logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 5: MET AGAIN

Naglalakad na ako sa daan habang nagbabasa sa text ni Donalyn. Nakasuot lamang ako nang jacket at pantalon, kahit mainit ang panahon.
Napapatingin din ako sa paligid. Wala pading pinag bago at marami pading tao. Halos lahat sila ay puno parin ng saya ang mukhang habang kasama ang mga mahal nila sa buhay.
Ibinalik ko nalang ang atensyon sa cellphone ko para muling basahin ang message ni Donalyn. Nag-type ako para sabihin na malapit na sa store na nitunutukoy.
Muling nag pop-out ang message niya at pag-angat ko ng tingin..nasilayan ko na silang dalawa. Nakatalikod lamang ang kasama nang kaibigan ko.
Hindi na ako pweding umatras pa dahil nandito na ako. Wala naman akong pupuntahan at baka block mail na naman ako ng isa.
Mabibigat ang paa ko paghakbang papunta sa kanilang dalawa. Sinasadya kong bagalan ang paglakad ngunit sadyang nakarating padin ako.
Nakita ako ni Donalyn at kumaway ito. "Dito! Zi! Nandito kana pala! Halika! Halika bilis!"
Huminto ako ng tumayo si Donalyn. Bigla nalang akong napalingon sa kaharap niya na nakatalikod.
Bigla nitong isinandal ang isang braso sa likod ng upuan, at binalingan ako ng tingin patalikod din. Parang nag slow motion ang lahat sa paligid ko nang ngumiti ito sakin.
Umawang ang labi ko. At hindi ko sinasadyang mapagmasdan ang kanyang mga labi. Bakit gano'n? Cute siya kapag ngumiti at labas rin ang biloy nito sa gilid ng kanyang labi.
Napabalik ako sa realidad at napansin na nakaupo na pala ako.
"Ikaw, ha? Natulala ka nalang bigla, Zi!" Asar ni Donalyn sakin.
Agad akong umiwas ng tingin sa kahihiyan. Sa sandaling ito..gusto ko nalang bumalik sa bahay at nagsisisi nang pumunta pa rito.
Mula naman sa ilalim ng upuan ay mahigpit ang kapit ko sa sariling damit. Hindi sa kinakabahan ako kundi sa kahihiyan na nagawa ko. Nakakahiya na matulala sa harap ng isang tao.
Naiisip ko na ang itsyura ko sakaling makita ko man ang sariling natulala! Mukha akong tangang baguhan na nakakita ng lalaki. Kahit sa buong buhay ko ay marami na akong nakasalamuhang lalaki.
Tahimik lang ako habang kumain ng in-order ni Donalyn para sakin. Nang napabaling ako sa tumikhim at si Henry `yun.
"Hi!" Nakangiting wika nito.
Umiwas ako ng tingin at binalik nalang ang pagkain ng mahina itong tumawa.
"Hi, Miss Zi," He chuckled.
Nagugulat akong bumaling uli sa kanya. "Ako ba ang kinakausap mo?" Tinuro ko pa ang sarili.
He nodded at halos lumabas na ang biloy sa ilalim ng labi nito.
"Oo, ikaw nga ang kinakausap ko." Napakamot pa ito sa ulo." Bigla ka nalang umiwas kaya natawa ako sa reaksyon mo."
Awkward akong natawa.
"Akala ko pa naman ibang 'Hi!' ang sinabihan mo." Peke ko pang hinampas ang kamay sa ere.
Natatawa ako sa sarili ko. Hindi ko naman kasi alam na naging blanko ang utak ko pagdating dito.
"Masarap ba?"
"H-ha?" Wala sa sarili kong sagot.
Muli naman siyang tumawa. Bakit ganon? Ang unfair. Ako lang ang walang masabi sa bilis ng pangyayari.
"Sabi ko masarap ba ang kinakain mo?"
Mabilis akong tumango. "A-ah! Oo, masarap nga ang kinakain ko! Haha."
Inabot ko ang juice at umiwas na uminom. Iniiwasan ang mapatingin ng diretsahan sa mga mata nito.
Iyon talaga ang una kong iniiwasan na mapatingin sa mga mata niya. May kung ano talagang kakaibang sapi na himihigop sakin pag napadpad ako doon.
Napansin ko lang naman na simple lang ang kanyang datingan. Wala namang kaaya-ayang tignan maliban talaga sa iyong hindi masakit sa mata ang purmahan.
Maging ang kilos ay simple lang. Napansin ko din ito ng palihim.
Nilingon ko si Donalyn na ngayo'y nanliliit ang matang nakatingin sakin. Ibinalik ko naman ang mga iyon. Na para bang sa simpleng titig ay naiintindihan na namin dalawa ang sinasabi.
"Ahm, Miss Zi and Ma'am Donalyn, excuse lang. May bibilhin lang ako saglit."
Biglang tumayo si Henry at nagpaalam pa samin. Nanatili lang akong tahimik.
"Sure! Sure! Take your time, Sir Henry."
Mabilis pa sa kidlat na nagsalita ang magaling kong kaibigan.
Nang makaalis si Henry ay inilipat ni Donalyn ang upuan papunta sakin. Sa pag lipat palang ay hinampas na ako nito. Masakit kaya!
"Ano ba!" Awat ko dito na pagalit.
Pinandidilatan ako nito. "Anong ano ba? 100% sure ako na type ka ni Sir Henry! Hindi mo ba napapansin, ha?!"
Yung mukha ko hindi na maipinta sa pinagsasabi ni Donalyn.
"Anong theory na naman ba ang nakuha mo at pati ako dinadamay mo na?" Nakataas kilay kong sabi at pinukol ito ng masamang tingin. "Masakit ang hampas mo, g*ga! Hindi na maliit iyang kamay mo."
Bagkos na magalit ay muli itong sumabat. Hindi talaga magpapaawat si Donalyn.
"Alam mo, Zi? Kanina ko pa napapansin kanina. Mark my words kanina!" May diing anito. "Aba, walang oras pa namang tumitig sa'yo habang nakaiwas ka ng tingin! Sempre, ako na nasa gilid makikita kayo `noh!"
"Chaka ka! Bet naman si Sir Henry, mukhang mabait." Muling dagdag nito.
Ngumiwi ako. "Mukha lang mabait."
"Mabait naman talaga! Bakit ayaw mo subukan? Tatanda ka bang walang kaambag sa buhay?!" Sermon niya.
Mahina kong hinila ang buhok nito. "Baliw, pwedi kung kaya. Mas mabuti nalang iyon!"
Akmang sasabat ito ng napansin ko ang mabilis nitong paglipat agad pabalik sa pwesto.
Ngumisi ako dahil alam ko na. Alam ko nang paparating na si Henry pabalik kaya ayon at mabilis pa ulit sa kidlat na lumipat si Donalyn.
Nanlalaki pa ang mga mata nitong seninyas sakin ang paparating. Tanging sagot ko lamang ay umiling.
Nagulat na lamang ako ng may inilapag itong paper bag sa harapan ko.
"Ano ito?" Nagtatakang sabi ko habang inangat ang tingin dito.
Imbes na kunin ay nahihiya pa itong ngumiti sakin.
"Bumili nadin ako ng dessert para sa'yo. Wag kang mag-alala, favourite mo lahat iyan." Aniya sa nahihiyang paraan.
Sinilip ko ang nasa loob ng paper bag. Tumambol ang puso ko dahil doon.
Lahat nga ay paborito ko maliban sa isang coffee cup na ibang flavor.
Napansin ata nito ang pag iba sa mukha ko habang nakatitig sa laman ng paper bag.
"A-ah..ang isang coffee cup ay para sa kaibigan mo! Isinali ko nadin." Mabilisang anito muli.
"Ganon ba?" Inilabas ko ang isang coffee cup at ibinigay kay Donalyn. "Para sa'yo daw kako. Nagtataka pa naman ako dahil ayoko sa coffee na may gatas."
Ngumisi ako ng inirapan lang ako ni Donalyn.
Hinarap ko naman si Henry at may kunting ngiti sa labi.
"Salamat sa mga ito," Sabay turo ko sa paper bag na bigay niya.
Kanina na nahihiya ito, ngayon ay malaki na ang ngiti sa mga labi.
"Walang anuman! Mabuti naman at nagustohan mo, akala ko tatanggihan mo ang bigay ko." Natatawa pa nitong sagot sakin.
Nahawa ako sa tawa niya. Para bang may kung anong magaan sa pakiramdam ang tawa nito at ang pagsabay nadin sa akin.
Hindi naman siya gaano kasama. Hindi rin naman gaano kasungit. Palangiti lang talaga siyang tao.
"Nagpakita ka ng mabuting loob, kaya tatanggapin ko ito ng buo." Seryoso kong sabi.
Aksidenteng napatitig ako sa mga mata niya at ganon din siya. Mas lalong lumakas ang pintig ng puso ko.
Sa mga mata nito ay nakikita ko ang isang bagay..pamilyar sakin.
Nagkita na ba kami? Nagkasama noon?
Hindi ko matandaan kung saang lugar o trabaho ko ba siya nakita.
Umiwas ako ng tingin at ibinaling nalang ang mga mata sa bigay nitong pagkain.
Saglit pa kaming nag usap tatlo. Pagtungtong ng alas dose ay umuwi nadin kami. Hinintay pa niya na makasakay ng jeep si Donalyn at ako naman ay naghintay lang ng tricycle.
Pati sa pagsakay ko ay hinintay niya pa. Hanggang sa tuluyan na akong makasakay at makaalis ay tanging ngiti saka kaway lang ang ibinigay nito sakin.
Bakit ganito? Hanggang ngayon ay di parin matigil sa pagtibok ng puso ko ang nangyari kanina.
Senyalis na ba ito na kabahan ako sa posibleng may mangyari? O sadyang may paparating talaga.
Ewan ko na nga ba at masyado na itong iba sakin. Simula nong dumating si Henry ay nararamdam ko na ang mga ganito unang kita palang namin sa pagitan ng ulan.

Komento sa Aklat (59)

  • avatar
    ప్రిన్సెస్ జామ్

    😘😘

    2d

      0
  • avatar
    RemolanoCyril john

    this story is about rain and bus

    8d

      0
  • avatar
    Layma PJinky

    jgekhrnvbenwnfgrnhevehsjdydjjdjdydjdhejeuej do ejejeujeheuejejdjeuddjejhejevejekekeieusuhehgrhejdjdjsjsyeheheuszuzudjejehejsududjdhdhdydhdhfvdjdjdjjdhdjdjdhdhehdhdydhdjdhbejwjeejje in the speaker 🔇🔇 at the speaker and clearskin to the speaker napaka clean and skin community for po ako hehe I love the spirit 😁 at the speaker and how po Sana Khan and skin ni bnso bkas PG pasok po ba ang pasok po ba ang pasok po ba ang pasok ko na po ang yellow and skin care products are sold as pair of teng SAN

    22d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata