logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 6

"Are you busy?"
Pagpasok ko ng apartment ay hindi nanaman ako nilingon ni Lunamalthea na ipinagtataka ko. Tatlong araw na yata siyang ganiyan. Hindi ko tuloy alam kung may problema ba siya o ano.
Tumango lang siya sa tanong ko. Napabuntong hininga naman ako bago pumasok ng kwarto ko. Ayos na kami ni Shantelle at ayaw ko din naman magkaaway kami dahil siya lang ang close ko, mawawala pa.
Nang makaligo ako at makabihis ay agad akong lumapit sa tabi ni Lunamalthea para sabayan siya sa paggawa ng homework. Napalingon siya sa'kin pero agad ding umiwas ng tingin.
"May problema ka ba? Ilang araw ka ng tahimik ah." Tanong ko habang naglalabas ng ballpen.
Umiling lang siya. "Tahimik naman talaga 'ko."
Napalingon ako sa kaniya tsaka natawa kaya napalingon siya sa'kin. "Tahimik ka nga pero kinakausap mo 'ko noon, 'di tulad ngayon."
"Kinakausap naman kita ah."
Namimilosopo ba siya? Hindi na lang ako nagsalita. Mukhang malalim ang iniisip niya. Nagulat na lang ako ng tumayo siya dala dala ang mga gamit niya.
"Saan ka?" Tanong ko kaagad na niligpit din ang gamit ko.
"Sa kwarto ko."
Napatigil ako sa ginagawa at napatitig sa kaniya. Ayaw niya ba 'kong kasama? Nakakaistorbo ba 'ko sa kaniya? Wala sa wisyong ibinalik ko ang gamit ko sa harap at nagbuntong hiningang tumango.
Naglakad na siya papasok ng kwarto. It's weird. I have done with her? May ginawa ba 'kong hindi niya gusto? Masaya naman siya 'nung nakaraang araw?
Tumayo ako at pumunta ng kusina pero walang pagkain. She didn't cook? Bakit ba 'ko umaasa sa kaniya? I can't cook but I'll try my best to cook. Sure akong hindi pa siya kumakain dahil walang platong pinaggamitan at wala ding nabawas na pagkain.
I'll just fried an egg, hotdog and chicken. Ito lang ang kaya ko. Tinuruan niya 'ko magsaing so I did it alone now. Napamura pa 'ko sa isip ng maiwan ko ang itlog at natutong, the fvck. It ends to fail so I need to throw it and fried again. This time, binantayan ko na.
Nang matapos ako ay agad ko 'yun nilagay sa plato para sa amin. Nagtimpla din ako ng juice. Kinatok ko ang kwarto niya habang hawak hawak ang tray na pagkain namin ang lagay. Napakunot ang noo ko ng walang sumasagot.
"Lunamalthea, open this." Utos ko habang kumakatok.
Wala pa ding sumasagot. Triny kong buksan at hindi naman nakalock so I decide to enter her room. Sobrang dilim. It was my first time entering her room. Kinapa ko pa 'yung switch para maopen 'yung ilaw at nakita ko siyang nakahiga sa kama habang nagkalat sa lamesa ang papel niya. Nataranta ako ng makitang may sugat nanaman siya sa braso.
Hindi ko napansin 'yun kanina!
Agad kong nilapag ang tray sa table at lumapit sa kaniya. Mahimbing lang ang tulog niya pero namumutla siya. I touch her forehead then I realize that she was sick. Napatayo ako at hindi alam ang gagawin. I don't know how to take care a girl when she sick!
Bumalik ako ng kusina at binasa ang panyo ko. Tss it was a gift from my Mom pero uunahin ko pa ba 'yun? Alam ko namang maiintindihan ako ni Mom. Bumalik agad ako sa tabi ni Lunamalthea at agad nilagay ang panyo sa noo niya, maibsan man lang ang init niya.
Nakatitig lang ako sa kaniya, hindi alam ang gagawin. After this, what can I do? What I need to do? Aha! Gamot!
Agad kong nilibot ang tingin sa kwarto niya. When I was a child and I have sick, my mom take care of me. Alam ko ang itsura ng gamot na 'yun. Binuksan ko lahat ng drawer niya mahanap lang 'yun. Nakita ko 'yun sa tabing drawer ng kama niya tss.
She need to eat before taking this. I need to wake her up? Baka magalit siya? Natakot tuloy ako bigla.
Ilang minuto nanaman akong nakatitig at pinag iisipan kung gigisingin siya. Magagalit kaya siya pag inistorbo ko ang pagtulog niya? Kaysa naman hindi siya gumaling! She need to take this medicine so she need to eat. Yes, I need to wake her up.
"Lunamalthea." Tawag ko na niyuyugyog pa siya, medyo kinakabahan.
Medyo kumunot ang noo niya at kumibot ang labim kaya napaiwas agad ako. Dahan dahan bumuklat ang mata niya at agad nagtama ang tingin namin. Dumaungdong ang kaba ko, inaasahan na baka sigawan niya pero hindi nangyari 'yun. Dahan dahan siyang naupo kaya inalalayan ko kaagad. Kinuha ko na rin ang panyo sa noo niya.
"Y-You need to eat, you are sick. You need to take you medi—"
"Why are you here?" Seryosong tanong niya na ikinakaba ko, ito na nga ba 'yung sinasabi ko.
"I-I cook for you. You are sick, you need to... You need to eat and ano 'yung medicine, kailangan m-mong uminom." Natatarantang sabi ko na hindi alam kung saan titingin.
"Thank you." Bulong niya, wala ng lakas ngayon.
Nakahinga ako ng maluwag kaya agad kong kinuha 'yung tray para mailagay sa tabi niya. Agad naman siyang kumain. Tinitignan ko lang siya habang kumakain siya. She still beautiful even she's sick tss.
"Sabayan mo na 'kong kumain." Sabi niya, napatango na lang ako.
Nang mauna siyang matapos ay tumigil na 'ko para kumuha ng tubig. Agad ko 'yung inabot sa kaniya kasama ang gamot, ininom niya naman agad at nahiga. Inilagay ko ulit 'yung tray sa table para maalalayan siya.
"B-Bakit may sugat ka nanaman?" Tanong ko habang naglalagay ng panyo sa leeg niya.
"Don't ask, I'm tired."
"I-I'm sorry." Sabi ko tsaka kinumutan siya.
Nang maayos na ang higa niya ay tumayo na ako para bitbitin ang tray palabas para makapagpahinga siya.
"Wag mo 'kong iwan please." She whispered but I heard it. My head slowly turned to her, confusing what she said. "I can't take care my self, please do it for me."
She still a girl that was different to the girl I met in University.
I nodded and continue my eat to her side. She closed her eyes and starting to sleep. Nang matapos akong kumain ay binalik ko ang plato sa kusina. Bukas na lang ako maghuhugas.
Bumalik ako sa kwarto niya at tumingin sa paligid. Wala akong magawa kundi tignan ang mga gamit niya pero mas natuon ang atensyon ko sa litratong nasa table niya. Sila 'to ni Moonario. Magkaano ano sila?
Nang makaramdam ng antok ay kumuha ako ng tela sa drawer niya at nahiga sa sahig. Walang sofa dito kaya sa sahig na lang ako. Oka na sa'kin 'yung unan at kumot.
"Ano nanamang nangyayari?" Tanong ko kaagad sa estudyanteng nakasalubong ko ng makapasok ako ng University.
Nagising kasi akong wala si Lunamalthea sa higaan niya kaya nag alala ako. Mabilis akong tumayo at hindi kumain para lang maabutan sana siya pero gulo ang naabutan ko.
"3rd year high school student, pinupuntirya si Proxima."
Pagbanggit niya ng pangalang Proxima ay agad akong napatakbo sa kumpulan ng tao, puro high student ang narito base sa uniform at iilang ordinary students.
Nanlaki ang mata ko ng makitang nakatayo si Lunamalthea habang may sugat sa kaliwang braso, parang nilaslasan siya. Agad akong lumapit sa kaniya pero 'yun nanaman ang tingin niyang nag uutos, makapangyarihan kaya agad akong napaatras.
Nanlaki ang mata ko ng makita ang estudyante na wala ng malay at bitbit ng 7th and 10th high student.
"Sa susunod na may magtatangkang patayin ako, kayo ang mamamatay." Sabi ni Lunamalthea at agad na tumalikod.
May lagnat siya. Halatang nilalagnat pa din siya pero ngayon, may nambabanta pa sa kaniya. Gusto ko sanang sumunod pero agad akong naunahan ni Moonario. Inakbayan niya si Lunamalthea at tinitignan ang sugat nito. Napabuntong hininga na lang ako ng bumalik sa room.
"Wag kang lumapit masyado sa gulo, baka pati ikaw madamay." Sabi ni Shantelle ng maupo ako sa tabi niya.
"Hindi sila patas." Bulong ko pero nasa unahan ang tingin.
"Kapag kailangan, matuto kang mandaya."
Hindi ko na lang siya pinansin hanggang magsimula ang lesson. Wala akong ibang ginawa kundi mag isip kung ayos lang ba siya. May dala akong gamot at tubig dito.
Nang magbreaktime ay patakbo akong luabas at dumiretso ng Cafeteria para bumili ng makakakain. Hindi masyadong mahaba ang pila kaya nakabili agad ako. Napalingon ako ng makitang papasok si Lunamalthea, wala siyang kasama? Bakit?
Agad nagtama ang tingin namin kaya lumapit agad ako. Nagulat pa siya sa paglapit ko pero tinignan niya naman ako na parang nambabanta pero wala akong pakealam, bahala na basta maibigay ko ang gamot sa kaniya. Ni hindi ko na nga inisip ang matang nakatingin sa'min. Paniguradong nagtatanong ang tingin ng lahat pero nanatiling tahimik.
"Gamot mo tsaka pagkain." Sabi ko sabay abot sa kaniya ng paper bag.
"Ipapahamak mo ba ang sarili mo?" 'Yung 'yong boses niyang nakakatakot.
Halos maramdaman ko ang panginginig ko pero hindi ko pinahalata. "I-I just want to give it on you. You are sick." Hindi ko nilakasan ang boses ko, ayaw kong maraming makarinig.
"Dapat hindi mo 'to ginagawa dito." Seryosong sabi niya pero kinuha din ang paper bag na inabot ko.
"Concern lang naman ako sa'yo. Ano bang masama doon?" Medyo tumaas ang tono ko dahil hindi ko siya maintindihan.
Napalunok siya at agad binaba ang tingin sa paper bag. "I-I'm sorry." Sabi niya na may kinuha pa sa bulsa niya at iabot sa'kin. "Masasaktan ka sa labas, reliever band aid 'yan, gamitin mo." Bulong niya at agad akong tinalikuran.
Tulad ng sabi niya ay may tumama sa braso ko ng makalabas ako. Nagtaka ako kung bakit sa labas lang nangyayari ang punishment. Agad na namanhid ang buong braso kong may sugat. Ginamit ko kaagad ang inabot niya sa'kin. Minuto 'yun bago umepekto pero ayos na.
"Hindi ka nag iisip Khiant." Bungad agad sa'kin ni Shantelle pero hindi ko na lang pinansin. "Nakita ko ang pagharap niyo ni Proxima hanggang sa masugatan ka, alam mo bang makakabawas sa punto mo 'yun?"
Napalingon ako sa kaniya ng sabihin niya 'yun. Bahala na. Hindi ko alam na may bawas pala ang bagay na 'yun.
Nagsama kami ni Shantelle pauwi at tulad ng dati ay hinahatid ko pa siya sa room niya bago ako makapunta sa room ko. Agad akong napalingon ng makita si Lunamalthea na nakasaldal lang sa railings at pinapanood ako. Hindi ko alam kung kailan pa siya doon pero tumakbo na ako palapit sa kaniya.
"Kamusta? Ayos na ba ang sugat mo?" Tanong ko na agad na tinignan ang braso niya, may isang 'X' sign nanaman ang nasa braso niya, nawala ang isa. "May lagnat ka pa ba?" Tanong ko naman na kinapa ang noo niya, agad siyang umiwas na ikinakunot ng noo ko. "Bakit?"
"Mag iingat ka sa napili mong kasama." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
Sino ba ang tinutukoy niya? Si Shantelle o ang sarili niya? Bakit niya naman sinasabi 'yun? Warning?
Tumayo siya ng maayos at umiwas ng tingin bago nagsalita. "Hindi lahat ng mabait sa'yo, mapagkakatiwalaan mo."
____________________________________________

Komento sa Aklat (68)

  • avatar
    YansonBernadette

    🥰🥰🥰

    02/03

      0
  • avatar
    Shantinni Yamut

    nice!

    17/08/2023

      0
  • avatar
    RegenioAshley

    goods

    04/08/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata