logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 7

"'My, baka nagkakamali lang po si nurse. Sige po ako na po ang bahala, mauna na po kayo," sabi ko at tinitigan niya muna ako bago umalis.
Bumuntonghininga ako at pagkatapos ay humarap sa nurse na nag-peace sign sa akin.
"Sorry po, ma'am. Secret relationship lang po ba ang meron kayo?" panguusisa pa niya.
"Wala kaming relasyon. Bakit mo ba ako pinuntahan? May problema po ba?" tanong ko.
"Ano kasi, ma'am. Si sir..." sabi niya at hindi matuloy-tuloy ang sasabihin niya.
"Ano po ba 'yon?"
"Ayaw niya kasi sa amin gusto niya ikaw lang."
"Sorry, nurse pero hindi ko naman kasi talaga siya kilala at mas lalong hindi ko siya boyfriend. Aalis na po ako," paalam ko at iniwan na siya roon.
Habang palabas ako ay nakaramdam ako ng guilt. Hindi ko alam parang gusto kong bumalik doon at tingnan ang kalagayan niya pero hindi ko na ginawa. Tama naman ang sinabi ko kanina e. Hindi ko siya kilala.
Sakto naman paglabas ko ay tapos nang bumili ng gamot si Mommy. Sabay na kaming sumakay sa kotse. Habang nasa biyahe kami pauwi ay tinanong niya ako.
"Mel, ayos lang sa akin na mag-boyfriend ka pero gusto ko ipakilala mo siya sa amin," sabi ni mommy na ikinakunot ng noo ko.
"Mommy naman! Ayoko pa po," sabi ko at nakita kong bahagyang natawa si mommy sa sinabi ko.
"Pero sino ba yung sinasabi nung nurse? Siya ba yung pinuntahan mo no'n?" sunod-sunod na tanong ni mommy.
"Siya si Jairus, 'My. Nakilala ko sa school," sabi ko at tiningnan si Mommy. Nakatutok pa rin ng tingin niya sa daan.
"Oh, okay. I hope I can meet him." Napabusangot ako sa sinabi ni Mommy.
"We are not friends, Mommy!" sabi ko at tinawanan niya lang ako.
Buong biyahe ay lagi niya akong tinutukso roon. Lagi lang akong nakabusangot. Seriously? Akala ko ayaw nila ng ganon. I mean, yung most of parents hindi ba mas mahigpit sila pagdating sa ganon? Ewan, magkakaiba lang talaga siguro ang mga magulang. Masaya pa rin ako kahit ganito, mas nagiging open kami sa isa't isa.
Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay agad akong pumasok sa loob ng kuwarto ko. Hindi pa rin kasi mawala sa isipan ko yung nangyari kanina. Bakit ba ako lagi ang hinahanap at hinihintay niya?
Napailing ako sa nasa isip ko. Umupo ako sa study table ko at kinuha ang ukulele na nakapatong sa table. Tumugtog ako ng kahit na anong maisipan ko. Naisip ko na rin kung ano ang tutug-tugin.
Kinuha ko ang isa kong notebook na narito sa study table ko. Nag-take down notes ako ng mga songs na gusto ko pero hindi ko pa alam tugtugin gamit ang ukulele. By the way, I'm still learning.
Ganoon natapos ang buong weekend ko. Nagpa-practice lang ako kasama ang aking ukulele at kung minsan ay natutulog na lang. Nanonood din ako sa YouTube ng mga tutorials.
It's a monday morning today! Naglalakad ako sa hallway nang may humarang sa akin. Napatingin ako rito, siya yung babae na bigla na lang sumingit no'n sa amin ni Jairus. Ano kayang trip niya ngayon?
"What did you do?" Mataray niyang tanong sa akin.
Hindi ako sumagot. Seryoso? Anong pakialam ko sa kan'ya?
"I'm talking to you! I said, what did you do!?" Inis na sigaw niya sa akin at mahigpit na hinawakan ang kanang braso ko.
Tinggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko. "What are you saying?" walang emosyon na tanong ko sa kan'ya.
Inirapan niya ako at inayos ang ilang hibla ng buhok niya. Hindi ko na rin pinansin ang mga tumitingin sa amin.
"Ang panget mo kausap! Nang dahil sa'yo nagkasakit si Baby Jairus ko!" asik niya sa akin. "Ano hindi ka na naman magsasalita? I hate you! I really hate you!" duro niya sa akin at malakas akong binangga sa balikat ko.
Muntikan na akong matumba nang may umalalay sa akin.
"Thanks," sabi ko at tumango ito sa akin.
Naglakad na ako papunta sa room namin. Napansin ko na kaklasi ko pala ang tumulong sa akin kanina. Gaya ng dati lahat sila ay pinagtitinginan ako nang makapasok ako at yung iba ay napapairap pa. Umupo na ako sa upuan ko at inilagay ang earphones ko sa magkabilang tenga ko.
Napatingin kami sa president namin dito sa room nang dumating siya. Tumayo ito sa harapan.
"Guys, wala tayong teachers hanggang lunch. May meeting kasi sila, yun lang thanks!" sabi niya at bumalik na siya sa puwesto niya.
Nagkan'ya-kan'ya na silang gawain. Kahit ano, iba-iba. Kinuha ko ang phone ko at pinanood yung naka-download kong tutorial para sa tutugtugin ko. Sana pala dinala ko yung ukulele ko para makapagpractice ako kahit saglit.
"Hi, Melina! I have something to tell you." Napatingin ako kay Viola na nasa harapan ko.
Itinanggal ko ang earphones sa tenga ko. "Hi. Ano 'yon?" tanong ko.
"We have a meeting. Later, after class. Puwede ka ba? About doon sa contest na sasalihan natin," sabi niya sa akin.
"Okay," maikling sabi ko.
Nginitian niya ako. "Thank you!" Pagkasabi niyang 'yon ay umalis na siya sa harapan ko.
Itinuloy ko na ang panonood ko at kung minsan ay isinusulat ko yung mga chords na kailangan i-memorize. Mamaya i-try kong tugtugin kapag lunch time na. Sana walang tao sa music room.
Mabilis ang oras at nakita ko na lamang na nagsisitayuan ang mga kaklasi ko. Lunch break na! Inayos ko na ang mga gamit ko at hinayaan ko lang ang earphones ko na nakakabit pa rin sa tenga ko. Tumayo na ako at lumabas nang room.
Tuloy-tuloy lang akong naglalakad papunta sa music room. Bago ako pumasok sa loob ay sumilip muna ako sa bintana para tingnan kung may tao. Wala naman akong nakita. Hahawakan ko na sana ang door knob nang may nauna sa akin. Napatingin ako kung sino ito. Si Jairus.
Lumayo ako sa kan'ya at akmang aalis na lang ako nang magsalita siya.
"Wait," sabi niya.
Lumingon ako at tiningnan siya. Nang magtama ang mga tingin namin ay parang nakaramdam ako ng kakaiba. His hair is a little bit messy. Ang ilalim ng mga mata niya ay medyo nagkaroon ng eyebags. I don't think what's up with him. He is not my type at all.
"I'm sorry on what happen in the hospital and thank you." Tumango lang ako sa sinabi niya.
Tumalikod na ako at napapikit ako nang maalala kong kailangan ko nga palang ibalik yung jacket at note pad niya ang kaso hindi ko parehong nadala.
"Are you planning to go here? In the Music Room?" tanong niya.
"Yeah, pero mukhang hindi na ako matutuloy."
"Why? Because I'm here?"
Itinaggal ko ang earphones ko at muling humarap sa kan'ya. "No."
"Oh, okay." Binuksan niya ang pintuan  nitong Music Room.
Pumasok din ako. Ayoko kasing isipin niya na siya ang dahilan kung bakit hindi ako matutuloy sa Music Room nito. Paano niyan ako? Wala nga pala akong dalang intrument na puwedeng gamitin.
Naramdaman niya yatang na hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. " Come on, you can use the instruments here," sabi niya habang may kinakalkal sa bag niya.
Umupo ako sa mga upuan na narito at kinuha ang guitar na ginamit ko nung nagpunta rin ako rito. Inilabas ko ang notes at phone ko pagkatapos ay inayos ang earphones ko. Hindi ko muna gagamitin ang earphones.
Inilagay ko na sa kandungan ko ang gitara at tiningnan ang mga isinulat ko sa notes ko. Sinunod ko ang mga chords at sinubukan kong patugtugin ito. Nakukuha ko naman yung tamang tunog pero minsan nagkakamali rin ako. Hindi ko rin kasi memorize kaya kailangan kong tingnan ang notes ko.
Natigil ako sa pag-e-ensayo nang malakas na bumukas ang pintuan sa Music Room.
"Baby Jairus! Nandito ka lang pala! Have you eaten your lunch? Maayos na ba ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sa 'yo?" sunod-sunod na tanong nung babae na hinarangan ako kanina.
Hindi na ako lumingon sa kanila. Boses pa lang alam ko na kung sino.
"Tsk. Leave," sabi ni Jairus atnahihimigan mo rito ang lamig ng boses niya. Ewan ko lang sa tingin niya, ha.
Igagalaw ko na sana ang mga strings nitong gitara nang magsalita yung babae. They give me distruction! Hindi ako makapagconcentrate, mas inuuna ko pang pakinggan ang mga pinagsasasabi nila.
"Why? Because you liked that girl? Answer me!" sigaw niya out of her frustration.
Hello! Hindi niya ba alam na narito? Palibhasa nasa iisa lang ang tingin at wala ng pakialam sa iba pati na sa paligid niya. She was blind by the love? or just a crush thingy? Bahala nga sila.
"Sino ka ba?" balik tanong ni Jairus.
"Gosh! You didn't know my name? Are you serious?"
"Leave. Ang ingay mo," sabi ni Jairus at parang tumayo yata siya dahil may ingay na galing sa upuan.
"Jairus! Jairus! Baby..." Malungkot na sabi nung babae. "You will never forget me, I swear!" sigaw nito at muli kong narinig ang malakas na pagsara ng pintuan nitong room.
Napahilamos ako sa mukha dahil sa mga narinig kong nangyari rito. Akala ko rito ko na mahahanap ang peace of mind pero nagkamali yata ako.
Tumayo ako habang hawak ang gitara. Ibinalik ko ito kung saan ko kinuha. Babalik na lang ako sa room, the atmosphere is not good. Pagkatapos kong ibalik ang gitara ay kinuha ko ang phone at ang notes ko. Hindi ko na siya tiningnan.
Lalabas na sana ako nang hinawaka niya ang bewang ko at hinigit ako. Dahilan para mapaharap ako sa kan'ya at magdikit ang mga katawan namin. Mabuti na lang at mahigpit ang hawak ko sa phone at notes ko.
"W-what are you doing?!" Kinakabahan na sabi ko.
"I need you," aniya at napakunot ang dalawa kong kilay.
Nahihibang na ba siya? Ramdam ko rin ang malakas na pagtibok ng puso niya. Tama ba ang nararamdaman ko?

Komento sa Aklat (220)

  • avatar
    AndilongJehil

    think you sumuch

    25/10

      0
  • avatar
    JavierJameicka

    people are going to be friends with me and I don't want to say that I don't have a lot of Fan's you have a great day going to be a long day today to get out of the town and country and she said that she was so excited for you guys to come over and i am going to be late to work on the couch watching TV and she said that she was so happy to see you later love you too I don't know what to say that again to my house and he didn't catch me up and i am going to have to go back to work tomorrow we have

    13/06/2025

      0
  • avatar
    Janjan Torres

    Thanks sa apps

    07/06/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata