PROLOGUE “Mom! Look, I got perfect score in our English exam!” ate Isabella, my sister, exclaimed at our mother. She showed her test paper to our mother. “Wow, ang galing naman ng anak ko!” Mom proudly said. I was just staring at them, mom who’s smiling widely while looking at ate Isabella’s test paper, murmuring how proud she was to her. Kakauwi lang namin galing school. She was on her first year high school at ako naman ay 6th grade palang. Parehong school lang ang pinapasukan namin pero nasa ibang floor si ate. I lowered my head to look at my test paper. I shook my head. My eyes darted back again to them. Ate Isabella is now telling her how was her day. Hindi man lang niya ako napansin. Napapiling-iling ako at napabuntung-hininga. Kahit naman gawin ko yung best ko hindi naman nila yun nakikita. Wala na rin silbi kung ipapakita ko tong resulta ng exam ko. I was about to go to my room when the door opened. Dad popped in and greeted us. I ran toward him and hugged him. “Hi dad. I missed you.” He chuckled and hugged me back. Ilang araw ding hindi nakauwi di daddy dahil sa trabaho niya sa kumpanya. Linuwagan ni daddy ang yakap saakin at hinalikan ako sa noo. “I missed you too, princess.” Napangiti ako. Namiss ko ring tawagin niya akong princess. Habang nakangiti ay pinasadahan ko ng tingin si daddy. Nakasuot na lang siya ng white dress polo shirt, black slacks at nasa balikat ang coat. Nagulo narin ang necktie niya at lalo na ang buhok. Pero kahit ganon ay ang gwapo parin ni daddy. Kumalas si daddy at pinuntahan si Mommy at Ate Isabella para batiin. Magpapaalam na sana ako sa kanila na aakyat na para magpahinga nang tawaginako ni Mommy. “What’s that, Italia?” Sabay turo ni mommy sa test paper ko. Napalunok ako dahil sa kabang naramdaman. Wala sana akong balak ipakita sa kanya ang resulta pero huli na. Humakbang ako palapit sa kanya at dahan-dahang binigay sa kanya. “I-It’s my exam M-Mom.” Nauutal kong ani kay Mommy. Kumunot ang noo niya at tiningnang mabuti ang papel na hawak. Napayuko ako dahil sa kaba at takot na madisappoint siya sakin. “Bakit ang baba nito? 97? Ang baba nito Italia! Bakit ‘di mo gayahin itong ate mo? Perfect ang exam!” Napatalon ako dahil sa sigaw na iyon galing kay Mommy. Nangingilid ang luha dahil sa sinabi niya. Lalo akong napatungo at bahagyang nanginig dahil sa sigaw niya. “Ano? Sumagot ka! Nag-aaral ka ba talaga o baka naman puro cellphone iyang inaatupag mo lagi?” Sigaw na naman ni Mommy. Dahil na rin doon ay tuluyan nang bumuhos ang luha ko. “Hon, wag mo naman sigawan ng ganyan ang bata.” Mahinahong sabi ni Daddy kay Mommy. “Mom, Daddy’s right. And besides, 97 is great. Ang taas kaya niyan, tatlo lang ang mali niya. For sure, ginawa ni Tal-Tal ang best niya, right Tal-Tal?” Pagtatanggol sa akin ni Ate Isabella. Inakbayan niya pa ako at inangat ang baba para makita ang mukha ko. Tumango-tango ako. Nag-angat ako kay mommy nang tingin at nakitang nakatitig siya sa aking nang matiim. Iniwas ko ang tingin kay Mommy dahil sa hiya. Nadisappoint ko na naman siya. Napabuntung-hininga nalang ako at pinunasan ang basang pisngi dahil sa mga luhang tumulo. Nagpaalam narin ako sa kanila na aakyat na at magpahinga. Pero hindi pa man ako tuluyang nakaakyat ay narining ko pang reklamo ni Mommy kay Daddy dahilan para mangilid ang panibagong luha sa aking mata “Tsk! Ang bobo kasi. Kanino ba nagmana yung anak mo na yun?” Hindi ko na narinig pa ang sagot ni Daddy dahil kumaripas na ako ng takbo papunta sa kwarto ko at doon pinakawalan ang namumuong luha sa mata. Hindi ko alam kung anong ginawa ko para tratuhin ako ng ganun ni Mommy. Wala akong natandaang ginawang mali. O baka sadyang bobo lang talaga ako. Ang ayoko sa lahat ay yung pinagkukumpara ako. Magbuhat noong marunong na akong magsulat at matutong magbasa ay lagi nalang ako pinagkukumpara kay Ate Isabella. Nang dahil sa naisip ay bumuhos ulit ang panibagong luha sa mata hanggang sa nakatulogan. Nandito kami ngayon sa school para kuhanin yung card namin. Kasama ko ngayon si Mommy, Daddy at Ate. Naglalakad kami papuntang room. Nang makarating kami ay binati kami ng guro ko. Maraming sinabi ang guro ko pero hindi ako nakinig. Kinakabahan kasi ako sa magiging resulta ng grades ko. Bahala na. Alam ko sa sarili ko na ginawa ko ang best ko. Sana man lang makita nila iyon. “Here, Mr. and Mrs.” Binigay na ng guro namin ang card kina Mommy at Daddy. Hindi lang kami ang nandito sa room kung hindi ang iba naring mga magulang ng kaklase ko. Nakita ko si Shayne at ang kanyang magulang, sobrang saya nito sa nakuhang 90 na grade ni Shayne. Napangiti ako sa nasaksihan. Sana ganyan din sila Mommy sakin. Napabuntung-hininga nalang ako at mapait na napangiti. Bumalik ang tingin ko kina Mommy na matiim ang tingin sa card ko. Kinakabahan talaga ako. “What’s this, Italia Rhay?!” Mommy’s voice roared around the four corners of the room. Nagulat ako sa sigaw niyag yon. Halos lahat ng taong nasa room ay napatingin kay Mommy dahil sa sigaw niyang yon.Mas nadagdagan ang kaba ko ng takot at hiya dahil nasa amin ang atensyon ng lahat. Alam ko na ang susunod ma mangyayari. Please not here, Mom. Please… “Mrs. Acosta, is there something wro—" Hindi na natapos ng guro namin ang sasabihin ng sumigaw na naman si Mommy. “Ano to ha? 93, 90, 87, 89? Huh! Anong klaseng grado to?!” Sigaw ni Mommy sa akin. Pinagdiinan ang pagasabi ng grado. Napayuko ako sa hiya at kabang naramdaman nang makita ang nanlilisik na mata ni Mommy. Nagsimula na din akong manginig at namumuo na ang luha sa mata. “Hon, please.” “Mom, not here. You’re embarrassing her.” Awat ni Dadddy at ate kay Mommy. Pero hindi nakinig sa kanila si Mommy. Humakbang siya palapit sa kin. Umatras naman ako sa takot. “Bakit ang bababa nito? Bakit hindi ka tumulad sa ate mo?! Ang tataas ng grado niyang ate mo. Ano bang ginagawa mo? Nag-aaral ka ba talaga o cellphone lang iyang inaatupag mo? Ano? Sagot! Ang bobo mo, Italia! Gayahin mo yang ate mo, ang tatatas ng grades hindi yung ganito!” Tuluyan ng bumuhos ang luha ko dahil sa sigaw ni Mommy sakin. Wala akong nagawa kung hindi ang mapatungo at tahimik na umiyak. “Mrs. Acosta please calm down.” Pakiusap ng guro namin kay Mommy. “Hoy Mrs. Grabe ka naman sa anak mo. Ang lalaki nga ng grado ng anak mo e, magrereklamo ka pa dyan. Ang tata—” Hindi na natapos ang sinabi ng isa sa mga magulang ng kaklase ko ng tignan siya ni Mommy at sinagawan ng shut up. HInawakan ako ni Mommy at kinaladkad. Hanggang sa makauwi ay sinsermonan pa rin at pinapagalitan parin ako ni Mommy. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa tumigil si Mommy sa kakasigaw at tumakbo sa kwarto at sumubsob sa unan. “Hoy Tal-Tal! Anyare sayo? Ba’t ganyan ka makatingin sakin?” Naguguluhang tanong sa akin ni ate Isabella na nagpabalik sakin sa reayalidad. Hindi ko namalayan na nagbalik-tanaw ako, mga alaalang masasakit, na hanggang ngayon ay nakaukit pa rin sa puso ko yung sakit na nadama ko noon habang nakatitig sa kanya. Umiling lang ako sa kanya at nginitian siya. Nanatili siyang nakatingin sakin ng mariin pero mas nilakihan ko lang ang ngiti sa kanya. Ngumiwi siya at bumulong. “Weirdo” Nang dahil sa binulong niya ay napahalakhak nalang ako sabay hawak sa tiyan dahil sa katatawa. Pero ang gaga ay inirapan lang ako. Nang hindi pa ako tumigil sa katatawa ay sinipa niya ang paa ko sa ilalim ng mesa at tiningnan ako ng masama. Hindi ako natinag, mas natawa lang ako dahil sa ginawa niya. This is only the time that I can laugh without faking it. With her. Dahil sa kanya lang ako nakakita ng kakampi. Na kahit lagi kaming pinagkukumpara ng mga tao ay hindi niya ako kailanman minaliit. Hanggang ngayon pa rin ay pinagkukumpara parin kami. Lalong-lalo na kay mommy. Pero kahit kailan ay hindi ako nagalit sa kanya. Wala naman siyang ginawa para ikagalit ko. Sa totoo lang siya yung laging nariyan sa tabi ko kapag kailangan ko ng karamay. Siya yung taong naniniwala sakin at siya rin yung taong kailanman hindi ako pinaramdam na mas mataas siya kahit yun ang totoo. “Hey, why are you crying? What’s wrong?” Doon ko lang namalayan na umiiyak na pala ako kung hindi lang niya pinunasan yung luha ko na tumulo sa pisngi ko. “Hmm. Nothing, I just…I-I love you, Ate.” Umiiyak na natatawang sagot ko sa kanya sabay tayo at yakap sa kanya. Napa’ahhh’ naman siya at niyakap ako pabalik. Hinagod niya ang likod ko sabay sabing I love you, too, lil sis. Napangiti ako sa narinig. My whole life I’ve been living under the shadow of my sister. I get it, she’s smart, pretty inside and out. She got high grades. I’m not mad at her because she deserves it. All I want was to make my family notice me. By being me. Without comparing me to her. Without making me feel that I’m under her shadow. They just can’t help it, can they?
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
fene ieoo3a
21/12/2024
0thst good
04/11/2024
0good
13/10/2024
0Tingnan Lahat