logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

WoMAN

WoMAN

Sweancy


Chapter 1. The Dawn

A normal day in Avielo's family.
"Papa!" Paghablot sa aking pantalon ng aking anak na si Walter.
"May problema ba, anak?" Dali-dali ko siyang kinarga habang ginugulo niya ang buhok ko.
"Walter, don't do that again!" Pagsaway ko rito habang pinipindot ko ang kanyang ilong.
Pasaway talaga ang bunso kong anak hindi tulad ng kambal. Nakatutuwang isipin na masaya at maayos ang pamilyang nabuo ko. Narinig ko ang pagtawag sa akin ng ama ko, "Thaddheus!" Agaran ko siyang pinuntahan. Kamot-noo na naman ako nang makita kong na ibagsak pala nito ang plato niya at mabuti na lang hindi ito babasagin. Matanda na rin kasi kaya nanghihina na.
Ibinaba ko ang anak kong nangungulit pa, "Papa, can I help?" Natuwa naman ako dahil sa tanong niya. Tinuruan ko siya sa tamang paglilinis kung sakali mang may mabasag ulit. Bunsong-bunso sa kakulitan pero ang utak yata nito namana sa kanyang Lolo na ngayon ay sakit sa ulo. Hindi tulad ng Ate at Kuya niya na sobrang palaaway sa isa't isa at animo'y aso at pusa.
"Oh, Kim! You're home na pala," nakita ng asawa ko na naglinis na naman ako ng kalat at tumawa pa ito, "Si Papa na naman salarin niyan, noh?" tumingin si Papa kay Lianne at ngumiti, "Pasensiya ka na talaga, Anak!" napangisi na lang kaming mag-asawa.
Mabuti na lang at nakatagpo ako ng babaeng maunawain, masipag, at mahaba ang pasensiya. Kaya rin siguro naging maganda ang samahan nila ni Papa. Hindi rin naman kasi maitatanggi na silang dalawa ang madalas magkasama at nagkukuwentuhan. Siguro sa akin bilang anak, kuntento na akong makita na nasa maayos na kalagayan ang pamilya ko. At malaki ang pasasalamat ko kay Lianne dahil pumayag siyang makasama namin ito sa iisang bahay.
Sa aming lahat na nasa bahay si Papa ang madalas kong makita na gising na bago pa magbukang-liwayway hanggang sa maitanong ko na ang rason, "Palagian kitang nakikita rito, Pa!" Tumingin ito sa akin at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa kanyang balikat, "Matanda na ako at ito na ang nakasanayan kong buhay, masarap tumayo at magising bago magbukang-liwayway kasi hindi mo na alam kung hanggang kailan mo na lang makikita ang araw na sumisikat pa at nagsasabog ng liwanag, sa katulad kong matanda na lahat ng bagay sa mundong ito ay may kahulugan na, at hindi na maalis na ang bawat umaga na masilayan pa ang araw ay pag-asa at panibagong laban." Sobrang lalim nang sinabi ni Papa na halos hindi ko mahanap sa sarili ko.
Inaya ko siyang magkape muna pero hinawakan niya ang kamay ko at pinaupo sa harapan niya, "Anak, alam mo ba na minsan iniisip kong hindi mo ako nagustuhan bilang magulang dahil kahit kailan hindi ako naging ganito sa mga apo ko, sa 'yo!" Halos mangilid na ang luha ko dahil sa mga sinasambit niyang salita, "Pa! Huwag mong isipin 'yan kasi kahit madalas tayong mag-away sa kabataan mo tatay pa rin kita at hinding-hindi magbabago 'yon." Tumulo ang luha ni Papa, "Alam mo hindi naman ako perpektong tao pero bakit ako binigyan nang mabuting anak." Niyakap ko siya sa paraan na alam kong mararamdaman niyang wala akong galit o inis na nararamdaman para sa kanya.
Magkasama lang kami ni Papa ng mga oras na iyon nang makita ko ang bunso kong anak na nakatayo sa likuran namin, "Ang aga naman nang tayo mo, anak!" Nagkuskos pa ito ng mga mata para mas maayos siyang makakita, "Good morning, Dad and Lolo!" Ang sigla nang pagbati ng anak ko na siyang ikinatuwa ko nag sobra dahil talagang nakuha niya ang ugali ng Lolo niya, "Dad, what's going on here po pala?" Pagtatanong niya sa akin hanggang sa lumapit siya sa Lolo niyang nakangiti, "Lolo! Tell me pinagalitan mo si Dad, noh?" nagsumbong pa ito na inaaway ko raw siya bago matulog na sinabayan niya pa ang titig na masama sa akin, "Pa, alam mong hindi ako nang-aaway ng anak kahit pasaway sila." Masyadong madaldal ang bunso ko kaya kinarga ko ito at ibinalik sa itaas para matulog ulit.
"Lolo! Aawayin na naman ako ni Dad." Nagkakawag-kawag pa ito hanggang sa pinabitaw ako ni Papa at hayaa ko raw siyang lambingin ang apo niyang makalolo.
Iniwan ko muna silang dalawa at pinagmasdan bago ako tuluyang pumunta ng kusina para magluto ng umagahan.
Sa kabilang banda nag-usap ang maglolo.
"Apo, gusto mo ba magkuwento si Lolo ng tungkol sa araw?" Agaran namang tumango ang bata at nagkuwento na ito.
"Lolo, I have a question since the sun is the nearest star from the earth and our solar system is one of those systems here in Milky Way. Gaano kabilis ang liwanag ng araw para makarating sa celestial body tulad ng mundo natin?" Kamot-noo ngayon ang kanyang Lolo dahil sobrang namulat na si Walter sa mga palabas na ukol sa kalawakan at pag-aaral.
"Apo, nagkuwento ako para may matutuhan ka 'di yung tatanungin mo ako ng ganiyang tanong. But as I can remember lights travels in 8.3 minutes from sun to earth pero pa check mo pa rin kay Daddy mo, ah!" Sumakit ang ulo ng Lolo niya dahil sa katanungang patungkol sa liwanag ng araw.
Sumisikat na ang araw at tapos na rin magluto si Thaddheus.
"Walter, gisingin mo na ang Kuya Michael at Ate Michelle mo." Agaran din namang sumunod ang aking anak na sobra talagang bibo. Mahilig kasi sa Educational movies habang ang Kuya at Ate naman niya ay sa Law Dramas kaya laging nagtatalo. Hindi nga nagpapatalo sa isa't isa palagiang may mga papel sa kuwarto nila at puro sulat ng theories and some sketching pa. Silang tatlo ay mga bibo at may utak naman talaga kaya minsan kapag sumosobra na pinagsasabihan na namin kasi madalas nagkakasakitan kapag 'di nagustuhan ng isa ang sagot niya.
"Dad, where's Lolo?" Michelle asked.
"Nasa balcony, Michelle!" I answered her with a smile.
"Lolo, anong ginagawa mo rito?" Michelle asked.
"Michelle, come here!" Pagtawag niya sa kanyang apo at dali-dali namang sumunod ang kanyang apo.
"Apo, nakita mo na ba ang araw na gan'yang kaganda bago ito mapunta sa gitna at tuluyang magsabog ng liwanag?" Tumingin si Michelle sa araw at sa mga mata ng kanyang Lolo.
"No, I haven't seen that before, Lo!" Ngumisi ang matanda.
"Ramdam mo ba ang init nito sa umaga?" Pinakiramdam ni michelle kung masakit ba sa katawan ang sinag ng araw mula sa lugar nilang dalawa.
"Lolo, I do not know but I couldn't feel anything it's not harmful." Ngumiti ang matanda at niyakap ang kanyang apo.
"Apo, makinig ka! Gan'yang ang buhay nating tao habang maaga hindi tayo nakakaramdam ng sakit at puro tuwa lamang. Tulad mo, bata ka pa lang at wala ka pang iniindang problema. Hindi tulad ng mga magulang mo na laging nag-iisip kung papaano kayo mamumuhay ng maayos, at kapag nasa edad ka nang tulad sa akin matutunan mo na ring magsaya sa maliit na bagay." Masarap ang pagkakayap ng apo niya sa kanya nang magsalita ang kanyang apo na animo'y naiintindihan niya na ang lahat.
"Lo! It's our nature naman po talaga when we grow up. We able to see little things is really a big matter to us as we develop and engage in life changes." Michelle said.
Pumasok na ang kanyang apo sa loob nang maramdaman nito ang pananakit ng dibdib ngunit ininda niya lamang ito.
"Bukang-liwayway matatapos na kamusta naman kaya sa takipsilim?"

Komento sa Aklat (79)

  • avatar
    JeyDdy

    daming life lessons. worth it basahin.

    14/08/2022

      0
  • avatar

    the story way amazing bravo!!🫰🏻🫰🏻🫰🏻

    26/07

      0
  • avatar
    ForioPrincesnicole

    nice so very good ang gandaa

    07/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata