logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 2: A Cupid I Never Thought We Needed

LARISSA
"Larissa, bakit ka tulala? Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?" tanong ng isang malumanay na boses na nagpabalik sa aking huwisyo. I unconsciously looked around and noticed two pairs of eyes staring at me.
It was my Mom's and Luther's.
Noong umalis sina Aylaine rito sa bahay, saktong kakauwi lamang ni Mommy mula sa grocery store. Matapos ang pag-uusap namin nina Emeraude, hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi nila. How I confessed that I'm sick, all those things they said about love, and 'that' guy.
Arren Rafaello Aphelion.
Right now, he happen to be stuck on my mind even when we're eating dinner. Sa lahat ng puwedeng manatili sa utak ko, bakit siya pa? Tuwing sumasagi sa isip ko ang pangalang iyon, medyo naiinis na ako dahil siya at siya na lang din ang naging laman ng isipan ko. Mapapasimangot na lang talaga ako nang hindi ko namamalayan.
Umiling ako. "Gusto ko po, Mom. May iniisip lang po ako."
"I see. Is it that boy Aylaine mentioned? Arren Rafaello, was it?" she asked again. My body flinched at the sudden mention of his name. "Balita ko may balak kang kumuha ng tutor para tulungan ka sa pag-aaral mo."
Paano nalaman ni Mommy na siya nga ang iniisip ko? But, hey, don’t get the wrong idea! I’m just wondering who the hell is that guy.
"Opo, plano ko po sanang humingi muna ng kaunting tulong. Hindi ko na po masyadong maintindihan ang mga lessons dahil natutulala ako madalas. Idagdag pa po natin 'yong sakit ko," paliwanag ko kay Mommy. Nag-iwas ako ng tingin saka uminom ng tubig dahil ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko.
I still feel uncomfortable talking about my disease, and yet it just comes out naturally—which is weird, by the way.
"At plano mong hingian siya ng tulong? Bakit hindi na lang si Luther?" muli nitong tanong sa akin. Bakit ang daming tanong ni Mommy ngayon?
"Mom, she's obviously smarter than me. Nakakita na ba kayo ng tutor na nagtuturo ng mas matalino sa kaniya?" sagot ni Luther at sumubo ng kanin.
Our Mom chuckled. "Oo naman! Noong panahon namin, wala kaming pakialam kung matalino ka o hindi. Basta ba parte ka ng klaseng iyon, dapat tumulong ka sa mga kaklase mo, ano."
"Pero maiba ako, Mom, bakit hindi ka pa umaalis papuntang London? 'Di ba may assigned kang kaso roon?" tanong ko at bahagyang itinagilid ang ulo. Narinig ko ang mahinang pagsinghap ni Mommy saka kinuha ang sandok ng kanin.
"Kailangan muna kitang bantayan, hija. I already told the International Court about it and told me I could delay my flight for a few days," she answered and placed more rice on my plate. Aangal pa sana ako, pero muli siyang nagdagdag ng ulam sa plato ko.
I sighed. "Kailan po kayo pupunta roon?"
"Two days from now. Medyo importante rin kasi itong kasong ito," aniya at naglagay din ng kanin sa plato ni Luther dahilan para huminto sa pagnguya ang kakambal ko.
"Speaking of which," he said and placed down his utensils, "what case are you working on? I suppose this has more than one angle, otherwise, it wouldn't be you who would work on it."
"Robbery and murder. Kung sino man siya, isa siyang bihasang indibidwal. He managed to rob and kill a highly secured important person," paliwanag ni Mommy at sumandal sa kaniyang upuan. Ipinagkrus niya ang kaniyang mga kamay. "Wala pang masyadong detalye sa kaso, dahil ako, na Prosecutor ng kaso, ang dapat na mag-imbestiga. Isasama ko sana kayong magkapatid kaso may nangyaring hindi natin inaasahan."
I know what she meant was me. Gusto ko rin namang sumama kaso baka maiwan naman ako sa mga lessons at hindi kayanin ng katawan ko lalo na't nagsisimula na itong manghina. I will just be a burden to them.
"Just send us the case files and we'll help you, Mom," Luther smiled and finished his food.
If Mom is asking us for help, does this mean that the case is so complicated that she even needed our help? Hmm, this is interesting.
For the hundredth time, I sighed once again. Paano ba naman kasi, imbes na matuwa ako sa naging suhestiyon ni Aylaine kanina, mas lalo akong na-stress. After hearing his name, my mind went blank.
I don't even know who that guy is! Saan ko naman siya hahagilapin kung hindi ko naman kilala kung sino iyon? I tried searching for his profile on all my social media accounts, but all his accounts don't have a single post or a profile picture! Talk about a struggle.
Simula nang umalis na sina Aylaine at Emeraude rito sa apartment, wala na akong inisip kundi ang kung paano ko makakausap ang estranghero. Ni litrato nga niya, wala ako. How am I supposed to look for him in school, then?
Of course, his name would be helpful. Pero sa dinami-dami ba naman ng sections sa law school, hindi ko siya mahahanap agad-agad. I only have a year or two to live, and I am definitely not wasting any more time.
"Gising ka pa?" tanong ng isang boses sa likod ko na inirapan ko pa muna bago sagutin. Madalas na tambayan naming magkapatid ang balkonahe kapag hindi kami makatulog.
Well, it's not like I can sleep anyway.
"Hindi ba halata?" sarkastiko kong sagot dito na ikinatawa niya lamang.
Tumabi sa akin si Luther at napahawak din sa metal railings ng balkonahe. Bagsak ang buhok niya ngayon at naka-puting sando lang siya. Hindi niya suot-suot ang salaming lagi niyang suot. His bangs fluttered with the wind, reflecting the moonlight.
"Luther."
"Hmm?"
"Sa tingin mo ba, kaya ko pang mag-aral at makapagtapos sa ganitong kalagayan?" tanong ko at tinapunan ko siya ng tingin. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya at umawang ang kaniyang mga labi.
He sighed. "Kaya mo iyan, sadyang mapaglaro lang ang tadhana. Hindi ba't ikaw ang may gusto niyon? Huwag mong sabihing umaayaw ka na!"
"Hindi naman sa umaayaw ako. Naisip ko lang din, paano kaya kung hindi ko talaga kayang makapagtapos? What if I collapse the moment I have started to climb to the top? What if I wasn't meant for more?" Napayuko ako at hindi maiwasang mangilid ang luha. Akala ko tapos na akong umiyak para rito, pero mukhang nagsisimula pa lang pala ang drama.
Iyan ang mga bumabagabag sa akin noong mga nakaraang araw. Nakakapanghinayang, pero anong magagawa ko? As the saying goes, "what will be, will be."
"But what if you were meant for the greatest? What if blessing in disguise pala itong sakit mo? In every bad thing, there's always a good thing, Larissa," sabi niya at saka tinapik-tapik ang aking balikat. Iniangat ko ang aking tingin at humarap sa kaniya.
I laughed softly. "Baliktad naman ‘yong sinabi mo! In every good thing, there's always a bad thing."
"Pero magkaiba ang ibig sabihin ng mga pahayag na iyon, 'di ba?" he asked in which I agreed upon.
Matapos niyon ay wala nang nagsalita sa amin. Tanging ang ingay lamang ng mga kuliglig at kotse sa daan ang maririnig mo. It was a normal night at a city, but every night I spend here might as well be my last.
And that is what's scaring me for the past few days.
"Do you want me to get in touch with Rafael?" Luther suddenly asked, breaking the silence between us.
The name rings a bell. It was familiar, but I can't remember where I heard it.
"Who even is he?" Napahawak ako sa sentido ko at hinilod iyon. I easily forget things, especially minor details.
"Oh, wow! Hindi mo talaga siya kilala? Grabe," hindi makapaniwalang saad ni Luther habang umiiling dahilan para kumunot ang noo ko. Nag-acting pa ito na nagulat at iniligay ang kaniyang kanang kamay sa dibdib na animo'y hindi talaga makapaniwala. He expected me to recognize Rafael?
"Do I perhaps know him?" tanong ko. "You're acting like I do."
Umiwas siya ng tingin at ngumiti ng nakakaasar. "Hindi ko alam kung dahil ba iyan sa sakit mo o sadyang makakalimutin ka na kaya hindi mo maalala ang lalaking nagdala sa 'yo sa ospital nang himatayin ka."
In my mind, a fleeting flashback occured. Noong araw na iyon, may pinapasok ako sa unit namin na nagngangalang—wait, what was his name again?
Then, realization dawned upon me. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko ang mga sinabi sa akin ng estranghero, este ng kaibigan ni Luther.
It was him! That guy's name was Rafael!
"Siya 'yon?" Napalakas ang boses ko dahilan para batukan ako ni Luther. Nang tingnan ko siya ay inilapat niya ang kaniyang hintuturo sa tapat ng labi niya at sinenyasan akong manahimik. "Aray naman!"
"Huwag ka ngang maingay! May kapitbahay tayo, ha. Hating-gabi na, sumisigaw ka pa rin," pabulong niyang saway sa akin at inirapan ako. Wow, a?
"Ano na nga?"
"Oo, siya iyon. Iniligtas ka na nga, kinalimutan mo pa," pang-aasar niya sa akin kaya binatukan ko rin, pambawi sa kanina.
I smirked. "Ayan, nakaganti na ako."
We laughed at our little banter and for what felt like an eternity, silence once again dwelled upon the silence of the night. Well, not until Luther decided to break the ice.
"Anyway, do you want me to get in touch with him? Puwede ko siyang kausapin para tutor-an ka," pag-uulit niya sa kaniyang tanong kanina. He's also keen on having Rafael tutor me, huh?
"Sure, why not? Iyan ay kung mapapapayag niyo siya. I don't know him, but he doesn't seem like a person to waste his time on a dying patient with such an ambitious dream." Bahagya akong tumango at tumalikod na para bumalik sa kuwarto ko. "Good night, Luther. Sleep well."
Sleep well. It was something that I couldn't do, so I simply wish for others to do so. I, on the other hand, feel so tired yet I am awake.
"I'll tell you something, Larissa. Some people described him as emotionless for how dull his eyes were. He never cared about anyone. Not even his parents, his brother, or even his friends. So, how?" kuwento niya dahilan para matigil ako sa paglalakad. "How did you do that? How did a mere stranger make him panic?"
Hindi ako nakasagot. Hindi ko naman kilala si Rafael kaya hindi ko alam kung paano siya kumikilos. But seeing my brother in a state like this, I know he's serious about this matter.
"It's a mystery I shall unravel!" Muling bumalik ang masayang ekspresyon sa mukha niya at itinaas pa niya ang kaniyang kamay. I sighed and stared at my brother as I observe him.
"Luther," I called out to him.
"What is it this time?"
"Why are you describing Rafael as if he wasn't capable of any emotions—as if he was not human?" My eyebrows furrowed when his smile faded and a smirk soon plastered on his lips.
He chuckled. "I told you, he doesn't care. He believes that showing emotions makes him vulnerable. Do you understand what I am saying?"
"Oh, I surely do," I answered and once again turned my back to leave.
____
I wanted good news the next day.
I wanted it so much that I was anxious to the point where I had to lock my twin outside our classroom just not to hear what Rafael's answer to my request was. And when I heard his response, I thought hell had broken down in our classroom.
"Larissa! Open this damn door or else, I am leaving!" banta sa akin ng kakambal ko na naka-lock pa rin doon sa labas ng classroom. Pinagtitinginan na kami ng mga kaklase namin, pero hindi rin ako nagpatinag.
I needed good news. I wanted to hear what Rafael's response was, but I have to admit, I was not ready when Luther asked him the day after our talk last night.
"Ayaw ko! Hindi pa ako handa!" sagot ko pabalik dahilan para mapasapo sa noo ang dalawa kong kaibigan na nakatayo sa harap ko. I heard my brother groan outside the door out of frustration. "Manigas ka riyan sa labas!"
"Larissa, buksan mo na lang ang pinto para matapos na 'to. Please lang, paparating na si Professor Irene," pakiusap ni Aylaine sa akin habang hinihilod ang sentido niya. Alam kong stressed na sila dahil dito, pero anong magagawa ko? Kasalanan 'to ni Luther! He made a move without asking me first!
Umiling ako ng paulit-ulit. "No! Sana pinaalam mo muna sa akin na lalapitan mo siya ngayong tanghali para sabihin sa kaniya ang pinag-usapan natin kagabi. I would've appreciated it if you gave me a warning!"
"I am making things easier for you, idiot! You don't have much time, and you know that better than anybody else," he said. Bawat salita ay may diin at halatang naiinis na siya base sa tono ng boses niya. "Kung ayaw mo akong papasukin diyan, sasabihin ko na lang sa 'yo dito mismo kung anong naging sagot niya."
"Don't you dare—"
"He said no." Then, there was silence.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig at maging sina Aylaine ay bahagyang umawang ang bibig. Lumingon kaagad ako at pabagsak na binuksan ang pinto na namamagitan sa amin ng kakambal ko. Umalingawngaw ang ingay na iyon sa hallway kaya napaatras si Luther. Lahat ay nagulat sa ginawa ko at maging si Luther ay natahimik nang makita niyang bumukas ang pinto.
"Oh, 'di ba? Ang dami mo pang satsat tapos bubuksan mo rin naman pala ang pinto," umiirap na bungad sa akin ni Luther. Pumasok ito na mukhang tensiyonado at nasa dibdib ang dalawang kamay. Wow, coming from him?
Hinawakan ko ang manggas ng kaniyang suot-suot na polo at inasar din siya. "Oh, 'di ba? Yabang-yabang mo tapos kinabahan ka rin naman noong ibinalibag ko 'yong pinto."
His eyes widened. He knew I was teasing him, but he was also aware that I was mad at the moment, so he avoided my eyes.
"Back to the matter at hand, what do you mean he said no?" Binitawan ko na ang mahigpit na pagkakapit ko sa polo niya at humarap ito sa akin.
"He said no and asked me to say this to you. Kaya raw siya humindi ay dapat ikaw mismo ang hihingi ng tulong niya at hindi ka raw dapat umaasa sa iba lalo na't ikaw lang naman daw ang makikinabang," my brother said and an annoying smile was painted in his lips. Gosh, if I could reap off that lips of his, I would've done it ages ago! "So, what do you plan to do now, Larissa?"
Excuse me? Ano bang alam ni Rafael tungkol sa kondisyon ko ngayon?
Then, a thought crossed my mind. Hindi pa ako sigurado, pero posibleng iyon ang dahilan kung bakit niya ako tinanggihan. Ipinaliwanag na siguro ni Luther sa kaniya ang tungkol sa sakit ko at sa "huling" hiling ko.
That's one hell of a twin I have. Hindi ba puwedeng itikom niya muna ang bibig niya kahit sandali lang? Argh!
"If that's how he wants to play, then, I'll hunt him down. And you, my dear twin brother, will lead me to my target," I smiled back at my annoying twin brother whose smile seemed to have gotten wider at my response.

Komento sa Aklat (7)

  • avatar
    Trisha Urbe

    Ganda

    31/08/2024

      0
  • avatar
    [G12 STEM 3P]CAPATAN HARVEY F.

    gkdtjstjsjrarjsrjztistidtisi stustusrjstsydjtztjxchxgkxykxykxyixyi

    27/01/2024

      0
  • avatar
    Chiope Rabong Gimar

    wow very nice

    14/12/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata