CHAPTER 4 “Shh…Tahan na..” Dinig na dinig ko ang bulong niyang yon. Ramdam na ramdam ko rin ang yakap niya. Hindi nito magawang bawasan ang mga narararamdaman ko. Gayunpaman ay kumalma ang kalooban ko. Dahan daha’ng umalis siya mula sa pagkakayakap sakin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Bahagyang itiningala ang mukha ko hanggang sa magtama ag paningin namin. Hindi ko pa rin mapigilan ang sariling luha na umagos sa mukha ko. Kita ko ang naguguluhang tingin niya pero may pag-iintindi. Doon ko lang naramdamang may karamay ako. “Shh… Hey, it’s okay. Whatever you’re going through right now, I know that it’s gonna be alright. Everything’s gonna be alright.” Sabi niya sa akin. Marahan niyang hibaplos ang buhok ko at hinigpitan ang yakap. Ginantihan ko ng mas mahigpit ang yakap sa kanya sa takot na mawala na lang siya bigla. Takot na panaginip lang itong lahat. Takot mawalan ng karamay. Naramdaman niya yung takot ko kaya nagsalita ulit siya. “Hey, I’m here. Shh.. it’s okay. I won’t leave. I’m here.” Sabi niya na mas lalong nagpaiyak sa akin. Mahabang katahimikan ang namayani. Mahihinang hikbi ko lang ang maririnig. Walang namutawing salita na lumabas sa bibig ko at ganoon din siya. Nakahilig pa rin ang ulo ko sa dibdib niya. Mahigpit ang kapit sa dulo ng t-shirt niya. Nakayakap siya sakin habang hinahaplos ang buhok ko para tumahan. He whispered sweet nothings in my ears to calm me down. Ilang sandali ay kumalas ako sa yakap. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko alam anong sumagi sa isipan ko at mgabreakdown sa harap niya. Kasi naman e. Hindi ko mapigilan mapaiyak dahil doon sa mga sinabi niya. Pinagsasampal ko ang noo ko. Aish. Nakakahiya talaga. Ano na lang sasabihin nito sakin? Na baliw ako ta sobrang babaw? Ng dahil lang tinanong kung okay lang ba e, imbes na sumagot ay humagulhol lang. Pero hindi ko maipagkakaila na ng dahil sa tanong niya yon ay nakaramdam ako ng kakaiba. At iyong paglabas at pagbuhos ng mga nararamdaman ko sa pamamagitan ng pag-iyak at paghagulhol. Nakaramdam ako ng ginhawa na nailabas ko iyong mga emosyon na iyon. Nawala iyong parang bumaon sa lalamunan ko. Nawala kahit papaano ang sakit sa puso. Nawala iyong mabigat na pakiramdam sa puso. Hindi ko ngayon iyan mararamdaman kung hindi dahil sa kanya at sa tanong niyang iyon. Pero nahihiya pa rin ako sa kanya. Hindi ko kaya siya kilala tapos umiyak ako sa harap niya. Kakahiya. Patuloy pa rin ako sa pagtatampal sa noo ko ng pigilan ng lalaking nasa harap ko ang kamay. "Stop hurting yourself." He gripped my hand gently and put it down. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Nakita ko sa peripheral vision ko na umayos siya ng upo. May kinuha siya sa bulsa at binigay sa akin. Nang hindi ako gumalaw ay kinuha niya ang kamay ko at doon nilagay. Nagbaba ako ng tingin sa kamay. Nakita ko ang puting panyo. Ginamit ko iyon para punasan ang mga natuyong luha sa pisngi. Pagkatapos ay nagtaas ako ng tingin sa kanya. Nang nagtama ang paningin namin ay ngumiti ako ng tamlay. "Thank you." I whispered. Matagal bago siya sumagot. Maamo ang mga matang nakatingin sa akin. Ginulo niya ag buhok ko at ngumiti. Parang may kumiliti sa akin dahil sa ngiti niyang iyon. Mas lalo siyang gumwapo 'pag ngumingiti siya. Naglalakad kami pauwi ngayon. Nag-aya siyang ihatid ako. Malalim na kasi ang gabi at nag-aalala siya baka may mangyari sa akin pauwi. Ramdam niya pa siguro iyong malungkot kong aura. Tumanggi ako sa kanya pero nagpumilit siya kaya heto kami ngayon. Kakilig diba. Hahaha. Hila-hila ko ang bike habang naglalakad. Siya naman ay nasa loob ang mga kamay niya sa bulsa ng pantalon habang naglalakad. Tahimik lang siya pero nakikita ko sa mga mata niya na gusto niya magtanong. Naguguluhan at nagtataka. Nakita ko sa magaganda niyang mga mata ang kagustuhang malaman kung bakit ganoon ang naging akto ko sa tanong niyang niyon. Pero iba ang pinapahiwatig ng kilos niya. Nakapirmi lang mga labi. Ang seryosong tingin ay nasa harap. Naghintay ako ng mga ilang minuto, baka sakaling magawa niya na akong tanungin. Pero hindi siya nagsalita. Tumingin ako sa harapan at bumuntunghininga. "Bata pa lang ako ay lagi na akong ipinagkukumpara sa Ate ko." Panimula ko sa pagkikwento. Gulat siyang napatingin sakin. Hindi inaasahan na sasabihin ko ang sagot sa mga namumuong mga tanong na nasa ulo niya. "You don't have to tell me anything. Hindi naman ako nagtanong. Hindi ko rin gustong marinig." Iling-iling niyang aniya. Kita ko sa mata niya na gusto niyang ipagpatuloy ko ang pagkikwento pero pinipigilan niya ang sarili. Kabaliktaran ang pinapakita ng mata niya sa sinasabi ng bibig niya. Ngumiti ako sa kanya para ipakitang okay lang. Pinagpatuloy ko ang pagkikwento. Hindi na siya nakaangal. Bored siyang nakatingin sa harap ng daan. Pero alam ko na nakikinig siya. Kinwento ko sa kanya yung pagkabata ko. Yung mga naranasang masasakit. Yung mga panahong kahit bata pa ay kinukumpara na ako sa ibang tao at kay ate. Kahit naman ngayon ay ipinagkukumpara parin naman ako sa iba. Minuminuto din siyang titingin sa akin, chenecheck ang mga reaksyon habang nagkikwento at kung umiiyak ba ako habang nagkikwento. Nakangiti ako ng mapait habang nagkikwento. Ayaw ko ng umiyak. Pagod na ang mga mata ko. Tama na iyong iniluha ko ngayong araw. Sa susunod naman. Masakit sa mata. Mahapdi. Hindi ako nagkikwento. Kaya kahit ako ay nabigla rin ng maikwento ang childhood ko sa kanya. Para kasing tama na magkwento sa kanya kahit di ko sa kilala. Kumportable ako sa kanya sa hindi malamang dahilan. "Kahit naman ngayon ay pinagkukumpara parin ako sa ibang tao. Si Mommy nga ay lagi niyang pinamumukha na mas magaling si ate kaysa sa akin sa lahat ng bagay." Pagtatapos ko sa pagkikwento. Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Natigil din siya sa paglalakad at nakakunot ang noo na tinignan ako. Nagtataka bakit ako huminto. "Andito na ako." Tinuro ko ang bahay namin. Sinundan niya ang tinuro ko. Napatango siya at bunalik ang tingin sa akin. "Napasarap ata pagkukwento ko." Sambit ko. "Yeah." Wala sa sariling sabi niya. Napangisi ako at napataas ang kilay. Natigilan siya. "I-I mean... I-I uh.." Nahihiya niya pang bawi. Natawa ako sa kanya. Nagkatitigan kami ng ilang sandali. Ako na ang unang umiwas ng tingin. Tinuro ko ang bahay namin. "Una na ako. Malalim na rin ang gabi. Kailangan mo pang bunalik sa café 'di ba? Ingat ka. Maraming salamat." Paalam ko sa kanya. Hindi siya sumagot. Patuloy pa rin siya sa pagtitig na para bang kinakabisado ang mukha ko. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at nagsimulang lumakad papasok sa bahay. Nang makatalikod na ako sa kanya ay wala sa sariling napahawak sa dibdib. Ang lakas ng kabog nito. Hindi pa man nakakalayo sa kanya ay isang malambot na kamay ang humawak sa pulsohan ko. Bumaling ako sa lalaking nagmamay-ari ng malambot na kamay. "H-Hmm? May k-kailangan ka pa?" Nauutal na tanong ko sa kanya. Mas lalo kasing lumakas ang kabog ng dibdib ko ng maramdaman ang kamay niya. Seryoso ang mga matang nakamasid sa akin. Binitawan ang pulsohan ko. "I'm Texas. Texas Jhames Gallardo." Ilang araw ang lumipas magmula ng gabing iyon. Hindi agad ako nakatulog ng gabing iyon dahil sa kilig na naramdaman. Hanggang ngayon ay napapangiti pa rin ako kapag naalala kung paano niya hawakan ng marahan ang pulso ko. At iyong pagpapakilala niya sa sarili, grabe ang hot niya noon. Ang gwapo pa ng pangalan. Lumalakas ang kabog ng puso ko kapag naalala. Parang may paru-paru sa tiyan ko na kumikiliti sa akin. Sa mga nakalipas na araw ay hindi ako nakapunta sa café. Nabusy kasi dahil sa daming gawain sa school. Kaya plano kong pumunta doon ngayon. Sana nandoon si Texas. Gusto kong masilayan ang gwapo niyang mukha. Napahagikhik ako sa sarili. Si Daddy naman ay nakauwi na galing sa business trip. Lagi na siyang uuwi dahil sa wakas ay natapos na nila iyong project na ginagawa sa kompanya. Hindi na rin masyadong busy si Ate. Nakakauwi na rin siya 'pag gabi. Lumabas na ako sa bahay at nagsimulang magpedal papuntang café. Malamig na hangin ang sumalubong sa akin. Hindi pa masyadong malalim ang gabi. Nadaanan ko ang park na marami-marami ang magjowa na nagdadate. Hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi. Katunayan nga ay nagatataka na sila bakit ako laging nakangiti sa mga nakalipas na araw. Kahit lagi akong sinisigawan ni Mommy ay nakangiti pa rin ako. Kapag nakikita niyang nakangiti lang ako sa kanya ay sasamaan niya ako ng tingin at iirapan. Titigil na lang siya sa pagsasalita at aalis ng galit pa rin. Hindi ako nagpaapekto sa kanya kaya naman ay asar na asar siya sakin. Nang makapasok sa café ay nilibot ko ang paningin sa buong café. Nang wala akong makitang bakas ni Texas ay tinignan ko ang pinakadulong lamesa na malapit sa window glass. Nawala ang ngiti ko ng makitang walang nakaupo roon. Nakasimangot akong ng order ng pagkain. Bagsak ang mga balikat na naglakad patungo doon sa lamesa. Matamlay akong sumubo ng cake. Nawalan ng gana dahil hindi siya nakita. Nang maubos ang kinakain ay walang lakas akong tumayo akmang lalabas na ng café. "Hey. Where are you going?" Natigilan ako ng makarinig ang baritonong boses. Nag-angat ako ng tingin. Nanlaki ang mata ko at napaawang ang labi ng makita ang nagamamay-ari ng baritonong boses na nagsalita. "You're here!" Pasigaw kong sabi sa kanya. Bumalik ang ngiti ko. Nakita ko siyang umupo sa harap ko. Umupo ako ulit sa kinauupuan kanina ng may malaking ngiti. “Akala ko wala ka. Aalis na sana ako." Sabi ko sa kanya ng 'di siya sumagot. "I was in the rest room. Kaya di mo 'ko nakita kanina." aniya. Tumango-tango ako. Kaya pala. "How are you.." aniya na nakatingin na sa akin ngayon. "Italia. My name's Italia." Ngumiti ako sa kanya. "Okay. How are you Italia?" Tanong niya ulit. "I'm good! Ikaw? Kumusta ka?" Ako naman ang nagtanong. Tinitigan niya ako sa mata na para bang binabasa ako kung nagsisinungaling ba ako o hindi. Tumango siya ng makitang hindi ako nagsinungaling. "I'm good, too." Sagot niya sa tanong ko at ngumiti. My heart beats faster when he smiled at me. Nagkatitigan kami ng ilang sandali bago siya unang nag-iwas ng tingin. Nag-init ang pisngi ko dahil sa kilig na naramdaman. Sumulyap siya ng tingin sa plato kong ubos na ang pagkain. Binalik rin niya agad ang tingin sa akin. "I'll order for us." Aniya sabay tayo. Nagulat naman ako sakanya at umiling-iling. "N-Nako 'wag na. Tapos na ako." sabi ko sa kanya, bahagya pang nautal. "No, I insist." Nakangiting sabi niya. Tumalikod na at nagsimulang maglakad papunta sa counter para mag-order. Ba't palangiti siya ngayon? Nakasunod sa kanya ang tingin ko. I saw his broad back. He's wearing a black jacket with hood paired with black pants and black leather shoes. Hanggang sa makabalik siya ay nakasunod pa rin ang tingin ko sa kanya, sa bawat galaw niya. Nang nasa harap na siya ng lamesa namin ay tumayo ako at tumulong sa kanya sa paglalagay ng pagkain sa lamesa. "Thanks for this." Pasalamat ko sa kanya. Tinuro ang in-order niyang pagkain para sa'kin. Ngiti lang ang insinagot niya at nagsimulang kumain. Mahabang katahimikan ang namayani. Walang nagsalita sa amin. Sobrang awkward ng paligid. Naghintay ako na magsalita siya. Lumipas ang minuto pero hindi pa rin siya nagsalita. Hindi ko na nakayanan ang katahimikan. Tumikhim ako para kuhanin ang atensyon niya. Gulat naman siyang napatingin sa'kin. "Ba't Texas ang pangalan mo?" Pagbubukas ko ng topic. Ewan ko ba't sa lahat ng tanong, iyon pa ang napili ko. Natawa naman siya bahagya. "I.. don't know. Even I, wonder why." aniya. Napatawa ako sa sagot niya. "Siguro doon ka ginawa?" biro ko sa kanya. Mas lalo siyang natawa. Napatawa rin ako dahil sa tawa niya. His laughter is music to my ears. "What about you? Why is your name Italia? 'Wag mo sabihin doon ka rin nila ginawa?" Balik niyang tanong sa akin. "Hahaha 'di naman siguro." Hindi sigurado at natatawang sagot ko. Sabay kaming natawa. Ilang dandali rin ay nagkatitigan. Hanggang sa marealize kung gaano ka halay ang pinag-uusapan. Nahinto kami sa pagtawa. Magkasabay na umiwas ng tingin sa isa't isa. He cleared his throat. His eyes darted outside. Nagbaba ako ng tingin sa pagkain. Nag-iinit ang pisngi at nagpatuloy sa pagsubo ng cake. After that awkward silence, we continued talking. We talked about life, school, hobbies and many more. We were like knowing each other by asking things about ourselves. I enjoyed that night. I'll treasure that night forever. Because I met a man who befriend me because of being me. Because he accepted me. He didn't question me. He didn't judge me not like other people. Because he became my companion. Ever since that night, we became friends. We became close.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
fene ieoo3a
21/12/2024
0thst good
04/11/2024
0good
13/10/2024
0Tingnan Lahat