logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Just To Be Free

Just To Be Free

DALAWAATAPAT


Kabanata 1

Kabanata 1
I was smiling while looking at a small sticky note na nakadikit sa lunchbox ko, given by my loving boyfriend.
Ingat sa trabaho babe wag mapagod okay? I love you so much.
"Kilig ka naman dyan sana all sweet ang jowa," pang aasar sakin ng officemate ko na si Matilda kaya naman lumingon samin ang iba pa naming katrabaho at tinignan nila ako ng may pang-aasar.
Hindi ko lang sila pinansin at ngumiti na lang. Jacob is my boyfriend napaka-sweet nya, napaka-caring at loyal kaya mahal na mahal ko sya kahit na lihim lang ang relasyon namin, hindi ko pa nasasabi sa mga magulang ko dahil alam kong hindi sila papayag.
Hindi ko kasama ngayon ang mga magulang ko. Simula bata pa ako wala akong ibang ginusto kung hindi ang makalayo sa kanila, 'di dahil hindi ko sila mahal kung hindi dahil gusto kong maranasan ang maging malaya.
Mahigpit sila noong nag-aaral pa lamang ako. May personal yaya at driver ako na palaging nakabantay sakin, laking pasasalamat ko lang ng maka-graduate na ako at pinayagan na nila akong maging independent. Now I am living alone in my condo in Cali city while my parents and my sister is living in Salingdom province.
"Aly let's go lunch na."
Napatingin ako sa relo ko at nakitang 12:00 na nga, di ko na namalayan ang oras dahil sa mga ginagawa ko.
Lumabas na kami ng opisina ng mga katrabaho ko para pumunta sa canteen upang kumain.
"Sana all may laging baon no?" pang aasar ni Angie isa ko pang katrabaho.
"Alam nyo wag na kayong mainggit dadating din ang sa inyo," sabi ko sa kanila bago sila nginitian ng matamis.
Matapos kaming kumain ay pumunta muna ako sa cr para magtoothbrush. Nag-ring ang cellphone ko and it was my mom.
"Mom?"
"Anak," namamaos na tawag nya sakin.
"Mom what's the matter?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.
"Come back home Ally"
"Mom I thought we're done arguing about this please," pakiusap ko sa kanya.
"It's not about you staying there anak it's about your ate please just come home."
I can feel pain in her voice kaya naman parang tinatambol ang tibok ng puso ko. Lumabas ako ng kompanya at dali-daling sumakay sa kotse ko at nag-drive pauwi ng probinsya.
After five hours of drive ay nakarating na ako sa tapat ng mansyon namin. I was puzzled and really lost looking at our house with a tarpaulin where my sister's picture is.
Nanghihinang lumabas ako ng kotse ko at nag-uunahang tumulo ang luha ko, ayaw tanggapin ng puso at isip ko kung ano ang nakikita ng mga mata ko. Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko ang isang puting ataol at sa harap nito ay ang umiyak na mga magulang ko.
"Ally anak kumain ka muna kagabi kapa di kumakain," wika ni Nanay Sena, ang dati kong yaya.
It's been a week since nailibing ang Ate Yanna ko but the pain is still in my heart sobrang sakit, she was my savior and she was the best sister I ever had.
Sumama na ako kay Nanay Sena palabas ng kwarto ko para pumunta sa kusina, naabutan ko ang mga magulang ko na malungkot na kumakain ng almusal. Seeing them lonely almost made me cry so hard. I badly want to cry but I just can't not in front of them I wanted to show them that I am strong and I am just here for them.
"Good morning mom," bati ko kay mommy bago yumakap sa kanya at kitang kita ko kung paano tumulo ang luha nya, pero agad nya ito ng pinahid.
"Good morning dad," bati ko sa ama ko bago yumakap din dito.
"Eat anak kagabi ka pa di kumakain we have to be strong okay? kaya wag mong pabayaan ang sarili mo," dad said.
"Opo sorry."
Matapos kaming kumain ay naligo ako bago lumabas ng mansyon at pumunta sa taniman namin. I miss this place pero hindi sa ganitong paraan ko gustong umuwi.
Malawak na taniman ng iba't ibang prutas ang pagmamay-ari ng magulang ko. Napatingin ako sa napakalawak na taniman ng pinya at napangiti ako may mga bunga na ito, pero maliit pa sila. Bumaling naman ako sa mga puno at nakita ko ang malalagong puno ng mangga lumapit ako doon at naupo sa malaking ugat ng mangga.
"Ally nandito ka pala," pansin sakin ni Kuya Robert, ang kanang kamay ni daddy at siyang namamahala sa mga taniman namin.
"Opo nagpapahangin lang," nakangiting sagot ko sa kanya.
"Magtatanim kayo ng kamoting kahoy?" tanong ko ng makitang nagpuputol sila ng mga katawan ng kamoting kahoy.
"Oo doon sa bagong biling lupa ng daddy mo," sagot sakin ni Kuya Robert.
Pinanood ko sila kung paano magputol at kung gaano kahaba at nang matandaan ko na ay humiram ako sa kanila ng itak, dahil gusto ko ding subukan para naman may pagkakaabalahan ako.
"Naku! mag-ingat ka Ally ha, baka masugatan ka," paalala sakin ni Mang Karding, medyo may edad ng trabahador ni daddy.
Nginitian ko ito at tumango. Habang nagpuputol ako ay nalilibang na ako medyo nakakalimutan ko ang sakit ng pagkawala ni ate.
"'Tay, meryenda niyo daw."
Napalingon ako ng may nag salita at nakita ko ang isang binata na matangkad at kayumanggi ang balat.
"Ahh!" daing ko ng masugatan ko ang aking kamay.
"Naku! 'yan na nga ba ang sinasabi ko, " nagpapanic na sabi ni Mang Karding.
Nagmamadaling lumapit sakin si Kuya Robert at inalis sa isang kamay ko ang hawak kong itak at inalalayan akong tumayo.
"Leandro ihatid mo na si Ally sa mansyon," utos nito sa binatang bagong dating.
"Sige po."
Lumapit ito sa'kin at inalalayan ako maglakad pabalik sa mansyon, nang makalayo na kami sa mga trabahante ay napatigil siya kaya napatigil din ako.
"Bakit?" tanong ko.
"Hindi naman paa ang nasugatan sayo bakit pa kita aalalayan?"
Nagulat ako sa kanya at napagtantong may point naman siya.
"Isa pa maliit na sugat naman yan malayo sa bituka," dagdag niya pa.

Komento sa Aklat (279)

  • avatar
    JaymeMaria Laly

    Age is doesn't matter talaga pag dating sa love...ang ganda ng story...love it po💕

    25/08/2022

      1
  • avatar
    Claire Saguibo

    i like it♥︎

    2h

      0
  • avatar
    Je Guzman

    This app is good

    1d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata