Yesha POV "Oh! Good morning besh, kain ka na. Ako na ang nagluto ng breakfast natin. Alam kung pagod ka pa," aya ni Alex sa 'kin, na naghahanda na sa dinning table. Kakalabas ko lang ng kwarto. Iniinat-inat ko ang mga braso ko habang pababa sa hagdan. "Good morning too, besh. Salamat." Bati ko pabalik sa kanjya. "Your welcome as always." Nakangiti ko nalang siyang tiningnan. Kumuha naman ako ng tubig dahil nauuhaw ako. "Yesha, halika na! Kumain na tayo," yaya sa 'kin ni Alex. "Okay!" Umupo naman ako sa harapan niya at agad na kumain. Tahimik lang kami na kumakain. Tanging mga kutsara at tinidor lang ang ingay sa loob ng kitchen habang kumakain kami biglang nagtanong si Alex sa 'kin. Kaya tumingin ako sa kaniya. "Ilang months ka na bang buntis, Yesha?" nag-aabang niyang tanong. "Three months na," mahinang sabi ko habang nilulunok ang kinakain ko. "Ha!? Ang tagal na pala at kailan mo naman nalaman na buntis ka?" Nanlalaking matang tanong ni Alex, natawa naman ako sa naging ekspresyon niya. Expected ko na iyan ang magiging reaksyon niya pero mas nakatatawa pala pagtotoo talagang nangyari. Hahaha. Bigla namang nagbago ang mood ko ng maalala ko ang tanong niya. "Pagkatapos ng divorced day namin ni Aiden." Walang ganang sabi ko sa kaniya, habang pilit na sinusubo sa bibig ko ang pagkain. Nawawalan na ako nang ganang kumain dahil sa pinag-uusapan namin ngayon. "WHAT!?" Bahagya naman akong napaurong dahil sa lakas ng pagsigaw niya. Kunot-noo ko siyang tinitigan, hindi niya na pinansin ang paraan ng pagtingin ko sa kaniya at nagsalita ulit. "Kaya pala hinahabol mo pa siya. I thought your just that desperate to him," masama ko siyang tiningnan dahil sa sinabi niya. Kaibigan ko ba talaga siya? Ang sama naman niyang makapagsalita. Kung pwede nga lang sampalin nagawa ko na kanina pa. Pero hindi naman ako gano'n kasama sa nag-iisa kung kaibigan. Baka mawala pa iyan. Edi, lonely na ako forever. Napakamot siya sa ulo niya, may kuto ba siya? Para siyang tanga sa ginagawa niya. "Sorry na! So it means wala na talagang pag-asa para sa inyong dalawa?" Dagdag na tanong pa niya. Tumango nalang ako, hindi ako makapagsalita parang may bumabara sa lalamunan ko. Feeling ko anytime ay maiiyak na naman ako ulit. "Ok! Change topic na tayo. So, ano na ang gagawin mo ngayon? I mean what's your plan now?" Pag-iiba na ni Alex ng topic sa usapan namin, napangiti ako dahil sa sobrang concern niya sa 'kin. God! I think I didn't deserve to have a friend like her. "My plan is pupunta ako ng ibang bansa at doon na manganganak. Maghahanap rin ako ng trabaho. Mas makakapagrelax ako doon kaysa dito. Mas-stress lang ako at maalala ko lang siya," iyan na talaga ang plano ko at sigurado na ako sa naging desisyon ko. There's no turning back. After kung manganak ay pwede na akong makapagsimulang magtrabaho para kay baby at sa future naming dalawa. "Okay.. Good thing, mags-stay ako ng one year sa Paris. So, sumama ka nalang sa 'kin. Para mabantayan rin kita ng maigi. Sa lunes pa ang flight ko. Ibibili na nalang kita ng ticket," rest assured na sabi ni Alex. Kaya napingiti ako. Mabuti nga 'yun. Thank you very much, God! I have a friend like her, na talagang maaasahan kahit kailan. I really don't know what to do if she's not with me. Lumipas na ang ilang araw at linggo na ngayon. Nung isang araw kaming bumalik dito sa Manila dahil may aasikasuhin pa si Alex. Kaya nagmamadali siyang bumalik dito. Worth it ang pag-stay ko doon sa rest house niya. If ever I have some other time, I would like to visit there again. Sa ngayon balak kung pumunta ng mall para bumili ng kakailanganin ko para sa flight namin bukas. Mga basic needs lang naman. Doon na ako sa Paris bumili ng mga damit at iba pa. Wala kasi akong masyadong gamit. Halos lahat ata ng mga gamit ko ay nandoon sa bahay na tinirhan namin ni Aiden. Ang mansion niya. Kaunti lang ang nadala kung gamit at isa pa ayaw ko ng bumalik pa doon. Sino ba naman kasi ang gusto pang bumalik doon? Nakakahiya kaya! Nakahanda na akong umalis kaya lumabas na ako sa condo unit ko at pumasok na sa elevator. Nang makalabas ako sa building ay pumunta na ako sa parking lot at sumakay na sa kotse ko. Nang maglakad ako papasok sa mall ay may nakabunggo ako. Agad naman akong humingi ng paumanhin at aalis na sana ng tawagin ako nito. "I'm sorry." "Hey, wait!" Napahinto naman ako sa paglalakad at lumingon. Familiar ang mukha niya. Saan ko nga ba siya nakita? "Right! It's really you, Yesha. It's good to see you here," ahh right si Vinn, pinsan ni Alex. "Ahh... Me too, Vinn. Nakakagulat na makita ka rito. I thought you're a busy person?" Nagtatakang tanong ko. "I have also my leave too, Yesha. One week exactly. I just decided to spend it here in Philippines. I actually miss the ambiance here," masayang sabi niya. Hindi naman halata na excited siya. "What about you? What are you doing here? Ikaw lang mag-isa at wala ka pang kasama." "Kailangan ko kasing bumili ng mga gamit para sa flight ko bukas papuntang Paris." "Seryoso? Kasama mo bang pupunta doon si Alex? I heard from her that she'll go in Paris tommorow," nasabihan pala siya ni Alex. Tumango naman ako sa kaniya. "Yes, actually sasama talaga ako sa kaniya papunta doon and I'm staying there for good," nakangiti kung sabi. "Oh. Ayaw mo na ba dito sa Pilipinas? Or you just want to moved in another country?" "Both?" Natawa naman si Vinn sa sagot ko. What's so funny? "It's actually a long story to tell, Vinn." "I can listen to that today, because I don't have anything to do right now anyway." "Are you sure?" paninigurado ko, baka naabala ko lang siya. "Of course, I'm interested in you. There's no doubt about it. Also, because I want to know you more, Yesha." Seryosong sabi niya, napalunok naman ako at napaiwas ng tingin sa kanya. "S-Sure." Nagsimula na akong maglakad sumunod naman siya sa 'kin. Pumunta ako sa isang cafe dito sa loob ng mall. Doon nalang kami mag-uusap. Nang makapasok sa cafe ay nagpresenta siya na siya na ang mag-order at treat niya raw. Pumayag naman ako. Sikat na artista na nga ang manglilibre hihindian ko pa. That's a big no. Napatingin ako sa counter ng makitang maraming babae ang nakapalibot sa kaniya. Napatawa at napailing nalang ako dahil sigurado akong si Vinn ang pinagkakaguluhan nila. After ten minutes ay nakabalik na rin si Vinn sa table namin. Natatawa ko naman siyang tiningnan dahil sa nakabusangot na mukha niya. Napabuntong-hininga muna siya bago nilapag ang in-order niya. "Hayst. Madami rin pala akong fans na nandito parang hindi ko tuloy ma-e-enjoy ang vacation ko dito," mahina niyang sabi, na siguradong ako lang ang makakarinig. "Cheer up, Vinn. Sa susunod kasi mag disguise ka na. Ang gwapo mo kasi kaya ka pinagkakaguluhan ng mga babae," nakita ko namang namula ang tainga niya. Pero hindi ko na iyon pinansin pa. Ngumiti lang siya at nagsimula na akong magkwento sa kaniya. Sinabi ko lahat sa kaniya ang tungkol sa 'kin at gano'n rin siya sa kanya.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
maganda
10/04
0ganda sobra 🥰🥰🥰🥰🥰
02/07/2025
0nice
01/05/2025
0Tingnan Lahat