logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 02 - Hindi Bagay

Nananaginip ba ako?!
He wants me to be his... what is that again?
"Ano?"
He leaned closer at bumulong sa tainga ko. "I said, I want you to be my girlfriend."
Girlfriend?! Agad agad?! Hindi ba dapat manligaw muna? Hindi ba dapat tanungin niya muna ako ng 'May I court you?' 'Di ba? 'Di ba?
Pero, crush ko itong nasa harap ko, man! Mahirap tanggihan 'to!
"G-Girl... friend? A-are you serious?"
Tumango siya. "Oo. Susunduin kita mamaya pagkatapos ng klase. We'll go on a date." Tumayo na siya at lumabas na ng cafeteria.
OH. MY. GOSH.
Totoo ba talaga ito? Akala ko bad guy siya kasi nga 'di ba tinawanan niya ako? Nagbalik na naman ang galit ko nang maalala ko 'yong nakakahiyang pangyayaring iyon. Minsan bipolar ako kaya bear with me.
Should I really hate him? No, I shouldn't. Hindi ako tatanggi sa grasya. Boyfriend ko na siya.
Tama! Boyfriend ko na siya! I never had a boyfriend before. This is really a dream come true! Ang suwerte ko! Ang malas ng mga fan girls niya!
Nawala ang pagkakatulala ko nang tumunog ang panira ng moment na bell ng school. Kailangan ko nang bumalik sa klase.
Lumabas na ako sa cafeteria.
Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad sa hallway pabalik ng classroom nang may maalala ako.
Nakalimutan ko nga pala iyong bag ko sa cafeteria!
Umikot ako para bumalik sa cafeteria nang may makabungguan akong lalaki.
"Sorry," aniya.
"Okay lang," sagot ko nang hindi nakatingin sa kaniya at nagpatuloy sa paglalakad.
***
Hindi ko maitago ang ngiti ko nang tumunog ang bell. Hindi na panira ang bell dahil uwian na. Habang gumagawa nga ako ng project ko, parang may kumikiliti sa tiyan ko. Bumibilis naman ang tibok ng puso ko sa tuwing naaalala ko 'yong date. Sobrang saya ko dahil gusto ako ng crush ko! Excited na ako sa date namin!
Lumabas ako ng classroom at hinintay siya sa tapat ng pinto.
"Hey, Nasha."
Tumingin ako sa nagsalita. Si Tristan. Hindi ko na pala siya kailangang hintayin dahil siya na mismo ang naghintay sa akin. At alam niya ang pangalan ko! Stalker ko pala siya?
"Let's go?" He offered his hand.
"O-oo." Tinanggap ko na 'yon.
Ang lambot ng kamay niya!
Naglakad kami palabas ng building habang magka-holding hands.
I think, I'm blushing hard! Anime na naman ang peg ko.
Pinagtitinginan kami ng mga students dito lalo na ang mga girls. They were glaring at me! Sa tingin ko, sila ang mga malas na fan girls ni Tristan! Naku! Patay ako nito.
"Get in," sabi niya nang makarating kami sa kotse niya sa parking area.
May kotse na siya in the age of 16?! CEO ba ang parents niya?
Pinagbuksan niya ako ng pinto. Napaka-gentleman naman this boy. Sumakay na ako at sinarado naman niya ang pinto. Umikot siya at sumakay na rin.
First time ko lang makasakay sa kotse ng guy na crush ko!
Pinaandar na niya ang kotse at nag-simula nang mag-driver.
First time kong makikipag-date! Excited na talaga ako! Sana maging memorable ang aming first date.
***
"We're here."
Bumaba na siya. Pinagbuksan na naman niya ako ng pinto at bumaba na rin.
Nilibot ko ang aking paningin. Nasa park kami.
Akala ko sa fancy restaurant kami magda-date. Nagugutom na kasi ako e. Pero okay na 'to basta't maging memorable lang ang date namin kahit na sobrang gutom na ako!
Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at hinila ako. Intertwined pa!
Naku, Nasha! 'Wag ka nang magulat. Masanay ka na kasi boyfriend mo na ang crush mong batang heartthrob ng school niyo! Oh 'di ba? Bongga? Be proud!
Naglibot-libot kami habang nagku-kuwentuhan. Sa loob-loob ko, sobrang kinikilig na ako! Hindi ko na pinapansin ang kanina pang kumakalam na sikmura ko.
"May first kiss ka na?"
bigla niyang tanong out of the blue.
Napahinto ako sa paglalakad at nanlalaki ang mga matang napatingin sa kaniya.
First kiss? Bakit niya tinatanong? May balak ba siyang halikan ako?! OMG! I'm not ready!
"Oh? Bakit? May first kiss ka na?" tanong niya at nilapitan ako.
"W-wala pa. NFKSB kaya ako."
Feeling ko, sobra na akong nagbu-blush ngayon! Please naman, 'wag ito ang topic!
"NFKSB?"
"No First Kiss Since Birth."
"Oh. Kahit parents mo, hindi ka pa nahahalikan?"
"Nahalikan na ako ng parents ko, pero s'yempre sa cheeks lang. B-bakit mo ba tinatanong?"
Hahalikan niya ba ako kaya niya ako tinatanong? Ang assumera ko talaga!
Ngumiti siya. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa 'kin kaya nai-atras ko ang ulo ko.
Tristan! Ano bang ginagawa mo?!
"Gusto mo bang ako ang maging first kiss mo?" bulong niya sabay smirk.
Napalunok ako.
Humakbang siya at napaatras ako. Napatingin naman ako sa paligid namin. Kaunti lang ang mga tao rito kaya walang masiyadong nakakapansin sa amin.
Feeling ko sasabog na ako sa sobrang lakas ng tibok ni heart!
Hindi pa rin siya huminto sa paghakbang at ganoon din ako. Natigil ako sa pag-atras nang hawakan niya ang magkabilang balikat ko. Nilapit niya ang mukha niya sa 'kin kaya wala na akong nagawa kun'di mariing pumikit. Nararamdaman ko na ang mainit niyang hininga malapit sa ilong ko.
Ang bango ng hininga niya. Ayan na! Malapit na! Malapit na! Hanggang sa may marinig kaming tunog ng isang maliit at matigas na bagay na nahulog sa sementadong sahig.
Ano 'yon?! Parang may nambato?
Dumilat na ako. Nakalayo na ang mukha ni Tristan sa 'kin. Nakatingin siya sa mga paa niya na parang may hinahanap.
"Tristan? Anong nangyari?"
Tiningnan niya ako at ang paligid. "Parang may nambato e. Tinamaan pa ako sa paa. Buti na lang maliit 'yong bato."
Sino naman kaya ang nambato? Wala namang taong malapit sa 'min? Imposible namang lumipad nang kusa 'yong bato?
Pero infairness ha, napigilin no'n ang kiss dapat namin ni Tristan. Hindi pa talaga kasi ako handa sa mga kiss na 'yan kahit crush ko ang hahalik sa 'kin. Aywan ko, parang natatakot akong mahalikan lalo na sa lips.
Tumunog ang tiyan ko. Kumakalam na ang sikmura ko. Napatingin sa akin si Tristan at nginitian ako.
"Gutom ka na 'no? Tara, kain na tayo."
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papuntang kainan.
Bakit gan'on? Bakit bumait siya? Eh 'di ba nga tinawanan niya ako no'n? Bipolar ba itong lalaking 'to? Minsan mabait, minsan hindi?
Sa isang Chinese fast food restaurant kami kumain. Siopao ang kinain namin. Favorite ko ang siopao lalo na ang palaman nito.
Pagkatapos naming kumain, sumakay na kami ng kotse para ihatid ako. Itinuro ko ang direksyon ng bahay namin.
Inihinto niya ang sasakyan sa tapat ng gate namin nang makarating na kami. Magtatakip-silim na, 6pm na kasi.
"Salamat sa paghatid," mahina kong sabi at binuksan ang pinto.
Lalabas na sana ako ng sasakyan pero hindi ako makaalis kasi parang may humihila sa 'kin. Holo! Bakit hindi ako makaalis?
Narinig ko namang tumawa si Tristan kaya nilingon ko na.
"You forgot to remove your seat belt, Babe," sabi niyang natatawa.
Napatingin naman ako sa sarili ko. Nakalimutan ko palang tanggalin ang seat belt kaya hindi ako makalabas! Ang tanga ko! Nakakahiya tuloy. Lutang kasi ang isip ko.
Pero teka...
Babe? As in B-A-B-E? BABE?
He called me babe?! Ito ba ang endearment namin?! Ang baboy naman.
Pero, OMG! Ako'y kinikilig!
"Sorry!" Awkward akong tumawa.
Tinanggal ko na ang seatbelt at bababa na sana pero hinila niya ako papalapit sa kaniya. Nagulat ako nang halikan niya ako sa forehead.
He chuckled. "Namumula ka na, oy," aniya at sinundot ang pisngi ko.
"A-ah s-sige, b-bababa na ako," nauutal kong sabi at tuluyan nang bumaba ng sasakyan.
Grabe! Sobrang lakas na ng kalabog ng puso ko at parang gusto nang lumabas! Nagsawa na 'ata sa dibdib ko at gustong maglakwatsa.
Pinaandar na niya ang sasakyan at umalis. Pinanood ko muna siyang umalis hanggang sa mawala siya sa aking paningin. Humakbang ako papasok sa gate pero agad akong napahinto nang mabangga ang mukha ko sa gate.
Napahawak ako sa noo ko. Ano ba naman oh? Napaka-engot ko talaga! Nakalimutan ko pala buksan ang gate bago pumasok. Nagiging makakalimutin na ako!
Si Tristan naman kasi.
***
Five days na kaming mag boyfriend-girlfriend ni Tristan. Hatid-sundo nga niya ako e. Sabay rin kaming naglu-lunch. Tuwing dismissal, lagi kaming nagda-date. Ang saya-saya ko! First time ko lang magkaroon ng boyfriend! At sa crush ko pa! Kaso, nakatatakot lang 'yong mga fan girls niya. Ang sasama ng mga tingin e. Parang hahagisan ako ng patalim.
"Nasha!!!"
Napahinto ako sa pagmumuni-muni nang pumasok sa classroom namin si Jannise. Umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko.
Ngayon ko lang ulit makakausap si Jannise. Hindi na kami masiyadong nagkakasama dahil lagi ko nang kasama si Tristan.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na kayo na pala ng crush mo?! How does it happened? Nanligaw ba siya?" Nanlalaki ang mga mata niya habang tinatanong ako.
"Hindi siya nanligaw. Lumapit lang siya sa 'kin at sinabing gusto raw niya akong maging girlfriend."
"O.M.G. Haba ng hair mo, Nash! Akalain mo 'yon? Your first boyfriend is a heartthrob prince? OMG talaga! Dahil sa may boyfriend ka na, dapat ka nang mag-ayos."
Akala ko ay pagagalitan niya ako dahil hindi ako nagpaligaw.
"Eh maayos naman na ako ah?" katwiran ko.
"It's not what I meant. Dapat maglagay ka na ng make-up kahit light lang. At dapat tanggalin mo na iyang salamin mo, mag contact lense ka. Maganda ka kaya kung nag-aayos ka lang ng sarili mo."
"Ha? Ayo'ko nga! Alam mo namang ayaw na ayaw kong maglagay ng make-up 'di ba? Pati ayo'kong mag-contact lense. Baka mapano pa ang mga mata ko."
"Hay naku! Aywan ko sa 'yo. Bahala ka kung ayaw mo sa mga payo ko," she said and rolled her eyes.
Tumunog na ang bell. Lunch break na.
"Let's go," aniya at hinila na ako palabas ng classroom.
Bakit kaya hindi ako pinuntahan ni Tristan ngayon? Lagi kasi niya akong pinupuntahan dito kaya hindi kami nagkakasabay ni Jannise.
Habang naglalakad kami patungong cafeteria, pinagtitinginan ako ng mga babae. Bakit naman kaya? Hindi ko naman kasama si Tristan ah?
Lumapit sa 'kin si Jannise at bumulong. "Nash, can't you hear them? Pinag-uusapan ka nila."
Napatingin ako sa kaniya. Ang talas naman ng pandinig nito. Tinalasan ko na rin ang tainga ko para pakinggan kung ano ang pinag-uusapan nila.
"Ang landi ng babaeng 'yan ha. Patulan ba naman ang mas bata sa kaniya?" sabi ng isang sophomore.
Ouch naman! Malandi raw ako? Kailan pa?
"Mang-aagaw siya! Akin lang si Tristan!" sabi naman ng ka-batchmate niya 'ata.
Ano daw? Ako? Mang-aagaw? Bakit, sila ba? Hindi ko siya inagaw 'no, at lalong wala akong inagaw sa 'yo. Kusa siyang lumapit sa 'kin.
"Hindi sila bagay! Tingnan mo nga iyang girl. She's a nerd at 'di siya kagandahan."
Okay. Enough. Alam kong 'di naman talaga kami bagay.
Hinila ko si Jannise at naglakad nang mabilis. Ayo'ko nang makinig sa mga iba pang sasabihin nilang mga masasakit na salita.
Sobra na silang mapanakit!
Pagpasok pa lang namin ng cafeteria, nahagip na ng mga mata ko si Tristan. At may kasama siya— it's Cindy.
Kumirot naman ang puso ko. Para itong pinipiga. Nag-uusap lang naman silang dalawa, pero nakakapang-selos talaga!
"Huy! Okay ka lang?" tanong niya habang iwinawagayway ang isang kamay sa harap ng mukha ko.
Natauhan naman ako. Nakatayo lang kami. "O-Oo. Okay lang ako," sagot ko at hinila na siya patungo sa bakanteng table.
"Bakit nga pala hindi mo kasama si... Cindy ngayon?" bigla ko na lang itong natanong.
Nagkibit-balikat siya at tumayo. "May kasama raw siya e. Order lang ako ng lunch natin." Umalis na siya para makapila.
Napatingin ulit ako sa direksyon nina Tristan at Cindy. Parang binubugbog na ang puso ko sa nakikita ko ngayon.
Nagtatawanan sila at maya't maya ay naghaharutan na. Sobrang nagseselos na ako! Nakaka-insecure pa ang beauty ni Cindy. Hindi maipagkakaila na mas maganda siya sa 'kin.
Nagulat ako nang napatingin sa direksyon ko si Cindy at nag-smirk.
Kinabahan naman ako sa smirk niya. Parang balak niyang agawin si Tristan? Hindi pa nga kami umaabot ng 1 week, may aagaw na? Puwede bang pagkatapos na lang ng 1 month?
Mas ikinagulat ko nang magsalita siya at dinig ko pa iyon.
"You know what, Tristan? Hindi kayo bagay ni Pineda."
Alam kong ako ang tinutukoy niya. Ako lang naman ang Pineda na girlfriend ni Tristan.
"Yeah, I know."
Napanganga ako sa sinagot niya. So, inaamin niyang hindi kami bagay? Na masiyado siyang guwapo para sa 'kin?
"Kung gano'n, bakit mo siya g-in-irlfriend?"
Hindi ko na narinig ang sagot niya dahil pabulong na ito.
Ano ba 'yan! Gusto kong marinig ang sagot niya!
Ano kaya ang sagot niya? Masasaktan ba ako kapag marinig ko 'yon?

Komento sa Aklat (72)

  • avatar
    Pancitcanton

    highly recommended. The construction of the sentences are well written in tagalog keep it up!

    22/04/2022

      3
  • avatar
    Waggerman Jade

    I love the story so much...❤️❤️❤️

    09/08

      0
  • avatar
    GanzonKarl edrian

    good

    02/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata