Chapter 2 Hulyo taon 2016… “Ms. Levesque kayo na po ang papasok,” sabi ng babaeng naka-corporate attired kay Kriss, nagpa-salamat ang dalaga bago tuluyang pumasok sa loob ng opisina ni Mr. Imperial na isang director ng B.S.H.S o tinatawag nilang Bureau of Science and History Studies, kong saan nagtatrabaho si Kriss ng tatlong taon bilang archaeologist. Isang government sector kong saan tumatalakay tungkol sa mga bagay tungkol sa mga lumang bagay at scientific explanation nangyayari sa mundo. Naka-talaga ang dalaga sa history kong saan nagkaka roon s’ya ng dalawang taon pag-aaral sa nawawalang libro ni Nostradamus naligaw sa Pinas, noong taoong 2013 natuklasan nila sa tabing dagat. Pero dahil sa tapos na ang kanyang pag-aaral sa sector, wala na rin s’yang kita at tanging pag-aaral na lamang sa mga nawawalang fossil ang alam n’yang gawin, maliban doon wala na s’yang ginagawa kong di ang mag-blog tungkol sa mga history at science. Napasulyap s’ya sa lalaking nakaupo sa swivel chair habang busy pagtipa sa harap ng sarili nitong laptop dahan-dahan naman itong napasulyap sa kanya nang maramdamagn may tao sa loob. Ngumiti naman si Kriss dito at kumaway, “good morning Mr. Imperial na andito po ako---” hindi na n’ya na gawa pang tapusin ang sasabihin nang tapusin na ito ng lalaking may tanda sa kanya ng limang taon. “---para sa trabaho,” sumandal si Mr. Imperial sa kanyang upuan. Walang makitang bakas ng kahit na anong emosyun sa lalaking kaharap ng dalaga kahit na maitsura ito, kinatatakutan naman ng lahat ng empleyado sa sector nila dahil pwede ka n’yang tanggalin kong sakaling bwisitin mo s’ya. “Ilang beses muna ‘yan sinabi at ilang beses ko na sayo sasabihin na tatawagan ka na lang namin kong sakaling meron, mahirap ba intindihin Ms. Kriss Levesque?” Napayuko na lamang s’ya dahil sa hiyang naramdaman n’ya, ngayong sa pagiging makulit n’ya pero gusto lang n’ya na may gawin at lalong kailangan n’ya ng trabaho dahil kailangan din n’ya ng pera. Tumingala naman agad si Kriss nang may maalala s’ya, “pwede ninyo naman po akong ipasok sa science department.” Napakunot noo naman ang lalaki sa kanyang sinabi. “Alam mong limang buwan na ako dito at alam ko naman na tatlong taon ka nang nagtatrabaho dito pero hindi mp ba na isip na hindi pa ito ang oras para sayo. Kahit na baguhan pa lang ako dito, napag-aralan ko na ‘yong mga records ng bawat taong nagtatatrabaho dito, ikaw ay isang archaeologist. Hindi ka scientist at wala ka ring napag-aralan tungkol sa science pa’no kita ipapasok doon. ‘Yan tayo ‘eh bara-bara kaya na tanggal ang dati ninyong director dahil sa ganyan nagkaka buhol-buhol ang mga may alam, sa wala.” Tumayo na si Mr. Imperial at napasulyap sa malaking bintanang nasa likod nito kong saan tanaw ang buong lungsod ng Tagaytay, “hindi naman sa minamaliit ko ‘yong ka galingan at kakayahan mo. Nalaman ko rin na ikaw ang nakatuklas at nag-aral ng nawawalang libro ni Nostradamus na padpad dito sa Pinas, hanga na ako pero hindi ibig sabihin no’n magaling kana pati sa science, kaya kong ako sayo aalis na ako dito at maghihintay uli.” Nawalan ng pag-asa si Kriss na pwede s’yang makabalik sa tarabho at makakuha ng bagong proyekto sa departaminto, huminga na muna s’ya ng malalim, “hanggang kalian naman ako maghihintay ng bagong proyekto para sa’kin,” pero hindi pa s’ya sigurado dahil sa dami nilang archaeologist na mga kasamahan n’ya do’n, kaya maaring pwedeng mag-aral sa mga fossil kaya pwedeng hindi s’ya mapili. Lumabas na lang s’ya opisina tahimik s’yang naglakad sa hallway, hindi s’ya nakatingin sa pwede n’yang makasalubong hanggang sa mabunggo n’ya ang lalaking naka-salamin na may dala ng mga patong-patong na dokyumento. Nagbagsakan ang lahat ng ‘yon sa sahig at nagkalat kong saan-saan, “ay sorry.” Hindi na lamang sumagot ang lalaking na bungo habang pinagpupulot ang mga dala isa-isa, tumulong na rin ang dalaga sa lalaking ‘yon. Hanggang sa isa na lang ang nasa lapag isang puting clear book kong saan mababasa ang nasa loob, binasa ng dalaga ang nasa loob nito na, ‘Unsettled files,’ nagkasalubong ang mga kilay hanggang sa bawiin ito sa kanya, nabasa pa n’ya ang isang hawak ng lalaki na folder na dilaw na may nakasulat sa ibabaw nitong, ‘Code?’ pagbasa n’ya na may halong pagtataka. “Th---thank you,” nawalan ng tuluyan ang iniisip n’ya nang magsalita ang lalaking ‘yon, kaya napasulyap s’ya sa mukha nito ng puno ng pag-aalala samantalang wala naman s’yang kinuha na kahit na ano, “sige una na ako.” “Sige ingat sorry uli,” pagpapaalam ng binate sa kanya, naibaling na sa iba ang atensyon n’ya. Dumiretso na lamang s’ya sa ground floor. Pumunta sa parking lot nang mahanap naman n’ya ang itim na van agad s’yang sumakay at minanehp ang kotse. Nag-iisip kong anong pwede n’yang gawin habang wala pa s’yang trabaho, tanging na isip naman n’ya na lang ang pagbabalik sa pagba-blog, hindi naman s’ya pwedeng mag-asikaso para pumunta sa ibang bansa para do’n magtrabaho dahil naka-kontrata s’ya sa sector na ‘yon ng apat na taon pag-umalis pag-umalis na nasa kontrata pa s’ya pwede s’yang makasuhan. Kailangan na lamang n’yang maghintay ng isa pang taon para tuluyan na s’yang makaalis sa sektor. Huminto s’ya sa lumang apartment kong saan s’ya nakatira, pinadara muna n’ya ito sa tabi. Pagkababa n’ya, agad s’yang pumasok sa apartment at sumakay ng elevator paakyat sa ikatlong palapag. Nang andoon na ang dalaga agad s’yang pumasok sa pangatlong pinto sa tapat ng elevator nang buksan n’ya ito. Sinara n’ya ang pinto, tinaggal ang backpack na kulay puti na may line na kulay itim, hinubad din n’ya sapatos na basta lang tinapon sa kong saan, pati ang suot na pants at jacket na kulay light brown. Tanging short na maliit na halos panty na kong titignan at sando. Kinuha din n’ya ang panali sa buhok at tinali ng pang itaas ang buhok na parang tinapay. Kumuha din s’ya ng root beer sa ref at natirang fried chicken na binili niya nong isang gabe sa isang fast food chain na malapit lang sa tinutuluyan n’ya. Bumalik s’ya sala at umupo sa harap ng desktop n’ya, uminum muna ng root beer bago nagtipa para buksan ang kanyang email inbox. Nakaramdam s’ya ng kakaibang saya nang may makita s’yang bagong mensahe para sa kanya galing kay Henry Castillo pero wala s’yang naalalang may kakilala s’yang ga’nun. Agad n’yang binuksan ang mensaheng ‘yon lalo s’yang nagulat sa nakapaloob sa mensahe. Parang may kakaibang bagay sa kanyang tyan n’ya na kong totoo ba ang nababasa n’ya. Binasa n’ya sa pamamagitan ng mga mata, ‘Magandang araw sayo Ms. Levesque, isang magaling na archaeologist ng panahon na ito. May importante ako sayong sasabihin pag natanggap mo itong mensahe, pwede bang mag-mensahe ka rin pa balik,’ tanging pagkunot-noo lamang ang binigay n’ya sa nabasa. Hindi na s’yang nagdalawang isip pa at agad s’yang nagtipa para sa mensahe kay Mr. Castillo, ‘natanggap ko po ang mensahe ninyo, ako po ito si Ms. Kriss Levesque isang archaeologist sa BSHS. Ano po bang maiitulong ko sa inyu?’ Pakiramdam n’ya isa itong trabaho, binasa na muna n’yang muli bago n’ya pinindot ang SEND.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
Such an interesting story
03/09/2024
0sarap basahin goods story
02/08/2024
0Ganda sobra ng kwento 😇❣️
02/07/2024
0Tingnan Lahat