My mind was in chaos after what I've learned. Hindi ko alam kung anong gagawin ko and I wasn't thinking straight. All this time, ako pala ang sampid sa bahay na 'to. For a moment, parang gusto ko nalang mawala sa mundong 'to. The pain was too much to bear at hindi ko alam kung kakayanin ko pa kung may susunod pa. Walang ampat sa pagtulo ang mga luha ko. The tears weren't even enough to lessen the pain I'm feeling right now. It's excruciating and made me feel numb at the same. Kung talagang ampon lang ako, wala na akong dahilan para tumira pa sa bahay na 'to. Helping myself up, I stared at the mansion and past memories with my Mom flowed into my mind. Pinunasan ko ang luha sa mata ko at naglakad palayo. I decided to talk to Dad. I need to hear the truth from him. Pumara ako ng taxi at kaagad na sumakay dito. Puno ng pangamba at lungkot ang nararamdaman ko ngayon. I don't even know if I can handle it. Lalo na kung si Dad na ang magsasabi sa akin. May magbabago ba ulit? "Ma'am, nandito na po tayo," paalala ng taxi driver kaya naputol ang pag iisip ko. Kumuha ako ng pera sa bulsa ko at iniabot 'yon sa kanya. "Salamat po," sabi ko bago bumaba. I sighed heavily and walked towards the company. Well, I just wished he's not busy at this time? "Ma'am, napabisita po kayo?" tanong sa akin ni Mang Tonio na nagbabantay sa labas. Kilala na niya ako dahil nakapunta na rin ako naman dito. Especially when Mom was still alive. Isinasama niya ako sa paghatid ng pagkain kay Daddy and we'll spend our time together in his office. "Hindi niyo po ba nakitang umalis si Dad ngayon?" tanong ko. I just wanted to make sure that I'm not wasting my time here. "Hindi naman siya umalis, Ma'am. Kakarating lang din ng isang kliyente niya kaya sigurado ako nasa meeting siya ngayon," sagot niya. "Gano'n po ba? Sige po, salamat." Pumasok na ako sa loob at sumakay ng elevator. I pushed the close button pero hindi pa iyon tuluyang nakakasara ay may biglang tumakbo papasok. He bumped on me so I almost stumbled down pero agad niya naman ako nahawakan sa braso. "Hala, sorry Miss!" Tumango lang ako sa kanya at humalukipkip sa gilid. I lean my head on the wall and close my eyes. Saka lang ako nagmulat nang maramdaman kong tumigil ang elevator at nagsilabasan na ang iba. Just when the space went wider, I felt someone staring at me kaya umangat ako ng tingin at nahuli kong nakatitig sa akin ang lalaking nahuling pumasok kanina. He looks familiar to me. His facial features remind me of someone I knew pero kaagad 'yon naalis sa isipan ko nang magbukas ang elevator kung nasaan ang office ni Dad. Kaagad akong lumabas sa elevator at nakita ko rin na lumabas 'yong lalaki. Kumunot ang noo ko at bahagyang sumulyap sa kanya. Is he stalking me? Dahil sa pag aalalang sinusundan niya ako ay mabilis akong naglakad. Pagkadating ko sa harap ng office ni Dad ay pumasok ako doon at sinarado ang pinto. Nang nasa loob na ako ay inikot ako ang paningin sa buong opisina. I saw our family picture on his office table. It was our photo with my Mom. Slowly, tears formed into the corner of my eyes. Is it really true, Mom? I felt my heart ache in pain by the thought of it. Nanghihina akong umupo sa sofa at pinunasan ang luha ko. Sakto namang nagbukas ang pintuan at nakita ko doon si Daddy na may kasamang lalaki. I blinked my eyes a few times when I recognized the guy he's with. Siya 'yong lalaki sa elevator kanina. Don't tell me nagtatrabaho siya dito? Tiningnan ko ang suot niya at napansin na hindi naman pang opisina 'yon kaya hindi ko naisip na baka empleyado siya dito. Nawala lang ang atensiyon ko sa kanya nang marinig ko ang pagtikhim ni Dad kaya tumingin ako sa kanya. "What are you doing here, Claire?" He asked. Nag iwas ako ng tingin sa kanya at tumungo. "I just wanted to ask you something, Dad." "About what? May meeting pa ako," sabi niya. Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko sa sinabi niya. I bitterly smiled and lifted my face to let him see how hard it is for me. Bakit ba ako nalang palagi ang nasasaktan? Gumuhit ang pag aalala sa mata niya pero hindi ko na pinansin 'yon. Nakita kong may binulong siya sa lalaking kasama niya at tumango naman ito pagkatapos ay naglakad palabas. He walked towards me but I raised my hand to stop him. Nagtataka niya akong tiningnan nang unti-unting tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. I'm tired of crying but I can't help it. "Is it true, Dad?" I stuttered. "Ang alin, Claire?" he nervously asked. "Tita Ysabelle already told me the truth. Please, dad…totoo bang ampon niyo lang ako ni Mom. N-Na hindi niyo ako tunay na anak?" "Claire… " he called and reached out for my hand but I immediately hid it behind me. "D-Dad you just have to answer yes or no," I said. I was acting tough outside but I'm so broken and exhausted inside. 'yong mga dahilan kung bakit palaging pinipili ni Daddy sa Elisse, ngayon naiintindihan ko. Because I wasn't even her daughter at all. I don't have his blood running on my veins. "Of course not… anak ka namin ng Mommy mo, Claire. K-Kahit hindi ka naman galing sa amin, mahal pa rin kita. Walang magbabago do'n. " Umiling ako habang patuloy na bumabagsak ang mga luha sa mata ko. "You're lying! Sinasabi niyo lang 'yan kase alam ko na yong totoo 'diba? You're just trying to lessen the pain I'm feeling right now!" "That's not true, Claire! Simula nang dumating ka sa buhay namin ng Mommy mo tinuring na kitang tunay na anak ko. At kahit pa hindi ka galing sa amin minahal kita—" "Then why?! Why am I hurting like this Dad? Gaano ba ako kahirap mahalin at pakiramdam ko wala lang ako sa inyo?! It's always Elisse. Siya na yong palaging tama. Pero, Dad… paano naman ako?" sumbat ko sa kanya. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luhang nanggagaling sa mata ko but I didn't stopped. "Claire, it's not like that. I just wanted to protect you, para hindi ka na saktan ng Tita Ysabelle mo," he reasoned out. I looked at him in disbelief. "So, you knew? Alam mo kung anong ginagawa nila sa akin but you just choose to hurt me? Gano'n ba, Dad?" "No. It's not like that, Claire." "Pwede ba, Dad. Just get to the fact that you're choosing them over me. Sila na yong pamilya mo ngayon diba?" Hindi siya sumagot at nanatiling nakatingin sa akin. I looked away and spoke. "Fine. From now on, kalimutan niyo na anak niyo ako." Iyon ang huli kong sinabi bago ko pinunasan ang luha sa mata ko at tumalikod sa kanya. I walked towards the door and went out of his office. Kahit na paulit-ulit niya akong tinawag ay hindi na ako lumingon pa. Diretso akong naglakad palabas ng building at pagkatapos ay pumara ng taxi. I don't want to go home yet kaya tinawag ko si Alexa. But she didn't answer. I dialed her number again but still, she wasn't able to pick up. I heave a sigh. "Mukhang wala na akong choice," I whisphered. Nagbook ako sa hotel na malapit at doon ako nagpahatid. Buong araw akong nagmukmok sa room ko at nag isip-isip. I thought I needed to work so I could finally live on my own. Hindi ko na kailangan pang makisama sa kanila. Kinagabihan, habang kumakain ako ay biglang tumunog ang phone ko. I saw my father's name on the screen kaya hindi ko yon sinagot. Hanggang sa naging dalawa, tatlo, apat at sa pang limang tawag ay walang gana ko 'yong sinagot. "What?" "Hoy! Saraiah Claire! Nasaang lupalop ka ba ngayon?" Nagtaka ako nang marinig ang boses ni Alexa mula sa kabilang linya kaya sinilip ko ang screen ng phone ko at nakitang siya nga 'yon. "I'm at a hotel?" "Saan ba? Tumawag sa akin si Tito hinahanap ka, gaga!" she sneered. Nagpakawala ako ng buntong hininga at hindi naman 'yon nakatakas sa pandinig niya. "Ano 'yan? Nag away na naman ba kayo ng kapatid mo?" tanong nito. Umiling ako na para bang nasa harap ko lang siya. "Hindi naman. Gusto ko lang makapag isip-isip." "Sus! Huwag mo nga akong niloloko. Kilala ko na buong pagkatao mo. Sa akin ka pa ba maglilihim? Nasaan ka ba? Pupuntahan kita. Text mo sa akin address!" sabi niya at pagkatapos ay ibinaba ang tawag. I texted her the address kase alam kong hindi ko na naman siya mapipigilan puntahan ako. And I felt like I needed someone to talk to. Kahalating oras lang ang inantay ko at narinig ko na may nagdoorbell sa labas. Naglakad ako palapit sa pinto at binuksan 'yon. Kaagad na bumungad sa akin ang dalawang paper bag niyang dala at nasa likod naman non ang mukha niya. Bahagya akong natawa dahil natatakpan siya noon at nagmumukha siyang pandak sa paningin ko. Siguro ay napansin niya 'yon kaya sumama ang tingin niya sa akin. Tumikhim ako at kunwaring ibinaling ang atensyon sa dala niya. "Ano ba 'to, pagkain? Tapos na ako kumain!" sabi ko. "Hindi 'yan pagkain, damit yan damit! Jusko naman, sino bang matino ang uuwi sa kanila tapos wala naman damit na pamalit," reklamo niya sa akin. Ngumisi ako at tiningnan ang laman ng paper bag na dala niya. Mayroong pajama doon, dress at underwears. Lumapit ako sa kanya at isinandal ang ulo ko sa balikat niya. "Thank you, the best ka talaga!" sabi ko. "Kadiri ka, ambaho mo. Maligo ka na nga do'n!" "Yes, Mama!" biro ko sa kanya at kumaripas ng takbo papunta sa CR. I opened the shower and bathed under the warm water. I took the opportunity to think of my decision in finding a job. Or should I really leave the house? Just thinking of it makes me want to cry again. Doon ako lumaki, e. Nando'n lahat ng masasayang alaala na hindi ko makakalimutan. But I guess, there's just really some time that you need to leave something you value the most. Pagkatapos ko maligo ay lumabas na ako sa CR at nakita mula sa sliding door na nasa balkonahe ang kaibigan ko. Nagsuklay muna ako ng buhok at pumunta sa kanya. "Anong ginagawa mo dito sa labas?" tanong ko. Nagkibit balikat siya. "Wala lang, gusto ko lang magpahangin," sagot niya. I nodded my head and looked up at the sky. The moon lights up the night together with the stars. It feels relaxing watching them together at peace while silence envelops the atmosphere around us. "So… may sasabihin ka ba sa akin?" pagbasag ni Alex sa katahimikan. I bowed down my head as I felt like I'm on the verge of crying again. "Mahirap ba akong mahalin, Lex?" tanong ko sa kanya. Nakita ko siyang umiling at lumapit sa akin. "Gusto ko lang naman maranasan maging importante ulit, e. Kahit ayon lang… sapat na sa akin 'yon. Kahit isang beses lang sana, Lex. " "Come on, you're important, Claire. Ano bang problema, you can tell me. Willing naman ako makinig," bulong niya sa akin. I bitterly smiled at her. "Pagod na pagod na ako, Lex. Para akong anino na nakatago lang sa likod ng kapatid ko. Kahit na…hindi ko naman talaga siya kapatid." "A-Anong ibig mong sabihin? Hindi anak ni Tito 'yong babaeng yon? E ang kapal pala ng mukha niya. Nasaan ba yon, naku makakatikim talaga siya sa aki—" "Lex," I cut her off. I took a breath and bravely met her eyes. Ang hirap hirap kimkimin ng sakit, nakakasakal. Kasabay nang pagtulo ng luha ko ay ang pag sabi ko sa kanya ng katotohanan sa pagkatao ko.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
nice story, waiting for the next chapter 💖
12/05/2022
0It's amazing story ..... ........
29/03
0wow😍😍
12/11/2024
0Tingnan Lahat