logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 6

"You gave me solace with your fingers caressing my face,
You put me in your control; unknown to reality, I fell in your deep eyes,
Seeking for the truth, you gave me lies,
Your abomination destroyed my sanctity,
Oh life, what have I done to suffer in this great despair?
Must I confess to thy God for breaking my promises?
Is a sinner would have a chance to go to heaven?
I must seek for the answer,
'Cause the devil within me is corrupting my beliefs,
Making me ignorant for the truth,
Is thy God evil or not?
Oh life, show me your light,
For I do not know what path shall I take."
Marahan kong kinalabit ang mga kwerdas ng aking gitara habang malamlam ang aking mga mata na nakatanaw sa papalubog na araw. Ang kulay nitong nahahati sa kahel at pula ay napakaganda. Habang ang kalangitan ay nahahati sa kulay lila, pula at kahel dahilan upang mas mamangha ako sa kagandahan nito. Ang niyebeng marahang bumabagsak sa dagat at barko ay nagpapakalma sa aking isipang puno ng katanungan. Nakakaramdam ako ng ginaw ngunit hindi iyon sapat upang umalis ako sa itaas ng barko.
"It's pretty..." Napangiti ako at muling kinalabit ang kwerdas ng gitara habang nakaupo. Mabagal akong pumikit at muling umawit. Speaking my heart out.
"Oh Death, I pine for you,
Show me your loving arms,
Embrace me with your warmth,
Calm this aching heart,
Seek for me for I yearn to be loved,
Why you haven't shown yourself-----
When I was looking for you that night?
Claim me with your darkness,
For I'm delighted by your touch.
"Open my path,
Punish me,
For I am a sinner,
Oh Death, I do love you,
God must hate me,
For my heart only belongs to you,
Again, caress me with your bloody hands,
Take me away from thy solemn God,
"The dawn has come,
But why are you still not showing yourself?
What did I do to be forgotten by you?
Oh Death, blessed me with your righteous words,
For I am oppressed,
Unclothe me with your judgement,
Count my countless sin,
And welcome me in your door,
For I will knock when the midnight comes,
Oh Death, how will you love me back?
If thy God is taking us apart?
"Oh death, I pine for you..." Mabagal akong dumilat at umawang ang labi ko nang makitang halos lumubog na ang araw.
Aalis ba siya?
Napatayo ako at agad na patayong itinabi ang gitara sa tabi ng upuan.
"Saan ka pupunta?" natatakot kong tanong habang nakatanaw sa araw na halos hindi ko na makita. At sa aking paningin ay tila... ay kinakain ito ng dagat.
"H-Huwag mo akong iiwan..." Wala sa sariling naglakad ako patungo sa araw upang abutin siya. Inangat ko ang aking kamay habang paunti-unting naglalakad.
"Hindi ka dapat mawala." Sinubukan kong abutin ang araw ngunit tanging hangin lamang ang naramdaman ng aking kamay. Napakagat-labi ako at patuloy na naglakad.
Bakit ka aalis? Hindi mo rin ba nais na makasama ang isang makasalanang tulad ko?
"Mahal na Prinsesa!" Narinig kong sigaw ni Alba ngunit patuloy pa rin ako sa paglalakad habang nakatanaw sa araw.
Isama mo ako...
"Napakaganda..." usal ko at napahinto sa paglalakad nang tumama sa aking katawan ang bakal na harang ng barko. Blanko ang mukha na napatingin ako rito.
"Bakit mo ako pinipigilan?" Hinawakan ko ito at akmang aakyat dito nang may humatak sa akin palayo.
"Huwag mo pong gawin iyan, pakiusap!" Takang napatingin ako kay Alba nang mapansin ang matinding takot sa kan'yang mukha.
"Bakit ka natatakot?" Mabagal kong inabot ang kan'yang mukha at marahang hinaplos ang kan'yang pisngi. "Nais ko lamang lapitan ang araw kaya bakit mo ako hinatak palayo?" Unti-unti ay bumagsik ang titig ko sa kan'ya dahilan upang matigilan siya.
"M-Mali po ang iniisip niyo, Mahal na---"
"Wala kang respeto, Alba," blanko ang mukha kong saad at hinawakan siya sa panga. "Bakit hindi na lamang ikaw ang mawala? Mas pipiliin kong makasama ang araw kaysa sa'yo."
Oh Death, how I wish that you would take me to your place.
"Huwag mo akong lalapitan." Tinulak ko si Alba palayo dahilan upang mapasalampak siya sa mukha. Bago po siya makatayo ay agad kong inakyat ang harang at nahihirapang tumayo rito.
"M-Mahal na Prinsesa!" Pansin kong akmang lalapit ang aking tagapagsilbi kaya nagsalita ako.
"Huwag kang lalapit, ginang." Tinanaw ko ang araw at bigla ay nabalot ako ng takot nang makitang halos hindi ko na siya makita.
Ang d-dilim na ng paligid.
"Alba..." mahina kong saad. Inangat ko muli ang aking kamay upang abutin ang araw. "Paano ko mapapabalik ang araw? K-Kailangan ko ba muna maging banal?"
"Mahal na P-Prinsesa, p-pakiusap... Umalis po kayo riyan---"
Mahina akong natawa. "Bakit ka natatakot, Alba? Nais ko lang namang abutin ang araw."
"Imposible n'yo pong magawa iyan, Mahal na Prinsesa!" Bahagya akong nabigla nang sumigaw na si Alba. Gusto ko siyang lingunin ngunit natatakot akong kapag inalis ko ang aking paningin sa araw ay tuluyan na siyang mawala.
"Imposible?" Saglit akong napatulala. "Kung gayon, kailangan kong gawing posible ang imposible."
"Mahal na Prinsesa!" Huli na nang tumakbo papalapit sa akin si Alba dahil kasabay niyon ay naramdaman ko na wala na akong naapakan. Akmang ipipikit ko ang aking mga mata nang may biglang humawak sa kamay ko.
"Alba." Pinagmasdan ko ang katubigan sa aking ibaba. Nag-angat ako ng tingin at diretsong tiningnan ang aking tagapagsilbi..
"B-Bakit..." Napakagat-labi ako upang hindi tuluyang maluha.
"Princess Emery..." Nag-aalalang pagtawag sa'kin ni Alba at sinubukan akong hatakin paakyat ngunit hindi niya nagawa.
"Alba..." Unti-unti akong napaluha at habang nasa ere ay dahan-dahan kong itinuro ang dating puwesto ng araw.
"K-Kinain ng dagat ang araw..." Napahikbi ako at napayuko. "Bakit gano'n? Siya lamang ang nagpapaganda sa mundo ko, kaya bakit. . . ." Tinanaw ko ang madilim na dagat at humugot ng malalim na paghinga. "Bakit siya nawala?"
"M-Mahal na Prinsesa..." Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Alba na natitigilang napatitig sa akin.
"Nahihibang na po kayo..."
Napakurap ako dahil sa kan'yang sinabi. Ilang sandali akong napatulala.
"Nahihibang?"
Isa bang kahibangan na maabot ang araw?
"Mga kawal! Tulong!" Narinig kong sigaw ni Alba at kasabay niyon ay naramdaman ko ang unti-unti kong pagdausdos sa kan'yang pagkakahawak sa aking braso.
"Alba," usal ko ngunit hindi niya ako pinansin. Patuloy pa rin siyang sumigaw kahit sa kan'ya ay walang makakarinig.
It's useless.
Pinatulog ko ang mga kawal at ang ibang tagapagsilbi bago ako dumating dito sa itaas ng barko. Ang tanging gising lamang ay ang kapitan at si Alba.
"Bakit walang dumadating?!" naiiyak na wika ni Alba at gamit ng kan'yang kabilang kamay ay pilit niyang inabot ang aking kamay. Sa kan'yang ginagawa ay maaari rin siyang malaglag at kainin ng dagat.
Tulad na lamang ng ginawa nito sa araw.
"B-Bakit naman mo po sinusubukang magpakamatay, Mahal na Prinsesa? A-Alam n'yo naman pong kapag n-nagpakamatay kayo ay mamatay rin ang hari. Iyon po ang kondisyon ng Diyos."
Magpapakamatay?
"G-Gusto ko lang naman na hanapin ang araw," matamlay na tugon ko. "Huwag kang mag-alala. Sasabihan kita kapag nahanap ko ang araw. K-Kaya..." Malungkot akong pumikit. "Hayaan mo akong kainin ng dagat."
"H-Hindi maaari, Mahal na Prinsesa! Mas pipiliin kong ako na lamang ang mamatay k-kaysa ikaw ang mawala!"
"Walang mamamatay, Alba..." Pagod na bumuntong-hininga ako. "Sapagkat ang nais ko lamang ay hanapin ang araw."
"P-Patawad, ngunit h-hindi ako pumapayag!" Buong lakas akong hinatak ni Alba at ang sunod ko na lamang na napansin ay nasa lapag na ako ng barko.
"Alba?" Natutulalang bumangon ako at wala sa sariling lumingon-lingon. "Nasaan ka?"
Iniwan mo rin ba ako?
Bakit hindi kita makita?
"Huwag kang magtago!" Bahagyang nanlaki ang mata ko nang walang ginang akong nakita sa paligid.
Napakadilim ng paligid!
"Nasaan ka?!" Nagsisimula na akong mataranta kaya nagmamadali akong nagtungo sa harang. Hindi nakakatulong ang kadiliman ng paligid dahil mas nahihirapan akong makita ang tagapagsilbi.
"Albaaaa!" Nag-aalala kong sigaw at tumanaw sa madilim na katubigan. "Magpakita ka sa akin!"
"H-Hindi..." Napahawak ako sa aking buhok habang ang pag-ulan ng niyebe ay mas lumalakas. Malakas ding umiihip ang hangin at marahas nitong tinatangay ang aking buhok at nililipad ang mahaba kong kasuotan.
"Isa itong utos, Alba!" malakas kong sigaw ngunit walang sumagot. Napalunok ako at kinakabahang napatulala sa dagat.
Unti-unti akong napaluha. Ramdam ko ang malakas na pagkabog ng aking puso dahil sa matinding pag-aalala. Nabablanko ang aking isipan at hindi ko magawang makapag-isip nang maayos.
Mahina akong napahikbi at umakyat sa harang. "K-Kinain ka rin ba ng dagat?"
H-Hindi...
Mas pipiliin kong mawala ang araw kaysa sa mawala ka!
P-Patawad... Hindi ko batid na ganito pala ang mangyayari.
Alba... Mas mahalaga ka sa akin.
"Mahal na Prinsesa!" Napatili ako nang may biglang humatak sa akin palayo.
"Bitiwan mo ako!" Sinubukan kong magpumiglas ngunit mas malakas ang lalaking may hawak sa akin.
"Ako po ito, Mahal na Prinsesa----ang kapitan!"
"H-Hindi!" Hinatak niya ako palayo kaya mas nagpumiglas ako. "Bitiwan mo ako! K-Kailangan kong makita si Alba!"
"Alba?" Natigilan ang kapitan kaya nakawala ako sa kan'ya. Matalim ko siyang tiningnan ngunit nagtataka niya lamang akong tinitigan.
"Mahal na Prinsesa..." Napalunok ang kapitan at dahan-dahan ay itinuro niya ang aking likuran.
"Nasa likuran mo po ang iyong tagapagsilbi."
Tila ay nabingi ako sa sinabi ng lalaki. Matagal akong napatitig sa kan'ya at maya-maya ay nagdesisyon akong harapin ang taong nasa aking likuran.
At tuluyan akong napaluha nang makita si Alba na lumuluha habang nakatingin. Nakatakip ang kan'yang bibig gamit ng dalawa niyang kamay habang nakatingin sa akin na tila ay awang-awa siya sa aking kalagayan.
"M-Mahal na Prinsesa..." Binaba ng tagapagsilbi ang kan'yang mga kamay at naaawang pinagmasdan ako.
"K-Kanina pa po ako nandito..."
Nakatulala pa rin ako kay Alba kahit nang marinig ang sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na... ligtas siya.
"T-Talaga..." Naluluhang lumapit ako sa kan'ya at walang pasubali siyang niyakap. "Kung gayon ay nagagalak akong ligtas ka." Napakagat-labi ako at sinubsob ang aking mukha sa kan'yang leeg. "Akala ko ay kinain ka na ng dagat. N-Natakot ako, Alba." Mas niyakap ko siya nang mahigpit. "Pakiusap... Huwag ka muling mawawala sa aking tabi. H-Hindi ko kayang m-mawala ka."
"Mahal na Prinsesa." Hinawakan ako ng aking tagapagsilbi sa magkabilang braso at maingat akong inilayo sa kan'ya. Napatitig ako sa kan'yang mga matang punong-puno ng luha.
Bakit maliwanag ang paligid? Ngayon lamang ba nila binuksan ang mga ilaw kaya napakadilim kanina?
"Wala akong balak na umalis sa iyong tabi, Mahal na Prinsesa. K-Kahit ano pang mangyari." Malungkot na nagbaba ng tingin si Alba at napapapikit na umiling. "Aking prinsesa... A-Ano ang nangyayari sa'yo?"
Binaliwala ko ang sinabi ni Alba at hinawakan ang kan'yang kamay. Napangiti ako at nagsimulang maglakad patungo sa loob ng barko.
"Magpahinga na tayo, ginang."
Humikbi lamang ang tagapagsilbi habang hatak-hatak ko siya. Samantala, nabablanko pa rin ang aking isipan dahilan kaya nakatulala lamang ako sa daan. Ngunit ayos lamang iyon, dahil ligtas naman ang aking tagapagsilbi.
"Alba, kapag dumating tayo sa ating destinasyon ay mamasyal tayo. Paniguradong---" Nilingon ko siya ngunit gayon na lamang ang aking gulat nang makitang wala siya sa aking tabi.
Ngunit nakakapagtaka, bakit nararamdaman ko ang kan'yang kamay?
At b-bakit...
Ang dilim ng paligid?!
"Alba!" Muli na naman akong nataranta. "Nasaan ka?!"
Ramdam kong may yumuyugyog sa akin ngunit wala akong makita!
Ang dilim.
At wala akong marinig!
"Mahal na Prinsesa!" Napasinghap ako nang maramdaman kong may malakas na sumampal sa akin. Hinihingal akong napatingin sa sahig ng barko.
Maliwanag na muli.
"Alba..." Naiiyak akong napatingin sa kan'ya at doon ko napagtantong humahagulhol ang ginang habang awang-awang nakatingin sa akin.
"Ano pong nangyayari sa'yo, Mahal na Prinsesa?!" Napahikbi ako nang bigla akong hinatak ng ginang at mahigpit na niyakap.
Nanginginig ko siyang niyakap pabalik. Nanlalamig ang aking pisngi at ramdam na ramdam kong panandaliang nawawala ang aking pandinig.
"N-Natatakot ako..." Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at napakagat-labi. Sinandal ko ang aking ulo sa dibdib ni Alba at tahimik na umiyak. "Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin."

Komento sa Aklat (31)

  • avatar
    RecarroJonna Mae

    super beautiful a fiction story

    15/07

      0
  • avatar
    CelisJuliet

    i really love this book,💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖

    08/07

      0
  • avatar
    DhenJoe Nacita

    namangha ako ng sa mga sinasabi nila kasi parang totoo

    10/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata