"I'll drive you home," he said. Napaawang ang labi ko at gulat na tumingin sa kanya. "W-What? Hindi na. I can manage naman," I answered. Kahit alam ko sa sarili kong hindi ako makakapag drive ng maayos ay tumanggi pa rin ako. Baka isipin niya easy to get ako. No! "No, I insist," pagpupumilit nito. I narrowed my eyes at him. "Hoy! Kung iniisip mo na pumapayag ako sa kasal ay nagkakamali ka. Hindi ko naman gusto—" Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay kinuha na niya sa akin ang susi ng kotse at hinila ako papasok sa loob bago pinaupo. Masama ko siyang tiningnan. "Wow, ah. Ikaw ba may ari ng kotse, ha!" Reklamo ko sa kanya. Para akong na estatwa sa nang ilapit niya ang mukha niya sa akin at matiim akong tiningnan. I feel like drowning in his eyes and sharp glance. It's like he's memorizing the features of my face. Nang makita kong bumaba ang tingin niya sa labi ko ay napahugot ako ng hininga. What the hell! Is he gonna kiss me? I slowly closed my eyes and leaned on my seat. Not until I feel a flick of his finger on my forehead. "Aray!" "What? You think I'm going to kiss you?" nakangisi nitong tanong. Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil alam kong pulang pula na ako sa kahihiyan. Para akong kamatis na sobrang hinog. "Hindi, ah! Feelingero mo naman," tanggi ko at humalukipkip. Nakakahiya ka talaaga Claire! Narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya mas lalo lang akong tumungo. Gustong gusto yata ng lalaking 'to na napapahiya ako sa harap niya. "Don't worry. I'll just wear your seatbelts for you. Lasing ka na yata, e." I hissed. "Hindi ako lasing!" Nakakainom, oo. But I'm not drunk! Pagkatapos niya maikabit ang seatbelt sa akin ay umikot siya para pumunta sa driver seat. Habang nasa byahe kami ay napuno ng katahimikan ang kotse. Gusto ko na magsalita pero ayoko naman isipin niya na nakikipag close ako sa kanya. Nang hindi ko na matiis ang katahimikan ay kinuha ko sa bag ang phone ko at ikinabit iyon sa kotse. I saw him glancing at me in my peripheral vision. Namimili pa lang ako ng kanta ay bigla siyang nagsalita. "I hate music." Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano naman?" tanong ko. Napatingin ako sa labi niya ng binasa niya 'yon at muling sumulyap sa akin. "You can just talk to me if you're bored." Umismid ako. "As if naman," bulong ko. "What now, lady? Are you saying something?" "Huh? Ako? Wala ah!" pilit akong ngumiti at ibinaba ang bintana sa kotse. I savour the wind blowing upon me and close my eyes. I suddenly felt comfortable in the atmosphere. Parang ayoko pang umuwi at gusto ko nalang mapag isa muna. But I know things will just get worse. Kanina pa rin tunog ng tunog ang phone ko. Alam kong si Dad 'yon pero wala akong gana makipagsagutan sa kanya ngayon. Makalipas ang ilang minuto ay naramdaman kong tumigil si Shaun. Tumingin ako sa labas at nang makita nasa tapat na kami ng mansion ay malalim akong napabuntong hininga. Hell again! Tumingin ako sa lalaking nasa gilid ko. He's staring at me so I stared back. Hindi ko alam kung dahil ito sa alak na nainom ko pero malakas ang loob ko para hindi bumitaw mula sa titig niya. "You should go inside," he said and looked away. I grimaced when he got out of the car and walked towards my side. Binuksan niya ang pinto at inalalayan ako pababa. "Hindi pa ako pilay, ah." He grinned at me. "I know. Lasing lang." Naiinis akong tumingin sa kanya at bahagya siyang tinulak. "How many times do I have to tell you I'm not drunk—" "Claire!" Napahinto ako nang makita si Daddy na masamang nakatingin sa akin. His eyes screams anger pero binalewala ko 'yon. I don't even give a damn. Tutal wala na rin naman siyang pakialam sa akin. I might as well do the same to him. "Sige na, Shaun," paalam ko sa kanya at naglakad papasok ng mansion. Narinig kong nagpasalamat pa siya kay Shaun at pagkatapos ay agad kong naramdaman ang hakbang niyang nakasunod sa akin. "Claire!" he called my name pero hindi ako lumingon. Now you care about me huh? Wala na sana akong balak pansinin siya pero narinig ko ang pagtawag niya ulit sa pangalan ko. "Claire! I'm calling you!" Wala gana akong lumingon kung nasaan siya pero laking gulat ko nang sinalubong ako ng sampal mula sa kamay niya. I breathed heavily and looked at him with disbelief. I saw how his expression changed, para bang napagtanto niya kung anong ginawa niya sa akin. Mapait ako ngumiti at hinawakan ang pisngi ko. I didn't even utter any words but the tears flowing down my cheeks was enough for him to feel guilty. Nagtangka siyang lumapit sa akin pero umiling ako. "Are you happy now, Dad ha? Nasaktan mo na ako! 'Diba wala lang naman ako sayo? Bakit ngayon kung kelan hindi ko na kayo kailangan saka kayo mag aalala sa akin?!" may hinanakit kong sabi. Hindi ko pinigilan ang hikbing kumawala mula sa bibig ko at tumalikod ako sa kanya. Pagod na pagod na ako. I am tired of living my life like hell. "Claire… " he called. Binilisan ko ang lakad ko kahit nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha.Ayoko nang makarinig pa ulit sa kanya. Galit at sakit lang ang tanging nararamdaman ko ngayon. I feel like my heart's breaking into half from the pain. Can't I just live in peace? Wala na ba akong karapatan sumaya? I just realized, I never lived my life the way I wanted it to be. It's always the way they want me to behave. Ramdam ko naman, e. I am the shadow of this family. Kinabukasan ay kaagad akong binulabog ng alarm clock. Kahit antok na antok pa ako ay pinilit kong bumangon. Gosh! Past two in the morning na ako nakatulog. So I just slept for 4 hours. I looked at myself in the mirror and saw how wasted I am. Nagkalat ang eye liner sa mata ko at 'yong make up ko hindi pa natatangal. Dali-dali akong naligo at nagbihis para ayusin ang sarili ko. Pagkatapos ko mag ayos ay nakaramdam ako ng gutom kaya lumabas ako ng kwarto at bumaba. Nakita ko sa sala si Elisse na nanonood pero hindi ko siya pinansin at dumiretso ako sa kitchen. Kaagad naman napahakbang pabalik nang makita ko si Daddy doon na nag aalmusal. I don't wanna see him. "I heard pinagalitan ka ni Daddy kagabi," sabi ni Elisse nang makalagpas ako sa kanya. I rolled my eyes and faced her. "And?" She smiled at me. But I know it's fake. Mukha pa lang niya plastic na pagkatao pa kaya. "Come on, Claire. Bakit ba kase hindi mo na lang tanggapin na hindi ka na mahal ni Dad. Kami na ang pamilya niya kaya naeetsapwera ka nalang sa tabi-tabi," pang aasar niya sa akin. Sa tingin niya maaapektuhan pa ako sa sinabi niya. Ang dami ko nang narinig na masasakit galing sa kanila but I never backed down. Ngayon pa? Sinuklian ko ang ngiting ibinigay niya sa akin. "Wag kang mag alala, Elisse. Alam ko naman 'yan. Atleast ako, hindi ako nanlilimos ng atensyon ng ibang tao. " Nawala ang ngiti mula sa labi niya at masamang tumingin sa akin. "Bitch!" I laughed. "Oh, are you referring to yourself?" Nakita kong umangat ang kamay niya para sampalin ako pero kaagad kong nasalo 'yon. Hindi na ulit ako papayag na masaktan niya ako. "A-Aray, bitawan mo ako!" Ngumisi ako sa kanya at mas lalong hinigpitan ang hawak sa kamay niya. "Bakit? Nasasaktan ka ba?" Inirapan niya ako at pilit kumawala sa akin. "Tanga ka ba, Claire? Anong tingin mo sa akin manhid?!" "Anong nangyayari dito?!" Umalingawngaw ang boses ni Tita sa mansion. Saka ko pa lang binatawan ang kamay ni Elisse. Sakto namang lumabas rin si Daddy mula sa kusina. "Tita, you're here." "Anong ginagawa mo sa anak ko, Claire? Hindi pa ba sapat na naospital siya dahil sayo?" singhal ni Tita sa akin bago tumingin kay Daddy. "Leoncio, pagsabihan mo yang anak mo kung ayaw mong palayasin ko yan dito sa bahay!" "Dad, sinaktan niya ako," sumbong ni Elisse na ngayon ay nakakapit sa braso si Daddy. Kaagad naman tumingin sa akin si Daddy at tumikhim. "Tigilan niyo na yang away niyo. Papasok na ako sa trabaho," saway niya sa amin. Tumaas ang kilay ko. "Now you're acting like a hero, Dad?" I mocked. "Stop it, Claire," he lowly said and left without a word. Sinundan ko ang likod niya paalis at ibinalik ang atensyon sa dalawang kasama nang makalabas na siya ng pinto. "Tumatapang ka na ngayon ha!" singhal sa akin ni Tita Ysabelle at hinawakan ang braso ko. Mahigpit ang hawak niya doon pero kaagad ko itong inalis. "Bitawan niyo nga ako! Wala na akong pakialam kung anong gusto niyong gawin sa bahay na 'to. Kung gusto niyong tumahimik ang buhay niyo, tigilan niyo na ako." "Aba't! Sumasagot ka pang bastarda ka!" nangangalaiti niyang sigaw sa akin at hinila ang buhok ko. Unfortunately, my hair isn't tied up kaya madali lang niya itong nahawakan. Dumagdag pa si Elisse na nakahawak rin sa akin. Damn it! Pinagtutulungan na naman ako. "Ang tagal ko nang nagtitimpi sayong babae ka, kahit kailan talaga pabigat ka sa bahay na 'to!" "Ano ba! Nasasaktan ako, Tita!" angal ko dahil masyadong madiin ang pagkakahila niya sa buhok ko. "Wala akong pake! Sasaktan kita kung gusto ko! Pumasok ka na Elisse sa loob ako na ang bahala sa babaeng 'to, " sabi ni Tita nang makalabas kami ng mansion. Saka pa lang niya ako tinulak sa may garage. Napaigik ako sa sakit nang tumama mapaupo ako sa semento at nagasgasan ang binti ko. Ramdam ako ang unti-unting paghapdi ng sugat ko doon. Masama akong tumingin kay Tita. "Hindi pa ba sapat sa inyo na balewala lang ako sa pamilyang 'to?! Ano pa bang gusto niyong gawin ko?!" Lumapit ito sa akin at mahigpit na hinawakan ang kwelyo ng blouse na suot ko. "Gusto ko? Gagawin mo ba pag sinabi ko?" hamon niya sa akin. I gritted my teeth in annoyance and nodded my head in despair. "Fine! Ano bang gusto niyo?" tanong ko. She grinned at me and spoke. "Lumayas ka." My mouth opened in disbelief and my blood boiled in anger. "N-No, I can't do that. Anak ako ni Daddy at may karapatan ako sa bahay na 'to! Kahit ano pang sabihin niyo. Ako ang unang pamilya niya bago pa man kayo dumating sa buhay niya which I wish you shouldn't have." Tumawa siya at itinulak ang ulo ko gamit ang daliri niya. "Wag ka ngang mangarap, Claire. Sige, tutal wala ka naman kaalam-alam, ako na ang magsasabi sayo ng totoo." I blinked a few times, absorbing what she just said. "W-What do you mean? Anong dapat kong malaman?"I asked. She mockingly smiled at me and pulled my shoulder towards her. She placed her mouth near my ears and whispered something that made my whole world crumble in just a second. My knees wobbled in weakness and the last thing I knew, I was already on the ground crying in betrayal. "Ampon ka lang, Claire."
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
nice story, waiting for the next chapter 💖
12/05/2022
0It's amazing story ..... ........
29/03
0wow😍😍
12/11/2024
0Tingnan Lahat