logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 1: Daily Life

"MOM, Magnus is playing with the neighbor's dog. He said It's cute," ani Vanus, ang panganay kong anak.
Inilipat ko ang niluto ko na pancake sa plato at ibinaling ang atensyon sa kaniya, "Oh honey, dogs are cute pero anong oras pa lang. Don't you think it's too early? Baka nakakabulabog kayo, sobrang aga pa para makipaglaro sa aso ng kapitbahay so please pauwiin mo na ang kapatid mo at kakain na tayo. I made pancakes, call your brother and I'm going to prepare your breakfast, all right?" pakiusap ko sa kaniya.

Tumango naman ito bilang sagot at nag umpisang lumakad papunta sa pinto ngunit bago pa siya makalabas ay agad ko siyang pinahinto.
"Wait! Do you guys want maple or chocolate syrup?"
Lumingon siya sa akin."Choose a number, Mom."
Ngumiti ako at sabi ko, " Nine."
Nang marinig ang aking sagot ay seryoso siyang nag bilang sa mga daliri niya, makalipas ang ilang sandali ay sinagot niya ang una kong tanong. "I think chocolate, chocolate po ang akin. Mahilig din po si Magnus sa chocolate kaya gano'n din po ang kaniya. "
"Noted, tawagin mo na ang kapatid mo at h'wag kayong tatakbo! Umuwi agad," wika ko.
Tumango lang siya bilang sagot at saka siya lumabas ng bahay para sunduin si Magnus.
Ang mga anak ko ay pitong taong gulang na, malulusog at malalakas ang pangangatawan. Si Vanus ang panganay at si Magnus naman ang bunso, kambal sila pero magkaiba sila ng ugali kaya madali lang malaman kung sino si Vanus o si Magnus sa kanila. Si Vanus ay masigla pero seryoso, siya rin ay masunurin. Si Magnus naman ay masiyahin at madaldal medyo pasaway pero mabait na bata.
Madalas silang magtalo dahil hindi sila nagkakasundo pero agad din silang nagkakaayos. Hindi ko sila pinipigilan sa kung ano ang gusto nilang gawin at ginagabayan ko na lamang sila, suportahan at itama ang kanilang mga pagkakamali ang aking maitutulong sa kanila.
Masasabi kong napalaki ko sila ng maayos kahit na mag-isa lang ako, hindi ko man maibigay ang pagmamahal ng isang ama sobra naman ang binibigay kong pagmamahal ng isang ina.
Maraming panghuhusga ang aking natanggap noong nagdadalang tao pa lamang ako sa kambal, maraming hindi nakaintindi at nagalit sa akin dahil sa pagbubuntis ko. Mahirap, hindi madali ang aking dinanas pero lahat naman 'yon ay nalampasan ko dahil sa tulong ng aking mga kaibigang hindi pinaramdaman sa akin na ako'y mag-isa. Sulit ang lahat ng pagod, sakit at sakripisyo ko dahil hindi nabalewala ang lahat ng sila'y malulusog at ligtas na isinilang ko.
Hindi ko lubos maisip kung bakit hinuhusgahan ang mga ina na nagpapalaki ng anak nila mag-isa, lalo na ang mga medyo bata pa. Hindi naman lahat ay pareho ng dahilan kung bakit nabuntis, hinuhusgahan sila kahit hindi naman natin alam ang buong pangyayari. Noong nabuntis ba sila'y nanghingi sila ng pera sa ibang tao para may ipangbayad sila ng bills sa ospital? Humingi ba sila ng pera sa ibang tao nang makabili sila gatas para sa kanilang anak? Hindi naman sila inabala at hiningan ng pera pero kung makahusga sila'y para silang inabuso at agrabyado.
Lubos kong hinahangaan ang mga katulad kong ina, mag-isa man o may katuwang sa buhay dahil mahirap at mabigat ang resposibilidad na ibibigay nito sa iyo.
Alam ko kung gaano kahirap maging ina at bumuhay ng anak mag-isa, kailangan mong magtrabaho at magsumikap para mabigyan sila ng maginhawang buhay. Kailangan mo silang bigyan pansin, alagaan at mahalin. Kailangan mo silang suportahan at turuan nang sila'y lumaking maayos at hindi maligaw ng landas. Sa madaling salita kailangan mo na gawin ang mga resposibilidad mo bilang ina pati na rin ang responsibilidad ng ama.
"Mom! I'm home!" masiglang bati ni Magnus saka tumakbo papalapit sa akin upang ako'y yakapin kaya yumuko naman ako at agad niyang hinalikan ang aking pisngi.
Sumunod naman si Vanus sa pag pasok at pag bati sa akin, niyakap at hinalikan niya ako sa pisngi bago umupo sa kaniyang upuan.
"Teka, kakain na tayo pero galing kayo sa labas 'di ba? Ano ang bilin ni mommy kapag naglaro sa labas at ano ang gagawin bago at matapos kumain?" ani ko habang nagtitimpla ng kape.
Tumayo naman silang dalawa at lumapit sa lababo para hugasan ang kanilang mga kamay.
"Mom, Mr. Cruz's dog is cute and obedient. P'wede rin po ba tayong mag-alaga ng puppy?" tanong ni Magnus habang nag huhugas ng kamay.
Nabaling din ang atensyon sa akin ni Vanus, hindi siya nag salita pero alam kong naghihintay rin ito ng aking sagot.
Lumapit ako sa kanila saka hinalikan ang kanilang noo. "P'wede, pero handa naba kayo? Malaking responsibilidad ang pag-aalaga ng aso, kung mapapatunayan niyo sa akin na handa na kayo baka mag adopt tayo ng puppy."
"Yehey! Magkakaroon na tayo ng kalaro, excited na po ako. Gusto ko po ay malaki at nakakatakot tignan para kapag wala po tayo sa bahay may bantay tayo!" Tumatalon at hindi mapakaling wika ni Magnus.

"I heard dogs have a good hearing and sense of smell," wika ni Vanus habang siya ay tumatango at lumalakad pabalik sa upuan niya.
"Okay, baby. Kumain na tayo, may pasok kayo 'di ba? Maliligo pa kayo at magbibihis baka ma-late kayo," wika ko.
Hindi sila nag salita at kumain nalang.
IInubos ko na rin ang aking agahan at hinintay silang matapos kumain upang hugasan ang pinagkainan.
Matapos nilang kumain ay iniligpit nila ang kanilang ginamit na plato saka inabot sa akin. "Ligo na at 'wag n'yo kalimutan mag-toothbrush, okay? Wag magulo sa banyo, baka madulas kayo. Mag lilinis muna ako para mamaya aalis na tayo, call me when you're done, all right?"
"Yes, Mommy!" sabay nilang sagot saka pumasok sa banyo.
Lumapit naman ako sa lababo dala ang aming pinagkainan saka ko inumpisahan hugasan ang mga pinggan at iba ko pang ginamit para sa paghanda ng agahan. Matapos mag hugas ay nagwalis at nilinis ko ang lamesa, habang pinupunasan ko ang lamesa ay biglang tumunog ang aking cellphone. Inabot ko ang aking cellphone at binuksan ko ito. Nakita ko na may bagong mensahe akong natanggap mula sa aking kaibigan na si Lara.
[Ana! Dumaan ka naman dito sa cafe. Hindi ata makakapasok si Dana kase may sakit daw ang anak niya, kulang tayo ng tao, kung wala ka namang ginagawa baka p'wede na ikaw na muna ang pumalit.]
From: Lara
Today, 7:46am
"Nako, mabuti nalang at wala akong lakad ngayon, sandali nga." Umakyat at pumasok ako sa kwarto para makapagpalit ng damit, pumili ako ng simple at komportableng damit saka nag bihis, kinuha ko rin ang aking wallet at inilagay sa bag bago ko ito isinabit sa aking balikat. Kinuha ko na rin ang panloob at plantsadong uniporme pati ang bag ng mga bata at saka ako bumaba.
Isinampay ko ang uniporme at ibinaba ko ang mga bag sa upuan bago ko ayusin ang aking damit, inayos ko rin ang aking buhok at gumamit ng pabango. Matapos kong ayusin ang aking sarili ay narinig kong tinatawag ako ni Magnus kaya kinuha ko ang kanilang tuwalya at pumasok ng banyo.
"Magnus? Come here." Lumapit naman siya sa akin at pinunasan ko ang basa niyang katawan saka siya binalot na parang lumpia. Lumapit naman ako kay Magnus at tulad ni Vanus tinulungan ko siyang tuyuin ang katawan niya saka binalot ng tuwalya nang hindi siya lamigin.
Sabay-sabay kaming lumabas ng banyo at agad namang tumakbo si Magnus, nanginginig namang tumalon si Vanus habang dahan-dahan na naglakad.
Natatawa akong sumunod sa kanila dahil kailangan ko silang tulungan magbihis nang marating namin ang sala ay umupo ako sa sofa.
Lumapit sa akin si Vanus dala ang kaniyang mga damit kaya madali ko siyang nabihisan. Umupo siya sa tabi ko at isinuot niya ang kaniyang sapatos at hindi siya humingi ng tulong ko kaya naman niyakap ko siya at pinuri.
"Wow! Ang galing naman ng baby ko, ay hindi. Big ka na pala," wika ko habang ginugulo ang basa niya pang buhok.
Tumango lang ulit siya bilang sagot at hinayaan niya lang ako sa aking ginagawa saka niyakap.
Hindi madaldal na bata si Vanus pero malambing ito, sa kanilang dalawa siya ang seryoso na para bang isang matanda. Hindi siya mahilig sa laruan at mas gusto niya ang mga libro dahil gusto raw niyang matuto at magbasa.
Napansin ko namang hindi pa rin lumalapit si Magnus kaya naman sinubukan ko siyang tawagin. "Magnus, kuhain mo na ang damit mo at tutulungan na kitang magbihis."
Tumatawa habang tumatakbo si Magnus at hindi nakikinig sa aking sinasabi kaya naman naisipang tumayo ni Vanus at hinabol siya para hulihin.
Hinayaan ko muna silang maglaro dahil mukha naman silang nasisiyahan ngunit ng makalipas ang ilang sandali ay tumayo ako para pigilin sila at saka ko sila kiniliti. Hindi sila matigil sa kakatawa at kita ko namang sobra silang natutuwa kaya naman bigla na lang akong napahinto at napangiti.
"Mahal na mahal ko kayo, huwag niyo 'yong kakalimutan. Okay?"
Siguro ay nagtataka sila dahil sa biglaan kong sinabi, ilang minuto rin silang tumingin sa isa't isa bago nila ako sagutin ng may ngiti sa labi, "Opo! Hindi po namin 'yon kakalimutan, Mommy!" sabay na sabay nilang sagot.
"What was that? Sabay na sabay talaga, pinag usapan? Telepathy? At bakit niyo ako nginingitian ng ganiyan? Balak niyo ba akong patayin gamit ang cute niyong mukha? Nako, kulang. Dapat may kiss. Kiss nga si Mommy."
Nawala naman ang ngiti nila dahil sa aking biro at napalitan ito ng nag-aalalang ekspresyon, "Mommy, I don't want that. Ayaw ko na mawala ka sa amin. I won't kiss you," nangangambang saad ni Magnus.

Hindi nag salita si Vanus at tumingin lang sa akin bakas sa mukha niya ang pangamba at pagaalala.
"I'm kidding, I won't die. Hindi ko kayo iiwan, can I get my kiss now?" Mukhang hindi sila kumbinsido kaya naman naisip ko na alukin sila ng isang bagay na hindi nila matatanggihan. "If you give mommy a kiss, we'll adopt a puppy."
Hindi pa rin kumbinsido si Vanus pero mukhang bibigay na si Magnus. "Are you sure? I want a puppy but I don't want to
lose my mommy."
"Awe, ang cute niyo talaga! Sure na sure po ako," wika ko habang pinipisil ang kanilang mga pisngi at may ngiti sa aking labi.
Magnus kissed me on the cheek but Vanus is still worried.
"Mom, sabi mo po kanina malaking responsibility ang pag-aalaga ng dog and dapat muna naming patunayan na kaya namin mag alaga," saad niya.
Umiwas ako ng tingin at napalunok dahil sa paalala sa akin ni Vanus. "It's a prank, baby! Don't worry, tuturuan kayo ni mommy so give me a kiss na and again Magnus, mag bihis ka na."
Hinalikan ako ni Vanus sa pisngi at nag mamadaling kinuha ni Magnus ang kaniyang damit para mag bihis.
Nakabihis at handa na silang umalis kaya naman kinuha ko ang susi ng kotse at lumabas na kami, una silang pumunta sa garahe habang isinasarado ko ang pinto ng bahay.
Sumunod ako sa garahe at binuksan ang pinto ng kotse para sa kanila, inayos ang kanilang pagkaupo at ikinabit ang seatbelt saka pumasok sa driver's seat.
"Are you guys okay? Wala naman tayong nakalimutan 'di ba? Okay, tinanggal ko sa pagkasaksak lahat, nandito sa akin ang susi ko at hawak n'yo ang mga baon n'yo. All right, aalis na tayo." Hinalungkat ko ang bag ko para masiguro kung wala kaming nakalimutan at makalipas ang ilang sandali ay pinaandar ko na ang sasakyan at nag drive papunta sa school ng mga bata, maayos ang naging biyahe namin safe at mabilis.
Pagkarating namin sa school ay nag park ako para ihatid sila sa kanilang classroom, pag pasok nila ay binati sila ng kanilang guro na si Ara, and kapatid ng kaibigan kong si Lara.
"Ma'am, p'wede ka po bang makausap?" magalang kong tanong.
Nagpaalam naman siya sa mga estudyante niya bago niya ako lapitan para kausapin, "Ano po 'yon, Ms. Moore? Order ka ng underwear para makahanap ka ng Papa Bear?" tanong niya sa akin habang tumatawa na akin namang inirapan.
"Kinikilabutan ako sa 'yo, tigilan mo nga. Kulang daw tao sa cafe kaya tutulong muna ako, baka hindi ko sila masundo mamaya. P'wede bang pakihatid nalang sila sa cafe?" pakiusap ko kay Ara.
"Oki-doki mukha kang monkey," mapang-asar na wika ni Ara saka siya bumalik sa loob para asikasuhin ang iba pa niyang estudyante.
Tinawag ko si Vanus at Magnus at nag paalam muna sila bago lumabas, "Baby, pupunta si mommy sa cafe, after class ihahatid kayo ni teacher sa cafe. H'wag sasama sa ibang tao, don't talk to stragers, okay? Stay lang kayo rito. Bantayan mo si Magnus, 'wag mo pababayaan ang kapatid mo," paalala ko kay Vanus.
"Mommy, wala kaming sweets? We only have sandwiches and fruits as snacks," paalala sa akin ni Magnus.
Hinalikan ko ang kanilang pisngi at binigyan sila ng cookies para idagdag sa baon nila bago mag paalam, "I'm going na, aral kayong mabuti. I love you." Pinanood at hinintay ko na sila ay makararing at makaupo sa kanilang upuan bago ako umalis.
Bumaba ako sa parking lot at sumakay ako ng kotse, tinignan ko ang aking cellphone at nakita kong may bago akong mensahe na natanggap mula kay Lara.
[Ana! Parang tanga! Sagutin mo ako, hindi ko 'to kayang mag isa!]
From: Lara
Today, 8:19am
"Ay, omg. Nakalimutan ko pala mag reply! Saglit nga," mahina ani ko sa sarili bago siya tawagan, makalipas ang tatlong ring ay sinagot niya na ang aking tawag.
"Hoy! Where are you na ba?! Kaloka ka, seen lord?" bungad niya sa akin, mataray ang boses niya at na-imagine ko kung ano ang itsura niya habang nag sasalita siya sa kabilang linya kaya naman hindi ko mapigilan matawa, "talagang tumatawa ka pa? Hala, sige! Lagot ka sa akin pag dating mo!" sabi niya saka ibinaba ang tawag na lalo ko namang ikinatawa dahil sa kaniyang pagbabanta.
Naisipan kong i-text na lamang siya na ako'y papunta na kaya naman ayon ang aking ginawa.
[Hey, I'm on my way. Hinatid ko lang ang mga bata sa school.]
From: Tiana
Today,9:46am
Ibinaba ko ang aking cellphone at ipinasok sa aking bag at saka ko pinaandar ang kotse, mabilis at maayos pa rin ang aking biyahe, walang traffic pero may kalayuan ang cafe sa school kaya naman umaabot ng labing-limang minuto ang biyahe ko na karaniwang inaabot lang ng siyam o sampung minuto.
Pagdating ko sa cafe ay nag bubukas palang si Lara, agad akong nag park at lumabas ng sasakyan dala ang aking mga gamit. Hindi ako pinansin ni Lara kaya dumiretso ako sa locker room para makapagbihis.
Matapos akong makapagpalit ay lumabas na ako at pumasok sa counter at humarap sa cash register, tinawag ko si Lara ngunit hindi pa rin ako nito pinapansin.
"Lara, pansinin mo na ako, bibigyan kita ng boyfriend," biro ko sa kaniya.
Umismid lamang siya at nagpatuloy sa pag-ayos ng mga upuan.
"Okay, how about mag day off ka sa saturday? 'Di ba may date ka?"
Tumaas ang kilay niya at tumingin siya sa akin. "Walang bawian, kapag binawi mo yan babawiin ko ang buhay mo."

Tumawa na naman ako sa isa niya na namang banta, hindi ako sumagot at kumuha na lang ng isang cupcake.
"What are you doing? Huwag mo ngang ubusin ang tinda natin, hindi naman ikaw ang gumagawa! Gosh. You're so annoying!" Inirapan niya ako bago padabog na pumasok sa locker room.
Pakagat na ako sa aking cupcake ng tumunog ang bell ng pintuan, meaning pumasok na ang aming first customer for today. Inilapag ko ang cupcake na hindi ko pa nababawasan sa counter at inayos ang aking damit bago harapin ang customer, ngunit pagharap ko palang ay natigilan ako ng makilala ko kung sino ang una naming customer.
Sa lahat ng p'wedeng pumasok sa pinto ng cafe na ito, bakit siya pa?

Komento sa Aklat (37)

  • avatar
    Vinsent Belan Quinay

    a really good story

    3d

      0
  • avatar
    Anthony II Cortez

    The content is very good

    22d

      0
  • avatar
    PabelloJembie

    thank you

    30/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata