logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 6: The Twin's Daddy

Kinabukasan ay agad kong inasikaso ang mga bata saka sila hinatid sa kanilang school, dumeretso naman agad ako sa cafe dahil marami akong dapat gawin at asikasuhin doon.
"Good morning, ma'am," bati sa akin ni Aling Dana nang ako ay makapasok sa cafe.
"Good morning! Kumain na po ba kayo? Kumusta na po ang pakiramdam ng anak niyong si Bea?" tanong ko sa kaniya dahil noong nakaraan ay masama raw ang pakiramdam ng kaniyang anak.
Si Aling Dana ay forty-five years old na, may pito siyang anak. Ang kaniyang panganay ay may pamilya na at ang anim ay nag-aaral pa lamang, mag-isa niyang tinataguyod ang mga anak dahil limang taon pa lamang ang kanilang bunsong anak nang iwanan sila ng kaniyang asawa saka ito sumama sa ibang babae at hindi na muling nagparamdam.
"Ayos na po ang pakiramdam niya, marami pong salamat sa ipinahiram niyong pera. Ibawas niyo na lang po sa aking sweldo."
"H'wag na, maliit na nga ang iyong sweldo papabawasan mo pa. Tulong ko na lamang 'yon sa inyo, saka inaanak ko naman si Bea kaya wala na ho iyon. Ang mahalaga ay maayos at malusog siya," wika ko saka ako naglakad papuntang locker room.
"Maraming salamat, Tiana. Napakabait mo talaga," pasasalamat na wika ni Aling Dana saka siya bumalik sa kaniyang trabaho.
Nang makapasok ako sa locker room ay nakita ko si Lara na nakatayo at pilit na isinisiksik ang kaniyang sarili sa isang sulok.
Kumunot naman ang aking noo at saka ako nagsalita, "Ano ba 'yang ginagawa mo d'yan? Para kang timang, ano ba ang meron?" ani ko sa kaniya.
"Look mo kasi! There sa mga locker! It's so scary kaya!" maarteng wika ni Lara habang siya ay nakaturo sa locker niya.
Tumaas naman ang aking kilay saka ako tumingin sa lockers. Tumingin ulit ako kay Lara at saka ako dahan-dahan na lumapit sa lockers.
"Kapag wala itong laman na dapat ikatakot ay malalagot ka talaga sa akin, Lara." Biglaan kong binuksan ang kaniyang locker at tumambad ang kaniyang mga personal na gamit.
"Ano? Nakita mo na? Is the spider still there?" tanong niya sa akin na akin namang ikinasimangot.
"Spider? Talagang isinisiksik mo ang sarili mo sa isang sulok dahil lang sa isang gagamba? Gagamba na kadalasang nagtatago sa sulok? Unbelievable!" wika ko na tila ba hindi makapaniwala.
"What do you mean 'lang', hoy! Ikaw nga takot sa clown nagsalita ba ako? Langlangin ko 'yang lungs mo, eh. Tse!" saad niya saka kinuha ang kaniyang apron at lumabas ng locker room.
Ako naman ay naiwan na nakatayo sa locker room habang pinipigil ang aking tawa, nagpalit ako ng damit at saka ako sumunod na lumabas kay Lara para tumulong sa pag-asikaso ng mga customer.
"Ayan na naman siya sa mga banta niya na hindi nakakasindak kundi nakakatawa," ani ko.
"One Iced Americano, please. To go," ani ng isang customer na ikinalingon ko naman agad.
Nakita ko ang isang binata na nakauniporme, mukhang papasok pa lamang ata ito sa kanilang paaralan.
Shit. That scared me! Akala ko si Felix na naman, ka-trauma na.
"Oh, oo nga pala. Tiana, kahapon may isang girl na gusto atang mag-apply as a part-timer tapos wala siyang dala na papeles like kainis but mukha naman siyang good so pina-try ko sa kaniya ang mga ginagawa natin, pero ang bagal niya kumilos at noong may customer tayo na gwapo parang nalaglag na ang panty niya! If mag aapply siya ulit today, make sure na magtatrabaho siya at hindi lalandi, got it?!" nagpapaalalang wika ni Lara sa akin.
"Hoy! Grabe ka! Baka naman kasi naninibago siya, hindi siya sanay kaya mabagal siya, saka bawal na ba ma-attract? Baka naman kasi gwapo talaga yung customer. Bahala na siya kung crush niya or mag-fling sila, ang sa akin lang ay basta 'wag niyang pabayaan ang kaniyang trabaho." Nilinis ko ang isang lamesa nang mayroong maupuan ang iba pang customer.
"Mukha bang maseseryoso niya trabaho niya kung maglalandian sila? Duh! S'yempre hindi! Mag-isip ka nga, Tiana. Utak mo nasa talampakan," ani niya saka umismid at naglinis ng iba pang lamesa.
"Well, may point ka pero stop mo 'yan, kaya ang daming galit sa 'yo, eh."
"Wala akong paki! Hate me all you want, kung wala silang dulot sa buhay ko mamatay sila sa galit kasi hindi ko sila papansinin," mataray na wika ni Lara.
"Ma'am Tiana, may naghahanap po sa inyo. Gusto po ata mag-apply dahil may mga dala na papeles, papasukin ko na po ba?" sabi ni Aling Dana.
"Oh, okay po. Opo, papasukin na po siya para ma-interview ko na siya. Salamat po! Ito na ata yung sinasabi mo, Lara. Saglit lang," ani ko.
Tumayo ako at dumeretso sa aking office sa tabi ng locker room, aking inayos ang mga gamit at umupo ako sa aking upuan habang hinihintay ang aplikante.
"Good morning, kumusta po ma'am?" bati ng isang binata na pumasok sa pinto ng aking opisina.
Oh, well. That's surprising, pero sabagay marami na rin naman ang nakakita ng sign namin sa labas.
"Good morning! I'm good, how about you? Take a sit."
Matapos ang ilang minuto ng pagtatanong at pagsagot ay tinaggap ko na siya, umuwi na siya dahil sa susunod na linggo pa siya mag-uumpisa sa kaniyang trabaho.
Bago pa ako makalabas ay tumunog ang aking cellphone, kaya naman kinuha ko ito at binuksan. Mayroon akong natanggap na bagong mensahe mula kay Jessie.
[Hey! I'm back, meet tayo sa linggo kapag free ka! Oh, wait. Scratch that, walang kapag kasi alam ko naman na free ka! Sama natin iba pa nating friends, miss ko na sila!]
From: Jessie
Today, 11:37am
Napakagat naman ako sa aking labi, hindi pa rin pala nila alam na may anak na ako, pero hindi na rin ako nagulat. Kailan man ay hindi ko ito sa kanila sinabi o ipinaalam. Sa katunayan nga ay ilan lang sa mga kaibigan ko ang nakakaalam na may anak na pala ako, hindi naman sa ayaw kong sabihin o malaman nila, ayoko lang ma-stress at mapauwi sila ng hindi oras sa pinas.
Naisipan ko namang tawagan si Jessie dahil hindi ako sigurado kung makakapunta ako dahil kailangan kong alagaan ang aking mga anak, matapos ang ilang ring ay sinagot niya ang aking tawag.
"Hello? Tiana, bakit ka napatawag? Nag-message naman na ako 'di ba?" aniya mula sa kabilang linya.
"Uhm, ano kasi Jessie, baka hindi ako makapunta?" kinakabahan kong wika.
"What?! Why? May gagawin ka ba? Susunduin kita, pero baka pumayag ako na hindi ka pumunta kapag sinabi mo na may date ka," nang-aasar na wika ni Jessie.
Siguro ay magandang pagkakataon na rin ito para ipaalam sa kanila? Tama. Sasabihin ko na sa kanila, ipapakilala ko na ang mga anak ko, matagal ko na itong itinatago at baka mapasama pa kung malalaman nila sa ibang paraan.
"Okay...I'll go, pero may gusto rin akong sabihin sa inyo. May gusto akong aminin at huwag mo na itanong kung ano dahil sasabihin ko sa inyo sa linggo," wika ko.
"Hmm...okay, if you say so. See you!" ani Jessie saka niya ibinaba ang tawag.
Mas natatakot pa ako ngayong aminin kay Jessie na may anak na ako kaysa noong sinabi ko sa aking ina na buntis ako, eh.
"Lord, please. Guide me, sana hindi pa ako mamatay, gusto ko pang makasama ang mga anak ko, Amen."
NAKATAYO ako habang naghihintay sagutin ni kuya ang aking tawag, matapos ang ilang ring ay sinagot niya na ito.
"The fuck? Minsan na nga lang ako mag-break guguluhin pa ako. Ano ba 'yon?" inis na tanong sa akin ni Kuya Ricci.
"Kuya? May results na ba?" atat na atat kong wika.
Ilang beses siyang huminga ng malalim saka niya ako sinagot, "Kailan mo nga ulit ibinigay sa akin ang sample?" tanong niya sa akin.
"What the heck, kuya? Nalimutan mo na? Kahapon! Kahapon ko ibinigay!"
"Exactly! You motherducker! 'wag kang excited! Marami pang kailangan gawin, maghintay ka lang, ibababa ko na ito." Ibinaba ni kuya ang tawag.
Umupo ako sa sofa at tumingala sa kisame.
"Kailan ko pa kaya makukuha ang resulta? Bakit kasi ang tagal? Hindi ba 'yon pwede pabilisin?" inip kong wika.
Hindi ako pwede mag-stay lang dito at walang gawin, baka mabaliw ako.
Kinuha ko ulit ang aking cellphone at tinawagan si Jonas, dahil sa awa ng diyos ay agad naman niya itong sinagot.
"We need to talk, Jonas," bungad kong wika.
"Woah, ang tagal kong pinangarap na sana may magsabi sa akin niyan with serious voice. Thanks, bro. Tinupad mo ang pangarap ko!" aniya mula sa kabilang linya.
"Pupunta ako sa bahay mo," wika ko saka ibinaba ang tawag.
Nagmamadali kong kinuha ang aking susi at umalis ng aking bahay.
Habang ako'y nasa biyahe ay hindi ako mapakali, hindi ko alam kung bakit ngunit simula nang matapos kong kausapin ang kambal at makauwi ako ay nakakaramdam ako ng pagkasabik, pakiramdam ko ay parang sobrang tagal ng oras.
Madadaanan ko ang cafe at may kung anong nagtutulak sa akin na lumabas at pumasok sa cafe para hanapin si Tiana, pero hindi ko ito sinunod at nagpatuloy lamang ako sa aking pagmamaneho.
"No, Felix. Dapat kapag nagkita ulit kayo ni Tiana dala mo na ang katibayan na anak mo ang kambal," pabulong kong wika sa aking sarili, "kung anak mo nga sila."
Pagdating ko sa bahay ni Jonas ay bukas na ang gate at hinihintay niya ako sa kaniyang pinto.
"Took you long enough," ani ni Jonas habang marahang inaalog ang bago niyang may laman na tubig.
"Pumasok ka na at ikuha mo na lang ako ng tubig, ang init."
"Ayos ka talaga, tol. Utos ka pa ulit kasi katulong mo lang naman ako rito sa bahay ko." He shrugged at saka siya pumasok sa kaniyang bahay.
Sumunod ako sa kaniya at umupo sa kaniyang sofa.
Bumalik siya sa living room dala ang isang basong tubig at iniabot ito sa akin. "Ito na po ang tubig na inyong ipinag-uutos, mahal na hari. "
"Umupo ka nga at mag-uusap tayo."
"Ano ba 'yon?" tanong ni Jonas saka siya umupo sa upuan na nasa harap ko.
"Ano pa ang alam mo?" tanong ko sa kaniya.
"What do you mean, boss?"
"Ano pa ang alam mo tungkol kay Tiana at sa mga anak niya, at 'wag mo akong sasagutin ng 'That's for me to know and for you to find out' dahil sinasabi ko sa 'yo hindi ka na sisikatan ng araw kapag ginawa mo 'yon."
Napalunok naman siya at saka nagsalita, "Okay! Ito na nga, sasagot na nga, eh. Chill," wika niya.
Ngunit bago pa siya makapag-umpisa ay may kumatok sa kaniyang pinto.
Agad naman siyang tumayo at binuksan ito.
"Hey! Am I late?" masiglang bati ni Lenard.
"What are you doing here?" tanong ko naman sa kaniya.
"Why? Bahay mo ba ito? Bawal ba akong dumalaw?" sagot niya sa akin, "biro lang, boss. 'wag mo ako isumbong sa mama ko."
"Whatever, umupo ka na lang din at Jonas, ituloy mo ang sasabihin mo."
Umupo naman silang dalawa sa aking harapan at saka nag-umpisang magsalita si Jonas.
"July 2013 noong umalis kayo para pumunta sa ibang bansa, nakikita ko pa naman si Tiana at nakakausap ko pa rin siya. After a few months napapansin ko na medyo tumataba siya, at hindi ko na siya ulit nakita. Tapos a month before ka bumalik sa pinas, nakita ko si Tiana sa ospital."
Tumingin naman siya sa akin saka kinuha kay Lenard and isang envelope at inabot ito sa akin.
Binuksan ko naman ito at tinignan ang nilalaman.
"Bagong panganak lamang siya at nalaman kong kambal ang anak niya, narinig ko rin na nag-uusap ang ina ni Tiana at ang asawa nito. Hindi nila kilala ang ama ng kambal, ayaw raw sabihin ni Tiana kung sino, gusto raw niyang umalis sa bayan natin but hindi siya pinayagan ng magulang niya. Then umuwi ka na at nalaman ko na lang na wala na kayo," wika niya.
"Ibig mong sabihin noong umalis ako, napansin mo na parang may nagbago sa kaniya?" paglilinaw ko.
"Oo, hindi naman sumagi sa isip ko na niloko ka niya dahil ni minsan ay hindi ko naman siya nakitang nakipag-usap sa ibang lalaki, at nang binilang ko ang buwan noong nanganak siya ay sakto naman na narito ka pa, ang ipinagtataka ko lang ay paanong hindi mo 'yon nalaman?" nagtataka niyang tanong.
"Napansin ko rin naman na parang nagbago siya, kapag tumatawag ako minsan hindi niya sinasagot o kaya parang may baby na umiiyak...kapag umuuwi ako rito at nag-stay for weeks ay hindi niya ako iniimbitahan sa bahay nila, at nang makauwi na kami rito sa pilipinas ay tuluyan na siyang nakipaghiwalay sa akin," sagot ko sa kaniya.
"Makalipas ang ilang taon ay nakita ko ulit sila Tiana, malalaki na ang mga anak niya at kung titignan mo ang kambal nang mabuti ay makikita mo na kamukhang kamukha mo sila," saad niya.
"Kamukha ko sila? Sa tingin mo ba...p'wedeng ako ang ama nila?"
"Wait, guys. May nahanap ako, tignan niyo baka makatulong sa pinag-uusapan niyo," ani Lenard na nakatingin sa kaniyang laptop.
Tumayo ako at tumabi sa kanila, pagtingin ko sa kaniyang screen ay tumambad sa akin ang isang litrato.

Komento sa Aklat (37)

  • avatar
    Vinsent Belan Quinay

    a really good story

    3d

      0
  • avatar
    Anthony II Cortez

    The content is very good

    22d

      0
  • avatar
    PabelloJembie

    thank you

    30/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata