CHAPTER 1 Think of a big tree that soaks up all the sun. If you plant a seed in the dirt right next to the big tree, in a place where there is no sun, then that seed is going to have a hard time growing up, reaching its full potential. Hmm… So if you feel like you’re in the shadow of someone else, you feel like you can’t get the energy or attention you need to be yourself and do your best. Be yourself? Huh! I’ve been nothing but be myself for my entire life… but what? Nothing! Nagpapakatotoo na man ako ah. Do your best? Tss! Ginawa ko nga yung best ko pero hindi pa rin sapat. Wala rin. Umismid ako. Kalokohan! Iyan lang naman ang mga resulta sa mga nabasa ko sa internet kung paano makawala sa pagiging anino ko sa kanya. Pero iyon na nga, walang kwenta! Lagi ko naman iyang ginagawa pero bakit feeling ko anino pa rin ako sakanya? Hays… Pabagsak kong sinarado at pinatay ang laptop ko. Bumalik ako sa pagkakahiga at tumitig sa kisame. Higit dalawang oras din akong nagreasearch. Speaking of research… Hala! Hindi ko pa tapos yung research ko talaga. Huhu lagot na. Bumangon ako at balak na sanang buksan ang laptop ng tumunog ang tiyan ko. Wala pa pala akong kain. Hindi ako nakapaghapunan dahil dumiretso agad ako sa kwarto pagkauwi galing skwela. Pagka-uwi ko kanina walang niisang tao sa bahay. Wala din si Manang dahil day-off niya ngayon. Maingat akong kumabas sa kwarto at tinunho ang kusina namin. Pagkarating ko roon ay agad akong kumuha ng tubig at isang tinapay. Naubos ko na ang kinakain pero hindi parin saapat iyon para mawala ang gutom ko. Nanghalungkat ako sa ref ng maluluto. Hmm… isda? Karne? Napasimangot ako sa nakita. Wala namang katakam-takam na kainin dito. Nagpatuloy ako sa paghahanap. Nagbabasakaling kahit de lata meron sa mga cabinet. Aha! Tumakbo ako pabalik sa kwarto ng may maisip ako na kainin. Nagca-crave na din kasi ako. Kinuha ko yung hoodie na black at yung wallet ko. Hinanap ko yung phone ko pero nagcharge pa pala kaya di ko na dinala. Lumabas din ako at kinuha ang bike at umalis na para bumili. Humampas sa mukha ko yung malamig na hangin na nagdulot sakin para lumipad at matumba sa kanal. Ang payat ko na ba talaga at napatumba ako ng hangin? Hahaha charot! Nakarating na rin ako sa isang café malapit dito sa amin. Mga ilang minuto lang rin naman yung lumipas. Hindi naman kalayuan dito sa amin. Bumaba na ako sa bike at ipinarada sa gilid. Inayos ko yung sarili ko. Sinuklay ko ang itim kong mahabang buhok na nagulo. Pagpasok ko palang ay nalula na ako sa ganda ng café. Sobrang ganda. Yung interior design ay maganda. Mga bulaklak na nabagay sa kulay at desinyo ng lugar. Marami-rami din ang mga taong nakatambay. Mga estudyante ang karamihan. May nakita akong grupo na siguro gumagawa sila ng activities o kaya research. Basta para skwelahan. Yung ibang grupo naaman ay nagkakatuwaan. Typical lang na mga kabataan. Meron ding nagdadate. Hihi sanaol! Umismid ako at umirap sa kawalan. Edi kayo na may jowa. Sinuot ko yung hood ng jacket ko nang mapatingin yung dalawang nagdadate sa gawi ko. Hala. Shet! Nakita ata akong umirap sa kanila. Umiwas ako ng tingin at nahihiyang kumamot sa ulo. ‘Nubayan! Luminga-linga ako at naghanap ng mauupuan. Naglibot ako nang paningin ng madapo sa isang lalaki ang paningin ko. Siya lang mag-isa sa mesa. Nakaupo siya malapit sa glass window. He’s wearing a white V-neck shirt, black pants and white sneakers. He’s also wearing a glasses. Luh? Ba’t napapa-english ata ako ngayon? Napailing-iling ako sa sarili. Bumalik ang tingin ko sa lalaki. He has jet-black messy hair. He has black thick brows. Midnight black deep eyes. Long-pointed nose. Ba’t parang gusto kong kagatin yung matangos niyang ilong? I unconsciously touched my nose. Napasimangot ako ng maramdamang mas matangos pa yung ilong niya kesa sakin. Has reddish thin lips. Napahawak din ako sa labi ko. Ba’t paramg mas mapula pa yung lips nya kesa sakin? Napakunot ang noo ko at napanguso. Ang unfair! Oh em gee… And he has strong defined jaw. Yung panga na umiigting. Pakshet! All in all, gwapo! Grabe ang hot ni koya. Napatalon at nanlaki ang mga mata ko ng magtaas ng tingin si koya sakin. Hindi ko alam saan nanggaling yung puso kong kumalabog nang mapatingin sakin si koya. Seryoso siyang nakatingin sakin habang kagat-kagat niya yung ballpen na parang may malalim na iniisip. Waah! Gusto ko nang maging ballpen! Namula ang pisngi ko sa naisip. Dali-dali akong tumalikod at pumunta sa counter para um-order ng kakainin. Um-order lang ako ng isang slice ng chocolate cake at juice. Pagkatapos mag-order ay binayadan ko na yung binili. Dala-dala ang in-order ng napagdesisyonan ko nang maki-upo kay koyang pogi. I walked nervously towards him. My knees wobbled because of the excitement and nervous I am feeling. Napahinto ako saglit dahil para akong matutumba na. I heaved a deep breath and continued walking. Nang nasa tapat na ako sa mesa ay tumikhim ako para kuganin ang atensyon ni koya. Parang nagslow-motion yung pag-angat niya ng tingin sa akin. Yung tipong siya lang yung nakikita ko dahil pakiramdam ko huminto yung paligid except saming dalawa. At ang naririnig ko nalang ay yung lakas ng tibok ng puso ko. Then, my brown eyes met his midnight-black eyes. Para akong nalulunod sa uri ng titig niya sa akin. Para akong nasa alapaap ng magtugma yung mga mata namin. I feel like I can see my future in his eyes. I feel like— Napahinto at napakurap-kurap ako ng pinatunog niya yung mga daliri niya sa mismong mukha sabay tawag sa atensyon ko. “Miss!” “Ay kabayo!” nagugulat na sigaw ko sa kanya. “What?” masungit na aniya habang nakataas ang kilay at nakakunot-ang noo. Umiling lang ako sa kaniya at nilapag ang pagkain. “U-Uhm. H-Hi?” bati ko sa kanya at kumaway ng maliit habang may alanganing ngiti. Hindi siya sumagot at tinitigan ako mula ulo hanggang paa ng nakataas ang kilay. Sungit! Nahiya ako sa paraam ng pagtitig niya sakin. Tumikhim ako at doon na bumalik ang tingin sa mukha ko. Hindi niya ako pinansin at bumalik saa pagbabasa. Pansin ko lang, ba’t ang susungit ng mga lalaki ngayon? Napalunok ako sa hiyang naramdaman. Tumikhim ulit ako para kuhanin ang atensyon niya. “Uh a-ano…p-pwede maki-upo?” umaasang tanong ko sa kanya ng makuha ko na ang atensyon niya. I smiled nervously at him. When he didn’t answer me and just stared, I put my hands together and pouted. I said “Pretty, please?” But then again, he just stared at me like he’s staring at nothing interesting. Pinahaba ko pa ang nguso at pinungay ang mga mata. He sighed heavily and nodded his head. And went back to continue reading. Napasigaw ako ng yes sabay suntok sa hangin dahil sa naging sagot niya. I happily took the chair and sit. Dig in my chocolate cake and juice. Habang kumakain hindi ko mapigilang hindi mapaungol sa sarap. Ilang buwan na ring hindi ako nakakain nito. Wala kasi akong pambili. Naubos ang allowance ko dahil sa rami ng bibilhin para sa school. “Will you stop doing that?” iritang tanong ng lalaking nakaupo katapat ko. “Huh? Stop what?” sumubo ng chocolate cake at napaungol na naman sa sarap. Hindi ko mapigilan, ang sarap kasi. “That!” sagot niya, nakaturo ang daliri sa akin. Nakakunot na naman ang noo at iritang nakatingin sa akin. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pag-kain. “Damn it!” he cursed silently that I barely heard him. Pabagsak niyang binaba ang binabasa at sinamaan ako ng tingin. Problemo nito? Ako naman ang napakunot-noo dahil sa inasta niya. Tinaasan ko siya ng kilay at sabing “Problema mo?” Mataray kong ani. Masama pa rin ang tingin niya sakin ng nilayo niya yung cake ko. ‘Wag mong sabihing naiingit siya sa kinakain ko? Wag mong sabihing kakainin niya yan? Aba! Aba! Pwede naman siyang manghingi eh, ‘di naman ako madamot ‘pag gwapo. Hihi! I smiled sweetly at him. “Pwede ka namang manghingi sakin, hindi naman ako madamot.” Ani ko na mas napakunot ang noo. He frowned at me. “Wala akong balak maghingi. At wala akong balak kainin ‘tong cake mo.” Napakasungit na aniya. Tumaas naman ang kilay ko sa sagot niya. “Eh, ‘yon naman pala ba’t mo nilalayo ang cake ko?” Masungit ring ani ko sabay kuha sa pagkain pero mas lalo niyang nilayo. Nagsalubong ang kilay ko sa ginawa niya. Ano ba trip nito? Naiirita na ako ha. He licked his lower lip and brushed his messy hair before answering me. “J-Just stop doing t-that and I’ll give this back to you.” Nauutal na aniya. Napansin ko rin na namula siya habang sinasabi niya yon. Hindi ko talaga siya maintindihan. Ano bang mali sa ginagawa ko? Kumakain lang naman ako, ah. Nakita siguro niya sa mukha ko na naguguluhan kaya nagsalita ulit siya. “You’re m-moaning while e-eating, woman!” he hissed silently. “Oh, eh, ano ngayon?” tanong ko sa kanya. He looked at me like I’m the dumbest person. He sighed heavily and licked his lips. He looked irritated. No, he don’t just look irritated because he really is. May mali ba do’n? Hindi ba pwedeng di lang talaga mapigilan dahil sa sarap? Napanguso ako. “B-Baka anong isipin nila! Hindi magandang pakinggan. You sound like na-uulol na aso!” Panlalait pa niya sa akin. Nagdadramang napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sinabi niya. Harsh! At ano raw? Pinagkumpara pa talaga ako sa asong na-uulol. Batukan ko kaya to? Sinamaan ko siya ng tingin. Inambahan ko siyang babatukan nang magsalita na naman siya. “A-Atsaka..ano..uhm nevermind.” Nauutal at namumulang bawi niya. He cleared his throat. Iniwas ang tingin at ilang ulit napalunok. Nanliit ang mata ko sa kanya. Anyare sa kanya? Ba’t namumula ‘to? He avoided my eyes and pretend to look around but I squinted my eyes at him. His cheeks down to his neck are red. D-Don’t tell me… “Naturn-on ka?!”
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
fene ieoo3a
21/12/2024
0thst good
04/11/2024
0good
13/10/2024
0Tingnan Lahat