logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Just Like Waves In The Ocean

Just Like Waves In The Ocean

AngelicHeart_Beat


PROLOGUE

"Tiana?! May anak ka na?!" gulat na wika ni Aria, ang aking kaibigan simula pagkabata.
Agad namang tumingin sa gawi namin ang iba pa naming mga kaibigan. Kita ang gulat sa kanilang mukha, nanlalaki ang mga mata, at bukas pa ang bibig na tila ba hindi sila makapaniwala.
"Omg! Tiana? Tinamaan ka na ba ni kupido?" nagagalak na ani Naomi.
Tumaas naman ang kilay ko sa kaniyang sinabi at tinignan siya ng masama.
"Tiana, akala ko kase ako lang. Okay lang kase sino ba naman ako para piliin mo 'di ba? Pasensya na, ito lang ak—" Natigilan si Robin sa pagdrama ng malakas siyang hampasin ni Jessie, "biro lang naman, 'wag ka na po magalit. Ikaw pa rin ang bbq yiee amoy suka ka, mahal." Lumapit siya kay Jessie at isa na namang malakas na sipa at suntok ang natanggap niya mula sa kaniyang nobya.
"Tigilan mo nga kami, Robin. Baka gusto mo na sumunod sa alaga mong goldfish, ihahatid na kita." Pagbabanta ni Jessie sa kaniyang nobyo na naging dahilan upang tumigil ito at umupo sa isang tabi na parang bata na pinagalitan ng nanay niya.
"Titigil na po,"
ani Robin na parang isang maamong tupa.
Hindi ko mapigilan mapangiti at matawa sa mga ginagawa nila. Matagal ko rin silang hindi nakita dahil matagal din silang nanatili sa ibang bansa, na-miss ko sila at ang mga kabaliwan nila.
"Tiana, na saan ba ang asawa mo? Bakit ikaw lang ang nag-aalaga sa mga anak n'yo? Nako. Sinasabi ko sa iyo, kapag nakita ko 'yang lalaki na 'yan, lagot siya sa akin!" sabi ni Jessie, ang aking matalik na kaibigan simula pagkabata habang nakatingin sa aking mga anak na masayang naglalaro.
Agad namang nawala ang ngiti ko at iniwasan ang kaniyang mapanuring mata, gusto ko namang sabihin sa kaniya ang totoo pero gusto ko pang mabuhay para sa mga anak ko.
"Bakit mo iniiwasan ang mga tingin ko? Hoy! Huwag mong sabihin na ginawa mo talaga ang plano mo?!"
Ngumiti ako bago siya sagutin. "Sabi ko naman sa 'yo 'di ba? Hindi ko kailangan mag-asawa para magkaroon ako ng anak, para makabuo ng sariling pamilya." Napahimas naman ng kaniyang sintido at napailing-iling si Jessie.
"Alam ko namang may saltik ka, Tiana. Believe me, alam ko. Pero hindi ko alam na baliw ka talaga," hindi makapaniwalang wika ni Jessie saka siya huminga ng malalim na tila siya ay nagpapakalma, "seryoso ka ba? Mag-isa mong palalakihin ang mga anak mo?! Baliw ka ba? Mag-isip ka nga!"
Umismid naman siya kaya naman hinawakan ko ang kaniyang kamay.
"Don't worry, kayang kaya ko 'to. I'm ready and I will do everything I have to do para protektahan at mabuhay ko sila," ani ko habang nakatingin sa kaniyang dalawang mata, "listen, I know you're only worried and it's because you care for me and my babies and I'm thankful for that. I know mahirap maging single-parent per—"
"Single-parent? that's interesting, Tiana. We have to talk, " malaki at malalim ang boses na wika ng isang lalaki mula sa likod ko na agad namang nagpatayo ng aking balahibo nang aking maamoy ang isang pamilyar na pabango.
"What a best way to start a day getting scolded and cornered. What a luck," mahina akong bumulong sa aking sarili. Hindi ako nagtangka na lumingon at hindi rin ako nag salita, nanatili akong hindi gumagalaw na para bang isang istatwa.
"I said let's talk, Tiana." Sinubukan niya na hawakan ang aking balikat upang iharap sa kaniya kaya naman mariin kong ipinikit ang aking mga mata dahil sa takot at kaba ngunit bago pa niya ako mahawakan ay nag salita si Lara.
"Excuse me? Sino ka? And p'wede bang lumayo ka kay Tiana? She'll really appreciate it if you do," magalang ngunit may bahid na inis na wika ni Lara.
Tinignan lamang siya ng lalaki at humakbang paatras. "I'm sorry, Tiana. I didn't mean to make you feel uncomfortable but I have to talk to you," kalmado niyang pakiusap.
Huminga ako ng malalim saka dahan dahan na umikot para harapin siya. Thick eyebrows, captivating brown eyes, pointed nose, red kissable lips and sharp jawlines. I'm not gonna lie, he's handsome.
Bago pa ako malibang ay bumalik ako agad sa reyalidad at napansin ko na nakatingin siya sa palaruan kung saan naglalaro ang mga anak ko.
Wait?! Nakatingin ba siya sa mga anak ko? No. That's not it, maybe nakatingin siya sa kung anong nasa likod nila. Yes, that's it.
"Felix! You're here? What a coincidence," naiilang kong wika, hindi ko alam kung bakit pero masama ang pakiramdam ko at ako ay kinakabahan, "ano ba ang gusto mong pag-usapan? "
Nanatili lang siyang nakatingin sa gawi ng aking mga anak at makalipas ang ilang sandali ay tumingin siya sa aking mga mata gamit ang kaniyang magandang mata, he look so cold but his eyes shows a lot of emotions. Para ako nitong inaakit, pakiramdan ko'y nasa ilalim ako ng isang hipnotismo.

"Let's get married, Tiana."
"Get married? Sur---what?!" Umaatras kong wika. Marriage? Sira ba siya?! "ano naman ang pumasok na ideya sa malaki at mataba mong utak at naisip mo akong yayain ng kasal? Gago ka ba? Sira ulo."
Narinig ko ang malakas na pagsinghap ng aking mga kaibigan dahilan para mabaling ang atensyon ko sa kanila, hindi ko alam kung saan sila nagulat kung dahil ba sa may yumaya sa akin ng kasal o dahil nagmura ako. Hindi ko na sila pinansin at inalala, agad ko nalang hinila si Felix upang makalayo.
"Vanus and Magnus, they're my children. Right?" wika niya habang kami ay nag lalakad, hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglakad.
Nang kami ay makalayo huminto ako sa isang tagong lugar saka siya matalim na tinitignan. "Your children? Hah! Don't make me laugh. They're not yours, Felix. 'Wag kang mangangkin ng anak, Tigilan mo kami!"
Ilang minuto niya akong tinitigan saka niya inabot sa akin ang isang folder. "Open it, and then let's talk."
Tumingin ako sa kaniya at sa inabot niya, pabalik balik ang aking tingin sa kaniya at sa folder na ibinigay niya.
Mabilis ang tibok ng aking puso, nanginginig ang aking mga kamay at ako'y pinagpapawisan habang dahan-dahan kong binubuklat ang folder. Bago ko basahin ang nilalaman ay muli ko siyang tinignan saka binasa ang mga nakasulat.
Makalipas ang ilang sandali ako ay natigilan at namutla, ramdam ko ang mabilis na pag-iwan ng lakas sa aking katawan. Ako ay nanlamig at napatulala.
"The probability of paternity is 99.99 percent," wala sa sarili kong wika, hindi ito p'wede, hindi maaari.
"Anak ko sila, Tiana. Anak natin," kalmado niyang wika saka dahan-dahan siyang lumapit sa akin habang ako ay nanatiling nakatayo. Napansin niyang hindi ako gumagalaw sa aking puwesto kaya naman hinawakan niya ang aking nanginginig na kamay saka ako niyakap, "you must be shock, sa tingin mo ba ay hindi ko malalaman? Sorry to disappoint you, Love. I did."
No, Tiana. This can't be true! Hindi niya p'wede malaman! Ang mga anak ko, ang pamilya ko, ano na ang mangyayari sa atin ngayon?

Komento sa Aklat (37)

  • avatar
    Vinsent Belan Quinay

    a really good story

    3d

      0
  • avatar
    Anthony II Cortez

    The content is very good

    22d

      0
  • avatar
    PabelloJembie

    thank you

    30/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata