logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 5: Handsome and Kind

"Kambal? Paano mo nalaman na kambal ang anak ni Tiana?" nagsususpetsang kong tanong kay mama.
Umiwas ng tingin sa akin si mommy at kunwaring tumingin sa sahig, "Wow, ano ito? Sahig? Nice," wika niya.
"Mom! Paano mo nga nalaman," pag-ulit ko ng aking tanong.
"Ay anak, may kumakatok, tignan mo nga kung sino," wika ni mommy.
Tinitigan ko naman siya nang matagal at saka ako dahan-dahan na lumakad papunta sa pinto, lumingon ako ulit sa kanila at ako'y nginitian lang ni mama.
Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako, gulat na gulat dahil naisahan na naman ako ng aking ina.
"Mom, stop it. Just answer my question, paano mo nalaman na kambal ang anak ni Tiana? Alam mo ba? Kailan pa?" iritado kong tanong.
"A-Anak," utal niyang wika, "magpapaliwanag ako..."
"Mommy, please. Wala tayo sa isang drama so please tama na 'yang acting mo." Paalala ko sa kaniya.
"Anak, matanda na kasi si mommy. S'yempre papunta ka pa lamang ay pabalik na ako, pero alam mo ba? Natutuhan ko na kapag mali ka, mali ka. Kapag tama ka naman ay mali ka pa rin lalo na kapag sinabi ko," magulo niyang wika na naging dahilan upang matawa ang aking nakatatandang kapatid.
"Ano naman connect no'n, mommy?" natatawang tanong ni Ricci.
"Ang connect no'n ay ang dugo natin, dumadaloy sa loob niyo ang dugo ko, kaya connected 'yon."
"Akala ko kasi itatali mo kami para connected kami at ikaw ay contented."
"Malapit na, itatali ko kayo nang patiwarik sa puno, para gumaan ang buhay ko at wala akong kunsumisyon," ani mommy saka siya tumayo at lumapit sa akin, hinawakan niya ang dalawa kong pisngi at saka niya ako hinalikan sa noo.
"Felix, tandaan mo, galing ka sa akin. Pinatira kita sa loob ng sinapupunan ko sa loob ng siyam na buwan for free at sagot ko pa ang pangkain mo ngunit hindi kita siningil ng renta mo, hindi ko rin hiniling sa 'yo na maging ganito ka pero bakit ka naging ganiyan?" saad niya habang kunwaring pinapahiran ang kaniyang mata na hindi naman lumuluha.
"Nakakalungkot isipin na iniisip mo na iniisip ko ang iniisip mo, pero naisip mo ba na baka iniisip ko lang na baka ini—"
Pinigilan ko na si mommy sa kaniyang sinasabi at ako'y nagsalita, "Okay, fine. Mommy, hindi ko na itatanong kung paano mo nalaman, just please. Stop your isipin-isipin etcetera line, ang tagal-tagal na niyan bata pa lang kami. Sawa na ako d'yan."
"Anak, tao ka. Hindi ka hayop, at kung magiging hayop ka man maari kang maging unggoy dahil mukha ka namang unggoy pero tao ka anak at 'wag na 'wag mo 'yang kalilimutan. Mahal kita, anak. "
"Daddy! Si mommy ayaw akong tigilan!" nagsusumbong na wika ko.
Tumawa lang si daddy saka nag salita, "Ako na ang bahala sa mommy mo, gawin mo na ang utos sa 'yo ng kuya mo. Dito na muna kami at hihintayin namin ang tutulong sa pag-aayos ng bahay mo," saad ni daddy.
Hindi na ako nag salita pa at padabog na umakyat sa aking kwarto upang maligo at magbihis.
"Ako na naman ang pinagkaisahan nila, lagi nalang." Kinuha ko ang aking damit at tuwalya saka dumeretso sa banyo.
Matapos kong maligo ay dumeretso ako sa baba, nakita ko ang ilan naming kasambahay na nag-uumpisa na maglinis. Nagpaalam ako kay mommy at daddy, nauna na raw umalis si Ricci dahil may aasikasuhin daw itong pasyente.
Lumabas ako ng bahay at pumasok sa aking sasakyan, kinuha ko ang aking cellphone at nag-text kay Lenard.
[Bro, saan ulit nag-aaral ang mga bata? Reply, ASAP.]
From: Felix
Today, 10:35am
Ibinaba ko ang aking cellphone, hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Lenard sa aking mensahe at binuksan ko na lamang ang makina saka ako nagmaneho, naisipan kong dumaan sa cafe at ayon nga ang aking ginawa.
Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa cafe, bago ako bumaba ay inayos ko ang aking buhok at ang aking damit. Kinuha ko ang pabangong iniregalo sa akin ni mommy at ginamit ito.
"Hmm, smells great. Ang gwapo ko talaga," mahina kong wika saka kinuha ang wallet at lumabas ng aking kotse.
Huminga ako nang malalim saka ako pumasok ng cafe, sobra naman akong nadismaya dahil wala sa likod ng counter si Tiana. Tumuloy pa rin ako sa pag-aakalang baka nasa likod o locker room lang si Tiana at may kinukuha.
"Hello! Welcome to V&M Cafe!" masiglang ani ng isang nakatalikod na babae.
"Uhm, can I get an Iced Americano?" wika ko na ikinatingin naman sa akin ng babae sa cash register.
Ilang minuto lang siyang nakatingin sa akin at 'di nag tagal ay napakurap-kurap siya saka nagmamadaling umalis nang magawa niya na ang aking order.
Umikot naman ang aking paningin sa buong cafe at natigil ito nang may marinig akong nagsalita.
"Uhm sir? For here or To go?" nahihiyang tanong ng babae kanina.
"To go, please," sagot ko naman sa kaniyang tanong, sa pagkakataong ito, umalis na naman siya para gawin ang order ko.
Tumayo na lamang ako at naghintay, mukhang wala si Tiana at mukhang hindi ito darating.
Bumalik na ang babae at ibinigay sa akin ang aking order, nanginginig ang kaniyang kamay na para bang siya'y kinakabahan.
"Are you okay?" tanong ko sa kaniya habang kinukuha ko ang aking order at inaabot ko ang aking bayad.
"Y-Yes po, have a great day po!" utal niyang sagot.
Hindi ko na ito inintindi at lumakad na lang ako palabas ng cafe. Paglabas ko ay lumapit ako sa aking sasakyan saka pumasok, tinignan ko ang aking cellphone at ako pala ay nakatanggap ng bagong mensahe mula kay Lenard.
[Refuerzo Academia, need mo pa ba address? Ano ba gagawin mo roon? Don't tell me pupuntahan mo mga bata? Lakas mo maka-stalker!]
From: Lenard
Today, 10:53am
Matapos ko itong mabasa ay agad ko naman siyang sinagot.
[Hindi na, alam ko na ang address ng school na 'yon. Ilang beses na ako nakarating doon. Oo, pupunta ako para bisitahin sila. At p'wede ba na tigilan mo ako Lenard baka isumbong kita sa nanay mo.]
From: Felix
Today, 10:56am
Binuksan ko ang makina at aktong paandarin na sana ang sasakyan nang bigla akong makatanggap muli ng isang mensahe.
[Lagi naman, eh. Wala namang bago.]
From: Lenard
Today, 10:57am
Natawa naman ako sa kaniya sagot at pinaandar ko na nga ang aking sasakyan.
Nang makarating ako sa Refuerzo Academia ay may klase pa sila kaya naman kailangan ko pang hintayin silang matapos, nanatili ako sa aking sasakyan at tahimik na naghintay.
Makalipas ang ilang oras ay nakita kong may mga bata na lumalabas kaya naman inisip kong baka uwian na nila. Lumabas ako sa aking sasakyan at naghintay sa shed na lumabas ang kambal.
"Magnus, stop that! Dito tayo dapat maghintay hanggat hindi dumarating si mommy," rinig kong ani ng isang bata na ikinalingon ko sa aking kanan.
Nakita ko ang kambal na papunta sa gawi ko, nang marating nila ang shed ay umupo lang sila at tahimik na naghintay kay Tiana.
Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong napangiti, siguro kasi ganiyan din ang ina nila dati, masunurin at tahimik.
"Hello! Vanus and Magnus? Right?" tanong ko sakanila habang nakangiti.
"Hello! I'm Magnus and he is my brother, his name is Vanus. Maraming nagkakamali sa pagtawag sa amin pero bibigyan kita ng isang clue! Si Vanus ang tahimik at ako ang madaldal daw!" ani Magnus.
Ako naman ay natawa sa kaniyang sinabi dahil walang duda na siya nga si Magnus, napansin ko naman na hindi nagsasalita si Vanus at nakatitig lang siya sa akin, wala ring duda na siya nga talaga si Vanus.
"Gutom na ba kayo? Gusto niyo kumain tayo o kaya maglaro? Tara." Aya ko sa kanilang dalawa.
Tumayo si Magnus at aktong lalapit siya sa akin ngunit pinigilan siya ni Vanus.
"Magnus! Mommy said we shouldn't go and talk to strangers I'm sorry mister but we can't. Thanks for the offer but we have to decline," matigas na ani Vanus.
"Gano'n ba? Hmm, gusto niyo ba ng ice cream? Para habang hinihintay niyo ang mama niyo hindi kayo mainitan."
"No, thank y—" Naputol ang sasabihin ni Vanus nang biglang nagsalita si Magnus.
"Okay! Thank you so much, mister!" masiglang ani Magnus.
Ngumiti ako saka tumayo para bumili ng ice cream nila, hindi pa ako nakakaalis ay narinig kong nagsalita si Vanus.
"Magnus! What are you doing?! We can't bother him and we can't accept any food from strangers!" ani Vanus sa kaniyang kapatid.
"But it's ice cream! Saka 'di ba ngayon na lang ulit tayo makakakain no'n kasi bawal sabi ni mommy, come on Vanus! Kahit ngayon lang, please!"
"Well, may punto ka. Pero 'wag natin itong sasabihin kay mommy kasi mapapagalitan niya tayo!" Paalala ni Vanus na akin namang ikinangiti at saka ako nag-umpisang lumakad palayo.
She raised her sons well, pero bata pa rin sila. Mahilig sa matamis.
Bumalik ako dala ang apat na ice cream, dalawang chocolate at dalawang vanilla, nakita ko naman sila na nakaupo at tahimik na naghihintay.
"Mister! Nakalimutan namin sabihin ang flavor na gusto namin!" bungad na wika sa akin ni Magnus.
"It's okay, I bought two chocolate and two vanilla ice cream. Ano ba ang gusto niyo?" tanong ko sa kanilang dalawa.
"I love chocolate ice cream! Vanus love strawberry but vanilla is okay!" ani Magnus saka kinuha ang vanilla ice cream para ibigay sa kaniyang kapatid at sunod naman niyang kinuha ang chocolate para sa sarili niya.
Umupo ako sa tabi nila at inilapag ang dalawa pang ice cream. "So, ilang taon na kayo?" tanong ko sa kanila.
"We are seven years old!" sagot sa akin ni Magnus.
"Magnus! Kanina ka pa, 'wag mo ngang ipamigay ang personal information natin!" wika ni Vanus habang pinupunasan ang kaniyang bibig.
"Binigyan niya naman na tayo ng ice cream, mabait siya!"
Tumawa naman ako saka nagsalita, "Tama naman ang kapatid mo, Magnus. Dapat hindi niyo sinasabi sa ibang tao ang personal information niyo, pero 'wag kayong mag-alala. Wala naman akong balak na masama, gusto ko lang malaman dahil anak kayo ng kaibigan kong si Tiana," saad ko.
"Oh! Right! Ikaw po yung kaibigan ni mommy kahapon sa cafe!" wika ni Magnus habang nakaturo sa akin.
"Magnus, stop that! That's rude!" saway ni Vanus sa kaniyang kapatid.
"Oops! I'm sorry mister!"
"It's okay, so kailan ang birthday niyo?" tanong ko sa kanila.
"March 17, 2014" maikling sagot ni Vanus sa aking tanong.
"Do you guys live with your mommy and daddy?" tanong ko na ikinatahimik naman nila.
"Wala kaming daddy," malungkot na sagot ni Magnus.
Damn, that's insensitive. Hindi ko man lang inisip ang mararamdaman nila at basta't tinanong na lang 'yon sa kanila. I should be more careful with my words, they're still kids, still sensitive.
"How's your mommy, then? Base sa nakita ko kahapon parang ang bait niya sa inyo."
"Yes, mommy is really kind. Kahit marami ang umaaway sa kaniya at nagagalit sa kaniya kasi pinanganak niya kami hindi siya nagalit sa kanila at hindi niya kami pinapabayaan. Mommy is really kind and strong, mommy loves us," mahabang sagot ni Vanus."
Tiana is really kind and strong, dati pa naman talaga at buti na lamang hanggang ngayon ay gano'n pa rin siya, hindi niya pinapansin ang sinasabi ng ibang tao lalo na kapag alam niyang ikakasakit niya ito. Minsan nga imbis na siya ang magalit, ako at ang mga kaibigan pa niya ang naiinis.
"Wow, you have a very loving and caring mom. Ang s'werte niyo naman!" puri ko sa kanila.
"Of course! She is our hero!" proud na wika ni Magnus.
"How about you? How's your mom?" tanong sa akin ni Vanus.
Nagulat naman ako sa kaniyang tanong pero makalipas ang ilang sandali ay sinagot ko ang tanong niya, "My mommy is kind and strong, she's also rich and goofy."
"Wow! That's really nice, mister!" masiglang ani Magnus.
Ngumiti lang ako at hindi na ako ulit nagsalita at hinintay ko na lamang na maubos nila ang ice cream, ilang sandali ay naubos na nila ito. Akmang tatayo sila para ito'y itapon ngunit sila ay pinigilan ko.
"Wait, ako na ang magtatapon ng mga basura na 'yan. Aalis na rin naman ako, lagi kayong magpakabait at sumunod sa mommy niyo, sigurado ako na matutuwa 'yon. Oo nga pala, secret lang natin ito, okay? Baka kasi magalit siya na kumain kayo ng ice cream galing sa stranger," ani ko saka nagpaalam.
Kumaway lang sila at nanatiling nakaupo sa shed para hintayin ang kanilang ina na si Tiana.
Pumasok ako sa aking sasakyan at inilagay ang kanilang ginamit na kutsara sa isang container saka ito pinangalanan. Tumingin akong muli sa shed para masigurong ayos lang sila at nakita ko naman na dumating na si Tiana.
Hinalikan niya ang mga ito sa noo saka sila nagmamadaling umalis.
Ngumiti ako at tumingin sa container na naglalaman ng ginamit nilang kutsara. "Sana tama ang kutob ko, gusto kong makita silang tatlong masaya kasama ako," saad ko saka pinaandar ang makina.
PAGDATING ko sa school nila Vanus at Magnus ay inabutan ko silang nakaupo sa shed habang tahimik na naghihintay na dumating ako.
Nang makita nila ako ay agad silang tumayo at kumaway, "Mommy!" masiglang bati ni Magnus at hindi mapakaling tumatalon sa kaniyang kinatatayuan habang tumayo at tumango lamang si Vanus.
Lumapit ako sa kanila at hinalikan silang dalawa sa noo, "Kumusta naman ang araw ng dalawa kong prinsipe? Masaya ba? Wala namang problemang nangyari 'di ba?" tanong ko sa kanila.
"Wala po, mommy! Uwi na po tayo, gutom na po kami!" ani Magnus saka nagmamadali akong hinila.
Tumawa naman ako at aking hinawakan ang kanilang mga kamay saka nag-umpisang lumakad papunta sa aming sasakyan nang maaga kaming makauwi.

Komento sa Aklat (37)

  • avatar
    Vinsent Belan Quinay

    a really good story

    3d

      0
  • avatar
    Anthony II Cortez

    The content is very good

    22d

      0
  • avatar
    PabelloJembie

    thank you

    30/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata