logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 1

Yesha POV
Nanatili lang akong nakatayo habang nawala na sa paningin ko ang sasakyan ni Aiden. I can't believe it, I just talked to him.
This past few days hindi ko siya nakikita at naaabutan dito. I'm thankful that we had talked today. Naisipan kung umuwi na sa condo unit ko. Kaya pumunta ako sa sasakyan ko kung saan ko ito pinark kanina.
Habang nasa biyahe ay iniisip ko pa rin ang nangyari kanina. Nasasaktan talaga ako ngayon ng sobra kaya magrerelax muna ako.
Pero hindi pa alam ng kaibigan ko na buntis ako at divorced na kami ni Aiden. Hindi ko pa kasi sinabi sa kaniya ang tungkol doon. Tinago ko muna sa kaniya, ayaw ko naman siyang mag-alala ng sobra bago ko pa matapos ang problema naming dalawa ni Aiden.
Tatawagan ko nalang siya mamaya pagkadating ko sa condo. Sigurado akong magagalit 'yon sa 'kin dahil sa pagsisinungaling ko sa kaniya. Ayos lang pagnagalit siya sa 'kin kasalanan ko rin naman kasi hindi ko nasabi sa kanya.
I'm not a kind of person that would lie na walang rason. Every lie have a reason right? It's either good or not. Kahit ang iba ay wala namang saysay na rason.
Pagkapasok ko palang sa condo ay kinuha ko na ang cellphone ko at tinawagan ang nag-iisang kaibigan ko.
"Hello! Yesha napatawag ka?" Nagtatakang tanong ni Alex, langya itong babaeng 'to nagtataka pa kung bakit ako tumawag hindi ba pwedeng mangungumusta lang? Sabagay, hindi naman 'yun talaga ang sadya ko sa kanya.
"Hi! Alex, may sasabihin sana akong importante sa iyo ngayon. Pumunta ka nalang dito sa condo ko, dito ko na sasabihin sayo."
"Ok! But, I already sense something fishy to you this past few days. Sige hintanyin mo nalang ako."
Ang lakas talaga ng radar niya grrr. Nakakatakot talaga siya kaya minsan ay hindi ko sinasabi sa kaniya, eh. Pero mas amasona naman ako sa aming dalawa.
"Ay wait! Bumili ka ng mga prutas kahit anong klase ng prutas at fresh milk na rin," dagdag ko pa sa kaniya.
"Ha? Why so sudden? Your really weird, Yesha." I rolled my eyes, I know why I'm weird right now kahit hindi naman halata. "Sige, maghintay ka na muna, dadaan pa ako sa supermarket para bumuli,” kahit nagtataka ay hindi na siya nagtanong pa at ibinaba na ang tawag.
Manonood nalang ako ng tv habang naghihintay kay Alex.
One hour later.
May nagdo-doorbell, siguro si Alex na 'yun. Marahas ko namang binukasan ang pinto.
"Ang tagal mo naman!" Galit na bungad ko sa kaniya pagkabukas ko palang ng pinto. Ang tagal niya kasi, kanina pa ako naghihintay. Nakakabagot kaya maghintay at kanina pa ako gutom.
"Gaga ka, madami kayang tao sa grocery at sobrang traffic pa. Gosh! Nakakahagard naman 'to," simangot na sabi niya at pumasok sa loob ng kusina sabay lapag ng pinabili ko sa lamesa.
"Oh!? Ano na ang sasabihin mo, Yesha?" naghihintay na tanong niya.
Bigla naman akong kinabahan. Hindi ko naiimagine kung ano ang magiging reaskyon niya. Pero sigurado ako na magagalit siya sa 'kin dahil ngayon ko pa sasabihin sa kaniya. Nagsimula na akong pagpawisan kahit sobrang lamig dito sa loob.
"'Wag kalang sisigaw pagmagugulat ka sa sasabihin ko, Alex. Okay?" Seryoso kung tanong sa kaniya habang nakatitig sa nagtatakang mata niya. Tumango naman siya kahit naguguluhan sa kinikilos ko.
"Oo, ano na ba kasi 'yun? Nacucurious tuloy ako lalo," dagdag niya.
"Eh! Kasi besh, hiwalay na kami ni Aiden at buntis ako, siya ang ama," nakayuko kung sabi kay Alex. Kinakabahan ako pero natatakot ako sa magiging reaksyon niya. I sighed. I hope she's not going to kill me.
Five minutes na ang nakalipas wala pa rin akong narinig na response niya. Kaya tumunghay ako para tingnan siya.
"Pfft. Anong mukha iyan, besh? Bakit hindi na maipinta. HAHAHAHA." natatawa kung tanong sa kaniya. Ang epic ng mukha niya hindi ko ini-expect na gano'n ang magiging reaksyon niya.
"Che! Sabi mo kasi kanina na 'wag akong sumigaw, kaya nga hindi na ako sumigaw. Hmp!" masungit na sabi niya.
"Pero gulat na mukha naman ang pinakita mo na sobrang pangit talaga tingnan. Joke lang! BWAHAHA." napahawak na ako sa tiyan ko sa kakatawa ngayon.
"Grabe! Makapanglait 'to kung hindi ka lang buntis kanina pa kita tinadyakan dyan, eh," inis niyang sabi at pumunta ng living room at umupo sa sofa. Bumelat naman ako sa kaniya. HAHAHA.
Tumabi naman ako sa kaniya bago kinain ang mansanas na binili niya. "Pero seryoso, Yesha. Totoo ba talaga ang lahat ng mga sinabi mo? O niloloko mo na naman ako ngayon, ha?" Seryosong tanong ni Alex, napakamot naman ako sa ulo ko dahil sa tanong niya.
Minsan kasi napapagtritripan ko rin siya eh sa wala akong magawa sa buhay at siya lang ang mapapagtripan ko.
"Oo, seryoso na ito. Lalo na at may madadamay. Ang anak ko," seryoso ko ring sagot.
"Paano na iyan? Wala na sila Tita at Tito at wala ka pang trabaho ngayon," nag-aalalang saad niya, napangiti naman ako sa tinuran niya. Namatay na kasi ang parents ko three years ago.
Nalungkot naman ako. Pero alam ko naman na masaya na sila ngayon kung nasaan man sila. Alam ko rin na nandito lang sila sa tabi ko palagi at binabantayan ako. Kaya napangiti ako sa naisip ko.
"Kaya nga, eh," malumanay na sabi ko, habang nakatitig sa sahig.
"Pero don't worry besh, nandito ako para tulungan ka. Kaya huwag kang mag-alala, kung may kailangan ka tawagan mo lang ako. Lalo na ngayon na buntis ka pang babaita ka!"
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Pagkatapos niya 'yun sabihin. Niyakap ko naman siya agad dahil sa sobrang saya ko. I'm so much happy kasi she is my one and only bff, and she is with me for almost a decade.
"Yesha!" napalingon ako ng bigla niya akong tawagin.
"Bakit, Alex?" Nagtataka kung tanong sa kaniya habang nginunguya ang mansanas sa bibig ko.
"Punta tayo sa rest house ko malapit sa dagat. Magbakasyon tayo doon. Maganda ang view. Sigurado akong magugustuhan mo," nakangiting sabi niya. Nakangiti akong tumango sa kanya.
Mabuti na rin 'yun para mawala kahit saglit sa isipan ko ang mga problema ko ngayon pagnakita ko na ang ganda ng dagat.
"Sige! Mag-aayos na muna ako ng gamit na dadalhin ko, Alex." Excited na sabi ko. Tumango naman siya, agad naman akong pumunta sa kwarto ko para mag-ayos na.
Nandito na kami ngayon sa parking lot papunta sa kotse ni Alex. Medyo sa dulo niya ito na pinark. Pumasok na kami at agad niya nang pinaandar ang sasakyan papuntang rest house niya.
"Umidlip ka muna dyan, Yesha. Mga dalawang oras pa bago tayo makakarating doon," tumango naman ako at dahan-dahan namang pumikit ang mga mata ko.

Komento sa Aklat (85)

  • avatar
    ritzie

    maganda

    10/04

      0
  • avatar
    Amben Riza

    ganda sobra 🥰🥰🥰🥰🥰

    02/07/2025

      0
  • avatar
    SabijonRaul

    nice

    01/05/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata