logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 2

Yesha POV
Naramdaman ko naman na may kamay na mahinang tumatapik-tapik sa pisngi ko. Minulat ko ang mga mata ko at agad kung inilibot ang paningin sa paligid. Wow!
"Wow! Sobrang ganda naman dito, Alex."
Namamanghang tiningnan ko ang paligid, legit ang ganda talaga ng dagat kahit nandito pa kami sa gilid ng kalsada.
Nasa harapan namin ang rest house na pagmamay-ari niya. Marami ring niyog ang nakapalibot sa rest house.
"Bumaba ka na dyan para mailibot na kita dito ngayon," agad naman akong bumaba at sumunod sa kaniya.
White as snow ang buhangin, ang lakas pa ng hampas ng hangin sa balat, ang sarap lalo na sa feeling. Lalo na't fresh air dito, 'di tulad sa bayan na puro air pollution ang nalalanghap doon. Mabuti at hindi masyadong mainit ang araw ngayon. Sobrang linaw ng tubig sa dagat parang inaanyaya pa akong maligo.
Pagkatapos naming malibot ang paligid ng rest house ay pumasok na kami sa loob.
Pero bago pa kami makapasok sa loob ay may papalapit sa amin na lalaki. Kaya napahinto kaming dalawa sa paglalakad. Ang gwapo niya! Para siyang artista sa itsura niya palang dahil sa white polo na naka tuck-in sa pants niya with white shoes at may shades rin siyang suot.
"Hi, Alex." nakangiting bati niya sa kaibigan ko.
Kunot-noong tiningnan siya ni Alex kaya nagtataka ko siyang tinitigan. Hindi niya kaya kilala ang lalaki na iyan? Eh, bakit siya tinawag sa pangalan niya?
Nilipat nang lalaki ang tingin niya sa 'kin at ngumuti ng matamis. Shocks! Ang gwapo! 'Wag kang ngumiti nang ganyan baka mahulog ako ng tuluyan sayo.
Napa face palm nalang ako dahil sa kabilawan na naiisip ko ngayon.
"Hello, Miss. I'm Vinn Park, Alex's cousin and you are?" labas na ngiping ngiti ni Vinn sabay lahad ng kamay niya.
Ngumiti muna ako bago ko ito tinanggap at nakipag-shake hands. "I'm Yesha Davis, Alex's best friend. Nice to meet you, Vinn."
"Nice to meet you too, Yesha." Pormal na sabi niya.
"Vinn? Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba busy ka sa Korea, bakit nandito ka?" nagtatakang tanong ni Alex.
"You have so many questions, Alex. Actually I'm here to relax and later on I'll go back to Korea. How about you, what are you doing here? It's not usual to see you in this place." natatawa namang sagot ni Vinn.
"Pwede ba magtagalog ka naman? Nakakanosebleed ka kaya! Nandito ka sa Pilipinas. At pake mo ba? Bakit kailangan pa sa rest house ko? Eh, ang dami mo namang rest house," inis na sabi ni Alex bigla namang sumeryoso ang mukha ni Vinn. Kaya nagulat ako.
Nagpalipat-lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa. Ang seryoso kasi nilang dalawa.
"You already know why, Alex. Parang alam na ng mga fans ko ang iba kaya hindi na ako totally relax pag doon ako magsta-stay dahil nag-aantay lang sila doon."
Fans? So sikat nga siya? Wow! Hindi ko alam na may sikat na pinsan palang itong si Alex, matanong nga siya mamaya.
"Sige, mauna na ako sa inyo Alex. I want to hang out with you guys but I still have many things to do, ahead of me. Nice to meet you again, Yesha and see you around. Bye!" kumaway si Vinn bago umalis sa harapan namin kinawayan ko naman siya pabalik.
Sumakay naman siya sa kotseng nakaparada malapit sa kotse ni Alex. Eh? Wala naman iyan kanina, ah!
"Yesha, tara na sa loob!" Sigaw ni Alex, ang bilis niya naman maglakad, nandoon na siya sa pintuan ng rest house.
"Okay."
Agad naman akong umupo sa sofa dahil nakaramdam ako ng pagod sa paglilibot kanina.
"Oh, ito! Inumin mo!" Inabot ni Alex ang orange juice na dala-dala niya, agad ko naman itong ininom dahil nauuhaw na rin ako. Umupo naman siya sa katabing sofa.
"Yesha, ano ba talaga ang totoong nangyari sa inyong dalawa ni Aiden? Bakit umabot pa na kailangan maghiwalay kayo?" Takang mga tanong ni Alex.
"Isa-isa lang pwede? Mahina naman ang kalaban. Magkwekwento ako, kaya 'wag ka munang magsasalita habang nagkwekwento ako sayo. Pagtapos na akong magkwento 'tsaka ka na magtanong sa 'kin," paninigurado kung sabi sa kaniya.
"GanitoΒ  kasi 'yung nangyari. 'Di ba nasabi ko na sa iyo na arrange marriage lang kami ni Aiden." Tumango naman siya bilang pagsang-ayon kahit halata sa mukha niya na naguguluhan pa rin.
"Hindi ko sinabi sa iyo na may contract kaming pinirmahan na after 5 years of marriage naming dalawa ay dapat magdi-divorce kami. Dahil in the first place ay hindi naman namin mahal ang isa't-isa. Sapat na rin ang limang taon para makuha niya na lahat ang mana niya. Pero sa loob ng five years na 'yun, nahulog ako sa kaniya. Nasa agreement din namin na dapat walang ibang makakaalam tungkol sa contract, kaya hindi ko na nasabi pa sayo. Kasi sabi niya pamilya ko rin naman daw ang makikinabang sa kanila, kaya sumang-ayon nalang ako. Eh! Ano namang laban ko. Totoo naman talaga 'yun at isa pa na love at first sight kaya ako sa kaniya," malungkot na kwento ko sa kaniya pinahid ko naman ang luha na tumulo sa mga mata ko.
"Gosh! Besh, naman! Bakit ngayon mo lang iyan sinabi? All this time pinapahirapan mo lang ang sarili mo? Sana sinabi mo nalang sa 'kin, kahit bawal pa iyan. Nagi-guilty tuloy ako," malungkot na sabi niya. Umiling ako sa kaniya.
Nasaktan tuloy ako dahil nagmumukha akong kaawa-awa sa kaniya at sinisisi pa niya ang sarili dahil sa nangyayari sa akin ngayon.
"Bawal ngang malaman ng iba, Alex. Kakasabi ko nga lang 'di ba? Sa amin nalang kasi 'yun, pag lumabag ako kami naman ng pamilya ko ang malalagot," matamlay na sagot ko kay Alex. Hindi ko na alam kung ano na ang gagawin ko ngayon.
"Hayst... Wala na tayong magagawa, nangyari na ang dapat mangyari. Iiyak mo nalang iyan ngayon, Yesha. Dapat bukas, hindi ka na ganyan. Dapat kalimutan mo na siya at maging masaya ka. Katulad ng ginagawa ni Aiden ngayon," seryosong sabi ni Alex sa 'kin.
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay humagugol na ako ng iyak sa harap niya at niyakap siya ng mahigpit.
"*Hik! *Hik! Thank you talaga, besh. Hindi ko talaga alam anong gagawin ko kung wala ka rito ngayon sa tabi ko," lumuluha kung sabi sa kaniya.
"Hahaha! Ano ka ba 'wag mo ng isipin pa iyan. Magpahinga ka nalang pagkatapos mong umiyak, okay?" dagdag pa niya, kaya tumango nalang ako at iniyak lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.
Makalipas ang ilang oras ay natapos na rin ako sa paglabas ng sama ng loob ko. Gabi na kaya kumain na kami ng dinner namin. Pagkatapos ay inaayos ko na ang mga gamit sa kwarto na pinapagamit sa 'kin ni Alex.
Tapos na akong mag-ayos ng mga gamit ko kaya nandito ako ngayon sa balkonahe. Nakatitig sa maliwanag at magandang buwan sa kalangitan.
Nagmuni-muni ako ng ilang minuto bago ko naisipan na pumasok na sa loob para matulog na. Bukas ko nalang iisipin kung anong gagawin sa mga problema ko.

Komento sa Aklat (85)

  • avatar
    ritzie

    maganda

    10/04

    Β Β 0
  • avatar
    Amben Riza

    ganda sobra πŸ₯°πŸ₯°πŸ₯°πŸ₯°πŸ₯°

    02/07/2025

    Β Β 0
  • avatar
    SabijonRaul

    nice

    01/05/2025

    Β Β 0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata