logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CPL: 3

Gulat na nilingon si Jeremie ng dalawa. Parang noon lang napansin ng mga ito na may ibang tao sa lugar. It was the hallway. Paanong di mapapansin ng mga ito? Sinamantala niya ang pagkatigagal ng mga ito at itinayo ang babae.
“Miss, hindi mo dapat ginagawa ‘to. Bakit ka nagpapakababa ng husto para sa lalaking iyan? No man is worth it!” sabi niya at hinawakan ito sa balikat at inilayo sa lalaki.
Naguluhan ang babae. “Miss, ano bang…”
Tumayo siya sa pagitan ng lalaki at ng babae. Naalala niya ang pangalan nito. Lucian. Parang mas bagay dito ang Lucifer. Well, he was a handsome devil. No he looked more like a pirate. Dark and looming over her. Pero hindi siya natatakot lalo na’t ito ang wala sa katwiran.
“Mister, hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? Sinesante mo na nga siya, gusto mo pang halikan ang sapatos mo. Masyado kang malupit!” Dinuro niya ito sa dibdib. “Wala kang puso.”
Inaasahan niyang magagalit ito pero tinitigan lang siya nito sa malalamig na mga mata. “Thanks for the comment, Miss. Now if you’ll excuse me…”
Nagulat siya. Inaasahan niyang dedepensahan nito ang sarili nito o kaya ay itataboy siya. Anything else. Huwag lang ang pagkikibit-balikat nito na parang walang kwenta ang mga sinabi niya dito. Naglakad lang ito palayo na parang wala itong narinig.
“Hey! Iyan lang ba ang sasabihin mo? Hindi pa ako tapos sa iyo!” sigaw niya at tangkang hahabulin ito pero naunahan na siya ng babae.
Humawak ito sa kamay ni Lucian at umiiyak. “Sir, please! Bigyan pa ninyo ako ng isang chance. I will be good. Iisipin ko nang mabuti ang trabaho ko. Huwag lang ninyo akong hayaang lumayo sa inyo. Mahal ko kayo. Pagsisilbihan ko kayo. Kahit po hindi ninyo ako bayaran...”
Sinapo niya ang noo. Ano bang kabaliwan ang sinasabi ng babaeng ito? Kahit tinatrato ito nang di maganda ay mahal pa rin nito ang lalaki. She was crazy!
“It is useless, Miss Santos. What I need is a secretary who can perform well. Not a starry-eyed woman who wants to be my slave. Magpapadala ako ng tutulong sa iyo para iempake ang mga gamit mo. You have twenty minutes to embark this ship. May tao na sa airport na magbibigay ng ticket mo pabalik ng Pilipinas. Kunin mo sa opisina bukas din ang two weeks severance pay mo.” He waved his hand. “Goodbye, Miss Santos!”
“Sir!” palahaw ni Miss Santos at sumalampak sa carpeted na hallway. Pinagmasdan lang nitong palayo ang lalaking sumisante dito at bumigo sa puso nito.
“Miss, okay ka lang?” tanong niya at inalalayang tumayo ang babae. Nakaimbi niyang tiningnan ang lalaki na pumasok sa kuwarto sa dulo ng hallway. “Ang yabang ng lalaking iyon. Akala mo kung sino.”
“Ikaw ang akala mo kung sino!” singhal ng babae sa kanya.
Nagulat siya dahil sa kanya nito ibinabaling ang galit. “Anong...”
“Si Lucian Montecillo ang sinagot-sagot mo kanina.”
“Sino ba siya?” tanong niya. “Artista ba siya? Importanteng tao?” Bakit naman siya mangingiming sagutin ang Lucian Montecillo na iyon? Kahit sinong tao ay walang apihin o ipahiya ang kapwa nito. “Kung umasta siya parang pag-aari niya ang lugar na ‘to.”
Tumayo ang babae at pinagpag ang damit. “Pag-aari niya ang barkong ‘to, Miss.”
“Oh!” nausal niya. That explains it. The man was gorgeous and ultra-rich as well. Kaya pala madali lang dito na ipagtabuyan ang isang ordinaryong sekretarya. “Pero hindi ka niya dapat tratuhin na parang basahan.”
“Mas gusto ko nang tratuhin niya ako na parang basahan kaysa mawala ako sa buhay niya.” Kinuyom nito ang palad at inilagay sa dibdib. “Mahal ko siya nang unang beses pa lang kaming nagkita. At kahit na temporary secretary lang niya ako, ako na ang pinakamasayang babae sa mundo. Masaya na akong ipagtimpla siya ng kape at tawagin niya ang pangalan ko. Kahit na galit siya, tatanggapin ko lahat.”
“You don’t deserve that kind of man. Parang wala sa itsura niya ang kayang magmahal. Makakahanap ka pa ng bagong trabaho. Makakahanap ka pa ng lalaking magmamahal sa iyo. Hindi mo kailangang magpakahibang sa kanya!”
Hindi niya maiwasang maawa dito. Hindi man lang naibalik ang pag-ibig nito, wala pa itong trabaho. Parang babae na lang ang laging talo pagdating sa pag-ibig. At ang tanging maitutulong lang niya ay kung matatauhan ito na hindi si Lucian Montecillo ang lalaking dapat pag-aksayahan ng panahon.
Nagulat siya nang bigla siyang tabigin nito. “Tumahimik ka! Si Lucian ang gusto ko! At kasalanan mo ang lahat. Kundi ka sana nakialam, sana pinakinggan pa ni Sir Lucian ang pakiusap ko. Sana bibigyan pa niya ako ng pagkakataon para mahalin siya. Wala na iyon! Wala!”

Komento sa Aklat (26)

  • avatar
    Mona Liza Labos

    Good story

    10d

      0
  • avatar
    Bhemine Marcelo Amaba

    wow nice story gusto ko matapos ang pagbasa nito

    19/04

      0
  • avatar
    Mateth Madelo

    Maganda ang Kwento highly recommended

    20/01

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata