logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kaibigan

POV: Uno
“Psssstttt!”
Hindi niya pinansin ang kung sino mang sumisitsit sa kanya.
Galing pa siya sa isang kilalang parke kagabi at nagnakaw pa ng mga gamit ng mga mag-jowa naghaharutan. Nakalimang-cellphone at dalawang wallet din siya. Halos umabot sa dalawampung libo ang nadekwat niya.
“Psssstttt!”
“Ano ba naman Gani---”
Ngunit natigil ang sasabihin niya nang imbes na si Gani ay iba ang mukhang tumabad sa kanya…
“P-papaanong--- Anong ginagawa mo dito?!” inis na sigaw niya.
“Hi,” nakangiting sabi ng White Lady.
Inis na bumangon siya sa bangkong tinutulugan.
T*ngina. Ang aga-aga pero kabwisitan na naman ang pambungad sa kanya.
Binalewala niya ang amoy ng fried chicken na dala nito at kung ano-ano pa.
“Hindi ako nakikipag-biruan sayo. Ano ba ang kailangan mo? Sinusurveillance mo ba kami?!” matalim na akusa niya rito.
“H-Ha? H-hindi ah. Di ba, friends na tayo,” inosenteng sabi nito.
Nagtangis ang mga bagang niya.
Kumukulo ang dugo niya dahil sa kainosentehan ng mga salita at kilos nito. Pero ang tao laging may nililihim na kasamaan yan. Sigurado siyang may iba pa itong gusto.
At kung anuman yun, tiyak niyang pipigain niya ito sa babaeng ito.
Agad niya itong hinarap.
“ANO. ANG. GUSTO. MO? Pinag-t-tripan mo ba ako?” tiim bagang tanong niya habang humahakbang palapit dito.
Agad naman itong humakbang paatras. Ngunit mas lalo siyang nainis dahil hindi man lang ito natakot o kinabahan.
“Gusto lang kitang maging kaibigan,” malamyos ang boses na sagot nito.
“Ayoko ng kaibigan,” kaagad niyang kinotra sa sinabi nito saka humakbang palapit dito.
“Pero gusto kitang maging kaibigan,” nakalabing sagot nito.
“Kilala mo ba kung sino at ano ako?” mariing tanong niya.
Naramdaman nito ang pader sa kakaatras. Itinukod niya ang mga kamay sa pader upang makulong ito.
“Ikaw si Uno,” tumatango-tango pang sagot nito.
Napanganga siya at napailing.
T*ngina talaga.
“Kung ganun, bakit ka pa lumalapit at gustong makipagkaibigan sa akin?” asar na sabi niya.
“Wala lang,” balewalang sagot nito.
“Kung yan ang trip mo, marami pa diyang iba. Huwag ako dahil baka mapatay kita ora mismo. Nauubos na ang pisi ko sayo kaya tigilan mo na ako,” seryosong sabi niya.
Isa lang ang pumipigil sa kanyang saktan ito ngayon. Iyon ay dahil kilala ito ni Mang Tonits. At alam niyang ito ang nagsabi kung saan siya nakatira.
Akmang tatalikuran niya ito nang…
“Pero gusto talaga kitang maging kaibigan…” paos na sabi nito at para bang maiiyak na.
Sumidhi ang asar at galit sa kanya.
“T*ngina!” bwesit na bwesit niyang sigaw saka sinuntok ang pader sa gilid nito.
Nakita niya ang pagpikit ng mga mata nito dahil sa gulat. Tila balewala namang sa kanya ang dugong tumulo sa sugatan niyang kamay.
“G-gusto lang naman kitang maging kaibigan…” anito saka diretsong tumingin sa kanyang mga mata.
“Marami akong problema at huwag ka nang dumagdag pa. Masama akong tao. Hindi ito salita lang. Bibigyan kita nang pagkakataong umalis rito at huwag nang magpapakita pa kahit kailan. Naiintindihan mo ba?” pigil ang galit na sabi niya rito.
“Bakit ba ayaw mong maging kaibigan ko?” inosenteng tanong nito.
Bakas ang namumuong luha sa mga mata nito.
Napahinga siya ng malalim at sinabunutan ang buhok dahil sa bwisit na nararadaman.
“Dahil ayaw kitang maging kaibigan. Isa pa, lahat ng nagsasabing kaibigan ko, may kapalit akong hinihingi,” mabilisang rason na lamang niya para tigilan na siya nito.
Ngunit mas lalo pa yata itong nging makulit dahil sa mga sinabi niya.
“Ano ang pwedeng kapalit ng pakikipagkaibigan ko?” muling tanong nito.
Sarkastikong napatawa siya sa tanong nito.
“Kapalit? F*ck! Hahahaha! T*ngina talaga, hindi ka talaga papaawat noh? Hahaha… O baka naman may ipapatrabaho ka ba sa akin kaya pinipilit mo akong maging makipagkaibigan?” natatawang sabi niya nang mapagtantong baka ito nga ang dahilan kung bakit ito nakikipagkaibigan sa kanya.
“W-wala…” naiilang na sagot nito.
“Kung ganun, gusto mong may itumba ako? Sige, sino ba yan? Kailangan ko ng dalawang daang libong piso kapalit ng buhay ng taong itutumba ko,” marahas niyang sabi.
Nakita niya ang marahas na paghugot nito ng hininga habang nakatingin sa kanya.
Napangisi siya sa naging reaksyon nito.
“Gulat ka ba? Hindi lang ako magnanakaw. Kaya ko ring pumatay ng tao. Ano? Gusto mo pa rin ba akong maging kaibigan?” nakaklokong tanong niya.
Hindi.
Kahit kailan at hindi pa siya nakakapatay ng tao. Pero sa sitwasyon niya ngayon ay lahat kakayanin niya matulungan lang ang mga taong tinuring na niyang pamilya.
“Talaga?” manghang tanong ng babae.
“Ano’ng talaga? Oo. Kaya kong---”
Hindi na natuloy ang sinasabi ko sa dinugtong ng babae.
“Grabe namang presyo yan. Dalawang daang libo lang ang halaga ng buhay ng tao ngayon? Iba na talaga,” hindi makapaniwalang sabi nito saka tumango-tango pa.
“Takas ka ba sa mental?!” hindi makapaniwalang tanong niya.
“Hindi ah. Gusto lang talaga kitang maging kaibigan. Pero sabi mo kailangan mo ng pera. Sige, kapalit nun ay magiging kaibigan kita. Deal?” nakangiting sabi nito.
“Ginag*go mo ba ako?” bumabalik ang galit niya sa sinasabi nito.
“Hindi ako nakikipagbiruan sayo. Gusto kitang maging kaibigan…kahit na…hmmmm…” anito na tila nag-iisip pa… “…dalawang linggo lang…tama…dalawang linggo…kapalit nun bibigyan kita ng perang kailangan mo,” mahabang sabi nito.
“Wala ka bang kaibigan at mapagtripan?” mariing ani niya.
Ngumiti naman ito sa kanya.
“Magkakaroon ako kung papayag ka. Ano? Deal? Dalawang linggo lang tapos bibigyan kita ng dalawang daang libo,” nakangiting sabi pa nito.
“Paano ko naman malalamang hindi ka lang nan-t-trip?” sabi ni Uno saka pinagkrus ang mga kamay sa dibdib.
Binigyan siya nito ng matamis na ngiti.
“May isa akong salita…”
“Hindi ako naniniwala sa mga salita…teka, kung ipa-ransom na lang kaya kita…parang madami ka namang pera,” nakangising sabi niya rito.
“Wala kang mapapala dahil wala na akong mga magulang na pwede mong tawagan…” mabilis na sagot nito.
“Eh kung pahirapan na lang kita saka kita papatayin kita kapag t-ni-trip mo lang ako…” seryosong banta niya.
“Well then, hindi iyon mangyayari dahil wala ka nang dalawang daang libo. So ano? Deal?” may bahid ng lungkot na sabi nito saka itinaas ang kamay.
Nag-isip siya. Dalawang linggo. Ayos na yun. Kung pinag-t-tripan man ako ng babaeng ito, pasensiyahan na lang sila pero baka kung ano pang magawa niya kahit kilala pa ito ni Mang Tonits. Lakas mang-trip e.
“Sige. Deal,” mabilis na sagot niya ngunit hindi ang pakikipagkamay nito.
Nakangusong isinenyas nitong tanggapin ang pakikipagkamay nito ngunit napailing na lamang siya.
Nagulat siya ng hawakan ng malambot nitong mga kamay ang marumi niyang mga kamay upang makipag-shake hands sa kanya.
“Ako nga pala si Angel,” parang timang na pakilala nito.
“Uno,” patamad na sagot naman niya.
“Yes! Kaibigan na kita!” bakas ang saya sa mukha nito saka tumalon-talon pa at yumakap sa kanya.
Agad naman siyang bumitaw sa pagkakayakap nito.
“T*ngina, wag ka ngang yumayakap na lang basta-basta. Nakakainis eh!” seryosong aniya saka inayos pa ang damit na parang magugutay na sa pagkakayakap nito.
Napanguso naman ito saka malungkot na tumingin sa kanya.
Napailing na lamang siya at malalim na bumuntong hininga.
Parang magiging babysitter pa siya ng isang siraulong childish at takas sa metal na white lady na ito.

Komento sa Aklat (9)

  • avatar
    RoxasAriel

    ganda nang story write more

    6d

      0
  • avatar
    Adrian Franco

    iohs

    17/06

      0
  • avatar
    Margie Agustines

    it's so pretty

    29/01

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata