logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 5

I always hurt her whenever I'm mad. And this dark side of me can't be vanished. It was planted in my system since day 1.
Can I ever change myself?
Muli akong bumaling sa labas ng bintana at awtomatikong umawang ang labi ko nang makita ang mabagal na pagbagsak ng mga niyebe.
"It's... snowing..." Manghang napatingala ako sa madilim na kalangitan. Unti-unti akong napangiti.
"It's pretty..." My eyes twinkled like I've never seen a snow. Hinawakan ko ang salamin ng bintana upang mas pagmasdan ang nagbabagsakang niyebe. Nakangiti pa ako nang biglang nabalot ng dugo ang bintana.
Mabilis na nawala ang ngiti ko.
"Your Royal Highness! Please stay inside!"
Anong nangyayari?
Are we being attacked?!
"Princess Emery? A-Ano pong nangyayari?" Nagising na rin si Alba dahil sa nangyayaring kaguluhan. Hindi ko siya nilingon at inobserbahan ang labas. Dumilim ang aking mukha nang makita ang hindi mabilang na mga lalaking nakapalibot sa karwahe. Tumigil na rin ito sa pagtakbo at ang mga kawal ay nakaalerto.
"Ha!" Kinuyom ko ang aking kamao na nakahawak sa duguang bintana. Kitang-kita ng aking mga mata ang walang buhay na katawan ng kawal.
"Inaatake tayo," saad ko at napangiti. "Dapat ba akong matakot?" Napakagat-labi ako at mahinang natawa.
Bakit ako naaaliw? Hindi ba ay dapat akong matakot dahil nasa kapahamakan ako?
O baka dahil inaaasam ko ang kamatayan?
"Mahal na Prinsesa, g-gagawin ko po ang lahat upang maprotektahan ka."
"A-huh?" Nalusaw ang aking ngiti ngunit naaaliw pa rin akong nanonood sa labanang nagaganap.
We're outnumbered.
Kung magaling ang mga kalaban ay paniguradong matatalo nila ang mga kawal. At magagawa nila akong patayin.
"Kahanga-hanga..." My eyes twinkled again. Ngunit hindi dahil sa nyebeng nagbabagsakan, kundi dahil sa kaalamang maaari akong mamatay.
"Princess Emery, a-ano pong n-nakakamangha sa nangyayari?" natatakot na tanong ni Alba. Hindi ko siya nilingon at sinandal na lamang ang aking noo sa bintana.
"Let's die here, Alba. You're loyal to me, right? Then be with me until I breathe my last breath."
"H-Hindi ko po hahayaang mangyari iyan, Mahal na Prinsesa!"
I raised my hand and waved it. Dismissing what she'd said.
"Then atleast be strong. Kahit hindi ako nakatingin sa'yo, batid kong nangangatal ka na."
Hindi nakapagsalita si Alba kaya naaaliw akong napangiti. Nag-angat ako ng tingin at pinanood ang mga naglalaban.
"My knights are strong..." Umismid ako at nagpasyang lumabas ng karwahe. Ngunit nang akmang aabutin ko na ang pinto ay bigla akong hinatak ni Alba palayo.
"What are you doing?!" singhal ko at akmang aabutin muli ang pinto nang humarang si Alba sa paningin ko. Napuno ng pagkamangha ang aking mukha nang makita siyang lumuhod.
"P-Pakiusap, h-huwag niyo pong i-ipahamak ang sarili n'yo."
"Matagal na akong nasa kapahamakan, Alba." Nakangiting tinulak ko siya palayo at saka binuksan ang pinto. Tinangka niya akong abutin ngunit tinabig ko lamang ang kan'yang kamay.
"P-Pakiusap, Mahal na Prinsesa!"
"The night is so pretty today..." Nilahad ko ang dalawa kong braso upang mas damhin ang nyebe mula sa kalangitan. Tumingala ako rito. "It's so pretty that I could die tonight."
"Mahal na Prinsesa! Pumasok po kayo sa karwahe!" utos ng mga kawal ngunit ngumisi lamang ako. Nabigla rin ang mga lalaki nang makita akong kusang lumabas.
Kill me...
Save me from this despair.
Dahil naabala ang mga kawal ay hindi nila naiwasan ang sunod na pag-atake ng mga kalaban. Patuloy pa rin akong nakatingala sa kalangitan.
"Pakiusap, Mahal na Prinsesa! Mahalaga ang kaligtasan niyo sa amin!"
"Tama ka..." Unti-unti akong napaluha habang nakatingala. Pilit akong inaatake ng mga kalaban ngunit pinoprotektahan ako ng mga kawal. Sa mga oras na iyon ay nabablanko ang isipan ako at ang aking atensyon ay nasa napakagandang kalangitan.
Bakit ngayon ko lamang napansin na napakaganda nito?
"Mahal na Prinsesa!" Hindi ako gumalaw kahit may akmang aatake sa akin. Batid kong unti-unting nawawalan ng buhay ang aking mga mata.
"Zničení, I hate you," usal ko at hinayaang atakihin ako ng isang lalaki ngunit mabilis siyang nahuli ng isang kawal. Ang tanging nagawa lamang ng lalaki ay ang mahatak ang cloak ko dahilan upang dumausdos ito pababa sa malamig na lupa.
Bakit ang tagal kong mamatay?
Ilang sandali pa ba akong maghihintay?
Napaangat ako ng tingin nang mapansing sunod-sunod na nagbagsakan ang mga kalaban. Napuno ng takot ang mga mata ko habang walang magawang pinapanood ang isang lalaki na walang kahirap-hirap na pinabagsak ang mga kalaban.
"A-Anong ginagawa mo?" Napakuyom ako ng kamao at hindi makapaniwalang pinanood ang walang buhay na mga kalaban. Ramdam kong nagsisimulang manginig ang aking mga kamay hindi dahil sa lamig, kundi dahil sa matinding takot.
Bakit mo sila pinapatay?!
Kailangan nila akong patayin!
Natatakot ako... Ayokong umalis sa kinatatayuan ko! Ayokong makaranas muli ng paghihirap.
Kaya bakit...
Sila na lamang ang pag-asa kong makaalis sa paghihirap na ito.
Kung maaari ko lamang na patayin ang aking sarili...
Nabalot ng katahimikan ang paligid dahil natapos na ang labanan. Hindi pa rin ako makapaniwalang nawala ang tiyansa sa aking kamay.
Napabaling ako sa lalaki nang maglakad siya papalapit sa akin. May tilamsik ng dugo ang kan'yang mukha habang diretso lamang siyang nakatitig sa akin.
"Ikaw..." walang buhay kong saad. "Bakit ka nandito?"
"Napadaan lamang ako, Mahal na Prinsesa," saad ng kawal na nakilala ko noon sa hardin. Pinanood ko siyang pulutin ang cloak at ipatong ito sa aking balikat. Akmang lalayo siya nang hatakin ko ang kan'yang kuwelyo upang magkalapit ang aming mukha.
"Hindi ka isang kawal, ginoo." Pinagmasdan ko ang kan'yang asul na mga mata. Tama ako.
His eyes are defiant. Like he's forcing himself to follow me when in fact, he's ready to resists my authority.
"Die," usal ko at unti-unti ay sumulpot ang bolang itim sa itaas. Tahimik lamang na nakatitig sa akin ang kawal na tila hinihintay niyang patayin ko siya.
"I am ready to die in your hands, Your Highness," he said those worlds with full of honesty. Dahil doon ay binitiwan ko ang kan'yang kuwelyo at nawala na rin ang bolang itim na nasa aming itaas.
"I was a knight, Your Highness," saad niya. Nagkatitigan kaming dalawa at ako ang unang nag-iwas ng tingin.
I just told myself that I won't kill. Pero anong ginawa ko ngayon lamang?
Do I hate him?
"I'll accept your reason." Tiningnan ko siya. "But tell me why you're not a knight anymore."
"I was kicked out," he said. "And I'm here because I was on my way to my house."
"And why were you kicked out?"
"Because an officer found out that I wasn't on my post that night on your birthday." Mabilis niyang hinawakan ang aking cloak nang dumausdos ito pababa. Tinali niya ang lubid nito upang hindi na muling malaglag.
"Forgive me for holding you like this without your permission, Your Highness." Pumunta ang kan'yang kamay sa aking braso. "But holding you like this gives me an assurance that you are perfectly fine."
"You should had ask for forgiveness before you dared to touch my cloak and put it on me." Ramdam kong natigilan siya nang hawakan ko ang kan'yang kamay. "But now that I hold you like this. I must say that I'm letting go of what you did." Mapang-uyam akong ngumiti. "Right, knight?"
"Forgive me, Your Highness." Nanlaki ang aking mata nang hinatak niya ako papalapit sa kan'ya. Muling nagkalapit ang aming mukha dahilan upang mapasinghap ako.
"You, boy! How dare you touch Her Royal Highness like that?!" Akmang papagitna ang isang kawal nang itinaas ko ang aking palad upang pigilin siya.
"There's a blood on your face." Naglabas ng panyo ang lalaki at marahang pinunasan ang aking mukha. "For sure, you don't want the people think that you just killed someone, don't you?"
"How dare you to question me, knight?" Napangiti ako at lumayo sa kan'ya. Pormal akong tumindig. "I'll let what you did pass since you saved me. But the second time you do this, I will punish you."
"I can't wait to be punished by you, Your Highness." Yumuko siya habang ako ay mas napangiti.
"Do your mouth run before your mind does?" Naningkit ang mga mata ko. "But I like that part of you. You make me entertained by your foolish words."
"Then I am willing to be a daft just to satisfy your entertainment, Your Highness."
Tinakpan ko ang aking bibig upang hindi matawa. Nag-iwas ako ng tingin at nagpasyang talikuran siya.
"Then let this Royal Highness of yours forgive you for entertaining me tonight. You made me forget what just happened earlier..." Bahagya ko siyang nilingon at nagsalubong ang aming paningin. "Knight."
Tuluyan na akong pumasok sa karwahe at agad na pumuwesto muli ang mga kawal sa kanilang mga kabayo upang bumiyahe muli. Samantala, ang isang kawal ay binuhat ang katawan ng walang buhay na kawal at ibinalot ito sa malaking tela. Si Alba naman ay nagsasalita sa aking tabi ngunit wala akong pakialam.
So we're bringing a corpse, huh?
"Have a safe trip, Your Highness." Narinig kong saad ng lalaki kaya napabaling ako sa kan'ya. Tinaas ko lamang ang aking kamay na parang nagpapaalam.
"Bye," I said. Then as if on cue, tumakbo muli ang karwahe. Leaving the man watching us go away. Hindi ko na siya nilingon at sumandal na lamang sa upuan.
For sure, I've found a man that would entertain. I wonder if we will meet again, my knight?

Komento sa Aklat (31)

  • avatar
    RecarroJonna Mae

    super beautiful a fiction story

    15/07

      0
  • avatar
    CelisJuliet

    i really love this book,💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖

    08/07

      0
  • avatar
    DhenJoe Nacita

    namangha ako ng sa mga sinasabi nila kasi parang totoo

    10/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata