We're still sitting side by side but instead of riding in a van, we're now waiting in this port terminal for our ship to depart. He was traveling alone and so was I. That's why he suggested we travel together and have our seats side by side when we bought tickets for the ship. "Libre na kita ng pamasahe," pag-alok ni Ethan. "Naku, hindi na. Why would you do that? May sarili akong pera," tumanggi agad ako. I think I sounded a bit rude while I said that but him paying for my fare makes me uncomfortable since it's a bit expensive. Although I know he has enough money to cover it, I still refused his offer. Kahit papaano ay may savings pa naman ako at hindi rin naman ganoon kakapal ang mukha ko para siya ang pagbayarin ko sa pamasahe ko. Mukhang nalungkot siya sa pagtanggi ko kaya naman... "Yung terminal fee na lang ang ilibre mo sa'kin. 40 pesos lang 'yun kaya 'di masyadong mabigat sa bulsa," suhestyon ko nang mabasa ko ang presyo ng terminal fee sa sign malapit sa bilihan ng ticket. Matapos ko i-suggest 'yun ay nagka-buhay uli ang mukha niya habang papuntang counter para magbayad. "What is this? Akala ko ba he wants to breakup, kung anumang meron sa'min? I mean, he said that years ago but why is he acting like nothing happened?" pabulong kong sinabi habang nakatingin sa likod niya habang nagbabayad siya. He seemed to gain weight and muscle now. How long has it been since I last saw him? It was back when I was 18 and now I'm 24. Unlike me, I think he grew up well. He kinda knows how to dress now and stopped wearing black all the time. He is wearing a cream yellow polo with white shirt inside paired with black shorts. Hindi naka-butones ang polo nito dahil na rin sa init ng panahon. He is much brighter now compared to his emo look back when we were in highschool. He used to have long hair and his eyes were sometimes covered by his bangs back then. Naalala kong minsan na siyang naharang sa gate nung highschool kami dahil napakalago na ng buhok niya. May policy pa naman ang school namin noon about the length of hair acceptable for boys so ayan tuloy, napasama siya sa mga libreng nagupitan ng guidance teacher namin. Now, he seems really mature and dependable. He also has a clean cut now and his hair wasn't as messy back then. Engr. Ethan Avanzado. 25 years old. He's a civil engineer now working at a private construction firm in Taguig. He's a man of few words but gets the job done. He used to be my senior in highschool. And yes, he is my first love. "Kel, gusto mo ba ng cup noodles?" tanong sa'kin ni Ethan pagbalik niya. "Cup noodles? Eh magtatanghaling tapat na. Ang init-init kaya," sinabi ko habang pinaypay ang sarili ko gamit ang kamay ko. "Pwede mo namang sabihing ayaw mo, 'di mo na kailangan magreklamo." Huh? Ah, Sh*t! Lumabas na naman ang pagkamaldita ko. Hindi naman sa galit ako sa kanya, ganito lang talaga ako magsalita minsan. "Pasensya na, meron din pati akong baong pagkain kasi mahal ang presyo ng mga bilihin dito sa pier. Heto oh, may tinapay ako." Kinuha ko ang 'sunflower crackers' mula sa bag ko at ibinigay ko ito kay Ethan. Binuksan ko ang hawak ko na pack ng 'sunflower crackers' at nagsimulang kumain. Tumingin sa'kin si Ethan at humalikhik ng kaunti bago kainin rin ang binigay ko sa kanyang tinapay. "Kaya ka pala hindi tumataba kasi ganito lang kaunti ka kung kumain." "Hindi naman sa kaunti lang ako kumain, nagtitipid lang ako. Ikaw ba? Kaya ka ba tumaba kasi madami ka nang kumain ngayon?" "Hoy! Anong taba? Muscle yan! Inggit ka lang kasi hanggang ngayon buto't balat ka pa rin." "What? Anong buto't balat? Baka ang sabihin mo, sexy!" "Sexy? Wow! Ang lamig. Biglang lumakas yung hangin." "Talagang malamig. Naka-aircon 'tong terminal na 'to." "Sungit mo talaga. Nakadagdag pa sa pagka-fierce mo yang lipstick mo." "Oh? Ano namang problema sa lipstick ko? Bakit? Gusto mo rin ba?" "Hindi noh. Baliw ka. Napansin ko lang na naka-makeup ka pala talaga." "Ako pa yung masungit? Pero sya naman yung naunang nagsabi sa 'kin na payat at masungit ako tapos ngayon naman baliw?... Teka, ngayon mo lang napansin na naka-makeup ako?" "Kalma ka lang. Sorry na. Uhm, hindi masyadong halata pero ngayon na natingnan kita ng malapit, I can see that you put something on your face. Ang pula ng pisngi mo pati ng labi mo." He said that while staring at my face closely. He's about a hair's breadth away from me. Too close. "What are you saying? I didn't even put any blush on. And my lips aren't as red as that day." "That day... Oo nga, sobrang pula ng labi mo nun. Hindi agad kita nakilala kasi di ako sanay na makita kang nakamake-up." "Makeup? I just put on lipstick that day. You can't call that makeup already. Nakalimutan mo lang talaga siguro kung ano ang itsura ko." That day on this very same place... It was January 4, 6 years ago. Katulad ngayon, galing rin ako sa Christmas and New Year's vacation with my family pero kinailangan kong lumuwas because it was the enrollment during my 2nd year 2nd sem. Other than that, the enrollment was actually the same day as my 18th birthday and my family wanted to throw me a celebration in my hometown so I planned to enroll early in the morning then go back in the afternoon to celebrate my birthday. Well, that was the plan. Kaya naman bumiyahe na 'ko ng maaga isang araw bago ang birthday/enrollment ko. Pero pagdating ko ng pier, sumalubong sa'kin ang napakahabang pila at napakadaming bilang ng tao na paluwas papuntang Maynila. Tapos na kasi ang bakasyon at simula na ng pasok sa eskwelahan at trabaho ng iba tapos sumabay pa ang masamang panahon kaya napakadaming delayed na biyahe. Tumayo ako sa napakahabang pila para makakuha ng ticket kaso baka hapon na bago pa ako makakuha ng ticket dahil nasa dulo pa ako ng pila. Nagsisi tuloy ako na mag-isa ako bumiyahe at 'di pa sumabay kahapon sa pinsan kong si Bernard nang lumuwas siya. Pero sabi niya, halos ganito din daw ang dami ng tao kahapon at hapon na rin daw siya nakarating ng dorm niya. Mukhang aabutin pa ko ng gabi sa lagay na 'to ah. "Pare, ito bayad namin ni insan. Salamat ha." Sa kabilang pila ay nakita ko na may nagpa-abot ng bayad nila sa lalaking nakapila malapit sa unahan. Mukhang kakilala nila ang lalaking 'yun at pinasama na lang sa babayaran niya. Hay, kung meron lang sana akong kakilala dito, ipapasama ko na rin ang bayad ko. Sa paghahangad ko na makakita ng kakilala, nagpaikot-ikot ang tingin ko sa mga nakapila sa pier ngunit sa dinami-dami ng tao dito, bakit wala akong makitang kahit isang pamilyar na mukha? 'Yun ang pinagtataka ko hanggang sa matanaw ko ang isang lalaking naka-itim na nakatungo ang ulo habang nasa bulsa ang kaliwa nitong kamay. Malago ang buhok nito at mahaba ang buntot sa likod nito. Hindi sya nakapila at waring nagbabantay sa dalawang bag na nasa may paanan nya. Those thick eyebrows, slanted eyes, and his left hand in his pocket. There's no doubt it's him. It was my highschool sweetheart, Ethan Avanzado. His raven black hair is a bit disheveled and his bangs have grown too long that it almost touched his eyes. He was looking at the ground but then he titled his head up, shrugged his bangs away and when he did, our eyes met. I smiled at him unconsciously, but he just looked the other way around. What the hell! Did he just ignore me or is it that heart doesn't remember me anymore? I was a bit perplexed with his reaction but didn't let it bother me. I noticed one of the bags near his feet is certainly a girl's belongings. Whose is it? A girlfriend, maybe? Who am I kidding? It's his elder sister's of course. Paano ko nalaman? It's obvious, if it was his girlfriend or some sort, siya dapat yung nakapila at kumukuha ng ticket but since he wasn't, it must be one of her elder sisters. I'm the eldest sister myself and when I'm traveling with my brothers, ako lahat nagbabayad at kumukuha ng ticket namin kaya alam ko. I looked for her sister in the crowd and saw someone with glasses on the right side of the pier standing in a line. It was Ate Elaiza, a registered nurse. Ethan is the youngest in their family and has 2 elder sisters, Elaiza and Eris. Ate Eris was in the fourth year when I was first year in highschool and I knew Ate Elaiza because she's quite a famous alumni from our school. I also used to chat with them a lot when me and Ethan are a 'thing' that's why I know them. Nakapila rin si Ate Elaiza katulad ko pero obvious na obvious na mas malapit sya sa counter para makakuha ng ticket kaysa sa akin na halos nasa dulo ng pila. Hindi ko sana ito gagawin pero desperado akong makakalim agad para maka-enroll ng maaga bukas nang makabiyahe pabalik sa bahay namin sa probinsya para sa birthday ko kaya naman nilakasan ko na ang loob ko at nagdesisyong umalis sa pinipilahan ko. Kinapalan ko na rin ang mukha ko at taas-noong naglakad papunta sa kinatatayuan ng lalaking naka-itim na 'yun. Pumayag kaya siya na sumabay ako sa kanila? Naalala pa niya ba ako? Ang daming tanong sa utak ko at kinakabahan rin ako sa muli naming pagkikita matapos siyang grumaduate ng highschool. Ah, ewan. Bahala na. Naglakad ako papalapit sa kanya. Nang nasa may likuran na niya ako ay huminga ako ng malalim bago kulbitin ang balikat niya. "Ethan! Si Kel to. Nakakuha ka na ba ng ticket ng barko?" masigla at nakangiti kong pagbati sa kanya. "Oh? Ah, hindi pa. Si Ate ang nakapila. Siya ang kumukuha ng ticket." Halatang medyo nagulat siya sa'kin pero sinagot pa rin niya ang tanong ko. "Gano'n ba? Pwede kayang ipasama ko yung bayad ko sa ticket sa kanya? Wala kasi akong kasama baka gabihin ako bumiyahe mamaya." "Ah, sige. I-text ko si Ate. Saglit lang." Nilabas niya ang cellphone niyang sira ang case at sinabi sa Ate niya ang sitwasyon na may babaeng nang-aakit sa kanya at balak pagsamantalahan sya. Char. Siyempre, 'di nya sinabi 'yun. 'Di rin ako gano'n kapanganib. Maya-maya ay nag-reply na agad kay Ethan ang Ate Elaiza nya. "Ok lang daw. Ibigay mo na lang daw sa kanya ang perang pambayad." "Talaga? O sige, ibigay ko lang 'to sa kanya." Tumango lang siya at bago pa niya masambit na 'okay' ay nagtungo na agad ako kung nasaan si Ate Elaiza. "Ate, ito po 'yung bayad ko. Makikisuyo sana po." "Kel, okay lang. Doon muna kayo ni Ethan umupo at maghintay." "Sige po. Salamat Ate." Bumalik ako kung nasaan si Ethan at nang may nakita akong bakanteng upuan, niyaya ko siya na umupo doon habang kami ay naghihintay. "Enrollment niyo rin ba bukas kaya ngayon ang luwas mo?" "Ha? Hindi. Pasukan na namin bukas." "Ah, kami, enrollment pa lang tapos sa January 19 pa pasok namin." "Eh? So mag-stay ka sa dorm mo ng 2 weeks?" "Hindi. Babalik rin ako bukas dito pagkatapos ko mag-enroll. Ahm. Di rin ako nag-dodorm, sa tita kong nasa Batangas ako nakikitira." "Babiyahe ka ulit bukas pabalik? Tatawid ulit ng dagat? Dahil ba sa birthday mo?" "Oo, debut ko kasi bukas. Gusto ko i-celebrate birthday ko kasama pamilya ko since last year, may pasok nung birthday ko kaya 'di ako nakauwi." "Ah, mag-18 ka na nga, may 18 roses ka ba?" "Ha? Walang mga ganun? Simpleng selebrasyon lang. Konting handa lang at konting bisita lang din. Ayoko pati ng bonggang party at madaming bisita. Kung may sasayaw man sa'kin, meron akong tatlong escort, isama ko pa yung anak ni tita, apat na agad yun." "Akala ko ba sa bahay ng tita mo ikaw tutuloy. So kung nasa probinsya sila, sinong tao sa bahay nila ngayon?" "Nandoon ang biyenan ni Tita. Siya muna ang tumao sa bahay nila habang nagbabakasyon kami sa probinsya." "Ah. Akala ko mag-isa ka lang mamaya dun." "Bakit? Sasamahan mo ba ko?" I playfully asked with a cheeky smile. ... "Biro lang. Uy! Sumagot ka agad ng 'hindi' kapag gano'n," sabay paghampas ko sa balikat nya. Ngumiti lang si Ethan at sumunod ang nakakabinging katahimikan na namagitan sa aming dalawa. Ibinaling namin ang aming atensyon sa kanya-kanyang cellphone. This is so awkward. I couldn't stand this silence. Teka lang, mag-iisip muna ako ng topic na pag-uusapan namin.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
I love reading story
11/02
0renuel
02/02
0very nice
26/04/2025
0Tingnan Lahat