logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanta Lima

Tatiana's POV
Kinagabihan ay maaga akong kumain at naligo na rin ako. Alam ko kasing susunduin ako ni Miguel ngayon. Matapos akong maligo ay mabilis kong pinatuyo ang aking buhok. Kinuha ko kaagad ang naka hanger kong damit at pinasadahan muna ito ng tingin at napangiti na ako. Isinuot ko kaagad 'yon. Nagpahid ako ng lotion sa mga paa at kamay ko. Sinuklay ko ang mahaba kong buhok na medyo may pagka blonde at bumagay ito dahil nga namana ko sa aking Tatay ang mala-Americana kong kutis.
kahit anong bilad ko sa araw ay hindi naman ako nangingitim. Nagpahid ako ng facial cream sa aking mukha at nag-apply ng simpleng lip tint na ang brand ay TSP Miracles.
Nang maayos na ang hitsura ko ay kinuha ko ang aking flat shoes. Mabuti na lang at nalinis ko ito kanina.
Nang matapos ay nag spray na rin ako ng favorite cologne ko. Nang masigurong okay na ay agad na akong lumabas sa aking kwarto. Medyo kinakabahan pa naman ako ngayong gabi. Pag labas ko ay nakita ko si Nanay Patricia. Nakita ko ang humahanga niyang mga mata. Kumukislap sa saya ang mga mata ng aking Nanay Patricia.
"Ang ganda mo anak! manang-mana ka talaga sa 'yong ama," sabi pa nito. Medyo nabigla ako sa sinabi niya dahil ni minsan ay hindi niya nababanggit ang pangalan ni Tatay. Nang tingnan ko si Nanay Patricia ay nagtatanong ang mga mata ko. Pero ngumiti lang siya at nilapitan ako. Marahan niya akong hinaplos sa aking mukha.
"Pasensya na anak kung hindi ko man lang naisip ang nararamdaman mo sa paglilihim ko sa 'yong ama, gusto ko lang talaga siyang makalimutan kaya ayaw kong nababanggit siya," paliwanag pa ni Nanay Patricia sa akin. Hindi ako kumibo at tinititigan lang si Nanay Patricia. Alam ko namang hindi rin madali ang pinagda-daanan nito. Unti-unti kong niyakap si Nanay Patricia.
"Okay lang po Nanay, alam ko pong ikaw ang unang nahihirapan sa ating sitwasyon, ikaw ang mas higit na nasaktan kaya sino ba naman ako upang pangunahan ang 'yong mga desisyon," sabi ko na puno ng pag-uunawa sa aking Nanay Patricia. Wala siyang ibang ginawa kundi ang alagaan ako at mahalin. Hindi na nga niya hinangad ang lumigaya basta ang hangad niya lang parati ay ang kaligayahan ko.
"Nawa'y maging masaya kayo ni Miguel anak," nakangiting sabi ni Nanay Patricia at hinagod pa ang likuran ko.
"Si Nanay naman! hindi ko pa nga sinasagot 'yong tao eh!" nakanguso kong sabi rito.
Natawa lang si Nanay Patricia ng mahina.
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Salamat sa lahat Nay, at salamat din dahil nagagawa mo ng magsabi sa akin tungkol kay Tatay," nakangiti kong sabi sa kanya.
Gusto ko sana siyang tanungin pa tungkol kay Tatay, pero siguro ay bukas na lang at may lakad pa kami ni Miguel.
"Ano ka ba! karapatan mo 'yon, huwag kang umiyak at masisira ang ganda mo," biro ni Nanay Patricia. Masaya akong nakakangiti na siya at bumalik na ang Nanay Patricia kong masayahin at masigla.
Ilang minuto lang ang lumipas ay narinig ko na ang katok mula sa pintoan namin.
"Magandang gabi po Aling Patricia at Tatiana," pagbati ni Miguel matapos na kumatok.
"Ako na ang magbubukas maupo ka muna dyan sa sala," masayang sabi ni Nanay Patricia. Halatang halata na bet na bet talaga niya si Miguel para sa akin. Napangiti na lang tuloy ako. Sinunod ko si Nanay Patricia at naupo nga ako sa may sala namin habang hinihintay si Miguel na makapasok.
Medyo kinakabahan ako eh.
Binuksan ni Nanay Patricia ang pintoan. Hindi agad ako makikita ni Miguel dahil nasa sala ako at natatabunan pa ng kurtina.
"Magandang gabi po Aling Patricia," bati ulit ni Miguel.
"Magandang gabi rin hijo! pasok ka," bati ni Nanay at pinapasok si Miguel.
"Si Tiana po nasaan na?" tanong ni Miguel.
"Nasa sala na at hinihintay ka, sige puntahan mo na siya at mag-aayos lang ako ng kusina," sabi naman ni Nanay Patricia at iginaya si Miguel dito sa sala. Grabe ang pagtahip ng dibdib ko siguro dahil first time kong makipag-date kaya ganito siguro ang nararamdaman ko.
Naramdaman kong pumasok si Miguel sa sala kaya naman ay napalingon kaagad ako sa kanya. Laglag ang panga kong nakatingin sa kanya. Ang gwapo niya sa suot niyang formal attire. Naka ayos pa ang kanyang buhok. Kung gwapo na siya noon ay mas lalo lang siyang gumuwapo ngayon. Tinitigan lang namin ang isa't-isa at nang lumakad na siya palapit ay tumikhim ako at nginitian siya.
"Magandang gabi sayo Tatiana," malambing ang boses na bati nito.
"Magandang gabi rin sayo Miguel, maupo ka," nakangiti ko ring bati sa kanya.
Lumapit si Miguel sa akin at ibinigay ang isang pumpon ng rosas na kulay puti. Napangiti ako sa binigay niya. Ang puti kasi ay sumisimbolo ng kalinisan at katapatan.
Nakita ko rin ang paghanga sa mga mata ni Miguel. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at bumalik sa mukha ko. Nakikita ko kung gaano siya kasaya. Tinggap ko ang bulaklak na dala niya at agad naman itong umupo sa kaharap ko.
"Napakaganda mo naman Tiana," nakangiti nitong sabi sabay kindat pa. Natawa na lang ako sa kanya.
"Ngayon lang ba ako maganda?" biro ko rito at sabay irap. Narinig ko siyang humalakhak.
"Araw-araw kang maganda para sa akin, pero mas lalo kang gumanda ngayon," sabi naman nito.
"Mabuti na 'yong malinaw," sabi ko sa kanya.
"Pwede na ba tayong umalis?" tanong niya sa akin.
"Ikaw ang bahala," sagot ko naman dito.
"Tara na!" sabi niya sabay tayo.
Hinawakan niya ang aking kamay at iginiya niya ako. Paglabas namin sa sala ay nakita ko si Nanay Patricia na nakangiti sa amin.
"Aling Patricia, pwede bang hiramin ko po muna si Tiana?" magalang nitong sabi pero may halong pagbibiro. Natawa na lang ako at si Nanay Patricia.
"Ayaw mo naman yatang magpa-pigil pa hijo! sige at mag-iingat kayo ha? iingatan mo ang aking anak ah?" sabi naman ni Nanay Patricia.
"Sige Nay, mag-iingat rin po kayo rito ah!" sabi ko kay Nanay at sabay halik sa pisngi nito.
"Maraming salamat po sa inyo Aling Patricia at pinag-katiwalaan niyo po ako," sabi ni Miguel.
"Alam kong mabait kang bata Miguel at sana ay parati mong alagaan at pasayahin ang anak ko, huwag na huwag mo sana siyang sasaktan," seryoso naman niyang sabi kay Miguel at hinawakan ang kamay nito.
"Huwag po kayong magalala at ako na ang bahala sa anak niyo," sabi naman ni Miguel.
"Sige na umalis na kayo at baka gabihin pa kayo sa daan," sabi ni Nanay Patricia.
"Aalis na po kami Nay," paalam ko pa.
Hinawakan ako ni Miguel hanggang sa makalabas kami ng gate. Iginiya niya ako sa may tricycle.
"May pa tricycle ka pa ah!" biro ko rito.
Napakamot siya ng ulo.
"Syempre naman, special ka kaya," malambing niyang sabi at pinasakay na niya ako sa tricycle. Akala ko ay sasakay rin siya sa tabi ko, pero bigla na lang ay sa motor siya sumakay.
"Ikaw ang magmamaneho ng tricycle, Miguel?" tanong ko rito.
"Oo, para solong-solo kita," sabi niya pa sabay kindat. Kinabahan tuloy ako. Hindi dahil sa natatakot ako pero dahil sa kilig na nararamdaman ko.
"Loko ka ah!" biro ko rito sabay hampas sa braso niya. Tinawanan lang talaga ako ng loko! kaya inirapan ko na lang ito.
Nagsimula na ring umandar ang tricycle. Pero hindi pa kami umabot sa pupuntahan namin ay bigla itong tumigil. Nagtataka ko siyang tiningnan. Agad itong bumaba at umikot sa gawi ko. May kinuha siyang panyo at tinakpan ang mga mata ko.
"Miguel!" protesta ko pero tinawanan lang talaga ako. Mukha na ba akong clown nito dahil parati niya na lang akong tinatawanan.
"Relax ka lang okay? surprise nga eh!" rinig kong sabi nito.
"Okay sige na nga!" sabi ko at kinikilig ako sa pa-surprise niya.
Umandar na rin ang tricycle at mga ilang minuto lang ang nakalipas ay huminto na ang tricycle. Naramdaman kong hinawakan ni Miguel ang kamay ko at iginiya palabas ng tricycle.
"Narito na ba tayo Miguel?" tanong ko. Dahil nga nakatakip ang aking mga mata ay literal na wala akong makita.
Hindi ako sinagot ni Miguel. Bigla ay binitawan niya ako kaya mas lalo akong nangapa sa dilim. Kakainis talaga ang lalaking 'to! daming alam sa buhay.
"Miguel? nandyan ka pa ba?" tanong ko, pero hindi ako umalis sa kinatatayuan ko.
Walang salita ang narinig ko mula kay Miguel.
Tatanggalin ko na lang ang panyo sa aking mga mata. Dahan-dahan kong tinaggal ang panyo sa aking mata. Kumura-kurap muna ako kasi nanibago ang mga mata ko sa liwanag. Nang makakita ako ng maayos ay agad akong napanganga dahil sa nakita ko.
Nagkikislapan ang iba't-ibang ilaw sa paligid ko. Mayroon ding rose petals sa sahig at mayroon din sa nakapalibot ng mesa. Ang mesa ay may kandila sa gitna at may pagkain na ring naka-serve. Napaka ganda ng paligid. Dim light lang sa pwesto namin. Romantic dinner with candle lights. Ito noon ang parati kong bukang-bibig sa tuwing nagtatanong siya sa akin kung anong nagpapakilig sa akin.
Hindi ako makapaniwalang tiningnan ko si Miguel.
"Nagustuhan mo ba Tiana?" malambing at nakangiti nitong tanong.
Tumango-tango ako.
"Ang ganda Miguel," masayang bulalas ko.
May CD player pa sa gilid ng mesa at may pinindot doon si Miguel. Pumailanlang ang magandang awitin. Lumakad siya palapit sa akin at inilahad ang kanyang kamay.
"Pwede ba kitang maisayaw, Tatiana?" malambing nitong sabi. Agad ko namang kinuha ang kamay niya. Iginiya niya ako sa gitna at marahang inilagay ang mga kamay ko sa batok niya at ang mga kamay niya naman ay sa beywang ko.
Sumayaw kami kasabay ng awitin sa kanta.
"Maraming salamat at pina-unlakan mo ako," mahina niyang sabi. Halos ilang dangkal na lang ang layo namin sa isa't-isa.
Nakita ko ang kislap sa mga mata ni Miguel.
Alam kong hindi pa ganoon kalaki ang puwang niya sa puso ko pero sana sa paglipas pa ng panahon ay mas lumalim pa ang nararamdaman ko sa kanya. Ayaw ko kasing pagsisihan ang mga mabilisang desisyon ko ngayon.
"Ano ka ba! ako nga dapat ang magpasalamat sayo eh!" nakangiti kong sabi sa kanya.
"Alam mo namang matagal na kitang minamahal Tiana, wala akong ibang ginusto kundi ay ikaw," matapat niyang sabi sa akin. Mas lalo tuloy akong napalunok at di alam ang sasabihin sa kanya.
"Maghintay ka lang Miguel at malay mo ay makuha mo ang mga ninanais mo," sabi ko sa kanya.
"Maghihintay ako sayo, Tiana," sabi nito. Napatitig siya sa mga labi ko at lalo lamang akong napalunok nang makita ko sa mga mata niya ang kagustuhang halikan ako.
Hindi ko alam kong bakit unti-unti ay ipinikit ko ang aking mga mata. Pero naramdaman ko na lang na niyakap niya ako.
"Gusto ko kapag nahalikan kita ay 'yong tayo na," mahina nitong bulong sa akin. Kaya naman ay pinamulahan ako ng mukha.
Nakakahiya tuloy akala ko kasi hahalikan niya ako.
"Bakit mo ako ninakawan ng halik sa harap ng bahay namin?" nakairap kong tanong dito. Natawa ito ng mahina.
"Hindi naman 'yon halik eh! smack lang 'yon," sabi pa niya.
"Lulusot ka pa eh parehas lang naman 'yon!" sabi ko pa. Ayaw kong magpatalo.
Hinigpitan niya ang pagyakap sa akin.
"Hindi ko yata kakayanin kapag sa iba ka mapunta Tiana," mahina nitong bulong.
Napalunok ako ng laway.
"Miguel naman!" saway ko rito.
"Ganoon kita kamahal Tiana," sagot niya.
"Paano naman kung sa iba ako magkagusto?" naninimbang kong tanong sa kanya.
"Hindi ko alam, siguro ay lalayo na lang ako rito upang makalimot, ayaw naman kitang ikulong sa isang relasyong ako lang ang may gusto," sabi niya na punong-puno ng pagmamahal at alam kong masasaktan ko siya ng labis kapag nangyari nga 'yon.
"Maraming salamat sa pagmamahal mo Miguel, huwag kang magsawa sana sa akin," sabi ko sabay haplos sa pisngi niya. Nag titigan lang kaming dalawa.
"Halika na at kumain na muna tayo," aya niya sa akin at pinaghila niya ako ng upuan.
"Salamat Miguel," sabi ko. Nginitian niya lang ako. Umupo na rin siya kaharap ko.
Nagsimula na kaming kumain at puro masasayang kwento lang ang aming pinag-usapan. Lalo na noong mga bata pa kami. Natapos ang gabi naming puno-puno ng kasiyahan ang aming mga puso at masayang-masaya ako dahil kasama ko si Miguel. Inihatid niya rin ako sa bahay bago siya umuwi sa kanila. Pinaunlakan ko na rin siya ng halik sa pisngi dahil sa kakulitan nito. Nangingiti akong pumasok sa bahay.

Komento sa Aklat (80)

  • avatar
    Kris Cornelio Gamosa

    masaya

    07/07

      0
  • avatar
    Quennie Reyes

    uuujjjjjj

    28/06

      0
  • avatar
    Mark Jerico

    Nice story

    26/05

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata