng ngiti. Bumungad ang bulto nyang nakasando at half pants na pinaresan nya ng tsinelas. Nakapamulsa sya't dahan-dahang lumapit sa gawi ko kaya naman binalik ko sa dagat ang aking tingin na kunwari hindi ko siya nakita.
Kung minamalas ka nga naman. Mukha yatang nagiging madalas na 'yong pagkikita namin ngayong araw. Hindi na ako natutuwa. At wala akong rason para matuwa pa sa mga kinikilos nya.
"Hindi ko alam na nandito ka ha, baka isipin mo na naman sinusundan kita.." ani nya't puwesto sa left side ko. Tumikhim ako dahil sa usal nya. Tsk! Pakialam ko sayo!
Hindi ako sumagot basta nalang ako tumingin sa dagat na kunwari hindi siya narinig. Ayokong makipasmalltalk sa kanya. Wala akong panahon para makipagplastikan pa. Naiinis ako sa presensya nya kung alam nya lang. Hindi ba nya naiisip na hindi ako komportable kapag ganitong nagkikita kami? Pwede naman nya siguro akong iwasan 'diba? Bakit hindi nya gawin para naman kahit papaano matuwa ako. Psh!
"May nanligaw ba sa'yo no'ng naghiwalay tayo?" hindi ko inaasahan na tatanungin nya sa akin iyon. Halos malagutan pa ako ng hininga sa pagkabigla.
Ano naman pumasok sa kokote nya para itanong 'yon sa akin? Ano to survey? Tsk! At anong pakialam nya sa akin gayong hiwalay na kami? Kalokohan.
"Tsk! Sino ka ba para malaman pa ang tungkol sa bagay na iyan? At anong tingin mo sa'kin malandi? Pagkatapos lokohin, kekerengkeng na agad, ganon ba?"singhal ko sa kanya.
"Sino ako? Ako lang naman 'yong boyfriend mo.." dahil sa usal nya ay hinarap ko siya. Tumaas pa ang aking kilay sa sinabi nya. Hindi ko akalain na ganito kakapal ang mukha nya para iopen ang topic na 'to sa akin.
"Ha!"mapaklang tawa ko. "Boyfriend? Hoy! Para sabihin ko sa'yo, hinawalay na tayo. Saka pwede ba, layuan mo na ako't hindi ako natutuwa sa presensya mo.." pagsusungit ko sa kanya. Ibinalik ko ang aking tingin sa dagat. Inis na inis ako sa ngiting pinapakita nya sa akin. Para ba siyang nananadya sa mga ngiti nya.
"Pumayag ba ako no'n? As far as I remember, ikaw lang noon ang nagdedesisyon mag-isa.." wika nya't pinagkrus na ang mga braso.
Hinarap ko siya at tinignan mula ulo hanggang paa."Ang kapal din ng mukha mo,no? Grabe! Anong kinain mo't nagagawa mo pang sabihin ang mga iyan sa harapan ko? Payag ka man o hindi non, talagang hihiwalayan kita. Don't assume to much.." inirapan ko pa siya.
Wala akong pakialam kung mainsulto siya basta ako nagsasabi ng totoo. What did he expect, mananatili pa ako sa kanya pagkatapos ng panloloko nya sa akin? Get lost! I dont need a cheater boyfriend. All I need is peace and freedom.
"Hindi mo ba talaga ako mapapatawad, Chloe? Kahit mamatay ako? Kahit tumalon pa ako ngayon sa dagat?" pag iinarte nya at napabuga ako ng hangin. Hindi na uubra sa akin ang mga ganyan.
"Kahit tumalon ka wala akong pakialam. "
"Chloe.."
"Red, please, leave me alone. Im almost tired so just please, stop it. I hope you'll understand.." pakiusap ko. Hindi ko na pa sya hinintay na sumagot. Tinalikuran ko na siya't bumalik na sa aming kwarto.
Yakap-yakap ko ang aking braso habang naglalakad. Kung gaano kalamig ang simoy ng hangin, gusto ko ganoon din kalamig ang pakikitungo ko kay Red. Ayoko ng closure mula sa kanya. At hindi ako papayag na magkrus ulit ang mga landas namin. Hangga't kaya kong umiwas, gagawin ko. This is for my own good. Wala akong ibang hangad kundi katahimikan. Katahimikan na magdadala sa akin sa kapayapaan.
Pero habang naglalakad na ako papalapit sa aming kwarto ay may nararamdaman akong tao na sumusunod sa akin. At hindi na ako magugulat kung sino iyon. Bakit nakalimutan ko yatang makulit pala ang isang Jared. Hindi uso sa kanya ang salitang "lubayan". Hanggat kaya nyang mangulit, gugugulin nya talaga ang oras nya para dito.
Napahilamos ako ng mukha gamit ang aking palad. Huminto ako't hinarap siya na seryosong-seryoso na nakayukong naglalakad. Napahinto na din siya dahil sa kinilos ko't tinignan ako ng diretso sa mata.
"At nagawa mo pa talaga akong sundan no? Ha?! Grabe Red, mas makapal pa iyang mukha mo kesa sa encyclopedia. Tsk!" Pagpapahiya ko sa kanya. Ganoon nalang ang gulat ko ng binigyan nya ako ng nagtatakang tingin.
Tsk! Magaling talagang magpalusot ang isang 'to. Kala nya siguro madadala nya ako sa mga pagpapainosente nya ah. Nakalimutan nya yatang magaling akong kumilatis ng tao base lang sa kilos nito.
"What are you talking about?" nagtatakang tanong nya. Nababasa ko naman na totoo iyon pero hindi nya lubos nakuha ang tiwala ko.
"Naku! H'wag mo akong drinadramahan ng ganyan, Red. Kilala kita mula ulo hanggang paa kaya hindi mo ako maloloko." dinuro ko pa siya.
"What?"
"Hoy!" linapitan ko na sya't dinuro sya sa mukha ng sobrang lapit. Tumaas ang medyo makapal nyang kilay at kita ko talaga ang pagtataka sa itsura nya.
"Wow naman! 'Yong dating demonyo, naging anghel,'yong anghel naging artista naman. Grabe Red, mahaba-habang transformation ang nangyayari sa'yo ah. Nakakabilib naman masyado..." bahagya pa akong pumalakpak pero hindi parin nagbago ang itsura nya, ganoon parin.
"Wait, hindi talaga kita maintindihan.." Usal niya at naniningkit ang mga mata nito na nakatingin sa akin.
"Ahh, ganoon ba? Sige, ipapaintindi ko sayo ha? Sa kapal ng mukha mo, hindi ka pa natinag sa mga letseng lumabas sa bunganga ko kanina kaya naman ang lakas pa ng loob mong sundan ako hanggang dito.." Paliwanag ko.
"HAHAHHAHA!" naigalaw ko ang aking panga ng marinig ko ang pagtawa nya. Nakita ko paano ang pagtawang ginawa niya sa akin kaya naman umayos ako ng tayo't pinagkrus ang mga braso. Anong nakakatawa sa sinabi ko, totoo naman talagang sinusundan nya ako e. Abnormal.
"Funny. Tsk!" asik ko't inirapan siya.
"Tignan mo nga naman, sa sobrang assumera, inakalang sinusundan ko siya," saka pa siya tumawa kaya nainis pa ako lalo. "Excuse me, Miss Tuazon, let me remind you na hindi kita sinusundan dahil ayon ang kwarto ko oh.." saka nya dinuro ang silid na katabi ng sa amin. Halos malaglag ang aking panga sa sinabi nya.
Ibig nyang sabihin? Shit! Nakakahiya. Bakit nag-isip kaagad ako ng ganon? Malay ko ba kung sinusundan nya ako. Talagang iisipin ko iyon dahil naghahabol nga siya sa akin. Naghahabol nga ba? Ahh basta ganon ang pagkakaintindi ko.
"Sa tingin ko, sa sarili mo dapat sabihin 'yong dont assume to much na usal mo sa'kin kanina." asar nya at nginisian ako ng nakakaloka. Halos mag-apoy naman ako sa galit dahil sa sinabi nya.
Tinapik pa nya ang balikat ko saka tuluyang pumaroon sa sinasabi nyang kwarto nya. Bago nya isinarado ang pinto noon ay binelatan nya ako. Nainis ako naman ako sa ginawa nya. Kaya naman akma ko siyang susugurin ng mabilis nyang isarado ang pinto.
Nakakainis talaga ang lalaking iyon hindi na nahiya. Eh, ako naman kasi itong shunga, hindi manlang nagtanong muna. At bakit sa dinami-dami ng magiging silid nya, bakit sa tabi pa namin siya nilagay? Talaga ba yatang niloloko na ako ng tadhana? Pinaglalapit na kami masyado kaya hindi na ako natutuwa.
Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana hindi na ako nagset ng out of town. This is the worstest out of town ever! Gosh! Nakasama ko ba naman ang isang napakahayup na Jared Manzano sa iisang barko? Pakiramdam ko imbes na mawala 'yong stress ko ay nadagdagan pa dahil sa presensya nya.
Saka lang panatag ang loob ko kapag wala siya't hindi ko sya nakakasama. Pero kapag lumapit na siya, daig pa nya ang kalamidad na kayang sirain ang buong mood ko. Kung kaya ko lang lumangoy, ginawa ko na para makaalis na dito't malayo sa lalaking iyon. Hindi ako papayag na mas higit pa doon ang paglapit na kaya nyang gawin sa akin.
"Uy! Gabi na ba't gising ka pa?" Usal ni Mikay ng magising ito sa mahimbing na pagkakatulog. Nasa iisang kama kami dahil takot pa sya mahiga na walang kasama.
"E, pa'no naman kasi, dyan pala nilagay sa katabing kwarto si Red. Sino ang hindi maiinis. " Padabog akong nahiga.
"For real nandyan siya? Paano mo nalaman?" Nagtatakang tanong niya.
"Nagkita na naman kami kanina.."sagot ko.
Ngumiti siya sa akin nang nakakaloko. Noon ko lang pinakiramdam ang aking sarili. Binigyan na naman nya ng malisya ang pagkikita naming dalawa. Psh!
"Ehem! Anong meron at talagang nagkita pa kayo kanina?" Tukso nito sa'kin.
"E, nagpahangin ako sa labas kanina, sakto pabalik na ako't nakasalubong ko siya. Kahit pa naman iwasan ko, hahabulin pa rin ako no'n." nakanguso kong paliwanag.
"Naks ah! Mukhang magsisimula na naman kayo sa umpisa. Push mo yan teh, maganda yarn.." at tumawa siya ng malakas.
"Tsk!" Singhal ko.
"Choosy pa 'to, tara puntahan natin siya sa kabila.." Anyaya ng kaibigan ko sa akin. Bumangon siya sa pagkakahiga upang yayain ako papunta kay Red.
"Che! Ayoko nga, baka isipin ng lalaking iyon, gusto ko nang makipag-ayos sa kanya.." hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa aking mukha. Pati yata buhok nastress na sa mga nangyayari.
"E, do'n rin naman ang punta non 'diba?" Pilyomg suhestiyon nito sa akin.
"No way! Over my dead sexy body!" singhal ko't humiga na. Gusto ko ng matulog para kahit papaano ay makalimutan ko ang mga mapapait na nangyari sa araw na ito. Ang araw na ito ay puno ng inis at galit ang aking naramdaman. Gusto ko ng itulog para naman marelax na 'tong brain ko.
Ilang beses pa akong kinulit-kulit ni Mikay kaso napagod din noong hindi ako napapayag. Natulog na ako't ganoon din siya. Alam kong gusto nyang gumawa ng paraan para magkaayos kami ni Red. Iba ang pagkakakilala ko kay Mikay, kapag alam nyang deserve pa ng isang tao ng chance, tutulungan nya ito. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit ganoon na lamang ang kinikilos nya.
Nagdaan ang mga araw at ganoon parin ang pakikitungo ko kay Red. Minsan pa nga ay niyayaya nya kaming kumain dahil wala daw siyang kasabay. Kahit ayaw ko ay wala akong magawa dahil kay Mikay. Sumasama nalang ako ng may sama ng loob at tahimik. Puro sila kwentuhan at ako naman busy sa panonood ng kdrama. At kung minsan ay nagtutulog-tulugan ako pero hindi uubra sa kanya dahil hinihintay nyang magising ako. Prinaprangkahan ko pa siya minsan pero parang wala lang sa kanya. Parang hindi siya nasasaktan sa mga masasakit na salitang binibitawan ko. Talaga ngang desperado na siya.
Mas gusto ko pang manood kesa makipagplastikan kay Red. Minsan kinakausap nya ako pero ako itong umiiwas. Hindi ko naman masabi kaagad na sincere ba talaga ang mga sinasabi nya o hindi. Gusto ko lang maging maingat sa ngayon. Mahirap na kung makuha nya ulit ang tiwala ko't sa huli ay lolokohin lang din ulit ako.

Komento sa Aklat (3)

  • avatar
    Ciera Maraguinot

    mahal

    18/05

      0
  • avatar
    LJ Villaceran Pasaylo

    good author

    27/03/2022

      0
  • avatar
    Harren Jay

    nu gvbb

    19/02/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata