Takbo doon. Takbo dito. Madaling-madali ako sa pag-aayos ng uniform ko dahil male-late na kami. "Irish, tara na!" Narinig ko na ang sigaw ni Aimee na may kasamang malakas na katok sa pintuan ng kwarto ko. Dali-dali kong itinali ang necktie ko bago ako lumabas ng kwarto. Dumampot muna kami ng tinapay na nasa lamesa bago nagpaalam kay Tita. Paglabas namin, nandoon na si Tito, naghihintay sa loob ng sasakyan. Nang makasakay kami sa sasakyan, saka lang kami nakahinga ng maluwag. "Omygosh, muntik na tayo doon" hinihingal na sabi ni Aimee bago hinagod ang buhok. Natatawa kaming nilingon ni Tito. "Ba’t ba kasi napuyat kayo?" tanong niya sa amin. Malapit na kasi ang examination kaya puro review na ang ginagawa namin ni Aimee. Sumabay pa ang ilang quiz na ni-review namin kagabi. "Malapit na ang examination, Tito" ako na ang sumagot. Tumango naman ito at ibinalik na ang tingin sa daanan. Nang makarating kami sa school, nagpaalam lang kami saglit kay Tito saka bumaba ng sasakyan. Inakbayan ako ni Aimee hanggang sa makapasok kami sa room. Siniko niya ako nang makita ang lalaking nakaupo sa tabi ko. "Ang aga ng future mo," biro niya, pero inirapan ko lang siya. Maaga? Siguro dahil madalas siyang late kung pumasok kaya nasabi niyang maaga ang lalaking 'yon. Walang lingon-lingon akong naupo, nagulat lang sa biglaang pagbati ng katabi ko. "Good morning" Maganda ang ngiti niya ngayong araw. Nakakapagtaka, mukhang good mood siya. Sa pagkakatanda ko kasi, laging busangot ang mukha n’un. Para bang binagsakan ng langit at lupa. "Good morning din. Aga mo, ah" pabiro kong sabi bago ko inilabas ang mga nakatulugan kong reviewer kagabi. Hinalungkat ko din ang bag ko para kunin ang phone at earphone ko. Mas gusto kong nakikinig ng music while reviewing. "Palagi naman akong maaga, ah" mayabang na sabi niya kaya binigyan ko lang siya ng pekeng ngiti. Maaga pa pala sa kanya ang 30 minutes siyang late sa klase. Kulang na lang, hindi na siya pumasok. Ipinasak ko na lang ang headset ko dahil wala akong planong makipagsagutan pa sa kanya, tsaka wala din naman akong pake. Struggle is real talaga, lalo na kapag malapit na ang examination. Hanggang ngayon nga, hindi ko alam kung paano ako nakaka-survive taon-taon sa examination. Napapaisip na lang kasi ako minsan, para saan pa ang ibinigay nilang reviewer kung wala naman ‘yung connect sa exam namin? Iba ang ibibigay na example, iba din ang ibibigay na reviewer. Ilang minuto din akong nakapag-review nang pumasok ang teacher namin kaya itinago ko na ito. "Hey! I'm not done yet!" Napalingon ako sa katabi ko nang magsalita siya. Nakanguso siya at tinitingnan ang reviewer na itinago ko. "Ano?" Nakataas ang kilay kong tanong sa kanya. He sighed and asked if he can borrow my reviewer. "Oh. Ibalik mo mamaya, ah. Magre-review pa ako," iniabot ko sa kanya ang reviewer bago ako lumingon sa harap. Marunong din palang mag-review tong lalaking 'to. Pero nagtataka din ako sa kanya minsan, nakakakuha naman siya ng mataas na marka kahit hindi ko siya nakikitang mag-review. Nagkibit-balikat na lang ako. At saka ano bang pakialam ko? "Everyone knows naman siguro na magaganap ang ating Valentines Event before exam hane?" tanong ng teacher namin at um-oo naman kaming lahat. Sino ba naman kasi ang hindi makakaalam n’un? Eh ‘yun ang masayang araw para sa lahat. "Booth. Pageants. Sports, etc. Madami ang kailangang paghandaan kaya mas pinaaga ang preparation para dito." Tahimik kaming nakikinig sa sinasabi ni Ma’am at sumasagot lang kung kinakailangan. "If you already joined a contest, you don't need to join the booth of your section. Ang matitirang walang sinamahan na kahit ano, sila lang ang gagawa ng booth—depende na rin sa inyo kung anong booth ang gagawin niyo," sabi ni Ma’am. Wala naman akong balak salihan na kahit ano kaya tutulong na lang siguro ako sa pagpaplano ng booth namin. "Mauubos na ang time ko kaya bukas na natin pag-usapan ang lalaban sa pageant. That’s all for today." Umalis na si Ma’am matapos niyang magpaalam. "Here. Thanks," inaabot na sa akin ni John David ang reviewer ko kaya tinago ko na ulit ito. Hinintay lang namin ang mga sumunod na klase hanggang sa mag-break time na. "CR muna tayo, Irish!" Dali-dali kong hinablot ang bag ko nang hablutin ni Aimee ang braso ko. "Ano ba?! Kailangan pang may pahablot!" Kainis naman tong babaeng ‘to. Ang sakit kaya sa braso, kala niya lang. "Sorry, sorry. Naiihi na kasi talaga ako." Nang makapasok kami sa CR, madaling-madali siyang pumasok sa isang cubicle. Humarap ako sa salamin. Hinanap ko muna ang panali ng buhok sa bag ko. Masyado ng mainit kaya kailangan ko nang itali ang buhok ko. Natural ang wavy ng dulo ng buhok ko, at kahit hindi ako nagkulay ay may natural na kulay brown ang buhok ko. Hindi nga lang halata minsan, pero kapag natapat naman sa araw ay halatang-halata. Masasabi ko na maganda ang pagkakaahit ng kilay ko. Maulanan din ako sa labi kaya hindi na ako gumagamit ng lipstick. Minsan lang din ako maglagay ng lip gloss kapag na-trip-an ko lang. Lahat ‘to natural,walang halong kemikal. "Tara na sa canteen." Pagaya na si Aimee nang makita niyang natapos na ako sa pag-aayos. Tumango ako sa kanya at sumunod na sa paglalakad. "Anong pinag-uusapan niyo ng future mo kanina?" tanong niya habang naglalakad kami. Hindi ko na lang pinapansin ang pagtawag niya kay John David na "future ko" daw. "Wala, nanghiram lang ng reviewer." Nang makarating kami sa canteen, kailangan pang pumila muna kami. Mahaba-haba ang pila dahil medyo nahuli kami ng dating. Naitulak kami ng kung sino sa likod kaya tumama ang katawan ko sa katawan ng nasa harap ko. "Hoy, ano ba! ‘Wag naman kayong magtulakan diyan! Ang tatanda niyo na kung mag-isip kayo, para pa ring bata!" sermon ng tindera sa kung sino man ang nanulak. "Sorry." Lumingon ito sa akin at nakita kong si Kristel pala ang nasa harap ko. "It’s fine," ngumiti siya sa akin kaya nginitian ko na lang rin. "Dalawang burger po at isang Royal po." Pagsabi ko ng order ko, si Aimee naman ang sumunod. Hinintay ko na lang din siya bago kami naghanap ng bakanteng upuan. "Hey Irish! Aimee! Here!" Dinig kong sigaw ng kung sino. Lumingon ako sa likuran ko dahil doon nanggaling ang tawag at doon nakita ko si Kristel na kumakaway. Kasama niya si John David at si Paolo sa upuan. Limang upuan ang nasa lamesa nila kaya bakante pa ang dalawa. Lumapit doon si Aimee kaya lumapit na lang din ako. "‘Yan lang ang kakainin niyo?" tanong ni Paolo, pero nakay Aimee ang paningin. Tumaas ang isang kilay nito at tumango. "Why don’t you eat something nutritious?" Lumingon ulit si Aimee dito. Pinagmamasdan ko lang silang dalawa. "Pake mo ba?" Masungit na sabi nito. Tumawa si Kristel kaya napalingon kaming lahat sa kanya. "Your charm is not effective, Paolo," napangisi naman si Paolo sa sinabi ni Kristel sa kanya. Charm? Walang talab yan kay Aimee kapag di ka talaga bet niyan. Kumain na lang ako dahil malapit na rin matapos ang oras ng break time namin. Pinag-uusapan lang nila ang gaganapin na pageant. Ayaw na raw ni Kristel na sumali dahil taon-taon ay siya na daw ang nagiging candidate, kaya naman nang nagtanong ito sa akin ay agad akong umiling. "Wala akong alam sa mga ganyan. Mabuti pang si Aimee ang tanungin mo." Bumaling ako kay Aimee at nakita ko siyang pinanlakihan ako ng mata, pero agad ding bumawi ng pekeng ngiti. Sumasali rin naman sa pageant si Aimee kaya walang problema para sa kanya ‘yun.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
Gastos 29 diamante
Balanse: 0 brilyante ∣ 0 Mga puntos
Komento sa Aklat (32)
Fhem De Castro
keep writing and push yourself to be a great writer. i love your novel. 👏👏👏👏👍👍👍
03/04/2022
0
John Michael Carbaquil
just cool
10/07/2024
0
Jhenebee A Grande
that's what friends are for, hindi naggaaway laging nandyan sa tabi
keep writing and push yourself to be a great writer. i love your novel. 👏👏👏👏👍👍👍
03/04/2022
0just cool
10/07/2024
0that's what friends are for, hindi naggaaway laging nandyan sa tabi
13/01/2024
0Tingnan Lahat