logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

2 - Pangamba at Paghihintay

June 17, 2012
Oras: 8:00 ng umaga
Ngiting-ngiti si Lailanie habang hinihimas ang kanyang mga labi. Sino ba namang hindi magiging masaya kung ang mga labing iyon ay nadampian na nang mga labi ng kanyang pinakamamahal na si Andres.
"Sana makapunta talaga si Andres sa tagpuan namin sa kaarawan ko. Ngayon pa lang ay namimiss ko na siya." wika sa isip ni Lailanie na di mapalis ang ngiti sa mga labi nito.
Mag-iisang buwan na silang magkasintahan ni Andres ngunit patago nga lang dahil ayaw ng mga magulang niya na magnobyo siya.
Mag lalabing-walong taong gulang pa lang siya sa makalawa at iyon ang hinihintay niyang edad para pahintulutan ng ama na pumasok sa isang relasyon.
"Lailani!" narinig niyang tawag ng kanyang ina na papalapit sa kanya.
"Yes, Ma. May kailangan po kayo?" magalang na tanong ni Lailanie.
"'Nak, tumawag si Papa mo. Kina lolo't lola raw idadaos 'yong birthday mo." anunsyo ng ina sa dalaga.
"Bakit naman po? Nasabihan ko na 'yong mga kaibigan ko rito, Ma. Pwede namang dito nalang kahit maliit lang na handaan," giit ni Lailanie na may pangamba sa kanyang boses pero hindi ang mga kaibigan ang dahilan ng kaniyang pagrereklamo.
Si Andres! Paano nalang si Andres? hiyaw ng utak niya.
May usapan sila na magtatagpo sa kanilang tagpuan sa araw ng kaniyang kaarawan.
"Wala na akong magagawa, 'nak. Doon didiretso ang Papa mo galing Cebu para sa kaarawan mo. Kaya bilisan mo na riyan para makapag-ayos ka na ng mga gamit mo na dadalhin natin sa byahe." utos ng ina niya sabay pasok sa kabahayan.
"Ma, teka lang!" pigil niya sa ina. Napatda ang ina at binalingan ang anak.
"Ano 'yon 'nak? May kailangan ka bang sabihin?" tanong nito kay Lailanie.
"Baka pwede kong kausapin si Papa. Baka pwede ko siyang kumbinsihin na h-hindi na tayo umalis para sa birthday ko, Ma." halos maiyak na wika ni Lailanie pero pilit niyang pinipigil.
"Bakit ayaw mong umalis? Ano ba ang pumipigil sayo para sundin ang gusto ng iyong ama?" kunot-noong tanong ni Minerva sa anak.
Si Andres! Iyon ang isinisigaw na sagot ng puso't isip ni Lailanie ngunit hindi niya kayang bigkasin sa harap ng kaniyang ina.
"M-mas gusto ko rito Ma. Mas magiging masaya ang birthday ko kasama kayo at mga k-kaibigan ko. W-wala naman kasi akong kahit isang kaibigan sa Palawan." kinakabahan man at pilit na nilalabanan ni Lailanie ang sarili na huwag pumiyok at umiyak kahit gustong-gusto nang tumulo ng mga luha niya.
"Naiintindihan kita 'nak ngunit alam mong ayaw na yaw ng papa mo na sinusuway ang mga desisyon niya." sambit ng kanyang ina habang hinahaplos ang pisngi ng anak.
Alam niyang ilan lang sa mga rason ang binigay ni Lailanie ngunit batid niyang may mas malalim pang dahilan kung bakit ayaw nitong umalis.
"Sige na 'nak. Maghanda ka na ng mga gamit mo para maaga tayong makaalis." utos ni Minerva kay Lailanie sabay halik sa noo ng dalaga saka tuluyang tumalikod para pumasok sa loob ng bahay.
Tanaw niya ang inang papasok sa malaking bahay habang tuluyang tumulo ang kaniyang mga luha. Sobrang naghihina ang kaniyang loob sa isiping wala siyang magagawa kahit ang kaniyang ina sa kagustuhan ng kaniyang ama.
Ngunit hindi niya pwedeng talikuran si Andres ng ganun-ganun na lang. Nangako itong darating sa kanilang tagpuan sa kaniyang kaarawan.
"Kailangan kong ipaalam kay Andres ang pagbabagong ginawa ni Papa." wika ni Lailanie sa sarili saka mabilis na pumasok sa bahay nila.
Ngunit paano niya sasabihin kay Andres kung hindi niya naman ito matagpuan kahit saan?
********************************************
Ika-labing pito ng Hunyo taong 1955
Alas otso ng gabi
Hindi mapakali si Andres habang paroo't parito sa paglalakad sa loob ng kwarto niya.
Hinihintay niya ang sagot ni Orasiana sa kanyang hiling.
"Nag-iisip pa kaya siya kung papayagan niya ako?" Tanong ni Andres sa kaniyang sarili.
Nagsisimula na siyang balutin ng pangamba at kalungkutan. Iniisip pa lang niya ang kalungkutan sa mga mata ng kasintahan ay di na niya maatim na makita iyon.
Gustuhin man niyang lumabas at puntahan si Orasiana ay hindi niya magawa. Hindi niya hawak ang oras at hindi niya magagawa ang kahit na anumang naisin niya.
May kanya-kanya silang oras na pwedeng makalabas sa bawat silid nila. At hindi nila pwedeng suwayin ang batas ni Orasiana.
Naparusahan na sila noong mga panahong nagpakasasa sila sa oras na akala nila ay pwede nilang aksayahin at ito na ang kinahinatnan nila.
Bawat isa sa kanila at may anim na oras na makalabas sa kanilang mga silid at maglibot sa buong kabahayan at sa paligid nito. Ngunit hindi sila maaring lumampas sa bakod ng mahiwagang bahay na iyon nang walang pahintulot ni Orasiana.
Oras na suwayin nila ito ay habang buhay na silang mawawalan ng pagkakataong makabalik at malayang mamuhay sa tunay nilang mundo.
Tumigil ang panahon nila mula ng maparusahan siya at uusad lamang ito kung makakagawa sila ng kabutihan gamit ang isang oras sa labas ng bakod na binigay ni Orasiana sa kanila.
Isa si Andres sa nabigyan ng pagkakataong makalabas ng mahiwagang bakod sa loob ng isang oras sa pahintulot ni Orasiana.
Iyon ay bilang gantimpala sa pagsisising nakita niya dahil sa mga nagawang kasalanan at sa pagsisimulang muli sa pamamagitan ng pagbibigay halaga sa bawat oras na binigay sa kanila.
Isang oras para gumawa ng mabuti sa kapwa kahit saang lugar man sila pwedeng mapadpad sa bawat pagkakataong ibigay ni Orasiana. Iba't-ibang lugar sa iba't-ibang panahon ang pwede nilang mapuntahan at kailangan nilang gawin ang dapat sa loob ng isang oras para umusad sila pabalik sa totoong panahon na kinabibilangan nila.
At sa minsang pag gamit ni Andres ng isang oras na iyon ay nakita at nakilala niya si Lailanie. Ang babaeng bumihag ng kanyang puso sa unang tingin niya dito.
Alam niyang magkaiba ang panahon nilang dalawa ni Lailanie dahil isa sa napuntahan ni Andres ang panahong kinabibilangan ng dalaga.
"Hintayin mo lang ako, mahal kong Lailanie. Darating ako tulad ng pangako ko sayo, mahal ko. Alam kong pagbibigyan din ako ni Orasiana. Kaunting hintay lang." usal ni Andres sa sarili niya.
"Sana ay nananalangin ka rin ngayon, mahal ko na sana ay pagbigyan ako ni Orasiana sa aking kahilingan upang tayo at magkita at magkasamang muli kahit sa maikling oras lamang." sambit ni Andres.
Tumunog ang orasan ni Andres na nakasabit sa kanyang silid. Napangiti siya nang marinig iyon.
Iyon na ang hinihintay niyang tunog, hudyat ng kanyang kalayaan sa susunod na anim na oras. Hudyat ng kalayaang gawin ang gusto niyang gawin. Hudyat ng kalayaan niya na subukang kumbinsihin si Orasiana na pagbigyan ang kanyang hiling - para sa pinakamamahal niyang si Lailanie.

Komento sa Aklat (40)

  • avatar
    AL Bios

    Magan da

    23d

      0
  • avatar
    Prescious Aichel E. Mutia

    super beautiful story

    16/08

      0
  • avatar
    Kurt Laurence Decritales

    hi po

    03/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata