logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Pitong Yugto

"Magandang hapon Heneral." saad ko nang makabawi ako.
"Bakit ka nasa labas ?" seryoso niyang tanong. Hindi manlang ito nag-iwas ng tingin bagkus ay mariin niya akong pinagmasdan.
"Naglinis lamang ho ako ng bakuran namin, ano po ang aking maitutulong?" singit ko sa bagay na iyon.
Batid kong may kailangan siya, sapagkat kung wala ay bakit siya nandito gayong may pagdiriwang sa bayan at siya ang naatasan na mamuno sa seguridad.
Imbis na sagutin ako ay umupo siya sa kahoy na inuupuan ko kanina. Halos manlamig ang aking katawan habang nakatayo sa harap niya.
"Palagi mo ba itong ginagawa?" tanong niya habang nakatingin sa daan.
Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin iyon o hayaan nalang siya.
"Ngayon lang po Heneral." sagot ko.
"Kung gayon, sa susunod ay hindi mo na ito gagawin?" sa pagkakataong ito ay mas nangibabaw lalo ang kalabog ng dibdib ko.
"Sa totoo lang po ay nagustuhan ko na ito ngayon, baka dumalas ang paglilinis ko dito at pagdidilig sa mga bulaklak."
Hinintay ko siyang magtanong muli pero bigo ako, dahil mas tinuon niya ang atensyon niya sa mga bulaklak na malalago.
Gusto siyang tanungin kung bakit hindi pa rin siya umalis, baka hinahanap na siya doon sa bayan.
Ni hindi ko na rin makuhang maupo pa dahil siya na ang nakaupo don. Napaatras nalang ako nang tumayo na siya at mukhang handa ng umalis.
Ano ang kanyang ginawa dito? mukhang wala naman siyang kailangan gaya ng akala ko. Binigyan ko siyang daan para maayos siyang makapag lakad.
Ngunit isang bulaklak ang aking nakita sa aking harapan. Nasa ere ang kanyang kamay habang hawak ang puting rosas.
Napa-angat ako ng tingin at binigyan siya ng nagtatakang itsura.
"Puting rosas para sa binibining may malinis na puso." aniya habang hinihintay niyang abutin ko ang rosas na hawak niya.
Pinagmasdan ko ang kanyang mga mata na seryoso at mariin ang titig sa akin. Para makaiwas sa mga matang iyon ay kinuha ko nalang sakanya ang rosas na hawak niya.
"Maraming salamat Heneral." kahit pa may bakas na panginginig ang tinig ko.
"Maaari ka nang bumalik sa iyong silid. Ako ay tutungo na muli sa bayan. Nakuha ko na ang nais ko rito." hindi ko mawari ang kanyang mga sinasabi. Kahit pa tingnan ko ang kanyang mukha ay wala akong mabasa. Seryoso lang siyang nakamasid sa akin. Iyon din ang dahilan kung bakit mas lalo kong nakasisiguro na nahuhulog na ang loob ko sakanya.
Hindi madaling umibig, lalo pa at hindi ko naman siya lubos na kilala. Ganito lang ang aming pag-uusap pero tila ba may alam ako sakanya. O parang may bumubulong sa akin na dapat ko pa siyang kilalanin.
"Pumasok kana binibining Marife." aniya habang nakatayo sa may tapat ng kalesa.
Akmang lalapit sakanya upang ihatid siya ng tingin pero agad niya akong pinigilan. "Hindi ako aalis dito, hangga't hindi ka pumapasok sa loob." mas lalong nagdiwang ang aking kalooban kahit pa nangangatog na ang aking tuhod sakanyang sinabi.
Hindi ko alam kung ano ba ang naging itsura ko nang mabilis akong tumalikod at naglakad papasok sa aming bahay.
Halos hindi ko na nagawa pang lumingon pa sa labas dahil sa kabang nararamdaman.
Gusto ko rin sana itanong sakanya kung ano yung nakuha na niya kaya aalis na siya. Gulong gulo ang aking isipan sakanyang mga tinuturan.
Gusto kong magkaroon ng sapat na kasagutan sa lahat ng kanyang kilos. Pero natatakot ako, sino ba ako para tanungin ang isang tanyag na Heneral sa aming lugar.
Nakapasok na ako sa aking silid at mabilis na tinungo ang durungawan nang sa wakas ay nabuksan ko na ay agad ko rin iyon isinara.
Hindi pa rin umaalis ang kalesa at nandon pa rin siya sa kinatatayuan niya kung saan ko siya iniwan kanina. Nakatanaw siya sa aking bintana at sinuguro na bumalik talaga ako sa aking silid.
Binuksan ko nalamang iyon ng wala na sila doon.
Nakita ko nalamang ang aking sarili na nagsusulat sa talaarawan.
Setyembre 31, 1901
Nais ko lamang ibahagi ang aking pakiramdam ngayon. Ako'y tila nahuhulog na nang husto sa Heneral na iyon. Batid kong may mali dahil hindi ko naman siya kilala at malay ko ba kung ano ang kanyang pagkatao. Ayokong malinlang ng kahit na sino. Sapagkat ako'y bago sa mga ganitong tagpo. Hindi rin ako sanay na kumilatis ng tao dahil hindi ko naman nagagawang makisalamuha sa ibang tao. Pero kapag nakikita ko ang kanyang matang mapupungay ay hindi ko maiwasang hindi mamangha sa taglay niyang kagwapuhan. Kung paano siya tumingin, kung paano gumalaw ang kanyang labi. Sa bawat kurap ng kanyang mata at pinapakita kung gaano kahaba ang kanya mga pilik mata. Sana lamang ay kung lumalim man ito ay hayaan ako ni ama. Isang Heneral ang aking nais.
- Marife Santiago.
Hindi ko namalayan ang oras at naririnig ko na ang boses ni ate Franches sa baba.
Niligpit ko ang mga gamit ko at nagpasyang bumaba para salubungin sila.
Nadatnan ko si ama na nakaupo sa sala habang umiinom na kanyang inumin. Samantalang si ina at ate naman ay nasa gilid ni ama.
"Magandang Gabi sainyo." bati ko. Si ama lang ang bumati sa akin pabalik. Si ina at ate ay dinedma lang ako.
Umupo ako sa tabi ni ama at hinalikan ito sa pisngi.
"Mukhang pagod ka ama, nais mo na bang mamahinga?" malambing kong tanong. Bumaling siya sa akin at binigyan ako ng mapait na ngiti. May problema ba siya?
"Hay nako, kung hindi lang umalis si Heneral Agustino ay malamang siguro ay napag usapan na ang kasunduan Florentino." tinig ni ina. Ibinaling ko iyon sakanya at nakita ko ang masamang tingin kay ama.
Nag-aaway ba sila? pati si ate ay masama ang itsura.
"Sana sa susunod ay inyong nakumbinsi ang Heneral Agustino ama." si ate. Lumapit na din siya sa amin at umupo na rin sa tabi ni ama.
Nakita ko ang kung paano kumunot ang noo ni ama ng yakapin siya ng aking kapatid.
Hindi ko alam ang mararamdaman. Mukhang naglalambing si ate kay ama para kay Heneral Agustino.
"Huwag mo sanang biguin ang anak ko, Florentino." Ani ni ina at nauna nang naglakad patungong hapagkainan.
Ibinalik ko ang tingin ko kay ama na ngayon ay titig na titig sa akin. Samantala si ate ay humiwalay na sa yakap at tumayo na rin para sundan si ina.
"Nag-aaway kayo dahil kay Heneral Agustino?" malumanay kong tanong.
Tumango lang siya bilang sagot.
Naiintindihan ko na, kaya ganyan sila kay ama dahil hindi na naman nila nakuha ang kanilang nais. Alam ko rin na mahirap para kay ama ang bagay na iyon. Mukhang wala naman kasing uganayan ang pamilya ko sa pamilya ng Heneral na iyon kung kaya't mahirap para sakanya na ipagkasundo si ate kay Agustino. Tsaka mahihirapan din dila dahil kung ayaw ng Heneral na iyon. Paano nalang si ate Franches?
Masasaktan siya, madudurog ang kanyang puso dahil matagal niya nang gusto ang Heneral tapos hindi naman pala niya iyon makukuha.
Bigla akong nakaramdam ng awa sa kapatid. Kung ako nga na nahuhulog palang kay Heneral Lopez ay natatakot na masaktan. Dahil hindi ko naman alam kung masusuklian ba niyang ang nararamdaman ko o masasayang lang dahil malaking imposible iyon sa aming dalawa.
Isa siyang Heneral at hindi nalalayo sa sitwasyon ni ate Franches. Malaki ang kanyang tungkulin sa bayan, palagi siyang maraming ginagawa at imposibleng magkaroon pa ito ng oras para sa ibang bagay, tulad sakanyang buhay pag-ibig.
Tila pati ako ay nalulumbay na rin na hindi masuklian ang nagbubungang damdamin sa aking loob.
"Mahirap makipag kasundo sa iisang Heneral. Ako'y nagdadalawang isip pa, sapagkat ayaw ko rin naman pangunahan ang Heneral Agustino sakanyang gusto. Hindi ko naman alam na kung ano ba ang nais niya sa kanyang buhay pag-ibig. Isa lamang akong mamayan dito at sumusunod din sa katulad niyang Heneral." si ama.
Huminga ito ng malalim bago muli nagsalita.
"Ngunit ayokong mabigo sa ate mo, batid kong gusto niya talaga si Heneral Agustino." pati ako ay nahihirapan sa ganitong sitwasyon.
Pati ako ay napapaisip kung paano ako makakatulong. Kung paano namin maibibigay ang nais ni ate Franches.
Natapos ang hapunan nang walang nagkikibuan. Sumapit muli ang kinabukasan, hindi na ako nag-abala pang bumaba dahil hindi naman ako nakaramdam ng gutom. Ayoko rin na harapin sila na ganon pa rin ang tungo nila sa isa't-isa.
Narinig ko ang kalesa sa labas kaya mabilis aking dumungaw sa bintana. Sumakay doon si ama at ina. Mukhang may pupuntahan na naman sila o di kaya ay bibisitahin ang aming gulayan sa lumang bayan.
May kaunting panghihinayang, sapagkat kada makakarinig ako ng kalesa ay si Heneral Lopez agad ang aking naiisip.
Habang nakadungaw sa bintana ay siya namang may kumatok sa pintuan.
"Pasok." saad ko. Iniluwa non ay si ate Franches.
"Ano ang iyong nais ate?" tanong ko.
Hindi niya ako sinagot bagkus ay umupo siya sa aking higaan at tumingin sa akin.
"Nandito ako upang kausapin ka." seryoso niyang saad.
Nakaramdam agad ako ng kakaiba sakanya. Hinayaan ko siyang tumahimik at naghihintay na magsalita ulit siya.
Ngunit isang hikbi ang aking narinig at natunghayan.
Dali-dali akong lumapit sakanya para daluhan siya. "Ate, bakit ka tumatangis?" nag-aalala kong tanong.
Hindi siya sumasagot at patuloy lang siya sakanyang pag iyak.
Hindi ko alam ang aking gagawin dahil hindi naman ako sanay na magpagaan ng loob lalo pa at bihira ko lang siya makita na ganito.
"Kausapin mo si ama." aniya sa gitna nang kanyang hikbi.
Doon palang ay nakuha ko na ang nais niyang ipabatid sa akin.
Gusto niyang kausapin ko si ama para makumbinsi ko na ipagkasundo siya kay Heneral Agustino. Pero kahit ako ay nahihirapan.
"Ate, hindi ko hawak ang isip ni ama." sagot ko. Bigla niyang hinawi ang kamay kong nakahawak sakanyang balikat.
"Sinasabi mo bang tinatanggihan mo agad ang paghingi ko ng pabor sa'yo?" ngayon ay galit na siya.
"Hindi sa ganon ate, batid mong nahihirapan din si ama sa gusto mo." mahinahon ko sagot.
"Sa gusto ko? pero sa gusto mo ayos lang sakanya? gagawan niya agad ng paraan?" tumaas ang kanyang boses at napaatras nalang ako ng lumapit siya sa akin.
"Pakiusapan mo si ama, na Gawin ang lahat para maipagkasundo kami ni Heneral Agustino." aniya at mabilis niyang hinablot sa akin ang kwintas na suot ko.
Napa-angal ako doon, at akmang babawiin sakanya ang kwintas ko ngunit mabilis niya iyon nilagay sa bulsa ng kanyang bistida.
"Ibabalik ko ito, kapag nakumbinsi mo si ama." sabay talikod niya sa akin.
Halos habulin ko na rin ang hininga ko sa kaba na masaktan ako ni ate, madalas noong bata kami ay palagi niya akong hinagupit ng sinturon ni ama. Palagi iyon sa aking likod, hindi alam ni ama iyon tanging si Mamita lamang ang may alam non. Sa katunayan nga ay may peklat sa aking likuran kung saan nagsugat ang latay na ginawa ni ate Franches sa akin.
Matagal ko ng binaon sa limot ang pangyayaring iyon. Ngunit kapag ganito at nakikita kong galit si ate ay natatakot ako na baka maulit muli ang bagay na 'yon.
Pagkarating palang ni ama ay kinausap ko na siya.
"Gusto mo rin ba ang Heneral Agustino sa iyong ate Franches?" may bahid na panghihinayang ang boses niya.
"Oo ama, bakit hindi ama hindi ba, iyon ang gusto ni ate, at doon ako kung saan siya sasaya." nakangiti kong sagot kay ama.
Tumango lamang siya at nag-iwas ng tingin. Bago siya muling nagsalita.
"Gagawin ko ang lahat para makumbinsi ang Heneral, sigurado kang magiging masaya ka?" tanong niya muli.
Kunot noo ko siyang tiningnan bago tumango sakanya.
Nandito ako ngayon sa aking kwarto at muling nakadungaw sa bintana. Malayo palang ay kita ko nang may paparating na kalesa.
Mas lalo kong tinuon ang atensyon doon lalo pa at papalapit na ito at saktong huminto sa harapan nang aking bintana.
Bumaba ang kutsero at may kinuha sa ibaba nang karwahe. Naghihintay ako na may lumabas doon pero bigo ako. Nag-angat ng tingin ang kutsero ni Heneral Lopez at lihim na ipinakita sa akin ang maliit na sobreng hawak niya. Lumapit pa siya ng husto sa aming bahay at inilapag niya ang sobreng sa gilid ng mga bulaklak. Sinuguro niyang walang nakakapansin ng papel na iyon doon. Hindi manlang ito nagsalita at mabilis siyang nagpaalam sa akin gamit ang paghubad niya ng sombrelo at inilagay sakanyang dibdib.
Mabilis na naglaho ang kalesa at bigo dahil hindi ko siya nakita. Hapon na rin at mukhang masyado siyang abala para hindi sumama sakanyang kutsero.
Halos takbuhin ko na ang daan papalabas nang bahay. Mabilis kong kinuha ang sobreng puti at agad na ibinulsa.
Dumaan pa ako sa harap ni ina at ate na nag-uusap nang masinsinan.
Lalagpasan ko na sila nang magsalita si ina.
"Mukhang nagkakalakas kana ng loob na lumabas ng bahay." hindi iyon pabiro.
"May narinig ako kalesa na dumating, sino iyon?" nakataas na ang kilay ni ina ngayon.
"Wala po, isang kutsero lamang iyon at hindi opisyal." sagot ko. Narinig kong tumawa si ate, kasunod non ay si ina na.
"Hindi na ako magtataka kung isang araw ay makita ko ang kutserong tinutukoy mo ay nandito sa ating pamamahay." saad niya at tumawa muli.
"Hayaan mo na ina, tila kutsero lamang ang nakakakita ng kanyang ganda. Kung sabagay malayo talaga ang itsura naming dalawa. Maganda ako at isa siyang mukhang serbidora." halakhak ni ate. Hindi ko na hinintay pa na may isunod pa silang sasabihin.
Naglakad na ako pabalik sa aking silid na nang-gigilid ang luha. Masyado lamang ako nasaktan sa sinabi nila. Ganon ba kalaki ang pagkakaiba namin ni ate, ganon ba si ina sa akin, at tila tinatakwil niya ako bilang anak.
Pinilit ko nalang intindihin ang lahat, pati ang panlalait nila sa akin. Gusto kong sabihin sakanila na hindi ako sa kutsero mauuwi, kundi sa isang Heneral.
Pero sino ba naman ako, ang alam lang nila ay nakakulong ako sa pamamahay na ito at walang nakakakilala, walang gustong kumilala.
Isinarado ko ang aking silid at pinunasan ang luhang tumutulo sa aking pisngi..
Umupo ako nang maayos sa higaan ko at pinagmasdan ang sobreng puti. Ano kaya ang nilalaman nito? bakit biglang may sulat na dadating sa akin at galing pa sa isang kutsero.
Dahan-dahan kong binuklat ang sobreng puti at isang kulay kayumangging papel ang bumungad.
Pinagmasdan ko ulit ang buong papel bago ibinulatlat.
-
Binibing Marife.
Alam kong sa oras na ito ay nalulumbay ka saiyong silid. Pero kahit ganon ay huwag ka pa ring lalabas.
Bukas sa pagsapit ng umaga ay susunduin ka ni Marco, ang kutserong nag paabot ng sobreng ito.
Hihintayin kita sa lugar na napili kong "Tagpuan" natin.
- H. ALopez

Komento sa Aklat (88)

  • avatar
    HernandezWheng

    ganda ng kwento

    17/05

      0
  • avatar
    Quillosa Shane

    Good quality at maganda pa ang pagkasunod²

    16/05

      0
  • avatar
    Junrey Decatoria Salsona

    ggyg

    16/05

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata