logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 2: Twins?

PAKAGAT na ako sa aking cupcake ng tumunog ang bell ng pintuan, meaning pumasok na ang aming first customer for today. Inilapag ko ang cupcake na hindi ko pa nababawasan sa counter at inayos ang aking damit bago harapin ang customer, ngunit pagharap ko palang ay natigilan ako ng makilala ko kung sino ang una naming customer.
Sa lahat ng p'wedeng pumasok sa pinto ng cafe na ito, bakit siya pa?
"Tiana?" mahina ang pag tawag niya sa pangalan ko pero rinig na rinig ko ito. Mukhang gulat din siya at hindi makapaniwala na nakita niya ako ulit, nilibot ng mata ko ang kaniyang mukha at katawan. Walang ipinagbago ang itsura niya, tumangkad lang at lumaki ang katawan, gwapo pa rin.
"H-Hello! Welcome to V&M Cafe," nauutal kong bati sa kaniya.
Hindi siya sumagot at tinitigan lang ako, still shock? Baka nga galit pa, eh! Like sino ba naman kasi ang may gustong makita ulit ang taong umiwan sa kanila sa ere? Ang taong nanakit sa kanila?
"Kumusta ka na? Matagal rin tayong hindi nag kita. Eight? Seven years?"
Pilit akong ngumiti at sinagot siya, "I'm good, thanks for asking. Ikaw ba? Kumusta ka?" pagbabalik ko sa kaniya ng tanong.
"Hindi ka pa rin nagbabago," wika ni Felix, "ayos lang naman ako, busy pero kaya ko pa naman."
For someone who accidentally encounter his ex-girlfriend. Felix is not bothered, at least not as bothered as me.
Yes, Felix Martinez is my ex-boyfriend.
He is a good boyfriend, matalino, responsable, maunawain, masayang kasama, sweet at alam mong hindi ka lolokohin. Galing pa sa mayaman at magandang pamilya kaya maayos siyang napalaki ng mga magulang niya.
Siya yung heartthrob at crush ng bayan, yung tipong lahat ng babae mapapa-ibig niya sa isang ngiti lang. Kaya pati ang mataas at makapal na pader na ibinakod ko sa aking puso ay nagawa niyang gibain.
Noong una ay sinagot ko lamang siya para sa pansariling dahilan. Nang maipakita ko at tigilan ako ng ibang nanliligaw sa akin, masaya kami kapag kami ay magkasama. Respeto, at pagmamahal ang natatanggap ko sa kaniya kaya naman unti-unti hindi ko napapansin na nahuhulog na pala ang loob ko sa kaniya.
Kung ganoon naman pala kami, masaya sa piling ng isa't isa ay bakit ko siya iniwan? Bakit ko sinaktan ang lalaking walang ginawa kundi ako'y mahalin at pahalagahan?
Siguro dahil insecure ako sa pamilya niya? Siguro dahil feeling ko mas deserve niya ang isang babae na galing sa buo at respetadong pamilya?
Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang sagot at siguro ayoko na malaman ang sagot. Siguro kasi kaya normal lang ang akto niya kasi wala naman na sa kaniya yung nangyari? Kasi wala na siyang nararamdaman para sa akin? Tama. Siguro nga, baka nga, sana nga.
Mabilis lang naman mawala ang pagmamahal, tulad ng alon na narating ang dalampasigan ang emosyon ng tao ay madali lang mawawala at napapalitan.
He must have noticed that I'm not comfortable so he tried to change the mood, "So, do you work here?" tanong niya sa akin, gusto ko sana na hindi siya sagutin pero dahil sa tingin niya sa mata ko na parang hinihigop ang aking kaluluwa wala akong nagawa kundi sagutin ang tanong niya.
"No, well sort of uhm I am the owner and I'm a Web Developer. How about you? Tinuloy mo ba ang course mo noong college or did you pursue your dreams?"
Ngumiti naman siya sa akin at hindi ako sinagot, tumingin lang siya sa aking ibabaw.

Sinundan ko ang tingin niya, pagtingin ko sa itaas ay nakita ko ang menu. Agad akong umikot patalikod sa kaniya at tumingin sa sahig.
Of course, a menu. A fucking menu. Bakit ba hindi ko naisip 'yon? Nako! Bobo! Tanga! Inutil ka talaga, Tiana!
Matapos humupa ng pamumula ng aking mukha dahil sa hiya ay hinarap ko ulit siya.
Nginitian niya ako saka nag salita. "Both, but I focused on arts. Can I order now? Can I please have Iced Americano?"
"For here or To go?" tanong ko.
"To go. Please," sagot niya na nagpagaan ng aking loob habang binubuksan ang wallet.
Agad namang umalis si Lara na kanina pa pala nakalabas sa locker room at ginawa ni Lara ang order niya, kaya naiwan nanaman kaming mag isa.
Bakit ba siya lang ang customer? Please, save me from this awkward situation! Ito na ba ang parusa ko? Gusto niyo ba na mamatay ako dahil sa awkwardness?!
Binasag niya ang nakakabinging katahimikan at nag salita. "Uhm...Tiana, may gagawin ka ba mamayang gabi? Gusto kumain tayo sa labas?" aya niya sa akin.
"May gagawin kasi ako mamaya, at bukas at sa susunod pang mga araw, forever akong busy."
Napakurap siya at matapos ang ilang sandali'y nagsalita siya, "Ganoon ba? Mukhang exciting ang buhay mo," wika ni Felix at sakto namang bumalik na si Lara dala ang Iced Americano ni Felix.
Ibinigay ko na ang kaniyang order at agad naman siyang nagbayad.
"Sige, aalis na ako. Masaya ako't nagkita ulit tayo, see you!" wika niya.
"Yes, see you!" wika ko saka pinood siyang lumabas ng cafe, pag labas niya ay sunod-sunod na pumasok ang iba pang customers.
See you, never! Hell no! Please, sana hindi na kami magkita pa ulit. I'm sorry, Felix. I hope our paths will never cross again. Magkaiba na ang mundong ginagalawan natin. Sana mahanap mo ang kasiyahan mo dahil ako? Masaya na ako.
Masaya na kami ng mga anak mo.
BINUKSAN ni Felix ang mga bintana ng kaniyang bagong bahay. Lumipat siya ng bahay dahil mas malapit ito sa kaniyang biniling studio, kahapon niya pa inaayos ang kaniyang mga gamit at marami pa siyang lilinisin.
Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinawagan ang isang kaibigan ngunit makalipas ang ilang ring ay hindi pa rin nito sinasagot ang kaniyang tawag kaya naman naisip niya na puntahan na lamang ito.
Kinuha niya ang susi ng sasakyan saka lumabas ng bahay, sumakay siya sa kaniya kotse at pinaandar ito. Habang siya ay nasa biyahe napansin niya ang isang sign.
"V&M Cafe, 'di ba ito yung sinasabi sa akin ni Jonas? Masarap daw ang kape nila rito. Subukan ko nga." Bulong ko sa aking sarili, saka lumiko para mag park ng sasakyan.
Pinatay ko ang makina at kinuha ang wallet ko saka ako bumaba ng sasakyan, tinignan ko ang itsura ng cafe sa labas, simple lang ito tignan, malinis at maluwag.
Pumasok ako sa cafe at bigla akong napahinto ng makita ko ang isang pamilyar na babae sa counter. Nakasuot siya ng uniporme at nakalugay ang buhok. Maputi, mahaba ang pilik mata, matangos at maliit na ilong, mapula ang pisngi at labi. Gano'n pa rin ang kaniyang itsura, walang ipinagbago, maganda pa rin.
"Tiana?" mahinang tawag ko sa kaniya, bakas sa kaniyang mukha ang gulat, kahit naman ako ay nagulat din. Hindi ko inaakala na makikita ko siya ulit nang ganito kadali.
"H-Hello! Welcome to V&M Cafe," nauutal niyang bati, pinigilan kong ngumiti dahil ayokong isipin niya na siya'y aking pinagtatawanan.
Nakatayo lang ako at hindi ko napansin na nakatitig na pala ako sa kaniya, "Kumusta ka na? Matagal rin tayong hindi nag kita. Eight? Seven years?" tanong ko.
Ipinakita niya sa akin ang kaniyang ngiti, isang pilit na ngiti, "I'm good, thanks for asking. Ikaw ba? Kumusta ka?" wika ni Tiana na nagpangiti sa akin.
Hindi pa rin talaga siya nagbabago, hindi pa rin siya magaling sa mga salita.
"Hindi ka pa rin nagbabago," natatawa kong wika, "ayos lang naman ako, busy pero kaya ko pa naman." dagdag ko pa.
Tiana Moore, mysterious and always serious. She is my first girlfriend. First love, my first hug, my first kiss, my first at everything.
Hindi pa rin siya nag babago. Simple parin ang pananamit at pag aayos pero talagang maganda. Madalas mapagkamalang suplada at maldita dahil laging nakataas ang kilay kapag may lumalapit sa kaniya, hindi rin siya mahilig makipag-usap at marami rin ang takot sa kaniya.
Noong nalaman ng mga classmates namin na kami na ay marami ang nawindang at nagtataka. Bakit siya? Bakit ako? Kailan pa? At paano? Paano ko nga ba napa-oo ang tulad niya na may pusong gawa sa bato?
Alam ko naman na hindi niya talaga ako gusto, alam kong ginagamit niya lang ako. Hinayaan ko siya dahil umaasa akong kapag ipinakita ko sa kaniya na seryoso at totoo ang nararamdaman ko ay baka mapalambot ko ang kaniyang puso.
Unti-unti, dahil sa pagsusumikap ko ay nahulog na rin ang loob niya sa akin at ang kaniyang puso ay napalambot ko.
Napalambot ko nga ba? Kung oo ay bakit niya ako iniwan?Siguro may hindi siya na gustuhan sa mga ginagawa ko? Siguro may gusto siyang iba? O baka naman hindi niya talaga ako nagustuhan at ako lang ang nag-iisip na napalambot ko ang kaniyang puso?
Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang sagot sa marami kong katanungan dahil si Tiana lang ang nakakaalam ng sagot sa mga ito.
Hindi na siya ulit nag salita marahil ay hindi siya komportable kaya naman sinubukan kong baguhin ang aming usapan.
"So, do you work here?" tanong ko.
Tumingin siya sa akin na tila ba nag iisip kung ako ay sasagutin o hindi, ilang sandali rin siyang nanatiling nakatingin sa akin.
"No, well sort of uhm I am the owner and I'm a Web Developer. How about you? Tinuloy mo ba ang course mo nung college or did you pursue your dreams?" tanong niya na nagpangiti sa akin,
Alam kong hindi dapat ako umasa o mag-isip ng kung ano-ano pero hindi ko ito maiwasan. Ang karaniwang tinatanong sa akin ng mga kaklase namin na nakikita ko ay kung ano ang trabaho ko o may asawa na raw ba ako, siya lang ang nakaalala na noon ay nag dadalawang isip ako kung ipagpapatuloy ko ang pag aaral o itutuloy ko ang pagpinta.
Isa ito sa rason kung bakit ko siya nagustuhan, mukha man siyang hindi nakikinig at walang pakielam, mas kabisado naman niya ang iyong mga sinabi kesa sa 'yo na mismong nag k'wento.
Nginitian ko lamang siya saka nag salita. "Both, but I focused on arts. Can I order now? Can I please have Iced Americano?"
"For here or To go?" tanong niya.
"To go, please." Binuksan ko ang aking wallet at kumuha ng pera na ibabayad sa kaniya.
Pumasok sa isang pinto ang dalaga na hindi ko namalayang kanina pa nakatayo sa tabi.
Ngayon ko lang napansin na ako palang pala ang kanilang customer, hindi kami umimik at umiwas siya ng tingin. Inilibot ko naman ang aking paningin sa loob ng cafe, maganda, malinis at maayos. Habang nililibot ko ang aking paningin ay may naisip akong isang ideya. Matagal na rin kaming hindi nagkita at karinawan namang lumalabas ang ibang magkaibigan o magkaklase kapag nagkikita-kita, alam ko namang malabo at hindi siya papayag pero sinubukan ko pa rin siyang yayain lumabas.
"Uhm...Tiana, may gagawin ka ba mamayang gabi? Gusto mo kumain tayo sa labas?" aya ko sa kaniya.
"May gagawin kasi ako mamaya, at bukas at sa susunod pang araw. Forever akong busy," sagot naman niya.
Napakurap naman ako at natahimik. "Gano'n ba? Mukhang exciting ang buhay mo," gulat kong wika dahil hindi man lang siya nag dalawang isip na i-reject ako, halatang halata na ayaw niya akong makasama lumabas.
Bumalik na ang dalagang kasama ni Tiana sa cafe dala ang Iced Americano na in-order ko.
Ibinigay ito sa akin ni Tiana at agad ko itong binayaran.
"Sige, aalis na ako. Masaya ako't nagkita ulit tayo, see you!" wika ko.
"Yes, see you!" sagot niya.
Lumakad ako palabas ng cafe at pumasok ng sasakyan saka binuksan ang makina at sinilip si Tiana sa loob, ngumiti ako at bumulong sa sarili.
"She is not wearing a ring, she's not engaged or married, and I doubt she's in a relationship. I still have a chance." Pinaandar ko na ang aking sasakyan at nag drive papunta sa bahay ng kaibigan kong si Jonas, habang ako'y nagmamaneho hindi mawala sa isip ko ang pagkikita namin ni Tiana.
Hindi ko ililihim o itatanggi ang aking nararamdaman. Lubos na galak ang aking nadarama, nakita ko ulit ang babae na minahal at minamahal ko pa rin at ngayon hindi ko na ito papalampasin. Tawagin niyo na akong tanga o desperado pero siya pa rin ang mahal ko, noon hanggang ngayon walang pinagbago at walang magbabago.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na ako sa bahay ni Jonas, inabutan ko siyang aalis na sana ng bahay at nang makita niya ako ay binuksan niya ang gate at ako ay nag park sa kaniyang maluwag na garahe.
"Uy! Sakto! Papunta sana ako sa bahay mo," wika niya ng ako'y makababa na, nakuha naman ng kape na hawak ko ang kaniyang pansin at agad itong napangisi, "so, did you see her?" dagdag niya pa.
Tumango ako at nag salita. "Yes, I asked her out and she declined." Binuksan ko ang pinto niya saka walang pasabi na pumasok, si Jonas lang naman ang nakatira rito at hindi naman siya nag uuwi ng babae sa bahay niya kaya alam kong kahit pumasok ako ay walang problema.
"Wow, bro! You did what?! You asked her out the first time you meet each other after seven years? Umasa ka bang papayag siya? Of course, she will reject you! You know what? Fine. Let me ask you a question, what makes you think that she will go out with you? You don't even know if maybe she's married, engaged, or in a relationship. If I were her I'd do the same," wika niya saka pumunta ng kusina.
"Sino ba ang nag sabi na umasa ako? Sinubukan ko lang, wala namang mawawala kung susubukan ko."
Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. "Sagutin mo muna ang tanong ko."
"Yung ano? 'What makes you think that she will go out with you? You don't even know if maybe she's married, engaged, or in a relationship' 'yon ba?" tanong ko sa kaniya at tumango naman siya.
" Yes, kase parang ang confident mo naman kung niyaya mo siya agad lumabas 'di ba?" wika niya saka kumagat sa hawak niyang mansanas.
"Lilinawin ko lang, Jonas. Hindi ko siya niyaya makipag-date, niyaya ko siyang mag-dinner para naman makapag-usap kami. Catch up lang, saka sabi lang naman niya na busy siya mamayang gabi, bukas at sa susunod pang mga araw. Hindi naman masakit, parang kagat lang ng Tiger," saad ko.
"Oh, hindi mo siya niyaya mag-date, mag-dinner lang, okay. Cool," wika niya habang pinipigil ang kaniyang tawa, "pero hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko."
"Wala siyang suot na singsing, so I assumed she's not engaged or married. She is not in a relationship and that's my hunch." Sumipsip ako sa aking kape at tumawa naman siya ng malakas.
"Felix, my dear friend. I recommended her cafe not just to help you see her, I have another reason and I guess hindi mo pa sila nakikita," saad niya, "twins." dagdag niya.
"Twins? What?" naguguluhan kong wika.
"That's for me to know, and for you to find out," mapang-asar niyang wika, binato ko siya ng unan at humalagpak naman siya ng tawa.
APAT na oras na ang nakalipas mula ng makaalis si Felix, maaga naming isinara ang cafe dahil may biglang lakad si Lara at hindi ko naman ito kayang asikasuhin nang mag-isa. Hinihintay ko na lang ang mga bata at para makauwi na kami.
"Mag-hire ka kaya ng iba pang part-timer? Hindi yung isa lang , kapag ito naulit nanaman kawawa negosyo mo. Anyway, aalis na ako, ikaw na bahala dito. Bye!" wika ni Lara saka nag mamadaling umalis.
Pumasok ako sa banyo para kunin ang mop upang maumpisahan ko ang paglilinis at paglilligpit ngunit narinig kong tumunog ang bell. Llumabas ako agad dahil baka sila Lara na ito ngunit paglabad ko ay nakita ko si Felix at ang kaibigan niyang si Jonas na nakatayo sa tapat ng counter.
"Hey, Tiana!" masiglang bati sa akin ni Jonas.
Sinipa naman siya ni Felix.
"Hello, sinamahan ko lang siya bumili. Sorry, bukas paba kayo?" wika niya.
"Uhm... I'm sure may sign kami sa pinto? Hindi niyo ba napansin or hindi niyo pinansin?" tanong ko.
Tumawa naman si Jonas at umiwas naman ng tingin si Felix.
"Well, Tiana. My favorite girl, napansin namin ang sign at pinansin namin ang sign but you're still here! Meaning p'wede mo pa kaming bentahan."
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "Ang kapal naman ng mukh—" Naputol ang aking sasabihin nang tumunog ulit ang bell ng pinto, napatingin kaming tatlo sa gawi ng pinto at ako'y nagulantang nang makita ko kung sino ang pumasok sa cafe.
Bakit kailan ngayon pa?

Komento sa Aklat (37)

  • avatar
    Vinsent Belan Quinay

    a really good story

    3d

      0
  • avatar
    Anthony II Cortez

    The content is very good

    22d

      0
  • avatar
    PabelloJembie

    thank you

    30/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata