logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

The Constellations Above Us

The Constellations Above Us

moonlxsswitch


CHAPTER 1: Where It All Started

THIRD PERSON’S POV
[Nasa kanto na ako. Mauna ka na sa apartment.]
Muling napabuntong hininga ang binata matapos basahin ng mahigit sampung beses ang mensaheng ipinadala sa kaniya ng kaibigan niya. Lumabas ang sinasabing binata mula sa kaniyang kotse na may dala-dalang paper bag at isang shoulder bag na nakasakbit sa kanang balikat niya. Tumingala ito sa gusaling nasa harap niya na nasa pitong palapag ang taas at sa hindi malamang dahilan ay sinumulan na niyang tahakin ang daan papasok ng apartment.
Nagtungo ito sa ika-apat na palapag, kung saan naroon ang inuupahang espasyo ng magkapatid na Liac, at nagsalampak ng earphones sa tainga. Kung hindi lamang dahil sa isang school project ay hindi naman talaga pupunta ang binata lalo na't si Luther Yvon pa ang kaniyang naging ka-grupo. Sa daldal ba naman kasi ng kaniyang kaibigan ay hindi mo talaga maiiwasang gustuhing tahiin ang mga labi nito lalo na’t may pagkapasmado pa ang bibig.
Napapikit ang binata at sumandal sa kulay-pilak na pader nang tumigil ang elevator panandalian sa ikatlong palapag para magsakay ng isang grupo ng mga tinedyer. Ipinasok niya ang mga kamay niya sa bulsa ng kaniyang pantalon at lalong nagsumiksik sa gilid nang mapansin niyang pinag-uusapan siya ng mga tao roon sa elevator.
"Hoy, hindi ba siya iyong guwapong anak ng mga Aphelion? 'Yong Arren Rafaello yata iyon?" rinig niyang simula ng isa.
"Hindi lang basta-bastang 'guwapong anak'. Siya ang tagapagmana ng Aphelion Group!" Nagulat ang ilan sa mga tao roon nang marinig iyon mula sa isang ale na nanggaling kanina sa ground floor. Kumunot ang noo ng binata matapos marinig ang ilan pa sa mga tsismisan ng mga nakasabay niya sa elevator.
"Ano kayang ginagawa niya rito sa apartment? Kapag nakita siya ng media rito, malamang kinabukasan ay marami na namang tsismis tungkol sa kaniya." Umiiling-iling pa ang katabi niya habang pasikretong sumusulyap sa kaniya.
"Mga walang respeto. Kahit ba naman dito, hindi ko magawang takasan ang mga responsibilidad ko," inis na sabi ng binata sa sarili. Alam niyang mali ang tsismis na iyon sapagkat hindi na siya isang tagapagmana. Ang totoo niyan ay namana na niya ang posisyong iyon at siya na ngayon ang C.E.O. ng Aphelion Group of Companies.
At iyon ang kinaiinisan niya. Iyon ang pilit niyang tinatakasan kahit alam niyang imposible.
Nang bumukas na ang pintuan ng elevator sa ika-apat na palapag ay agad siyang lumabas doon. Ramdam niyang sinundan pa siya ng mga mapanuring mata ng mga kasama niya sa elevator kaya binilisan niya ang paglalakad sa hallway. Natigil lamang siya sa paglalakad nang makita na niya ang unit ng kaibigan niyang si Luther at napalunok muna bago katukin ito.
Walang sumasagot. Muli niya itong kinatok, halos maka-anim na beses na siyang kumatok sa pinto, ngunit hindi pa rin siya pinagbubuksan. Nagsimula na itong magtaka sapagkat ang sabi sa kaniya ni Luther ay naroon ang kakambal niya sa apartment, ngunit bakit walang sumasagot?
Akmang kakatok na ito ulit nang makita niyang umaawang ang pinto. Dahan-dahan itong nagbukas hanggang sa bumungad sa kaniya ang isang babae—ka-edaran niya lamang—at mukhang nanghihina.
Medyo maputla ang balat, may eyebags sa ilalim ng kaniyang mga mata, bahagyang tuyo ang mga labi, at malapit nang pumikit ang mga talukap nito. Kapansin-pansin rin ang payat niyang mga daliri na nakahawak sa pinto.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ng binata nang makita ang pigura ng babae sa harap niya, ngunit hindi niya pinansin ang itsura ng dalaga. Mas nangibabaw ang nakakabinging pagtibok ng puso niya. Hindi niya rin maintindihan, ngunit sa hindi malamang dahilan ay tuwang-tuwa ito dahil nakita niya muli ang babae.
She was the girl he was looking for all those years ago. He can't believe she has shown up right before his eyes.
'She looks so fragile,' ani niya sa sarili.
"Sino po sila?" tanong ng babae sa kaniya dahilan para matigil ang ginagawa niyang pagtitig sa dalaga.
She doesn't remember him. Of course, how would someone remember a person they’ve met four years ago and has become nothing, but a forgotten memory?
He scratched his nape and removed his earphones. "Uhm, I'm Rafael, your twin's friend. I'm here for our class-joint project."
"Ah, oo, nabanggit ka niya sa akin. Halika, pasok ka muna. Wala pa si Luther, e." Nilakihan niya ang awang ng pinto para makapasok si Rafael at nagsimulang maglakad papunta sa salas nila.
Ngunit, hindi pa nakakailang hakbang ang dalaga ay bigla itong nawalan ng balanse at napasandal sa pader. Kaagad na naalarma si Rafael at inalalayan ito sa kaniyang mga braso.
"Okay ka lang—Miss? MISS!" Parang binuhusan ng malamig na tubig si Rafael nang tuluyan itong himatayin sa kaniyang mga bisig. Inihiga niya ito sa kaniyang mga hita at pilit na tinatapik ang mga pisngi ng dalaga. "No! Miss, gumising ka!"
Paulit-ulit niyang tinatapik ang maputlang mukha ng babae, maging siya ay namumutla na rin sa kaba. Tiningnan niya ang pulso nito at halos manigas ang katawan ni Rafael nang wala siyang maramdaman na kahit isang tibok.
"Kasalanan bang sumaya, ha? Huwag naman ngayon, please! Nakita na kita sa wakas, tapos ganito lang din aabutin ko?" ani ni Rafael sa sarili.
Alam niyang wala siyang magagawa para tulungan ang dalaga dahil hindi naman ito nag-aaral ng medisina kaya agad niyang binuhat ito at dali-daling umalis ng apartment para dalahin sa pinakamalapit na ospital ang kapatid ni Luther.
____
LARISSA
'Love.'
It's a perplexing phenomenon that even I couldn't grasp. A chemical reaction, a perfect match, who knows? But there is one thing I am certain of.
Love is a lie.
The world is full of deception. Everything has become an illusion, including your so-called flawless love standards. What you consider to be true is not the case. Everything you think you know about love is a lie. It isn't a fairytale, but rather a curse. It tortures, kills, cheats, and manipulates people. It will destroy you in the most heinous way possible. That's the bleak reality of love.
Love has always been a lie to me. I never believed in it. But why?
Why did love start in a volleyball gymnasium? In a hospital room?
Why did love start with a disease?
"Fatal Familial Insomnia," I heard someone say. His words were unclear, but I could make a few fragments out of it.
Nagising ako sa isang pamilyar na kuwarto na napapalibutan ng puting kisame at pader. It must be a hospital room. Inilibot ko ang tingin ko sa kuwarto at namataan ang pigura nina Mommy at Luther na nakaupo sa sofa. May kaharap silang doktor na kahit nakatalikod ay nakikilala ko.
Oh, right, I fainted. It isn't new to me, though. I have been here a couple of times.
Same hospital. Same room. Same doctor.
"Ano po iyon, Doc? Ngayon ko lang narinig iyan," ani ng malumanay na boses ni Mommy. It's quite a shock to see her here. Her flight to London was supposed to be tonight.
"Mom," mahina kong tawag. Pare-parehas silang napalingon sa akin at mabilis akong nilapitan ni Mommy para kamustahin. Lumapit din ang kakambal ko at ang doktor na kausap nila.
Tanging ngiti lamang ang ginawa ni Dr. Connor, ang doktor na kaharap namin ngayon, para batiin ako at ganoon din ang ginawa ko. Nanginginig kong inilahad sa kaniya ang kamay ko para masuri niya ako. Ngumiti lamang ito bilang tugon at muling humarap sa dalawa kong kasama.
"Mukhang ayos na siya ngayon, pero hindi na ako makakasiguro sa mga susunod na buwan," umiiling na sinabi ng doktor. Sunod na humarap siya sa akin. "As much as I wanted to joke about seeing you here again, I know I can't. This might be the most fragile moment of your life, Larissa."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ano pong ibig niyong sabihin?"
"As I have observed over the months until now, your insomnia was initially mild, but it progressively worsened, leading to significant physical and mental deterioration. I have run a couple of tests to confirm my suspicions and I wasn't wrong. Sa ngayon, hindi pa masyadong visible ang symptoms ng sakit mo," paliwanag sa amin ni Dr. Connor.
Tama siya, nagkaroon ako ng insomnia dalawang buwan na ang nakalipas. Naging madalas ang pagbisita ko sa ospital na ito dahil doon at mukhang may sagot na siya kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala itong insomnia.
Pero, bakit naman humantong pa sa sakit itong kalagayan ko ngayon?
"I've already mentioned this earlier to your mother and twin brother. You have Fatal Familial Insomnia, also called FFI. As the name suggests, FFI has been proven fatal and it's a hereditary autosomal dominant prion disease." Nag-iwas ng tingin ang doktor mula sa akin at tumingin na lang sa direksyon nina Luther. "I'm sorry, Larissa. You're an amazing woman your age, but I have to break this to you. This disease doesn't have a cure."
Parang gumuho ang mundo ko dahil sa nalaman at muling lumabo ang paningin ko. Hindi dahil nahihilo ako o hihimatayin ako, ngunit dahil sa nagbabatis kong mga mata. Tumingin ako sa taas at pasimpleng pinaypayan ang mga mata ko. Ayaw kong umiyak, pero hindi ko rin mapigilan ang mga luha ko.
Gaya ng inaasahan, pati si Mommy ay naiyak at humagulgol sa balikat ni Luther. Nakapikit ng madiin at nakasara ng mahigpit ang mga kamao ng kakambal ko na para bang ayaw niyang tanggapin ang balitang narinig. I know he's about to cry as well, but he wants to be the strongest among us three.
"Gaano katagal na lang ang mayroon ako, Doc?" nanginginig kong tanong sa doktor na pilit pa ring iniiwasang tumitig sa mga mata ko.
Alam ko na ang ibig sabihin ni Dr. Connor kahit na hindi ako pamilyar sa sakit na iyon. Walang gamot sa sakit at napatunayan nang nakamamatay ang FFI. Himala na lang kung isang araw paggising ko ay magaling na ako. Kaso, paano nga iyon mangyayari, e, hindi naman ako makatulog?
The hesitant doctor swallowed a lump in his throat before speaking, "You have about 6 months to 3 years, but in your condition, my guess would be a year or two. It may be less, depending on how fast the disease progresses. I suggest that you'll be permanently admitted to a hospital until... your last breath."
Sa pagkakataong ito, hindi ko na napigilan ang mga luha kong hindi tumulo. Napakagat ako sa aking ibabang labi at isinara ko ang mga kamao ko ng mahigpit. When I was finally able to regain my composure, I sincerely thanked the doctor for his efforts despite the pain that was gradually developing in my heart.
Nang makalabas na si Dr. Connor mula sa kuwarto ko, isang matinding katahimikan ang pumalibot sa aming tatlo at tanging hagulgol lang ni Mommy ang naririnig namin. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sa kanila. Sa palagay ko, hindi ito ang oras para sa mga paalam at hindi rin ito ang oras para tanungin sila kung ano ang kanilang nararamdaman.
"A year or two. Maybe less than that, huh?" Luther was the first to speak. Kumalma na rin ng kaunti si Mommy, pero nakasubsob pa rin siya sa balikat ni Luther. Mahirap para sa isang ina ang malaman na mamamatay na ang kaniyang anak.
Mahirap ding tanggapin ito sa parte ni Luther. I'm sure of it. Kakambal ko siya at kasama ko siya sa lahat ng sakit. Kasa-kasama ko siya sa lahat ng gagawin ko, pero ngayon, hindi siya puwedeng sumunod sa akin kung sakaling dumating ang araw na umalis na ako sa mundong ito. Oh, but I'm having my fair share of pain. If not fair, then the worst anguish was stored in for me.
"It's not much, but I think I have enough time," saad ko at muling humiga sa aking kama. Napaangat sila parehas ng tingin at bumaling sa akin na tila tinatanong kung ano ang ibig sabihin ko. Ang isang taon o dalawa ay hindi sapat para sa isang tulad ko na may isang milyong pangarap, ngunit nais kong sumugal. May gusto akong tapusin bago umalis sa mundong ito. "Hayaan niyo akong makapagtapos ng law school bago tuluyang i-admit sa ospital."
"Seryoso ka ba? May sakit ka na nga tapos idadagdag mo pa 'yong pressure sa pag-aaral mo? Hindi maaari!" madiing pagtanggi ni Luther sa aking hiling. Inaalo na siya ni Mommy dahil ramdam na namin ang matinding galit at pagkasiphayo niya sa sinabi ko.
"Luther naman, alam mong pangarap ko ang makapagtapos ng pag-aaral. Gusto kong maging isang ganap na abogada, pero dahil sa sakit na ito, hanggang dito na lang ang kaya kong tapusin. Huwag mo namang tanggalin sa akin ang karapatang iyon," pagmamakaawa ko sa kaniya. Hindi ko na maipaliwanag ang ekspresyon sa kaniyang mukha. Para bang pinagbagsakan siya ng langit at lupa.
"Larissa!" may bakas na ng pagbabanta sa kaniyang boses. Kitang-kita sa mga mata niya ang kaniyang hinanakit, ngunit mas lalo akong nagmatigas sa aking nais.
"Think of this as my final request. Please, let me have this," I weakly said before seeing him break down.
It hurts so much. A few hours ago, I was just an ordinary graduating law student of Arelline University, and now, I'm nothing but a patient diagnosed with an incurable disease. Gumuho na ang mundo ko, hindi ko na matutupad ang mga pangarap ko, at mamamatay na ako sa mga susunod na buwan.
What's there for me to lose?
Kinabukasan ay hinayaan na akong umuwi sa apartment unit namin at maging si Mommy ay hindi na muna lumuwas papuntang London para bantayan ako. She stayed at our unit for the weekend to make sure I wouldn't suddenly drop dead and she even insisted that I should stay inside my room to rest. Kahit na may sakit ako, hindi pa naman ito ganoong kalubha para ikulong nila ako rito sa kuwarto ko, 'no!
Mabuti na lamang at bumisita sina Aylaine at Emeraude, ang dalawang matatalik kong mga kaibigan simula noong unang taon namin sa kolehiyo hanggang ngayon, kundi mabubulok talaga ako rito sa kuwarto ko. Nang makita nila si Mommy na inaalalayan akong umupo sa sofa, halos magsalubong ang kilay ni Aylaine dahil sa pagtataka.
Right, they still don't know that I'm sick.
"Hijo, lalabas muna ako. Bibili muna ako ng makakain natin mamaya. Bantayan mo 'yang kapatid mo, ha," habilin ni Mommy kay Luther bago lumabas ng apartment unit. Pupunta raw siya sa grocery store para bumili ng stock namin ng pagkain dito sa unit. Naubusan na kami noong Biyernes, e.
"Saan ba kayo nagpunta noong Biyernes at hindi namin kayo mahagilap ni Emeraude? Matapos mong hilahin palabas ng room si Larissa, bigla na lang kayong naglaho ng parang bula. Hindi na kayo bumalik para sa mga susunod na klase," bungad na tanong sa amin ni Aylaine, ang best friend kong aakalain mo talagang pinaglihi sa lahat ng negatibo sa mundo. Kararating lamang niya kasama si Emeraude.
"Just an emergency," sagot ng kakambal ko. Humigop ito sa kaniyang iniinom na kape. "Nasabi ko na rin iyon sa mga professor natin, kaya maiintindihan naman nila."
I could still vaguely remember that Luther had to drag me out of our class just to bring me home after seeing how pale and sickly I was. That day, I was already showing symptoms of FFI, and yet I brushed it off, saying I was just tired, not knowing I was already dying.
"What kind of emergency? Is it a minor or a major one?" patuloy na pangungulit ni Aylaine. I forgot to mention that she's persistent as well. "Kilala ko kayong dalawa. Hindi kayo aalis ng classroom kapag may klase ng walang rason. Idagdag pa natin na nagmukhang zombie si Larissa sa sobrang tamlay niya noong araw na iyon. Ano ba talaga ang nangyari, ha?"
Umiwas ako ng tingin at bumuntong hininga. "Umuwi kami dahil masama ang pakiramdam ko. I was brought to the hospital the next day."
Halos magsalubong ang kilay ng dalawa kong kaibigan dahil sa narinig. Umawang ang mga labi ni Aylaine na parang sinusubukang magsalita, ngunit walang lumalabas. For what felt like an eternity, Emeraude finally spoke.
"B-Bakit ka dinala sa ospital? Nahimatay ka na naman ba?" tanong niya dahilan para warning-an siya ni Luther. I held his hand and told him that it was okay.
I took a sip from my chamomile tea—something I drink to help me sleep. "Yes, I fainted again. If memory serves right, wala rito si Luther kahapon kaya may ibang nagdala sa akin sa ospital."
"Oh? Hindi mo naaalala?" naka-taas ang kilay na tanong ng kakambal ko. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang pasimple akong tumango bilang sagot at hindi nagtagal ay umukit sa kaniyang labi ang isang pilyong ngiti. He looked rather amused than shocked.
Ano kayang pinaplano ng isang 'to? Ang sama makangiti, e! Just kidding.
"Now, you just made me a lot more curious. Babae ba o lalaki 'yong nagdala sa iyo sa ospital?" Mas inilapit pa ni Aylaine ang upuan niya para makitsismis. Wow, a? Agad-agad?
"Aylaine, hinay-hinay ka lang. Kalalabas lang ni Larissa sa ospital, hinihingian mo na kaagad ng tsismis," umiiling na saway ni Emeraude at lumapit din ng kaunti sa kinauupuan ko. Oh, 'di ba? Sasawayin pa 'yong kasama, pero gusto rin naman pala niyang malaman ang nangyari.
Napasinghap ako sa ginawa nilang paglapit sa akin. "Lalaki siya. Hindi gaanong kalalim 'yong boses niya. It was mellow and cool, but monotonous. I don't know, it felt like he doesn't give a damn."
Nobody spoke as if they were trying to assess what I said. Hindi ko masyadong maalala ang mga detalye tungkol sa lalaking iyon dahil hinang-hina na ako nang papasukin ko siya ng apartment.
"Is it just me or is the description quite familiar?" Emeraude asked. Nagawi ang kaniyang tingin kay Luther na nananahimik at pilit na hinihingian ito ng sagot, ngunit tinanguan lamang siya ng kakambal ko. Did they just talk telepathically?
"Sino pa nga ba ang kaisa-isang taong hindi nagbabago ang tono ng boses kapag nakikipag-usap? 'Edi siya't siya rin naman," umiirap na sagot ni Aylaine. Sumandal siya sa sofa at ipinagkrus ang kaniyang mga kamay. Sinong “siya” ang tinutukoy nila?
"Gosh, that guy's everywhere. Ang hirap niyang hagilapin dahil kung saan-saan iyon pumupunta." Napasapo ng noo si Emeraude na ikinatawa naman nilang tatlo. I feel so out of place all of a sudden.
"Hindi ko alam kung paano iyon napunta rito sa inyo, pero naniniwala naman ako sa forever," ani Aylaine at kinanta pa ang huling parte ng sinabi niya. Ibig sabihin ba nito, kilala na nila kung sino man ang nagdala sa akin sa ospital?
Binatuhan ni Luther si Aylaine ng isang stuff toy bilang tugon. "Dinala niya lang sa ospital si Larissa, i-sh-ship mo na kaagad ang isang iyon dito sa kapatid ko. Hindi ka lang tsismosa, maging ang role ni Kupido, inako mo na. Baka sa susunod maging pari ka na rin sa mga kasal, ha."
"Kupido? Kupida. Babae ako, Luther," pagtatama ni Aylaine rito.
"I said what I said,'' my twin shrugged in an attempt to annoy her more—which happened to be effective against her. "At saka, nakalimutan mo na bang may pinaniniwalaan ang kakambal ko? She views love as if it's some kind of curse, for goodness' sake."
I smiled out of frustration. "Malayo sa sinabi mo, pero puwede na rin."
"Ay 'sus! Bitter ka lang naman, e, kasi simula't sapul, si Luther ang pinili ng childhood best friend mo at hindi ikaw," pang-aasar pa ni Aylaine dahilan para masamid si Luther sa iniinom niya.
Naging matalim ang pagtingin ko sa kanila nang tumawa ang dalawang babaeng kasama namin. Aylaine, being the provoking machine that she is, flipped her hair showing that she didn’t regret anything she said.
"At ako ang idadamay niyo?" ani Luther nang maka-recover na siya sa pagkasamid. Mas umalingawngaw ang tawa ni Aylaine at ang kaninang mahinhing ngiti ni Emeraude ay naging isang tawa. "But she has a point, though. Baka bitter ka lang talaga. You loved him, didn't you?"
The atmosphere suddenly changed. Tumigil sa pagtawa ang dalawa naming kaibigan at kapwa nakikiramdam. Nakatingin sa akin ngayon si Luther tila binubutasan ang aking kaluluwa gamit ang kaniyang mga mata.
"What, are you getting jealous now after all those years?" I asked. He smirked as an answer—and as a warning, too. "Ikaw na rin mismo nagsabi, hindi masamang magmahal, pero nakakasakal kapag sumobra. I sacrificed him. I let him go so that he could be happy with you. Hindi ko naman si Eugene para sakalin siya, ‘di ba? He was torn between you and me, but I thought about it. If he did love me, he shouldn’t have fallen in love with you. He needed you more than he needed me. You have no idea how afraid I was that time."
"Pero, naging matapang ka para pakawalan siya ‘di ba? Kapag mahal mo ang isang tao, kahit gaanong kasakit pa iyan, magagawa mong tiisin hanggang sa dulo. Handa kang ibigay ang lahat at magsakripisyo. Handa kang ipagdamot siya at angkinin sa harap ng mundo. We know that you view love as the cruelest thing in the world, but once it came to you in the right time, you wouldn't deny it," singit ng kaharap ko na sumeryoso rin ang ekspresyon ng mukha. Hindi ko alam, pero parang sigurado siya sa sinabi niya.
"But love is a lie, Aylaine. Balang-araw, iiwan niyo rin ako, 'di ba? Magkakahiwa-hiwalay tayo ng landas. We may be friends right now, but who knows what destiny holds against us? In the near future, we can be strangers with secrets, maybe one or two could die unexpectedly, who knows?" I firmly shook my head in disagreement. May punto siya, pero may punto rin ako.
Oh, wow, touché.
"Bakit mo ba sinasabi iyan? Wala ka bang tiwala sa amin?" tanong naman ni Emeraude na halos magsalubong na ang kilay sa sobrang pagtataka. Well, she looked rather disappointed than curious.
I smiled weakly. "I'm dying, Emeraude."
My voice was breaking at the thought of my condition—my disease. I suddenly blurted it out without even realizing what I said.
"What... what did you say?" My friends—even my twin brother who knew of my condition—was caught off guard. Hindi niya siguro inasahang sasabihin ko ngayon ito sa mga kaibigan ko. Ayaw kong ilihim ito sa kanila.
"I said, I'm dy—"
"I heard you the first time!" Sa pagkakataong ito, ako naman ang nagulat nang biglang sumigaw si Emeraude. Tears were starting to form in her eyes. "W-What do you mean you're dying?"
"May sakit si Larissa. Fatal Familial Insomnia raw at may isang taon, o dalawa, na lang siya para mabuhay," napalunok si Luther nang sabihin niya iyon.
Ang kaninang naguguluhang reaksiyon nina Aylaine ay napalitan ng gulat at lungkot. Not just sadness, but also pain and denial.
"Huh? Paano iyon nangyari? Ayos ka pa naman noong mga nakaraang araw, 'di ba? This is a joke, right?" pumiyok na tanong ni Aylaine. Umiling lang ako at yumuko dahil ramdam ko na ang pangingilid ng luha ko.
How I wish this was all just a joke. A nightmare. A mere illusion.
"Oh my gosh," rinig kong bulong ni Emeraude at napatakip siya ng bibig.
"B-Bakit ganoon? Sa dinami-raming tao sa mundo, bakit ikaw pa? Ang daya naman!" Sinasabunutan na ni Aylaine ang sarili niya at pati ako'y napahalukipkip na sa mga binti ko. "Bakit parang ang dali lang para sa 'yong tanggapin iyon?"
Bakit nga ba ako? Ano bang ginawa ko sa nakaraang buhay ko para magdusa ako ng ganito?
"Aylaine, sa tingin mo ba naging madali lang iyon para sa akin? Sa tingin mo ba hanggang ngayon ay hindi ako nasasaktan? Hindi ko pa rin matanggap na sa kaunting buwan na lamang ay mamamatay na ako. Sa tingin mo ba hindi ako nahihirapan?" halos masigawan ko na ang kaibigan ko. Of course, it's not okay to have your feelings invalidated just because people thought you had it easy.
"I'm sorry, Larissa. I'm so sorry," sabi nito at tuluyan nang humagulgol.
Matapos niyon ay wala nang nagsalita pa sa amin at nabalot na lamang kami ng katahimikan. Puro titigan lang ang ginawa namin sa mga sumunod na minutong dumaan. Minsang nagtatagpo ang mga mata naming magkakaibigan, ngunit iiwas din kapag nailang na. A few hiccups and soft sobs remained until someone decided to break the ice.
"Anong plano mo na ngayon? You know, before all that," tanong ni Emeraude na nakasandal na sa balikat ni Luther. Sa pagkakataong ito ay mahinahon na siyang makipag-usap.
"I plan on finishing law school. After graduation, I'll be confined to a hospital and God knows what'll happen next," I answered and heaved a heavy sigh.
"How are you going to do that, then?" she added. Tiningnan ako ng tatlo at hinintay ang magiging sagot ko.
I sighed. "I don't know. Maybe, I'll spend a few more hours studying or hire a tutor."
Aylaine's face then lightened up as if an idea popped up. Tiningnan niya sina Luther at Emeraude na para bang sinasabi niyang parehas lang sila ng naiisip.
"If you're finding it hard to solve this problem, I might as well help you with it. I have an idea." Ipinagkrus niya ang kaniyang mga kamay at muling sumandal sa sofa.
Aylaine Castro is known to be quite the troublemaker in our squad and isn't the type to clean up after her mess. May pagka-war freak itong kaibigan ko kaya hindi na ako magugulat kung kinabukasan ay nasa dean's office na naman siya. She’s wild and carefree.
But this time is different. She's offering her help, and this might be one of the few times that I hope she was just joking. The look on her face isn't helping either. Kung ano man ang ideya niya, duda ako na matatawag ko pa itong "tulong". Pero, sa palagay ko kaya ko namang maglaan ng isang minuto o dalawa para makinig sa kaniyang sasabihin.
"I'm listening," ani ko hudyat na nakikinig ako sa kung ano mang sasabihin niya, “but make sure it’s worth our time. Kung kalokohan lang iyan, hahampasin talaga kita ng paso.”
Her lips curved into a smile. "Hire a tutor who's at the same or higher academic rank than you. In short, hire Arren Rafaello Aphelion."

Komento sa Aklat (7)

  • avatar
    Trisha Urbe

    Ganda

    31/08/2024

      0
  • avatar
    [G12 STEM 3P]CAPATAN HARVEY F.

    gkdtjstjsjrarjsrjztistidtisi stustusrjstsydjtztjxchxgkxykxykxyixyi

    27/01/2024

      0
  • avatar
    Chiope Rabong Gimar

    wow very nice

    14/12/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata