logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 6

Tyler's POV
"So you're a fairy?" Medyo shock pa ako at nalilito sa mga naririnig ko sa kanya.
I've never encountered something supernatural before. Hindi nga ako naniniwala sa albularyo eh.
"Oo, Master," nakangiting sagot niya. Napahawak ako sa sentido ko. Nanaginip ba ako? Kinakarma ba ako dahil sa kasamaan ng ugali ko? Kinukulam ba ako ng mga napaiyak kong babae?
"Gusto mong makita ang pakpak ko, Master?" tanong niya.
Nanlaki ang mata ko at agad siyang pinigilan. "NO!" malakas kong sigaw. Maliit na pakpak pa nga lang ng mga insekto kinikilabutan na ako, malaki pa kaya.
"It's not necessary." Lumunok ako at tumingin muli sa kanya. Is this for real? A fairy. Muli niyang pinagalaw ang mga halaman na nakatanim sa paso. Pinalaki niya ang mga ito at halos magmukhang mossy forest ang bahay ko.
"Stop that," suway ko sa kanya. Nakangiti naman siyang tumango. "I get it. You're a fairy. You can leave now." Malungkot siyang tumingin sa akin.
"Pero wala akong ibang mapupuntahan," nakangusong sabi niya. Umiwas ako ng tingin. Those lips. "Binigyan mo ako ng handog kaya ako nagwangis tao."
Handog? Kailan? Ah! 'Yung damit ko. Hindi ko naman binigay sa kanya 'yun. Kusa niya 'yung sinuot.
"You mean my shirt?" Umiling siya kaya nagtaas ako ng dalawang kilay. Ano pala?
"Naghandog ka sa akin ng isang matamis na pagkain. Labis ko itong nagustuhan." Nagtataka akong tumingin sa kanya.
Kinuha niya sa tabi niya ang isang cupcake na may kagat. 'Yun 'yung cupcake na iniwan ko sa kusina no'ng simigaw sila na may insekto kagabi.
"Handog 'yan?" tanong ko. Tumango siya at ngumiti kaya lumabas ang malalim niyang dimples sa magkabilang pisngi.
Cute
"Kapag may naghahandog sa amin ng matamis na pagkain. Labis kaming nabibighani sa nilalang na iyon," paliwanag niya. So parang feeling nila link na sila doon sa tao or what so ever na nagbigay sa kanila ng sweet desserts?
"Kaya nabighani ako sa'yo, Master," nakangiti niyang sabi. Bigla akong nakaramdam ng init sa buong katawan ko.
Did he just say that he's attracted to me? Well... I mean what's new? Who won't be attracted to someone like me? I'm handsome, hot, rich, famous and intelligent. Hindi na ako magugulat na pati fairy nagkagusto sa'kin.
I mentally pushed my hair back with my fingers.
"Bakit nagkulay rosas ang iyong mga tainga, Master?" nag-aalalang tanong niya. Tinakpan ko ang tainga ko dahil sa sinabi niya.
"Stop calling me Master. My name is Tyler."
Sineryoso niya talaga ang sinabi ko. Tss. Hindi ko siya pinansin at naglakad papunta ng kitchen.
"Ngunit narinig kong Luigi ang tawag sa'yo ng kaibigan mo kanina. Ibig ko sanang 'yon ang itawag sa'yo," nakangiting sabi niya.
Only my Mom calls me Luigi. I don't really like it when someone calls me that name pero maybe it's a stepping stone na rin to move on from the past.
Kahit hindi ako lumingon alam kong sinusundan niya ako. I'm starving. I opened the fridge and thankfully may mga stored foods.
"Ang sarap..." toreteng sabi niya habang nakatingin sa fridge ko. Sinundan ko ang tinitingnan niya at chocolate ice cream ang bumungad sa'kin. I glanced at him at takam na takam pa rin siya do'n sa ice cream.
He loves sweet desserts, huh?
Kinuha ko yung ice cream at tinapat sa mukha niya. "You want this?" tanong ko. Mabilis siyang tumango.
"Okay. On one condition, right after I give you this ice cream, you will leave." nakangiting pang-uuto ko sa kanya. Nawala ang ngiti sa labi niya at malungkot na umiling.
"Hindi na lang Luigi," sagot niya. Tss. Hinagis ko sa kanya 'yung ice cream at agad niya naman itong nasambot.
"Whatever," I hissed. "Kainin mo na lang." Kumuha na ako ng mga ingredients na gagamitin ko. Hindi na man sa nagyayabang pero kahit na mayaman ako marunong pa rin ako mag prepare ng sariling food. Mahilig kasi talaga akong magluto.
Habang naghihiwa ako ng mga sangkap ay nakangiti lang siyang nakatingin sa akin habang kinakain ang ice cream niya. Napansin ko kung paano niya dilaan at kainin ang ice cream.
That's hot...
Nanlaki ang mata ko nang marealize ko kung gaano na ako katagal nakatitig sa kanya. Binura ko ang nasa isip ko at umiling. Yeah he's gorgeous but he's still a dude. That's what he said. Lalaki daw siya pero nakatakda siyang maging isang prinsesa. Sounds like shit, right?
"Fuck!" sigaw ko. Agad kong hinugasan ang daliri kong aksidente kong nahiwa. Nawala kasi ang pokus ko sa pagluluto. Mas'yado akong maraming iniisip.
"Luigi!" Agad siyang lumapit sa akin. Pilit niyang sinisilip 'yung nagdudugo kong daliri. "Ayos ka lang ba Luigi?" nag-aalalang tanong niya. Kinuha niya ang daliri ko pero agad ko itong binawi.
"Stop touching me!" inis kong sabi. Hindi niya ako pinakinggan at pilit na kinukuha ang daliri ko. Kulit ng fairy na to ah! Tumalikod ako para umalis pero agad niya akong pinigilan.
Humarap ako sa kanya. "Ano bang prob-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang tumapat sa akin ang napakaganda niyang mukha. Diretso lang siyang nakatingin sa akin. Pinagmasdan ko ang mga mata niya at nakita ko ang bahagyang pagbabago ng kulay ng mga ito. Naging berde ito.
Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili kong sakupin ang kaniya. Binaba ko ang tingin ko sa mapula niyang mga labi. Napatunayan niya na sa'kin na lalaki siya pero parang ang hirap lang paniwalaan.
Tama nga siguro ang kinuwento niyang sabi ng prophecy. Itinadhana siya para maging babae. I want to devirginized those plump pink lips so badly. Fuck.
"Tapos na Luigi." Nabalik ako sa ulirat nang magsalita siya.
"H-Huh?"
"Magaling na ang iyong sugat." Pinakita niya sa akin ang daliri kong hawak niya. My wound is gone.
"You can also heal?" tanong ko. Tumango siya at nakangiting bumalik sa upuan niya. Kaya pala siya atat na atat na tingnan ang sugat ko.
"Kaya kong gumamot sa iba ngunit hindi ko kayang gamutin ang sarili ko," malungkot niyang sabi. Nagtaas ako ng dalawang kilay.
"Why?" I can't believe that I'm actually having a conversation with this fairy right now. I didn't even know they were real. Usap-usapan na talaga sa buong bayan na merong mga fairies dito. Pinapanakot ng mga matatanda sa mga bata.
'Yung iba ang sabi masasama daw sila. Kumakain ng tao at nagnanakaw ng mga makikinang na bagay. Like jewelries and coins. Iba naman sabi s'werte daw. I never believed in them lalo na at takot ako sa mga insektong may pakpak.
I still think na nanaginip pa rin ako.
"Hindi ko alam Luigi," sagot niya. "Dapat ay bahagya akong manghihina dahil sa ginawa kong paghilom sa sugat mo." I glanced at him. He seems fine. Mukhang wala namang nangyari sa kanya.
"May kakayahan akong mag alis ng ano mang kalungkutan at karamdaman sa mga nahahawakan ko. Kapalit nito ay saglit akong manghihina pero mababawi ko din naman ang lakas ko makalipas ang ilang araw," mahabang litanya niya.
"Pero kapag dumidikit ang balat ko sa'yo, Master, parang nabibigyan din ako ng lakas. Ang sarap sa pakiramdam."
That's strange.

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    Maria Jereil Agus Jonson

    nice story waiting sa next chapter nakakabitin eh

    19/07

      0
  • avatar
    Kerly Espaol

    I love dis story I love it

    09/07

      0
  • avatar
    Jem Ma

    Ang ganda sana kaso bitin

    04/05

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata