logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

White Lady

“Boss, paano na si Bert kung hindi natin mabayaran ang pera ni Agila?” nag-aalalang tanong ni Gani sa kanya.
Naihilamos niya ang mga kamay niya sa kanyang mukha.
T*ngina talaga ang Agila na yun! Talagang kinuha nila si Bert kapalit ng ninakaw nilang isang daang libo sa pasugalan nito. Binigyan lamang sila nito ng palugit na tatlong linggo para maibalik ang pera. Kung hindi, papatayin nito si Bert.
Hindi niya pwedeng pabayaan ito. Sila na ang itinuring niyang pamilya. Silang tatlo lang ang kasama niya.
Hindi na rin niya maibabalik ang pera dahil ginamit na ito para sa chemo ng nanay ni Bert na may breast cancer. Kulang pa nga iyon eh, Mabuti na lang tumulong pa yung foundation na nalapitan ni Gani.
Kaya naman hindi niya alam kung papaano pa niya ito lulusutan.
Si Gani ang tumayong ina at ama sa apat na kapatid nito simula nang mamatay ang mga magulang nito. Iniligtas niya ito nang minsang nagnakaw ito sa isang jeepney driver at muntik nang madali nang mga parak.
Si Bert naman ay iniwan ng kanilang ama. May kapatid itong si Benok na limang taong gulang. May sakit pa ang nanay nito. Nagkakilala sila nang minsang muntik nang nakawin nito ang limang libo niya. Umiiyak na lumuhod ito sa kanya para lang makahingi ng pambili ng pagkain sa ina at kapatid nito.
“Ako na ang bahala. Umuwi ka muna sa inyo,” seryosong sabi niya kay Gani.
Alanganing umalis si Gani at kailangan pa niyang asikasuhin ang kanyang mga kapatid.
Naglakad siya paalis sa makipot na iskinitang daang iyon kung saan niya pinatayo ang isang maliit na bahay-bahayang tambayan nila. Mula iyon sa pinagtagpi-tagping kahoy, plastic at trapo.
Kapag umulan o bumagyo, edi ayusin ulit.
Inis niyang sinindihan ang sigarilyo dahil sa tensyon at pamomroblema. Saan naman siya kukuha ng isang daang libo sa dalawang linggo lamang?
Hindi siya pwedeng magnakaw na lang ng pera sa bangko dahil tiyak na hindi niya kakayanin ang tatlo o higit pang armadong security guard. Kung mangingidnap naman siya, sino naman ang pwede? Kung magtitinda siya ng damo at bato, masyadong mainit ngayon ang mga mata ng mga parak sa mga yun, baka sumabit pa siya tulad ng mga kasama niya sa dati niyang tinitirhan na natagpuang palutang-lutang sa ilog.
Hindi niya namalayang nasa may tapat na siya ng simbahan.
T*ngina talaga. Hindi man lang niya namalayan. Ayaw niya sa lugar na ito pero dito marami siyang nabibiktima lalo pa ngayon at araw ng Linggo, maraming tao.
Agad niyang iginala ang mga mata sa pwedeng niyang target at kung may mga parak ba.
May nakita siyang parak pero malayo ito at iisa lang.
Pumwesto siya sa gilid medyo malayo sa parak.
Madalas ay matanda at babae ang ninanakawan niya dahil hindi naman ito lumalaban isa pa ay mas marami ang perang nakukuha niya sa mga ito. Mas madaling trabaho, mas marami pang pera.
Nakita niya ang isang matandang babae na naglalakad papunta sa sakayan ng jeep. Mamahalin ang bag at damit na suot nito. May gintong kwintas, relo, singsing at hikaw.
Sa trabaho niyang iyon kailangan marunong siyang kumilatis sa tunay at imitasyon lang dahil kung hindi, mawawalan ng saysay ang mga ninakaw niya.
Sayang ang pawis at pagod.
Agad siyang lumapit sa matanda at pasimpleng pinagmasdan ang mga alahas at bag nito. Nakatingin ang mga tao sa paparating na mga jeep kaya tamang-tama.
Mabilis niyang natanggal ang kwintas at hikaw ng matanda ng hindi nito namamalayan.
Hindi na niya pwedeng kunin ang relo at singsing nito dahil baka mas lalong hindi niya madekwat ang bag nito.
Agad niyang ibinulsa ang mga alahas saka hinablot ang bag ng matanda.
“MAGNANAKAW! ANG BAG KO! TULONG! TULONG!”
Mas binilisan niya ang pagtakbo nang marinig niya ang boses ng matanda.
Dumaan siya sa isang iskinita at isa pa at isa pa.
Kahit na medyo malayo na ay patuloy pa rin siya sa pagtakbo.
Humihingal at pinagpapawisang tumigil siya sa isang mabaho at medyo madilim na iskinita. Iginala niya ang paningin at nang masigurong walang ibang tao ay binuksan niya ang bag.
May nakita siyang ibang pang alahas sa loob at may kulang-kulang na sampung libo ang pera nito sa wallet. May cellphone din ito sa loob.
“Ayos!” nakangising sabi niya saka tumayo at itinapon ang mga walang silbing gamit.
Mabilis na hinubad niya ang kanyang damit at binaliktad ito saka isinuot. Ganoon talaga ang binibili niya. Baliktarang damit para hindi agad siya makilala. Saka isinuot ang bonnet niya at pasipol-sipol na dumiretso sa karinderya ni Mang Tonits na hindi kalayuan sa iskinitang tinitirhan niya.
Na parang walang nangyari.
Napailing na lamang si Mang Tonits nang makita siya. Lalo na nang makitang alerto ang mga mata niya sa paligid.
“Uno, ano’ng sayo?” mula sa kasa ay tanong nito.
“Sinigang at tatlong isaw saka dalawang kanin, po,” maagap na sagot niya.
Kilala siya ni Mang Tonits. Noong bata pa siya ay pinatuloy at pinakain siya nito pero umalis na lamang siya nang kusa dahil sa asawa nito. Lagi nitong inaaway si Mang Tonits at pinamili ang matanda kung siya daw ba at mga anak nila o siya na pilit nitong inaampon.
Para wala na itong masabi ay umalis na lamang siya ng kusa. Walang nagawa si Mang Tonits pero hindi naman siya nagtanim ng galit dito bagkus ay nagpapasalamat pa siya sa pansamantalang pagkupkop nito.
Isa pa ay away naman niyang maipit sa gulo ang matanda lalo pa at ang nais lang naman nito ay tulungan siya.
“Mang Tonits, pabili po ng sinigang, tatlong isaw at dalawang kanin po,” napakunot noo siya sa narinig.
Saktong nagtama ang mga mata nilang babaeng kadarating.
Narinig niya ang tawa ni Mang Tonits.
“Ikaw pala, Angel. Sige ihahanda ko na,” masayang sabi nito sa babae.
Nakita niyang iginala ng babae ang mga mata saka nagtama ang mga mata nila. Ngumiti ito at naglakad papunta sa kanya.
Mas lalong nangunot ang noo niya.
“Pwedeng makiupo?” magaang tanong nito.
Mahinhin at malamyos ang boses nito. Payat at para itong papel sa sobrang putla ngunit makinis ang balat. Tsinita at may itim na buhok. Nakasuot itong puting bestida. Hindi ito mukhang anghel, para itong white lady.
“Hindi pwede,” malamig na sabi niya at iniwas ang tingin dito.
Parang wala itong narinig at nanghila ng upuan at umupo sa tapat niya.
Magpoprotesta pa sana siya ng biglang dumating si Mang Tonits at bahagyang nagulat nang makita sila ni White Lady na magkasama.
“Ito na ang order niyo,” naguguluhan man ay inilapag na lamang nito ang pagkain sa harap nila.
Binigyan siya ng makahulugang tingin ni Mang Tonits bago umalis. Napabuntong hininga siya. Wala na siyang magagawa pa kundi ang hayaan ang White Lady sa tapat niya.
“Wow, akalain mo, magkaparehas pa tayo ng order,” nakangiting komento ng Whie Lady.
“Pwedeng manahimik ka na lang at kumain,” inis na sabi niya rito. Para kay Mang Tonits ay hindi niya ito papatulan pero hindi ganun kadaling pigilan ang irita niya.
Nakita niyang ngumuso ito at naghanda nang kumain.
Binilisan niya ang pagkain dahil ayaw niyang may makakita sa kanya at ayaw niya ang presensya ng babae pero hindi pa siya nakakatatlong subo nang magsalita na naman ito.
“Hindi ka man lang ba naawa sa matanda kanina?” inosenteng biglang tanong ng babae.
Matalim na tingin ang ipinukol niya rito ngunit parang wala itong narinig at nagpatuloy pa rin sa pagsasalita.
“Nawalan siya ng malay kanina. Hindi na ako pinayagang sumama eh,” may bahid ng lungkot na dagdag na sabi nito.
May ilang dumaang emosyon sa kanya pero agad niya itong binalewala.
“May kasama ka bang parak ngayon?” mariing tanong niya.
“Parak?” inosenteng balik tanong nito.
“Pulis,” malamig at matalim na aniya.
“Ah…wala,” tila balewalang sabi nito saka kumain ng isaw.
“Ano’ng gusto mo?” nawawalan ng pasensiyang tanong niya.
“Gusto kitang maging kaibigan,” kibit balikat na sagot nito.
Halos malaglag ang panga niya sa naging sagot nito.
“Kaibigan?” hindi niya mapigilan ang mapabunghalit na tumawa sa sagot nito.
Inosenteng tiningnan lamang siya nito.
Binalewala na lamang niya ang kunot noong tingin ni Mang Tonits sa kanila maging ang kuryosong tingin ng mga ibang kumakain roon.
Ganoon naman ang mga tao roon. Walang pakialaman.
“T*ngina, nakita mo na’t lahat lahat ang ginawa ko, gusto mo pa akong maging kaibigan. Sira ka ba?” natatawang sabi niya sabay nguya ng isaw.
Nakita niyang ngumiwi ito nang marinig siyang nagmura kaya mas lalo lamang siyang natawa rito. Hindi siya makapaniwala.
“Gusto lang namang kitang maging kaibigan. Masama ba?” kunot noong tanong nito.
Sumeryoso siya.
“Oo dahil masama akong tao at huwag kang lalapit sa akin dahil pwede kitang patayin,” seryosong babala niya.
Nagulat siya na imbes na takot ay lungkot ang nakita niya sa mga mata nito.
“Kung ganun, kaibigan na kita,” malungkot na ngumiti ito sa kanya.
Inis na sinuntok niya ang mesa saka naglabas ng isang daan at inis na umalis sa karinderya.
Hindi na niya pinasin ang pagkagulat ng babae at mabilis na umalis.
“Uno!” tawag pa ni Mang Tonits pero maging ito ay hindi na niya pinansin pa.
Bwesit!
T*ngina!
Kaibigan?
Anong trip ng White Lady na yun?!

Komento sa Aklat (9)

  • avatar
    RoxasAriel

    ganda nang story write more

    6d

      0
  • avatar
    Adrian Franco

    iohs

    17/06

      0
  • avatar
    Margie Agustines

    it's so pretty

    29/01

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata