logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Tangled under the Stars

Tangled under the Stars

agnostystories


PROLOGUE

"Mommy, let's go to the mall!" Masayang sabi ng kapatid kong si Clea.
She's 12 and the middle child.
Nasa sasakyan na kaming pamilya matapos ang simba. My sister is with my brother in the middle seat as I stayed in the back.
"Euna, hon, where do you want to go?" ani Mommy sa'kin at sinilip ako kaya napatingin na rin ako sa kaniya.
Dumaan naman ang linya ng aking paningin sa kapatid kong masama na ang tingin sa akin ngayon. I smiled at her because I want her to know that I'll do something for her ngunit pinutol niya agad ako.
"But, Mom! I suggested sa mall na lang! Why are you always asking her?!" Iritadong ani Clea at tinignan muli ako nang masama.
"I'm asking your ate, Clea" walang pakialam na sabi ni Mommy at hinihintay lamang ang sagot ko. 
Tumikhim ako at ngumiti, kahit na panis dahil sa namumuong bigat sa aking dibdib.
"Sa mall na lang, My" sabi ko.
"Are you sure?"
Tumango ako. She's always unfair.
Kahit na ako ang lagi niyang pinapaburan, ayoko lalo na kung tungkol sa mga kapatid ko. 
Oo, ako ang pinakamatanda, kaya siguro ako ang laging pinapaburan but still, I don't want to be the one na laging tinatanong kung anong gusto. 
Gusto ko, pati ang mga kapatid ko ay pinapaburan.
Pagkarating namin sa mall ay naunang lumabas si Clea. Kasabay ko sa paglalakad ngayon si Cleo, ang bunso naming lalaki na halos kaedaran lang din ni Clea. He's 11 and the cutest among us.
"Cleo, anong bibilhin mo?" Bati ko nang makapasok kami at inakbayan ito ngunit agad niyang tinanggal ang kamay ko sa kaniya na tila'y nairita.
"Can you stop it?" He hissed. 
Ngumiti na lang ako nang hilaw ngunit naramdaman ang bahagyang pagsikip ng dibdib sa kaniyang inasal. As an elder sister, it hurts that your siblings don't like you.
"Sorry" bulong ko sa maliit na boses. He scoffed, put his air pods in his ears as his pace fasten. 
Nagpahuli na rin ako para hindi siya makasabay sa paglalakad.
I let out a long sigh. I don't want my siblings to treat me like this. I wished for them when I was 5! I wanted to have siblings so I could take care of them like an elder sibling do pero hindi ko man magawa dahil sa gyerang mayroon kami na hindi ko kailanman ginusto. 
Na kahit una pa lang ay sumuko na ako, sila ay nagpapatuloy pa rin.
I never wanted this but mom made them do this. She never let them do whatever they want! Us to be exact. Sobrang higpit niya at strikto. She wants everything to go her way.
She wants us to be the perfect children. Walang kaso sa akin na sundin ang mga gusto niya dahil sa lahat ng iyon, walang ni isa na hindi ako dinala sa mabuti. 
Ang hindi lang maganda ay ginagawa na nga niya sa akin iyon, pati ba naman sa dalawa kong kapatid na hindi makagalaw nang malaya. They're still kids! 
We went to a restaurant first to eat lunch. We sat on a 6 seater table. Nagrestroom sandali sina Mommy at Daddy, kaya nakakuha ako ng pagkakaton na makausap ang mga kapatid nang hindi nila pakiramdam na binabantayan ang bawat galaw nila. 
Katabi ko ang mga kapatid kong tahimik na nag-uusap. They were giggling. Nakaramdam ako nang kaunting pait habang pinagmamasdan sila. 
They're my siblings but I feel like we're not but I always push that thought away. Kasi kahit na ganitong may galit sila sa akin, magkakapatid pa rin kami sa dugo. At least we're still living under the same roof!
Tsaka, bilang nakatatanda, iintindihin ko sila ano mang mangyari.
Sinilip ko sila. They were playing a game.
"Uy, ano 'yan, ang cute" pakikiusyoso ko. 
Nasa tabi ko si Clea na agad akong hinawi palayo. She side-eyed me. "Umusog ka nga ro'n. Ang sikip na tuloy" reklamo niya. 
Umasog naman ako at hinawakan ang shoulder bag ko para magkaspace kaming dalawa.
Sanay na akong ganiyan sila sa akin. Naiintindihan ko naman sila kung bakit sila ganoon dahil kahit ako ay minsan na ring naiinis sa mga ginagawa ni Mommy sa akin at sa aking mga kapatid.
She's treating us way differently! She always favors me and does everything I want (that should also please her) but when it comes to my siblings, she does nothing! 
Hindi niya pinapakinggan mga hinaing, nagagalit kapag sumusuway, at kapag naman may nagagawang maganda, hindi man lang niya pinupuri o nagpapakita ng kagalakan!
And I don't understand why she's like that. Dahil ba panganay ako? Kapatid ko rin naman sila!
Pagkabalik nila Mommy ay saktong dumating na rin ang mga pagkain. My two siblings were alerted to our parent's presence.  Agad na itinabi ang nilalaro at umayos ng upo.
"Euna, what's your plan for your birthday? It's getting near" diretsong tanong sa akin ni Mommy.
Tumikhim ako at ngumiti nang maliit. "Um... just a simple celebration, My. Dinner with the family lang," Sabi ko na ikinakunot ng kaniyang noo, tila ba'y hindi sang-ayon.
"It's your 18th birthday! It should be a grand celebration coz' you'll be an adult!"
Umiling ako. "Kahit simple na lang, My. Ayoko ng malaking gastos" sabi ko at sumubo ng kinakain.
My siblings were silent as they ate but I could sense that they wanted to say something but they couldn't.
"We're not poor, Darling. Pinaghandaan namin 'to ng Daddy mo!" Mommy exclaimed. 
Napatingin ako kay Daddy na seryoso lang ding nakatingin kay Mommy bago ako balingan. 
"Don't mind the expenses, Euna" ani Daddy. 
Tahimik na lamang akong tumango at nagpatalo. Wala na akong magagawa kapag si Daddy na ang nagsalita. Kung si Mommy ay kaya ko pang kontrahin, pero si Daddy, hindi na.
"Okay po. Kayo pong bahala" sabi ko na lang.
"And we prepared something for you!" Mommy said enthusiastically which only made me nod, again. 
It's probably another surprise that will make my siblings annoyed again.
"Mommy, my birthday is also near!" Biglang nagsalita si Clea. 
Napangiti ako nang maalala. Oo nga pala!
Alangan na sinulyapan siya ni Mommy. "But it's still next month, right?"
Masayang tumango ang kapatid ko, tila ba'y gustong-gusto talaga iyon. Ngumiti ako at tumango bilang pagsang-ayon sa kaniya. She'll turn 13! Teen na siya!
"Yes, Mommy! Mag-out of the country tayo! Let's go to Italy!" 
Dahil natuwa naman ako sa gustong ibalak ng kapatid, tinignan ko si Mommy para makumbinsing pagbigyan ito. "That's right, Mom. Para naman makapagbakasyon kayo from work" sulsol ko.
Mom remained uninterested. "Hon, we can't just go out of the country anytime" 
Unti-unting naglaho ang saya ko para sa kapatid.
Mabilis ding na nasira ang mood ni Clea. "Well, it's my birthday naman! Bakit si Ate, gusto niyong paghandain nang engrande?"
"It's her 18th birthday, Clea" ani Daddy sa isang kalmadong boses.
"Well, it's my birthday, too!" Ani Clea at sinamaan ako ng tingin. 
Nag-iwas na lamang ako ng tingin dahil hindi ko rin naman kayang sumingit sa usapan. 
And I don't like where this conversation is going. 
"It's just your 13th birthday, Clea. When you turn 18 then we can go out of the country" ani Mommy.
I bit my lips when I saw how my sister looks hurt and pissed at the same time. 
"But mommy—" "Stop with your stubbornness, Clea Jean" Dad cut her that made her completely shut up. 
Napainom ang kapatid ko sa kaniyang baso at mabagal na sumubo ng pagkain. 
I felt bad for my sister. Oo at masyado pa siyang bata para sa mga ganito but if it can make her happy then, why not? Kung mapapangiti siya, bakit hindi?
This is also one of the reasons why they never liked me. When Dad speaks, no one can interfere except for me. Hindi ko man nagagawa 'yon pero kapag may gusto akong sabihin, agad na sasang-ayunan ni Daddy 'yon. Maybe because I'm the eldest. Siguro'y dahil panganay, alam nilang responsibilidad ko ang gabayan din ang mga kapatid.
Ang pinagkaiba lang ni Mommy at Daddy ay hindi gaanong strikto si Daddy. Sweet si Daddy at pinapakita niya iyon sa gestures. Si Mommy? Natatakpan yata ang mga positive traits niya ng mga pagiging istrikto niya.
We just remained silent as we eat. Ang nag-uusap lamang ay sina Mommy at Daddy na nagkokomento tungkol sa pagkain.
Clea and Cleo are my only siblings. Hindi sila magkakambal pero magkasunod lang din sila ng taon kaya rin close sila. I'm 5 years older than them. Isa rin sa rason kung bakit hindi kami ganoong kaclose dahil malayo ang aming agwat sa edad.
Pero may iba namang magkakapatid na magkakaclose, 'di ba? Gusto ko iyong ganoon. Gusto kong maramdaman iyon saya ng magkakasundong magkakapatid kaso laging may hadlang. 
They hate me. I won't sugarcoat that even if I don't really like it.
I'm not blind to seeing that they don't like me. But still, I understand. That's why I'm doing all my best just to make them do whatever they want even in the smallest way possible. 
Dahil sa paraang iyon, maappreciate nila ako at makakasundo.
Pero paano kaming magiging maayos kung lagi na lang kinokontra ni Mommy ang gusto nila at sa akin ay hindi? They never had the freedom they wanted. That's why I'm doing it for them.
"Euna, hon, aalis na kami" rinig kong tawag ni Mommy sa ibaba. 
Galing sa sala sa ikalawang palapag ng aming bahay, nagtungo ako sa kanila. Nang makalapit ay  humalik ako sa pisngi niya at kay Daddy. 
"Sige po. Wait at tawagin ko po sila Clea" sabi ko ngunit bago pa ako makaalis ay umiling na ito.
"No need, nagpaalam na ako. Bantayan mo ang mga kapatid mo. Bawal silang lumabas" anito sa striktong boses. 
My shoulder loosened but I still smiled to hide the sadness that was creeping in me.
Pagkaalis nila ay binagsak ko ang sarili sa sofa at bumuga ng hininga. Kahit nasisilaw sa pagniningning ng crystal raindrop chandelier sa kisame, I let my mind wander. 
Are they just being protective or not? Kasi pakiramdam ko ay hindi. Pakiramdam ko ay gusto nilang tago kami sa lahat. Gusto nila kaming makulong sa mundong magulang lang ang nasusunod. 
"Wala na ba sila mommy?" 
Napalingon ako kay Clea na kabababa ng engrandeng hagdan at mukhang aalis dahil bihis na bihis siya.
She's wearing a plaid skirt and cropped top pink sweater paired with white ankle boots. I smiled at her. I really admire her fashion style. Hindi mo siya aakalaing 12 years old palang dahil maayos at maganda siya manamit. She knows how to style herself and carry herself in the way she wants. That's what happens when she has the freedom to do whatever she wants.
"You look good" puri ko na ikinangiti niya at pinasadahan ng ngiti ang suot. 
My eyes beamed. She smiled!
"I know, right!" she exclaimed and giggled. 
Lalong lumawak ang ngiti ko sa tuwa na kinakausapn niya ako. But when she saw me, her smile fades, dragging mine down.
Damn it, I thought we were having a progression!
"I'm going out. Don't tell Mom" she muttered when I went to her. 
I don't want to ruin her mood pero siya rin ang mapapagalitan. At kahit ipagtanggol ko siya, siya ang makikitang gumawa ng mali ni Mommy.
"Mapapagalitan ka..." pigil ko. She scoffed and rolled her eyes at me.
"As if you care..." she muttered. Akmang aalis ulit kaya hinawakan ko ang kaniyang braso. Agad niya ring hinawi ang kamay ko at irita na akong tinignan.
"Can you stop pretending?! It doesn't suit you!" bulyaw niya. 
My eyes widened from her sudden outburst and got hurt about it. Inalis ko rin naman agad ang gulat ko nang mapansin naiinis siya lalo.
"No, I'm not like that Clea. I care for you, of course. You're my sister" mahinahon kong sabi. 
Hindi magandang sabayan ko rin siya dahil magkakagulo at ayoko ring madagdagan lalo ang pagkaayaw niya sa akin.
Hindi pa rin siya nagpapigil at hinawakan nang mahigpit ang shoulder bag. "Sister my ass, I don't care! I'm going out!"
Hindi ko na siya napigilan pa at napatalon pa nang bahagya nang malakas niyang isinara ang pinto. Kahit ang kasambahay na malapit ay nagulat sa kaniyang ginawa pero hindi na lamang nagsalita.
"Take care" bulong ko sa sarili.
Maybe, when they grow up, they'll understand that we're the ones who'll be with each other 'till the end. Hangga't bata pa sila, iintindihin ko na lang. Tutal, I'm the one matured here. 
As what I said, they're still kids.
I went upstairs to check on Cleo. I knocked on his door thrice and wait. Nang makaraan ang ilang segundo ay kumatok ulit ako. Walang tumugon ngunit nang kakatok ulit ako ay may sumigaw. Nabahala agad ako at marahas na binuksan ang pinto para makapasok.
"Ayos ka lang?!" taranta kong sabi at nilapitan ang kapatid. 
He removed his headphone and glared at me. Natigilan ako at napalunok dahil mali yata ang ginawa ko.
"Did I give you permission to come in?! Ayan, natalo tuloy!" inis niyang binato ang headphone niya sa harap na ikinaigtag ko. I bit my lip and sighed. Problemado na siyang nakahawak sa ulo.
"Hey, I-i'm sorry, I thought something happened..." I said in a small voice. Padabog siyang tumayo at sinamaan lalo ako ng tingin.
"Cut the shit you're doing. It's not working. We still hate you" malamig niyang sabi bago lumabas ng kaniyang kwarto at iniwan ako mag-isa roon.
Bumagsak ang balikat ko at nagpasiyang pumasok na lang din sa kwarto ko. I hugged my pillow and felt my eyes swell up.
Lagi ko namang ginagawa ang lahat ng makakaya ko para lang maging okay kami. Pero bakit patagal nang patagal, pahirap nang pahirap? Bakit ang hirap nilang paamuhin.
Ngayon ka pa ba susuko, Euna Jane? Hindi ka pa ba nasanay?
Hindi. Kahit kailan ay hindi ko naisipang sumuko. Kahit kailan ay hindi iyon sumagi sa isip ko dahil ipinangako ko sa sarili ko na titiisin ko sila. Na alam kong magiging maayos din ang pakikitungo nila sa akin. Maiintindihan din nila ako gaya nang pag-intindi ko sa kanila.
That's my only wish for now.
"Make a wish!" si Mommy. 
The smile on my lips didn't leave as I closed my eyes and held my hands together as I made a wish.
I want my siblings to see me as someone they can depend on. Someone they can trust.
I blew the candle and smiled brightly at the crowd. They clapped in applause.
The view in front of me is a combination of black, beige, and rose gold. Sparkling lights from the chandeliers and tables that have crystal lights complement the beige and black furniture. The decorations are elegant and sophisticated. Para akong nasa palasyo at ako'y isang prinsesa na napapaligiran ng mga palamuti.
Hindi ko pinangarap na magkaganitong birthday celebration. Ang magka-ayos lang kaming magkakapatid ay ayos na sa akin. Na simpleng mga bagay ay malaki ang halaga sa akin. Pero hindi na rin ako tumangging magkaroon ng ganitong enggrandeng selebrasyon dahil may ibang taong gustong makaranas nito pero hindi natutupad. Kaya sino ako para umangal sa oportunidad na ibinibigay na sa akin?
Isa rin ito sa pinakamasayang araw para sa akin. Kahit na hindi nagsingiti at yumakap, sobrang saya ko dahil binati ako ng mga kapatid ko. May maliliit na ngiti sa labi kahit hindi umaabot sa mata.
Hirap man gumalaw dahil sa mabigat at malaking gown, bumaba ako ng stage para lapitan ang mga bisita. Una kong pinuntahan ang mga relatives ko sa father side. They greeted me and compliment my look today. I thanked them and told them to enjoy the food. Sunod ay ang relatives ko sa mother side. Kalaunan ay ang high school classmates and friends ko. They even teased me that I can now drink because I'm already an adult. I told that there will be an after party later at huwag munang umuwi.
Nakakapagod libutan ang buong hall para makipagpicture sa mga bisita pero masaya naman. Maraming mga inimbita si Mommy na kasosyo niya sa business namin at ang iba'y nirereto pa ako sa kanilang mga anak. Kasama ko si Mommy sa pakikipagkilala sa mga iyon dahil kaunti lang ang pamilyar sakin.
"She's your first born, right?" anang matandang business man kay Mommy at hinarap ako. Ngumiti naman ako at nagpakilala.
"Yes, Mr. Tecson! She's the class valedictorian back in highschool!" pagmamalaki ni Mommy.
Napapikit ako at natatawang umiling kay Mommy. Hindi naman sa minamasama ko ang pagiging proud sa akin ni Mommy pero hindi naman kailangan niya iyon sabihin tuwing ipapakilala ako eh. 
"Oh! Beauty and brain! I see." anito at bumaling sa katabi nitong binata. Anak niya yata.
"My son, Jurell." pagpapakilala nito sa kaniyang anak. 
Agad naman itong tumayo at nagpakilala sa akin. Tinanggap ko ang kaniyang kamay at ngumiti. Nagpakilala na rin.
"She doesn't have a boyfriend, Rosanna?" anang babae na sa tingin ko'y asawa ni Mr. Tecson.
"No boyfriend since birth!" ani Mommy. Namula agad ako sa kahihiyan. Isa rin ang pagmamalaki ni Mommy na wala pa akong nagiging boyfriend since birth!
"My..." awat ko kay mommy na ngumiti lang sa akin.
"Let's go on stage. I have an announcement" aniya. Sumunod naman ako sa kaniya pagkatapos magpaalam kina Mr. Tecson.
Mommy is now holding a microphone and she's checking if it's working. "Good evening everyone, did you enjoy the food? Of course, you did. I can see all the smiles in your face" aniya na ikinatawa ng mga tao. 
I glanced at Daddy who was already shaking his head and looking amused at Mommy. I smiled when our eyes met.
"I'm here to thank you all for attending my firstborn's first step in legality. To my business partners, I hope you understand the reason why I don't accept your offer for your sons to marry my daughter." nakangiti pa ring sabi ni Mommy.
Unti-unting nawala ang ngisi ko at nangibabaw ang maaaring pinapahiwatig ni Mommy.
Alam ko namang naging tradisyon na ng mga mayayamang pamilya ang pagtatali ng kanilang mga anak sa anak ng kanilang mga business partners. For wider connection and merging of companies pero hindi kailanman iyon sumagi sa aking isip. Na magagawa sa amin iyon nila Mommy lalo na't ayaw ni Daddy sa mga ganoong bagay.
"I wanted to announce that the Eleazar Trading Company and Alfanta Shipping Company will soon merge!"
Ang nakakabinging palakpakan at singhapan ng mga tao ang nangibabaw. Para naman akong nalunod sa matinding gulat na pakiramdam ko ay mawawalan ako ng malay. My breath hitched.
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa pagkagulat. Hindi ako tanga para hindi malaman ang ibig sabihin nito pero hindi ko inaasahang magagawa ito ng aking ina lalo na't ayaw na ayaw ni Daddy sa ganitong mga usapan.
If this is the surprise that they're talking then they indeed succeeded but I don't like it!
Hindi agad ako nakasagot kay Mommy na tinatawag na pala ako dahil sa pagkagulantang. Pakiramdam ko, tumigil lang ang mundo ko.
"The Alfantas aren't here because of a certain reason but Mr. Roger Alfanta is here with us!" patuloy ni Mommy at hindi na napansin ang hindi ko pagsang-ayon sa gustong mangyari.
Naiiyak akong humawak sa kaniyang braso. Nakangiti pa rin siya ngunit kumunot ang noo nang mapansin ang itsura ko. I was aleady begging.
"Mom, No...." Halos mapaos kong sabi. 
Istrikto akong inilingan ni Mommy at nakangiting bumalik ang tingin sa paligid. Iniharap ako kay Mr. Roger Alfanta na may maliit na ngiti sa labi.
"Crane would be pleased..." anito.
No! Hindi mangyayari ang gusto nila! Never in my life!
Pumatak na ang mga luha ko na kanina pa gustong bumagsak. Nilibot ko ang tingin sa paligid ngunit wala akong maaninag dahil sa panglalabo ng mata. Nilingon ko nang huling beses si Daddy na napansin ang iyak ko. Umawang ang labi nito at akmang aakyat na rin ng stage nang mabilis akong umiling at bumaba ng stage.
Ayaw ko nang ganito! Just because I turned 18 doesn't mean I can be married to anyone! Or worse, someone I don't even know!

Komento sa Aklat (84)

  • avatar
    Thea Labial

    beautiful

    23d

      0
  • avatar
    NaborMark Christian

    ilove this chapter

    19/07

      0
  • avatar
    SidutanDanlyn

    hi Tanong lang po paano pOH mag weddrow Dito sa novelah

    17/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata