logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 6

Chapter Six: Ibang-iba
Tahimik ang bahay na napagsimulan kong linisan ang bawat sulok niyon. Inuna ko munang iwan na malinis ang bahay bago lumusad.
Napagdesisyunan ko na ring maligo pagkatapos magsaing.
Dahil mamaya pa namang hapon ako pupunta kay Aling Tuti, minabuti kong bumili ng tinapay para sa almusal nila Tiya.
"Sampung piraso naman po nitong buns, tatlong sachet naman po ng Ladies choice," sabi ko sa babaeng nagbabantay ng bakery.
Pansin ko ang pagdali dali na pagkuha ng dalaga sa mga sinabi ko.
"Bel, ano pang ginagawa mo dyan? Late ka na, umalis ka na, ako ng bahala rito."
"Opo, ma," tarantang sabi ng dalaga bago bumaba at tumakbo. Ngayon ko lamang napansin na naka uniporme siya at basa pa ang buhok.
Ganoon nga ang ginawa ng dalaga, mahinahong nilagay ng matanda ang mga tinapay sa plastik bago ibigay sa akin.
"Naghahanap po kayo ng tindera?"
Nangunot ang noo ng matanda ng tignan niya ako. Nahihiyang napakamot ako ng baba.
"Oo sana, pero baka makaabala pa sa 'yo. Nag-aaral ka ba?"
"Hindi po," mabilis ko na sagot sa kanya.
Tumango tango ang matanda. Hindi na siya nag-abalang magtanong uli at tumango.
"Sige. Pagbalik mo, bantayan mo itong bakery."
Dali dali akong umuwi, hindi pa ako nakapasok ng bahay nang tuluyang kinuha sa akin ni Vinni ang plastik.
"Kanina pa kami gutom," pagsalita niya sa galit sa boses.
Wala man lang siyang pasalamat nang iwan niya ako sa pinto.
Binalewala ko iyon. Naglakad ako ng walang laman ang tyan pabalik sa bakery.
Wala pa gaanong tao sa bakery, singkit ang mga mata ng matanda ng makita ako. Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya na agad ko namang ginawa.
"Dito ka magbantay," turo niya sa upuan. "Nandito ang mga tinapay, sa taas naman nakasabit mga kape at palaman. Nasa refrigerator naman ang soft drinks. Basta alam mo na 'yan."
Sunod sunod naman akong napatango dahil sa bilis niyang magsalita. Pagkatapos niyon ay iniwan niya ako roon.
Kung tutuusin, mas gusto ko ang ganitong mga klaseng trabaho dahil kahit na maliit ay may pinagkikitaan namang pera. Siguro sa mga ganitong trabaho ako nararapat dahil wala pa naman akong sapat na kaalaman sa ibang trabaho na pwede kong pasukan.
Maliit at mainit ang loob ng bakery, pero hindi iyon alintana sa akin dahil ginusto at pinili ko iyon.
May mga bagay na akala natin ay hindi sapat ang simpleng trabaho na iyon para sa iba, ngunit sa mga taong iyon ay laking tulong na sa kanila dahil may buong pusong tumanggap sa kanila.
"Dalawang hopia nga."
Dali dali akong napatayo nang makarinig ng boses.
Natagalan pa ako sa paghanap kung aling tinapay ang tinutukoy niya. Mabuti na lamang ay may mga pangalan na nakadikit sa bawat kabinet doon.
"Ito po."
Inabot niya sa akin ang pera na deretso ko namang nilagay sa arinolang may takip.
Buong umaga ay iyon ang ginawa ko, bigay dito, bigay doon. Bayad dito, sukli doon. Tanggap dito, bigay naman doon.
Hindi ko pinansin ang basa kong likod, mas naging abala pa ang sarili ko sa ginagawa. Hindi alintana ang dami ng mga tao dahil sa pagbili ng pandesal.
Hindi ko sana mamamalayan ang oras kung hindi aksidenteng napabaling ang tingin ko sa gilid. Lumaki mga mata ko nang mapagtantong ala una na ng hapon.
"Ale," pagtawag ko sa matandang abala sa pagputos ng lumpia.
"Sige na, umuwi ka na muna." ani niya kahit wala pa akong sinasabi. Hindi rin siya nakatingin sa akin.
"Sige po..." hindi pa ako umalis dahil may sasabihin pa ako. "Nga pala po, hindi ako makakapunta ngayong hapon kasi may gagawin po ako sa palengke."
Tinignan niya ako ng sandali, may inabot sa gilid niya bago ibigay sa akin.
Malapit lamang ang kusina dahil maliit lamang ang bahay na tinitirhan nila, kagaya rin sa amin. Pagpasok mo pa lamang sa pintuan ay sala, kwarto at kusina na ang bubungad.
"Heto, salamat sa pagtulong."
Nakangiti kong inabot ang bigay niyang pera sa akin, one hundred fifty lamang iyon na nakapagngiti sa akin.
"Ayos lang, bukas ka naman bumalik dito."
Tumango ako sa kanya.
"Salamat po ng marami."
Kumalam ang tyan ko na papalapit sa kareta.
Tinaasan ako ng kilay ni Aling Tuti nang makita niya ang mukha ko. Napabusangot lamang ako at ngumiti ng pilit bago punasan ang madulas ng stainless dahil sa mantika.
"Limang pirasong steamed siomai po."
Kumalam muli ang tyan ko dahilan ng pagbaling sa akin ni Aling Tuti, hindi ko siya tinapunan ng tingin at nagpokus na lamang sa ginagawa.
"May dala akong kanin na nakalagay sa tupperware, kumain ka na muna."
Madali kong sinunod ang sinabi niya, may asul na eco bag doon. Nang hawakan ko naman ay mainit init pa rin.
"Kayo po?" tanong ko.
"Tapos na."
Mas lalong kumalam ang tyan ko ng maamoy ang siomai, may pera ako rito. Dalawang siomai lang ang bibilhin ko para hindi madaling maubos ang pera ko.
"Ito oh."
Nakalupasay na nakayuko ako sa tabi ng kareta nang inabutan ako ng limang piraso ng fried siomai ni Aling Tuti. May toyamansi at sili na may mantika na ang nakaibabaw doon.
"Aling Tuti, kahit dalawa lang ho," nahihiyang sabi ko. Kinakamot ang kanang kilay.
Napabusangot si Aling Tuti nang marinig ang sinabi ko, ganoon din ako, dahil nahihiya.
"Sige na, wala 'yang bayad," siguradong sigurado niyang sabi.
"Aling Tuti..."
Gamit ang mabagal na pumasaere kong kamay na inabot ang paper plate na hawak ni Aling Tuti. Maingat ko iyong pinantay sa mga mata ko, natakam ako ng harap harapang nakita iyon.
"Salamat po."
Nasa ganoong posisyon ako nang simulang kumain. Pabalik balik din ang tingin sa akin ni Aling Tuti, masyado naman akong abala sa pagkain kaya hindi ko na nasundan pa ang ginagawa niya.
Pinaliguan ko ng tamang patak ang kanin ko, hinalo halo ko pa iyon bago sumubo.
Nang matapos akong kumain ay uminom ako ng tubig. Hinugasan ko rin ang tupperware na ginamit bago ibalik sa lalagyan.
"Salamat po ulit, Aling Tuti."
Lumingon ako sa paligid sa di kaalamang dahilan nang aksidenteng mapatama ang mata ko sa dulo ng sidewalk na ngayon ay punong puno ng nagbebenta ng relo.
Lumiit ang mga mata ko dahil sa sikat ng hapong araw, ginawa kong pangharang ang kamay ko para makita ng maayos.
Unti unti lumaki mga mata ko nang tuluyang maaninang ang tao.
Mabilis kong iniwas ang tingin, kusa kong kinuha kay Aling Tuti ang tong. Wala sa sarili na kumuha ako sa streamer ng tatlong pirasong siomai at bigla bigla na lamang na binigay sa lalaking naghihintay sa harap.
"Anong nangyayari sa 'yo?"
Hindi ko pinansin ang tanong niya. Nasa ere pa rin ang kamay ko dahil tinitigan lamang iyon ng binata bago ibalik sa akin ang tingin at taasan ako ng kilay.
Magaang binaba ni Aling Tuti ang kamay ko, doon ko lamang napansin ang buong tingin ng mga tao sa akin, sa pwesto lamang namin. Nahihiyang napayuko ako, napakamot sa kilay na lamang dahil sa pagkawala sa sarili.
"Ayos ka lang ba?"
Tanging tango lamang ang naisagot ko kay Aling Tuti.
Ano na naman kaya ginagawa ng English-ero'ng iyon dito.
Buong hapon kong inabala ang sarili sa kareta at sa pagtulong kay Aling Tuti. Minsanan ko namang binabalik ang tingin sa lalaki, at natatagpuan na nasa ganoong posisyon ulit siya.
Hindi ako sigurado kung dito siya nakatingin, siguro oo dahil ang mukha niya ay nakadirekta rito. Kahit na walang kasiguruduhan ay napapalunok na lamang ako.
Kahit sa malayo ay lutaw na lutaw ang suot niyang itim na suit.
Natapos ang pagtulong ko kay Aling Tuti. Mabilis akong lumiko, hindi dumaan sa sidewalk kahit na iyon ang parteng patungong bahay.
Alas singko trenta pa lamang ay madilim na, ingat na ingat ako sa paglalakad kahit na gusto ko ng bilisan ang paglakad. Dumidikit ako sa mga tao para hindi ako matakot, na baka ay may dumukot sa akin, marami naman ang makakakita at tulungan ako.
Ngunit nang papalapit na papalapit ako sa likuan ng bahay namin ay siya namang paunti unti ng mga taong kasama ko.
Napalunok akong huminto, huminga ng malalim na nakapikit ang mga mata. Hindi agad ako nagmulat dahil kumuha pa ako ng hangin.
Sana wala nang tambay dito...
Bumuga ako ng isang malalim na hininga bago imulat ang mga mata.
"Ah!"
Napatalon ako nang makita ang lalaki sa malayong harap ko. Agad akong napahawak sa dibdib at tuhod ko.
Nasa kabila siyang sidewalk na kapantay ko lamang. May poste roon sapat na dahilan para makita ko ang mukha niya. Nakapamulsa at walang emosyon ang mukha niya ng tignan ako.
"Tss..." mabagal siyang lumakad palapit sa akin.
"A-anong ginagawa mo rito-o?" nauutal, napapaatras kong sabi.
Maayos siyang tumayo sa harap ko ng makitang umatras ako. Doon ko nakita ng malapitan ang suot niya, pulos itim ang suot niya na parang bodyguard.
"I'll go with you," ani sa mababang boses.
Hindi agad ako nakasagot sa kanya dahil naging abala ang mga mata ko sa pagtitig sa kilay niya.
Nalito ako sa sagot niya.
"Bakit?"
Kahit na nanginginig ang labi ko ay nagawa ko pa ring itanong iyon sa kanya ng hindi inaalis ang mga mata sa namamasid niyang mga mata.
Umirap siya, na lubos kong kinamanghaan.
"To make sure you get home...safely."
Mas lalo akong nalito nang marinig ang sagot niya. Totoo ba siya? Napalingon ako sa papasok naming baranggay at doon nakita ang madilim na pasukan.
Siguro ay tama ang suhestyon niya na samahan ako pauwi sa amin. Maisip na may mga tambay ulit akong makakasalamuha ay nakakatakot, lalo na kapag lasing o di kaya ay may masamang intensyon sa 'yo kung nagkataon na wala pang tao.
Mabagal akong naglakad, nauna na ako sa kanya. Tahimik naman siyang nakasunod sa akin, tanging tsinelas ko at sapatos niya lamang ang nagsilbing ingay sa tahimik na gabi.
Minu minuto ko namang tinitignan siya sa likod ko, tamang layo lamang ang agwat naming dalawa. Sa tuwing naaabutan ko siyang nakatitig sa likod ko, ay ako na lamang ang umiiwas.
Lumingon muli ako sa kanya dahilan ng pagkatapilok ko na agad naman akong nakabawi.
Wala akong narinig na tawa o kahit pilit na itinatago na tawa, ngunit nahihiya pa rin akong inayos ang sarili bago lumakad nang hindi na siya tinitignan pa.
Patay lahat ng ilaw, maliban sa kusina ng bahay namin.
Humarap ako sa kanya, ginawaran ng maliit na ngiti.
"Salamat, dito na ako."
Imbis na sumagot ay hindi niya ako pinansin, inabala niya ang sarili sa pagsuri sa bahay namin na ngayon ay kinakain na ng dilim.
Doon ko lamang namalayan na malaki ang pagkaibahan naming dalawa, dahil sa itsura niya ay puno ng pagmamalaki. Sa akin naman ay, walang maipagmamalaki. Walang tinapusan, walang wala.
Nakaramdam ako ng kung ano sa puso ko, ramdam ko ang hiya. Hiya dahil nagpasama at hiya dahil sa posible niyang iniisip nang makita ang tinitirhan kong tahanan.
Mabilis akong napailing iling dahil sa pagkukumpara ko sa kanya.
"Alis na rin ako, kung ganoon," ani niya sa mababang boses.
Mabilis kong naibalik sa kanya ang tingin, na ngayon ay sa akin naman nakatuon ang seryoso niyang mata.
"Sige, salamat. Ingat ka."
Simpleng tango ang sinagot niya bago ako talikuran.
Pinagmasdan ko ang paglakad niya papalayo sa kinatatayuan ko. Nasa gitna siya ng daan, kulang na lang ay magdrama siya roon at umulan.
Mabilis namang humalo ang kulay niya sa dilim dahilan ng pagkawala nito sa paningin ko.
"Ma, ayaw ko na pong mag-aral." rinig kong reklamo ng dalaga.
"Hija, anong nasa loob nitong tinapay?"
"Hotdog po," magalang kong sagot sa matanda.
Ngayong Huwebes ay maghapon ako rito sa bakery dahil wala naman ngayon si Aling Tuti sa palengke, may pupuntahan daw. Wala rin naman akong lalabahin ngayon, bukas pa at sa linggo rin.
"Tigil tigilan mo 'ko sa kaartehan mo Theresita, ang iba nga dyan gustong gusto mag-aral. Tapos ikaw?"
"Kasi naman, sino pa kasi nagpauso nitong subject na ito," napapangusong bulong ng dalaga sa sarili bago itutok ang atensyon sa pagbabasa.
"Pwede po bang makahingi ng pangsupot?"
Dali dali akong kumuha ng supot at nagboluntir sa pagtulong sa matanda.
May bumusinang sasakyan, may sumigaw naman. Hindi ko iyon pinansin dahil nakatuon ang atensyon ko sa kaharap.
Dumaan uli ang sasakyan na itim sa harap ng bakery.
Dahan dahan kong nilagay ang mga bagong labas na pandesal at hopia sa bawat lagayan nito. Nakayuko ako na ginagawa iyon nang dumaan muli ang sasakyan, hindi na ako nakapagtigil na tumayo at hintayin ang pagbalik ng sasakyan.
Hindi naman umabot sa isang minuto dahil agad namang nagpakita ang sasakyan, litong lito ako na tinitigan ito. Batid kong naligaw ang may ari.
Lalabas na sana ako ng pinto nang siya namang labas ng driver.
Gamit ang nanlilit na mga mata ay tinignan ko ang pagbaba ng kung sino roon. Unti unting lumaki lamang iyon nang malinaw na nakita ang taong lumabas nang sasakyan.

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    Prince Nash

    wow

    24/04

      0
  • avatar
    GacoteRoxy

    ♥️♥️♥️♥️

    28/01

      0
  • avatar
    Kriz Kaye

    dapat mas intense pa

    27/01

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata