logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata Anim

Tatiana's POV
Sa mga sumunod na araw ay hindi nagbago ang routine namin ni Miguel. Parati niya pa rin niya akong sinsundo at sabay kaming maglalako ng mga paninda kong isda. Parati niya akong binibigyan ng kung ano-ano kahit maliit na bagay ay napapasaya niya naman ako. At dahil nga katatapos lang naming maglako ay inihatid niya ako rito sa bahay namin. Nang makarating sa bahay ay inaya ko muna siyang magkape naawa na kasi ako sa kanya dahil araw-araw na lang ay pinagtatabuyan ko siya para na rin makapagpahinga.
"Halika magkape ka muna sa loob Miguel," aya ko sa binata. Nanlaki ang mga mata nito at nagulat kaya naman ay mahina akong natawa.
"O? bakit ganyan ang reaksyon mo?" natatawa kong tanong sa kanya.
"Ako ba talaga ang inaya mo?" tanong niya sabay turo sa kanyang sarili. Natatawa akong tumango sa kanya.
"Bakit ayaw mo ba?" biro kong tanong sa kanya.
"Hindi naman sa ganoon, hindi lang naman ako makapaniwalang inaaya mo akong magkape eh! dati rati parati mo akong tinataboy," nakanguso niyang sabi sabay kamot sa kanyang batok na para bang nahihiya. Ang cute at ang gwapo niya lang talaga.
"Papasok ka ba o uuwi na?" biro ko ulit sa kanya at abah ang loko mabilis pa sa kidlat na nakapasok sa loob. Natatawa na lang ako sa kanyang ginawa. Sumunod na rin akong pumasok sa loob.
"Dito ka na sa kusina magkape at ipagtitimpla na kita," sabi ko dahil sa sala sana siya tutungo. Agad naman siyang tumalima. Umupo ito sa upuan at masaya akong tinititigan.
"Huwag masyadong tumitig Mister at baka matunaw ako," natatawa kong sabi sa kanya at pinandilatan.
"Wow! Mister ah! pwede na ba kitang maging Misis ko?" nagbibiro nitong sabi pero ang mga mata niya ay punong-puno ng pag-asa. Biglang nawala ang ngiti ko at inirapan siya. Tinatago ko ang aking pagkabigla sa sinabi niya.
"Tigil-tigilan mo nga ako Miguel," naka-irap kong sabi at agad na tinalikuran siya upang maipagtimpla na ng kape. Hindi ko na narinig pa na nagsalita si Miguel kaya hinayaan ko na muna. Kinuha ko ang dalawang mug at nilagyan ng gatas ang isa at kape naman para kay Miguel. Kinuha ko na rin ang telmos at saka nilagyan ng mainit na tubig ang dalawang mug. Nang matapos ay nilingon ko si Miguel.
"Lalagyan ko ba ng asukal ang kape mo?" mahina kong tanong dito.
"Huwag na, gusto ko kasing malasahan ang sobrang pait ng kape," sagot niya sa akin habang titig na titig sa aking mga mata at seryosong-seryoso ang mukha. Napalunok tuloy ako sa sinabi niya. Parang may double meaning ang sinabi niya sa akin kaya naman ay umiwas kaagad ako ng tingin dito.
Nang matapos makapagtimpla ay kinuha ko ang mug at inilagay sa mesa na kaharap ni Miguel ang kanyang kape at naghila na rin ako ng upuan na nakaharap sa kanya.
Umuusok pa ang mug namin dahil mainit pa 'yon. Nakatitig lang si Miguel sa kanyang kape. Ilang minuto kaming hindi nagsalita hanggang sa siya na ang unang bumasag ng katahimikan. Nag-angat siya ng tingin sa akin.
"Salamat sa pagtimpla mo ng kape," mahina niyang sabi.
"Ano ka ba! maliit na bagay kumpara sa araw-araw mong pagtulong sa akin," sabi ko naman at pinasaya ko ang aking boses para maibsan ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Hay, sana man lang talaga ay mas maging mapagpasensya pa si Miguel. Oo at nagiging selfish na nga ako, pero sana naman ay maintindihan pa rin niya.
"Ikaw kasi ang nagpapasaya sa akin Tiana eh! makita lang kita araw-araw ay sumasaya na ang mundo ko," sabi niya at kinuha ang mug at sumimsim ito.
Napalunok ako, sa totoo lang ay araw-araw rin akong masaya kapag kasama ko siya.
"Salamat talaga sa pang-unawa mo Miguel, at sana asahan mong lahat ng pinaghirapan mo ay makakamtan mo 'yon," sabi ko at hinawakan ang kanyang kamay at pinisil ko iyon.
"Masaya ako Tiana, kahit hindi pa buo ang pagmamahal mo ay okay lang at hihintayin ko pa rin na maging buo ang pagmamahal mo sa akin," nakangiti nitong sabi.
Ngumiti na lang ako sa kanya.
Ininom niya ang tinimpla kong kape at talagang sinaid pa talaga ang laman. Napangiti na lang ako.
"Sana dumating rin ang araw na umaga-umaga ay ikaw ang magtitimpla ng kape ko," malambing sabi niya at punong-puno ng pagmamahal ang mga mata niyang nakatitig sa akin.
"Sige na at umuwi ka na, siguradong makakatulog ka na niyan," biro ko sa kanya.
Malakas lang itong natawa.
"Okay po Misis ko," biro niya pa. Natawa na lang tuloy ako imbis na mainis sa sinabi niya.
"Bukas ulit, bye!" sabi ko at hinatid ko pa siya sa labas ng gate namin.
"Bye Tiana! mapanaginipan mo sana ako," paalam ni Miguel sabay pa flying kiss. Kaya mas lalo lang akong natawa at kunwaring sinalo ko 'yon. Nang matanaw kong nakalayo na siya ay agad na akong pumasok sa loob at magpapahinga muna ako. Maya-maya lang naman ay darating na rin si Nanay Patricia. Pumasok ako sa aking kwarto at kinuha ko ang aking maliit na box. Kinuha ko ang mga laman niyon at nagsulat ako sa isang papel. Sinulat ko ang mga pangalan namin ni Miguel at ginuhitan ko ng hugis puso. Napangiti na lang ako. Ito ang magiging inspiration ko. Dahil unti-unti ay napapamahal na ako kay Miguel.
Matapos ko 'yong isulat ay ibinalik ko 'yon sa box at itinago. Hihiga na sana ako ng may narinig akong katok mula sa labas ng bahay namin. Kaya agad akong lumabas ng kwarto ko dahil sa pag-aakalang si Nanay Patricia na ang dumating. Nang buksan ko ang pintoan ay nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino ang nasa labas.
"Maria!" sigaw ko at agad na niyakap ang kaibigan kong si Maria. Kaklase ko noon sa high school at sabay kaming grumadweyt. Pero ilang buwan lang matapos kaming grumadweyt sa high school ay nabalitaan kong unalis siya sa bayan namin at tumungo sa siyudad. Apat na taon na rin ang nakalipas at ngayon lang talaga siya nagpakita rito sa aming bayan.
"Ako nga Tiana," sabi niya pa at ibinalik ang yakap ko sa kanya.
"Halika pasok ka," aya ko sa kanya sa loob ng bahay.
"Salamat," sabi niya at iginiya ko siya sa sala namin.
"Malaki na ang pinagbago mo ah!" puna ko rito. Dati na namang maganda si Maria eh! maputi ito at matangkad din, straight ang kanyang itim na buhok, medyo singkit ang mata niya, matangos ang ilong at may mapupulang labi. Marami ring nagkakagusto noon kay Maria dahil sikat din siya noon sa school namin. Mas lalo siyang gumanda ngayon dahil na rin siguro sa syudad siya tumira at maging ang pananamit niya ay maganda rin.
"Ikaw rin naman Tiana, mas lalo ka lang na gumanda," sabi ni Maria at umupo sa pang-isahang upuan.
"Teka lang at ikukuha kita ng maiinom," paalam ko rito.
"Huwag ka ng mag-abala pa Tiana, kakakain ko lang din," sabi naman nito kaya ay napabalik na lang ako sa pag-upo.
"Kumusta ka naman?" tanong ko rito.
"Heto at busy sa trabaho sa Manila, ngayon lang nga ako pinagbigyan ng boss kong makapagbakasyon eh!" sabi niya pa at sumandal sa upuan.
"Ikaw kumusta ka naman?" siya naman ang nagtanong. Hindi ko naman ikinahihiya ang paglalako ko ng isda dahil malinis na paraan naman 'yon ng paghahanap-buhay eh. Pero sa nakikita ko kay Maria ngayon ay gusto kong mainggit sa narating niya. Samantalang ako ay walang kaunlaran.
Ngumiti ako ng pilit dito.
"Heto at naglalako pa rin ng isda," mahina kong sabi.
"Talaga? ayaw mo bang magtrabaho sa Maynila?" sabi niya pa na parang hindi makapaniwala.
"Ayaw ko kasing iwan si Nanay ritong mag-isa eh," dahilan ko sa kanya.
"Sayang naman! pero Tiana may itatanong sana ako sayo eh," mahina nitong sabi.
Tinitigan ko siya kasi mukhang importante ang kanyang sasabihin.
"Ano 'yon?" tanong ko rito.
"Ahm, nakita mo ba si Miguel?" tanong niya sa akin na ikinalaki ng mga mata ko.
Bigla akong binundol ng kaba.
"A-ah, bakit mo naman hinahanap si Miguel?" tanong ko rito. Parang alam ko na kung bakit niya hinahanap si Miguel eh.
"Alam mo bang matagal ko ng gusto si Miguel?" sabi niya pa at nangingislap ang mga matang nakatingin sa akin.
Napalunok ako ng laway. Ayaw ko namang sabihin dito na nanliligaw sa akin si Miguel eh. Baka ano pa ang isipin niya at isa pa ay kaibigan ko rin naman si Maria kaya ayaw ko siyang masaktan. Litong-lito tuloy ako.
"Baka naman nasa bahay nila," mahina kong sabi rito.
"Talaga? siguro mas lalo siyang gumwapo ngayon no? gusto ko sana siyang makausap dahil may sasabihin ako sa kanya," masaya niyang sabi. Nginitian ko na lang siya ng pilit.
"Puntahan mo na lang siya sa bahay nila," sabi ko rito.
"Mabuti pa nga siguro, pwede mo ba akong samahan?" tanong nito sa akin. Nabigla ako ng sabihing gusto niya akong sumama sa bahay nila Miguel. Napaisip tuloy ako. Hindi ko alam ang aking sasabihin sa kaniya. Gusto ko sanang huminde pero nakakahiya naman sa kanya at baka sabihin niyang nag-iinarte lang ako. Kaya sa huli ay napapayag niya akong samahan siya sa bahay nila Miguel. Masaya niya akong niyakap.
"Maraming salamat talaga Tiana," sabi naman nito. Nginitian ko lang siya bilang tugon.

Komento sa Aklat (80)

  • avatar
    Kris Cornelio Gamosa

    masaya

    07/07

      0
  • avatar
    Quennie Reyes

    uuujjjjjj

    28/06

      0
  • avatar
    Mark Jerico

    Nice story

    26/05

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata