logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 4

~๐™๐™–๐™š๐™ก๐™ก๐™š ๐™‹.๐™Š.๐™‘~
DUMERETSO na ako sa hospital room ni mama
Then I saw her. Nakangiti siya saakin, agad akong lumapit para yakapin siya.
Nakalimutan kong bilhan ng prutas man lang si mama
"Anak, pasensiya ka na ah. Baka may ginagawa ka naistorbo kita, buisy kase yung papa mo sa trabaho naiintindihan ko naman iyon" she said. Umupo ako sa upuan na katabi ng bed niya
"Okay lang mama. Wala naman po akong ginagawa, ipinasyal lang namin si Acel sa mall" saad ko
"Ganun ba. Hindi mo sinama dito si Acel. Miss na miss ko na yung apo ko" napangiti ako sa sinabi ni mama
"Napagod kase ma eh. Tuwang tuwa na pasyal namin"
"Naku. Ang apo ko talaga, kasama ninyo si Vandryk? Kamusta na kayong mag asawa?" She asked. Kaya napahinto ako..
"Okay lang kami ma. Buisy lang si Vandryk" saad ko.
Okay lang ba talaga kami? Hindi naman eh.
"Mabuti naman anak, sayang nga hindi na tayo nakakapag dinner man lang o nakakapasyal dahil dito sa fracture ko na napakatagal gumaling"
"Sana nga anak..." She said at parang maluluha na si mama.
Kahit naman ako. Kung ako nasa posisyon ni mama, gustong gusto ko na gumaling
"Kumain ka na ba ma?" Tanong ko, ayoko na namang makitang umiyak si mama
"Hindi pa anak, hinintay kita para sabay na tayo" she said kaya napangiti ako
"Kukunin ko lang yung pagkain ma. " She noded at me. Saka ako lumabas para kunin yung tray ng pagkain.
~~~
"Hindi ka ba kakain anak?"
"Maya maya po, kakain lang din po kase namin sa mall" saad ko. Ngumiti siya saka siya nag simulang kumain.
I look at my phone. Ni wala siyang tawag, alam ko naman wala siyang pake. Bakit pa ako mag iintay ng tawag o text man lang
*KRINGGGG*
Nataranta ako kung sino tumawag, si pala lang pala. Akala ko siya..
"Hello pa."
"Hellow anak. Kamusta na si mama mo diyan, kumakain ba sa tama. Pasensiya na kayo. Buisy lang talaga ako. Babawi ako sa susunod", he said. Napangiti nalang ako
'Pag sinabi ni papa. Tinutupad niya
"Opo papa. Kumakain si mama ngayon" saad ko. Tumingin saakin si mama. Alam naman niya na si papa ang kausap ko.
"O sige na ingat kayo anak ah. May gagawin pa ako. Tatawag nalang ulit ako."
"Bye po pa." Saka niya ibinaba ang tawag.
Kung nakakapag lakad pa sana si mama kung hindi dahil sa matagal niyang fracture. Nakakapamasyal man lang kami.
Naalala ko pa nuon, kung saan nag simula yung fracture niya sa binti at sa kanang braso.
Papunta kase kami ng Tagaytay. Para mamasyal. Dahil malamig nga duon.
Madaling araw kami umalis. Medyo madilim pa. Habang nag da drive si papa. Hindi namin namalayan na may nag overtake na truck
Hindi namalayan ni papa na may mag oovertake na truck. Kaya nataranta siya at dumeretso kami sa bangin.
Oo sa bangin, pilit kaming pinapakalma ni papa. Pero kaming dalawa ni mama ay. Iyak ng iyak sa sobra naming takot.
Sobrang lalim ng bangin ng aming binagsakan. Ilang oras bago dumating ang mga ambulansya.
Dinala kami sa ospital na duguan. May frature din ako sa kanang paa ko. Pero mabilis ma ka recover
Kay mama dalawang fracture kaya. Sobrang bagal ang recovery niya. Nakakaiyak oo. May trauma na din ako. Kaya ayoko na umulit.
Sobra akong na trauma. Minsan na oout of balance ako. Because of my fracture. Kaya hanggang ngayon naalala ko parin ang nang yari.
M I was 18 years old. Nangyari iyon..
"Anak okay ka lang ba?" Agad akong napatingin kay mama. Tapos na pala siya kumain
"Okay lang po. Tapos kana ma. Ibabalik ko na po ito" tumango si mama kaya kinuha ko yung tray para ibalik
Lumabas ako ng hospital room ni mama. Habang nag lalakad ako. Napatingin ako sa isang room na bukas. Nakaawang, tumingin ako duon. May isang lalaki na familiar saakin. Hindi ko maalala kung saan ko siya nakilala o nakita?
Nakaharang kase yung doctor, kaya hindi ko siya makita ng buo. Basta kilala ko siya.
Isinawalang bahala ko iyon. Saka ko na ibinalik yung tray, binalik ko na din yung pagkain. Hindi ako kumain. Busog pa ako
AGAD naman akong bumalik dito sa hospital room ni mama
Tulog na siya. Ang bilis matulog ni mama. Nakita ko din may nurse pala dito sa loob
"Kailangan niya na po mag pahinga, uminom na din po siya ng gamot" saad saakin ng nurse
"Sige. Salamat", saad ko. Tumango siya. Saka umalis.
Lumapit ako dito sa kama ni mama. Saka ako umupo sa upuan.
Parang gusto ko matulog, inaantok na ako. Iidlip muna ako saglit. Maaga pa naman.
Himiga ako sa bed. Yung ulo ko lang naman nakapatong. Dahil bawal. Tangging pasyente lang ang pwede
~~~
AFTER AN HOUR
NAGISING ako dahil naalimpungatan ako. Kinuha ko yung cellphone ko. Pagtingin ko sa oras
Hala. 11 pm na pala? Hindi ko namalayan yung oras, napasarap yung idlip ko.
Nagulat nalang ako. Nang may 3 missed calls at 2 message
"Where are you?"
"What the hell. Are you doing!?" Lahat ng iyon mula kay Vandryk
Gusto ko sanang matuwa. Dahil alam kong nag aalala siya saakin. Pero hindi naman ito yung gusto kong matanggap na message.
Kahit sa message. Sisigawa ka.
Kinuha ko na yung bag ko. Kailangan ko nang umuwi.
Hinalikan ko sa noo si mama. Saka lumabas na
May masasakyan pa kaya ako dito?, Pumara ako ng kahit taxi. Pero sana ligtas ako dito..
Sumakay na ako. Saka ko sinabi yung adress ng bahay.
~~
"Ito po bayad" saka ko iniabot yung bayad kay manong.
Bumaba na ako ng taxi. Dahan dahan akong pumasok sa loob ng bahay. At baka may magising ako na natutulog
Pagkapasok na pagkapasok ko ng loob ng bahay. Mag lalakad na sana ako ng marinig ko ang boses ni Vandryk
"What hell are you going? At ganito pa ang oras ng uwi mo!?" Nagulat nalang ako ng sigawan. Niya ako
"N-nasa ospital ko. Pumunta ako kay mama.." saad ko. Bigla siyang lumapit saakin.
"Bakit ganitong oras ka umuwi? Ano nakipag landian ka?!" Nagulat nalang ako sa sinabi niya ..
What? Nakipag landian? It hurts you know...
"H-hindi ako ganiyang tao.... Binantayan ko si mama. Umidlip ako saglit kaya hindi ko napansin yung oras.." saad ko.
"Pretending huh? Sa susunod na umuwi ka ng gabi. Hindi ka na makakapasok dito" he said
Hindi ko alam kung anong gusto niyang palabasin. Naiiyak nga ako sa sinabi niyang nakikipag landian ako. May anak ako maya sawa ako. Gaganun pa ba ako??
Bakit nung umuwi ba siya ng sobrang gabi. Ginaganito ko siya? Hindi naman diba.. gusto ko sanang sabihin lahat iyon pero wala akong lakas...
"Magsabi ka. Para hindi nag aalala yung tao sayo! I have work tommorow. Pero ganito ginawa mo!" He said.
Tuluyan na akong naiyak. Wala na talaga akong nagawang tama.. edi sana hindi na siya naghintay diba... Kasalanan ko ba...
"D-diba sabi mo.. wala tayong pakiilaman sa isat isa? Bakit mo ako ginaganito? Ano pa ba? Saktan mo ko?..." Saad ko umiyak na talaga ako
Hindi ko na talaga siya kaya... Gustuhin ko man makipag hiwalay... Pero hindi ko alam ang gagawin ko..
He glared at me.. saka siya umalis. Na parang wala lang
Ako nakatayo dito habang umiiyak. Umakyat na siya papuntang kwarto
Ibinabako muna yung shoulder bag ko. Saka pumunta sa kwarto ni Acel. I saw him sleeping
I look at his face. He really look like his father... Okay lang naman saakin. Yung iwan ako yung inanakan lang ako. Okay lang saakin.
Hindi yung ganito. Na nagpapakahirap sa ganito kami...
Paano kung iwan ko nalang siya? Kahit kailan hindi tumatak sa isipan ko na iwan siya. Dahil mahal ko siya. Dahil siya din ang kailangan ng anak ko..

Komento sa Aklat (1174)

  • avatar
    CDT. DUHIG, M.K.

    not bad story

    6d

    ย ย 0
  • avatar
    trendslucky

    nice

    6d

    ย ย 0
  • avatar
    Elle

    wahh my comfort zone, hindi talaga ako nagsasawang basahin to kahit na matagal ko na tong paulit ulit binabalikan๐Ÿฅน๐Ÿฅน super worth it to read talagaaaa!

    29/03

    ย ย 0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata