logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 4

Araw ngayon ng lunes kaya naman maaga pa lamang ay gising na ako. Kadalasan nga sa oras na alas singko ay tapos na akong maligo. Nakagawian ko na rin kase ang bagay na ito. Simula ng tumungtong ako ng sekondarya ay sinanay na ako ni nanay sa ugaling iyon. Para na rin daw sa aking sarili ng sa gano'n ay hindi na ako manibago at mahirapan pa.
Lumabas ako sa aking silid na nakapaghilamos at sipilyo na. Pagkalabas ko ay agad akong nagtungo sa kusina para tignan kung nakapagluto na si nanay. Kadalasan kase ay ako ang nagluluto para sa agahan, ngunit minsan din naman ay si nanay. Depende sa kung sino ang nauunang magising.
Pagkarating ko sa kusina ay nakita kong may pagkain nang tinatakpan ng pinggan sa ibabaw ng kahoy naming lamesa. Dumiretso ako papunta doon upang tignan kung ano iyon. Nang makalapit na ako ay iniangat ko ang pinggang nakatakip doon para lamang makita ang natirang ulam namin kagabi.
Pritong isda...
Sa loob ng isang linggo ay halos palaging isdang prinito ang naging ulam namin. Dahil siguro sa kulang na naman sa budget ngayon. Magdadalawang buwan na rin kasing palaging abuno sila tatay pagdating sa gasolinang kanilang ginagamit para sa pangingisda.
Umuuwing minsan ay walang huli. Minsan pang may mga gamit sila sa pangingisda na nasisira't nawawala ng di sinasadya. Kaya naman ay hindi na ako magtataka kung bukas makalawa ay wala na naman kaming pera, kahit pa piso.
Nang makita ko ang pritong isda na nakahain sa lamesa ay lumabas na muna ako para tawagin si nanay para sabayan na akong kumain. Sa labas ay nakita ko si nanay na nagdidilig na ng kanyang mga koleksyon ng halamang bulaklak.
Dahil sa mga tanim na iyon ni nanay ay nagmimistulang isang hardin ang aming bakuran. Habang patuloy sa pagdidilig si nanay ng kanyang mga pananim ay pinagmamasdan ko lamang siya.
May katandaan na rin si nanay, sa edad na singkwenta ay masasabi kong mas matanda pa siya doon kung titignan lamang ng maiigi. Marahil ay dulot iyon ng walang tigil niyang pagtatrabaho at paglalabada na walang pinipiling oras para man lamang makapagpahinga.
Halos limang minuto ko ring ginawa ang pagmasdan lamang si nanay habang nakatayo malapit sa pintuan. Kaya naman nagpasya na rin akong tawagin na siya ng makakain na kami dahil may pasok pa ako.
"Magandang umaga, nay..."
"O Rie, anak, maigi at gising kana. May pasok kapa ngayon ah. Teka, nag-almusal ka na ba?" Tanong sa akin ni nanay.
"Hindi pa ho, nay, kaya nga nandito ako para tawagin ka at sabay na tayong mag-almusal." Mahina ang tinig na sabi ko.
"O siya sige nang makapaglaba na rin ako maya-maya." Ani nanay.
Kadalasan sa tuwing magigising ako sa umaga ay tanging si nanay na lamang ang nakikita at naaabutan ko dahil palaging wala na si tatay at nakaalis na papuntang dagat. Kaya sa tuwing mag-aalmusal ay palaging kami na lamang ni nanay ang nagkakasabay.
Binitawan na ni nanay ang timbang hawak-hawak niya kasama ang itim na tabo bago naglakad palapit sa akin. Sabay kaming pumasok ni nanay sa bahay at dumiretso na patungong kusina para makapag-agahan.
Umupo na ako sa kaharap niyang upuan habang siya ay dumiretso na sa may kalan malapit sa lababo. Doon ko lamang napansin na kukuha pala si nanay ng kanin na mukhang bagong saing pa yata dahil sa usok na nagmumula sa kalderong nakapatong pa sa kalan.
Matapos ni nanay gawin iyon ay umupo na ito sa kaharap kong upuan at nag-usal na ng dasal. Natapos kaming mag-agahan ng sa tansya ko'y mag-aalas sais na ng umaga kaya naman ay dali-dali akong tumayo na para makaligo.
Nakasuot lamang kami ng sibilyan kahit lunes dahil wala naman kaming uniporme pa gayung binago na sa taong ito ang estilo at kulay niyon. Suot ko pang-itaas ang isang simpling puting blouse na may desinyong itim na laso sa may bandang leeg habang isang medyo kupas nang itim na pantalon ang pang-ibaba na pinarisan ng puting sapatos din.
Lumabas na ako sa aking maliit na silid ng matapos makapag-ayos habang bitbit ang luma kong bag na nabili pa namin ni nanay nang makatapos ako ng highschool. Pagkalabas ko ay naabutan ko na si nanay na naghahanda na para sa kanyang mga labahin sa araw na iyon.
Kinuha ko ang kanyang atensiyon sa pamamagitan ng biglaan kong paghalik sa kanyang pisngi sabay kalabit ng kanyang likuran.
"Alis na ako, nay..." Paalam ko sa kanya sabay yakap naman sa kanyang tagiliran.
Humakbang na ako papalayo kay nanay at sinimulan ng maglakad paalis sa bahay habang nakangiti at minsang tatawa.
'Baliw ka Rie.' Sita ko sa aking sarili na animo'y isang baliw na naglalakad at tumatawa ng mag-isa. Siguro ay dahil sa maganda na naman ang gising ko ngayong araw kaya gano'n. Sa paglalakad ay narating ko rin ang paradahan ng mga pedikab at tricycle.
Pumara ako sa isang tricycle na may sakay na rin na tatlong studyante na sa wari ko'y mga highschool siguro base sa suot nilang uniporme. Sumakay ako sa likod na parte ng tricycle kung saan nakita kong bakante pa ang pwesto.
Habang umaandar ang tricycle ay hindi ko maiwasang titigan ang mga studyanteng dalaga na kagaya ko. Ibang-iba sila sa akin, o mas tamang sabihin na ibang-iba ako sa kanila? Magmula sa estilo ng kanilang pananamit, gupit ng buhok, at higit sa lahat, sa klase ng mga iyon.
If I am to ask about their kind of fashion style, I will definitely answer them these words ' expensive ' and ' trends '.
Bagay na higit kulang sa akin dahil sa estado na mayroon ako sa buhay. Bawal ang maging magasta kahit pa sabihin na hindi naman ako pinipigilan ng aking mga magulang na gawin o di kaya'y gayahin iyon. Sa aking sarili ay alam ko kung ano-ano ang mga bagay na dapat gawing prayoridad sa hindi. At isa na doon ang bagay na ito. Ngunit kahit pa sabihin na alam ko ang mga iyon ay hindi na siguro maaalis pa sa akin ang minsang mainggit at maghangad ng mga bagay na mayroon sila.
Besides, it's a part of living.
Ang mabuhay na nakararamdan ng inggit ay natural lamang. Dahil ang inggit ay parte ng mga damdaming nararamdaman ng isang tao. Kagaya ko. Kaya nga mayroong mga pangyayaring sumisira sa isang tao, sa isang samahan, o kahit ano pa man, dulot lamang ng inggit na ating nararamdaman. Mga pangyayaring hirap tayong isipin na minsan ay may posibilidad na maganap sa hinaharap. Sa bukas na darating.
Tumagal siguro ng ilang minuto lamang ang byahe ng tricycle bago kami nakarating sa eskwelahan. Nag-aaral ako sa isang unibersidad dito sa aming bayan kung saan ang pinakamalapit na maaaring pasukan ko. May mga unibersidad din naman sa mga karatig bayan na mas maganda pa sa paaralang ito, ngunit pinili kong dito na lamang para na rin bawas gastosin pagdating sa babayaran sa upa ng bahay kung sakali man.
Tutal naman ay nandito rin ang kursong babagay at papatok sa akin na matagal ko na ring gusto. Hindi ko alam kung kailan ako namulat na bigla ko na lamang nagustuhan ang pag-aralan ang kursong iyon gayung wala naman kaming negosyo na kailangan kong palaguin.
Marahil ay gusto ko ang ideyang pumasok at magtrabaho sa loob ng isang kompanya kaya ko siguro naisipan ang pag-aralan ang kursong iyon. Nauna na akong bumaba sa tricycle dahil nasa likurang banda naman ako noon. Inabot ko na sa mama ang halagang limang piso bago ako nagpasyang maglakad at pumasok na.
Pagkapasok ko sa gate ay naabutan kong may kung ano na ini-inspeksyon ang gwardiya sa bag ng isang estudyanteng lalaki. Ang akala ko ay kung ano na ang nangyayari ngunit may ipinapakita lang palang paninda iyon na sa wari ko'y isang maliit na belt bag yata.
"Magandang umaga, manong guard!" Masayang bati ko rito na umagaw sa atensiyon nilang dalawa.
"Gano'n din sayo, Rie!" Nakangiting balik na bati rin nito sa akin habang ang lalaking kausap niya ay tinitigan lamang ako.
Sa loob ng halos dalawang taon ko nang nag-aaral dito ay naging kasundo at kaibigan ko na ang mga gwardiya rito. At isa na roon si Mang Renal na nakatira sa kabilang baranggay doon banda sa may daanang matarib papasok sa may amin.
Nakatira kami sa lokasyon na malapit sa huling parte ng aming bayan kung saan puno ng mga naglalakihang puno pati na rin puno ng mga niyog. Matapos kong batiin si Mang Renal ay dumeritso na ako ng lakad papunta sa classroom namin.
Diretso lamang ako ng lakad at hindi na binibigyan pa ng pansin ang mga estudyanteng kay aga-aga ay tsismisan na ang inaatupag. Dumating ako sa classroom namin na marami na ang tao, karamihan ay kababaehan na anak ng mayayaman sa aming bayan.
Suot nila ang mga mamahalin nilang damit at puno ng mga kolorete ang kanilang buong mukha na lalong nagdidepina sa bawat parte noon. Maituturing ang pamilya ng mga kaklase kong ito bilang isa sa mga pamilyang may matataas na antas sa aming bayan, lalo sa lipunang kanilang ginagalawan.
Pumasok na lamang ako sa room at dumiretso na sa aking upuan, at tahimik na nagmasid sa aking mga kaklase habang naghihintay sa pagdating ng aking kaibigan na si Belinda.

Komento sa Aklat (31)

  • avatar
    Anthony Villarmero

    sobramg Ganda

    17/07

      0
  • avatar
    Rieshana Drua

    ilove it is so pretty story

    03/07

      0
  • avatar
    Marietta Cabase Briones

    it's so cool

    15/04

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata