logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Anim na yugto

Akala ko ay mag-uusap pa sila kapag tapos namin kumain ngunit mabilis na tumayo si ama at umalis sa hapag kainan at nagpaalam na tutungo siya sa bayan.
Nandito ulit ako ngayon sa aking silid at muling bumalik ang aking pagkalumbay. Nasa bintana ako ngayon at pinagmamasdan ang mga taong nagsisilakad at mga naglalarong bata.
"Hi binibini." isang ginoo ang tumawag sa akin mula sa ibaba ng aming bahay. Isang lalaking moreno at may katikasan ang itsura. Yumuko ako at nginitian ang ginoo.
"Nais kong malaman ang iyong ngalan?" Ani nito.
"Ako si Marife, ikaw ginoo?" maliit kong sigaw sakanya mula sa baba.
"Ako si Andoy, ikinagagalak kong makilala ka binibining Marife." aniya at hinubad ang kanyang sombrelo at inilagay iyon sa tapat ng kanyang dibdib.
Akmang yuyuko din ako nang namataan ko ang kalesang huminto sa harap ni Andoy. Mabilis akong umayos ng tayo mula dito sa bintana.
Unti-unting sumilay ang kaba sa aking dibdib lalo pa ng makita ko ang lalaking bumaba doon at agad na tumama ang kanyang tingin sa akin.
"Heneral Lopez." bulong ko ng mahina.
"Ano ang iyong ginagawa?" rinig kong tanong ni Heneral Lopez kay Andoy.
Kumunot ang noo ko at pinagmasdan ang kanilang kilos.
Yumuko si Andoy sa harap ni Heneral Lopez bago siya sumagot. "Akin lamang po kinausap ang binibini. Aalis na rin po ako, paumanhin po Heneral." si Andoy.
Ibinalik ni Heneral Lopez ang kanyang tingin sa akin at malamig Niya akong tinitigan bago muli ibinalik kay Andoy.
"Huwag mong harangan ang daan sa totoong bumabakod." hindi ko alam ang ibig sabihin ng Heneral Lopez sakanyang sinabi.
Nakita ko ang mabilis na lakad ni Andoy papalayo sa harap ng aming bahay. Muli kong binalik ang tingin kay Heneral Lopez na ngayon ay mariin ang titig sa akin.
Lumunok ako ng ilang beses bago nag-iwas ng tingin.
"Iyong isara ang durungawan, ayokong may makakita pa sa'yo bukod sa akin." aniya bago tumalikod at bumalik sa loob ng kalesa.
Nakita ko nalang itong papalayo na. Samantalang ako ay tulalang napaupo sa aking higaan. Naisara ko na ang bintana ngunit nasa aking isipan pa rin ang kanyang mga katagang iyon.
Sumibol pa lalo ang aking kaba dahil sa ginawa niyang paninitig sa akin kanina.
Pinilit kong kalimutan ang tagpong iyon. Sumapit na ang gabi at natapos na din ang hapunan.
Ngunit tila hindi ako dinadalaw ng antok. Hindi ko na rin maari pang buksan ang aking bintana dahil sa oras na ito ay umiikot na ang guardia sibil.
Pinilit ko nalang na matulog kahit malaking imposible iyon.
Dumating ang huling araw ng Setyembre at abala ang lahat sa isang handaan na dadausin sa bayan. Isa lamang iyon sa pasalamat bilang pagkakaroon ng payapa ang lugar. Pangungunahan iyon ni El Gobernador Luis.
Nasisiguro ko na ang seguridad ng kaganapan na iyon ay pamumunuan ni Heneral Lopez.
Nakaramdam ako ng galak at kalungkutan na rin. Dahil baka sa pagkakataong ito ay hindi na ako payagan pa ni Ama na sumama sakanila.
Nasa gitna kami ng hapag kainan. Habang abala sila nila Ate Franches sa pag-uusap.
"Nakapili na ako ng aking susuotin." maarteng saad ni Ate.
Nagpatuloy lang si Ama sa pagkain at samantalang si Ina ay nakatuon na kay Ate Franches.
"Mabuti kung ganon. Hindi na Tayo mahihirapan pa na maghanap ng magandang kasuotan para sa'yo." bakas doon ang kagalakan niya para sa aking Ate.
Sa tuwing makikita ko ang ganitong eksena ay hindi ko talaga mapigilan na hindi makaramdam ng paninibugho. Ako ang bunso pero binabalewala nila.
"Mamita, samahan mo si Marife dito sa bahay." mahinang sabi ni Ama.
Napa-angat ako ng tingin kay Mamita na tahimik na tumango at bumaling sa akin.
"Opo Señor." sagot nito.
Ibinalik ko kay Ama ang tingin at pinagmasdan ang kanyang kilos. Alam ko naman na hindi na niya ako papayagan pa. Dahil nakailang beses na rin niya ako hinayaan na sumama sa labas nung mga nakaraang araw.
Hindi naman rin ako umaasa pa na masundan iyon. Masaya na ako na nakalabas ako ng bahay ng higit sa isang beses.
Huminga ako ng malalim bago sinubo ang natitirang pagkain sa aking plato.
"Mabuti naman at maiiwan si Marife." singit ni Ate.
Nakita kong inirapan niya ako bago tumayo. Pero bago pa man din siya lumagpas ay muli itong nagsalita.
"Ina, tulungan ninyo po ako magpaganda para kay Heneral Agustino." hindi ko talaga maiiwasan na mapansin ang kanyang tinig na kinikilig at nang-iinggit.
"Oo naman anak, ikaw ang pinaka magandang dilag dito sa ating lugar at paniguradong ikaw ang kapansin-pansin para kay Heneral Agustino." Hindi ko na tinapunan pa ng tingin si ina at ate. Narinig ko nalang na tumayo na si ina at sinundan si ate.
Bumagsak ang balikat kong sinubo ang huling pagkain na nasa aking harapan.
"Paumanhin anak, hindi kita maisasama sa pagdiriwang ng pasasalamat." mahinang sabi ni ama.
Mabilis ko siyang binalingan at binigyan ng matamis na ngiti.
"Wala iyon ama, naiintindihan ko. Sapat na rin sa akin ang mga nag daang araw na pinayagan ninyo akong makalabas." saad ko.
Nakita kong tapos na siya at inilagay niya ang kanyang kamay sa akin.
"Matagal ko na itong pinag-isipan.." huminto siya.
Pinagmasdan ko ang bawat pag galaw ng kanyang lalamunan. Para bang may ayaw siyang sabihin.
"Alam kong hindi tama na ikulong ka, sapagkat nasa tamang edad kana para pagbawalan pa sa paglabas ng bahay. Ngunit ganon naman talaga ang nararapat, pero hindi sa ganitong paraan.." hindi ko alam kung bakit niya ito sinasabi ngayon. Ganon pa man ay ayos lang sakin.
"Ano po ang nais niyong sabihin ama?" tanong ko.
"Siguro ay kapag may nagustuhan kana, o di kaya may lalaking umiibig na sayo ay papayagan na kitang lumabas. Dahil sa pagkakataon na iyon ay mapapanatag na ang aking kalooban. Lumabas ka man ng ating pamamahay ay alam ko kung sino ang kasama mo at kung ikaw ba ay ligtas." seryoso niyang saad bago nag-iwas ng tingin.
Ramdam kong ayaw niya naman talaga gawin iyon. Alam ko bilang isang ama ay hindi niya gugustuhin na ipaubaya sa ibang tao ang pinakamamahal niyang anak.
Pero sa kabila non ay nagalak ako. Dahil marami akong naririnig na balita na may mga magulang dito sa aming lugar na malupit sakanilang anak.
"Wala ba kayong nais na ipakilala sa akin?" tanong ko. Mabilis siyang napabaling sa akin.
"Mayroon, ngunit ayaw kong pangunahan ang iyong puso o kagustuhan na makapili ng taong iibigin mo." sagot niya at nakita ko pa ang pagkislap ng kanyang mata.
Tumayo ako sa aking kinauupuan at lumapit sakanya.
"Napaka buti mo ama. Kung may amang ipipilit ang kanilang desisyon para sakanilang anak, ikaw naman ay binibigyan mo ako nang kalayaan na makapili at makapag desisyon para sa aking sarili. Hindi ko hiniling sainyo ang bagay na aking kalayaan sa paglabas. Ngunit ikaw na mismo ang nagsabi nito sa akin. Maraming salamat ama." saad ko bago siya niyakap.
"Ngunit maaari ko bang makilala ang nais mo dapat para sa akin?" humalakhak ako kahit pa gumapang ang kirot sa akin puso. Hindi ko alam kung bakit.
Siguro ay nasasaktan ako para sa aking ama. Dahil nais man niya akong hayaan sa makalaya pero parang may pumipigil sakanya.
"Si Heneral Agustino." mahina niyang sabi. Hindi ko nagawang sumagot sakanya at natulala nalang ako.
Nakuha ko pang matawa sa aking ama. Nang ako'y makabawi sa pagkagulat ay nagpaalam na ako sakanya at nagmamadaling umakyat sa aking silid.
Kapag sara ko sa aking pintuan ay halos habulin ko na ang aking hininga. Hawak ko ang aking dibdib at pinipilit na pakalmahin ang sarili.
Hindi ko mawari ang aking pakiramdam. Bakit naman nais ni ama na si Heneral Agustino ang gusto niya para sa akin. Batid kong alam niyang iniibig iyon ni ate Franches. Ngunit naisip ko din na kaya hindi na si Agustino ang gusto niya sa akin ay dahil nga iyon ang gusto ni ate Franches.
Hindi rin naman ako papayag na mangyari iyon. Dahil sa aking palagay ay nahuhulog na ako kay Heneral Lopez.
Tsaka ni hindi ko rin alam ang itsura ng isang Heneral Agustino na iyon. Ayon sa paglalarawan ni ate Franches sa akin kapag nakukwento niya sa akin ay gwapo at matipuno ito. Pero dahil nga hindi ko panakikita ay duda pa rin ako. Tsaka para sa akin ay si Heneral Lopez lang ang gwapo sa aking paningin.
Dumating na ang oras at aalis na sila patungong bayan. Gustuhin ko man na sumama pero huli na rin. Nakapag usap din kami ni ama at nagkaroon ng kasunduan. Hindi ko dapat iyon baliin dahil sa sabik akong makita si Heneral Lopez.
Nasa tarangkahan ako ng aming pamamahay habang nakatanaw sa papaalis na kalesa na sinasakyan nila ama.
Naramdaman kong may tao sa aking likod at agad ko iyon nilingon.
Kung ako ang masusunod ay hindi kita pipigilan na hindi umalis." Ani ni Mamita.
"Ayos lang po." tipid kong sagot.
"Saksi ako sa iyong paglaki dito sa pamamahay. Saksi ko kung paano ka kasabik na makalabas dito kung paano ka lumaking naging mabuting anak. Alam kong ngayon ay nasa hustong edad kana ay naiisip mong lumabas at maging malaya." nahimigan ko ang kanyang kalungkutan para sa akin, agad ko siyang hinawakan sa kamay bago nagsalita.
"Saksi ka sapagkat ikaw lang ang nagtyaga na alagaan ako. Hindi katulad ni Ina na puro si ate Franches lang ang nakikita at tinuturing na anak." hindi ko alam kung bakit ito sinasabi ngayon.
Umatake na naman ang paninibugho ko. Hindi ito tama, dahil kapatid ko ang aking pinagseselosan.
Hindi niya ako sinagot, bagkus ay niyakap nalamang niya ako.
"Sana sa simpleng yakap ko na ito Señorita ay maibsan ang iyong kalungkutan." aniya. Ipinikit ko ang aking mata at dinama ang mainit na yakap ni Mamita.
"Maraming salamat po." Iyon nalamang ang naging tugon ko bago ako nag paalam na babalik na sa aking silid.
Inilibot ko ang aking paningin sa aking silid, isang baul ang aking nakita. Matagal ko na itong napapansin ngunit ko ito sinubukan na tingnan manlang.
Pero dahil wala akong magawa ay akin ko itong susuriin.
Isang maalikabot at masyadong luma na ang baul. Binuhat ko ito at inilapag sa aking higaan.
Kumuha rin ako ng pamunas para malinis ko ang baul. Habang unti-unting lumilinis ang baul ay nakita kong may nakaukit doon.
Sulat iyon sa salitang espanyol.
"Mis queridos Marites."
Kunot noo ko itong pinagmasdan. Sino si Marites? bakit nandito ang baul na ito sa aking silid kung hindi pala ito sa akin?
Pero binalewala ko nalamang iyon at hinayaan na linisin. Tutal ay nandito na rin bakit hindi ko nalang linisin at tingnan hindi ba.
Isang maliit na hugis puso ang nakaharang sa pinaka bukasan nito. Muntikan ko pang mapagkamalan na may lock ito. Iniangat ko lamang ang kalahating hugis puso at nagbukas na ang baul.
Hindi ko alam kung itutuloy ko ba, I huwag ko nalang pakiealaman. Pero may nag uudyok sa akin na tingnan ang nilalaman nito.
Nakita ko nalamang ang aking sarili na hinahalungkat ang baul. Una kong hinawakan ang isang papel de liha.
Isang mahabang sulat ang tumambad sa akin. Salitang espanyol ulit. Ngunit hindi kasi ako sanay makaintindi ng salitang iyon. May kaunti akong kaalaman ngunit hindi ito sapat para maintindihan ko ng lubusan ang nakasaad dito.
-
Marso 26, 1967
Querida, estoy seguro de que me habré ido cuando leas esto. Ya conozco mi enfermedad. Quiero hacerte saber que incluso si me pierdo en este mundo, no te descuidaré como nuestro hijo que daré a luz y seré el sustituto de mi vida. No me arrepentiré de amarte y elegir salvar a nuestro hijo. Para cuando saque a nuestra hija Marife, será el momento de dejarte. Quizás lo que lamento es no poder estar con ustedes dos. Pero quiero que sepas que estoy feliz de irme porque sé que no descuidarás a nuestro hijo. Hasta de nuevo Florentino.
Parang sumakit pa ang ulo ko, dahil sa hindi ko maintindihan ang nakasulat doon.
Ibinalik ko nalamang ulit sa ayos ang papel bago kunin ang isang maliit na kwintas na ukit puso. Madami akong katanungan, isa na doon kung bakit may ganitong bagay sa aking silid, bakit may ganitong antigo at mahalagang bagay ang nandito.
Pero kahit pa ganon ay pinagpatuloy ko pa rin ang paghalungkat sa baul.
Isa naroon ang kwintas na hawak ko. Dahan dahan kong binuksan ang kwintas at isang litrato ang nakita ko. Isang babae na may magandang ngiti ang nandon.
Hindi ko alam pero, parang may dumaan na sakit sa aking puso. Ang ganda niya, ang mga mata niyang mapupungay at matangos na ilong.
Sa likod ng kwintas ay nakaukit muli ang pangalan na Marites. Bakit parang hindi naglalayo ang aming pangalan. Sigurado akong kamag-anak namin ito.
Hapon na at napagdesisyunan kong ligpitin na ang baul at ibalik sa pinaglalagyan nito.
Isinara ko ang aking bintana at nagpasyang bumaba at pumunta sa harap ng bahay kung saan nandon ang mga tanim na bulaklak ni Mamita.
Nagdala na rin ako nang pandilig at walis para diligan at linisin ang bakuran namin. Tutal at wala talaga akong magawa sa bahay kundi ang maupo at humarap sa bintana.
Inilapag ko muna ang walis at sinimulan diligan ang mga malulusog na bulaklak. Tsaka ko ngayon sinimulan walisin ang mga dahon na tuyo't. Mabuti nalang din at kakaunti lang ang mga iyon. Dahil masyadong malusog ang bulaklak para matuyo't pa sila.
Nang nasiguro kong tapos na ako ay naupo ako sa gilid nang mga halaman at doon namahinga.
Balak ko sanang kunin ang maliit na walis para itabi sa akin ngunit isang itim na sapatos ang kayumangging kasuotan ang tumambad sa aking harapan. Hawak nito ang walis na dapat ay kukunin ko.
"Batid kong bawal kang lumabas." isang malalim at seryoso nitong boses.
Humampas ang kalabog ng aking dibdib nang makita kung sino ang nasa aking harapan.
"He-heneral Lopez?" halos pabulong ko iyong sambit bago tuluyang manghina ang aking tuhod.
- -
Please vote and comment. Thank you! :))

Komento sa Aklat (88)

  • avatar
    HernandezWheng

    ganda ng kwento

    17/05

      0
  • avatar
    Quillosa Shane

    Good quality at maganda pa ang pagkasunod²

    16/05

      0
  • avatar
    Junrey Decatoria Salsona

    ggyg

    16/05

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata