logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata Apat

Tatiana's POV
Kinabukasan ay naging ganoon pa rin ang aming routine sa araw na 'yon. Nag-aabang pa rin kami kay Miguel at kay Mang Pablo para sa nakuha nilang isda. Matapos ay naglalako pa rin ako sa kabilang bayan at syempre papatalo pa naman si Miguel?
Kasa-kasama ko siya saan man ako magpunta. Matapos kaming mag lako ng isda ay nag papahinga muna ako sa bahay.
"Miguel, uumuwi ka na muna at magpahinga," sabi ko rito. Alam ko kasing pagod din ito. Gabi pa lang ay pumapalaot na sila at madaling araw na kung dumaong. Tapos sumasama pa ito sa akin sa paglalako. Kaya naman ay naaawa rin ako sa kanya. Ayaw ko namang maging abusado.
"Ang bilis naman!" maktol nito. Natawa na lang ako.
"Magpapahinga muna ako, diba may pa surprise-surprise ka pa mamaya?" sagot ko rito. Mas napakamot ito sa kanyang ulo.
"Sige na nga! pero pangako mong pag bibigyan mo ako mamaya ha?" paninigurado pa nito. Mas natawa ako sa mukha niyang parang nag susumamo.
"Oo na po kamahalan!" biro ko rito at pinangigilan ko ang pisngi niyang ang cute kung ngumu-nguso, parang bata lang na hindi nabigyan ng gusto.
"Sige, bye Tiana! magkita na lang tayo mamaya!" sabi niya at akma niya akong hahalikan pero nasangga ko na iyon.
"Heh! magnanakaw ka talaga!" naka irap kong sabi rito. Tumawa lang ito at hinawakan ang kamay kong pinag taboy sa kanya at hinalikan niya iyon.
"Mahal kita, tandaan mo 'yan," seryosong sabi nito at agad ng tumalikod. Nakikita ko ang kasiyahan sa kanyang mga mata at mukha. Masaya rin ako para sa kanya. Dahil unti-unti ay nagkakaroon na siya ng puwang sa puso ko. Hindi man ganoon ka-laki at kalalim at least naman may pinagbago.
Agad na akong pumasok sa aming bahay at isinarado iyon. Hindi ko kasi muna pinag-tinda si Nanay dahil na rin masama daw ang pakiramdam niya kaya naman ay hinayaan ko na lang muna. At baka gusto niya lang talagang magpahinga. O baka naman may kinalaman ang nakita ko kagabi. Napabuntung-hininga na lang ako at agad ng tumungo muna sa kusina at nag timpla ako ng gatas. Para mabilis lang akong makatulog. Nang matapos na mainom ang gatas ay pumasok na ako sa aking kwarto pero tiningnan ko muna ang nakasaradong pinto ni Nanay. Lumapit ako roon at sumilip sa may siwang ng pintoan. Nakita ko lang ang likod ni Nanay Patricia. Parang may pinag-dadaanan nga ito. Kaya naman ay umalis na ako at pumasok na sa aking silid.
"Sana maging okay na naman si Nanay Patricia," bulong ko. Nahiga ako sa kama at nag-isip. Gustong-gusto ko na talagang tanungin si Nanay Patricia tungkol sa aking ama. Pero wala akong lakas ng loob. Baka kasi mas lalo niya lang itago sa akin o kaya ay magalit siya dahil bakit hinahanap ko pa ang ama kong nang-iwan sa amin.
Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at mabuti na lang tuluyan na akong hinila ng antok.
Hindi ko alam kung anong oras akong nakatulog. Agad akong bumangon at tiningnan ko ang aking alarm clock sa gilid ng kama ko. Napanganga ako ng makitang ala-una na pala ng hapon. Ni hindi pa ako nakapag luto ng tanghalian namin. Siguradong nagugutom na ngayon si Nanay Patricia at may nararamdaman pa naman 'yon. Mabilis na akong lumabas ng kwarto ko at tumungo ako ng kusina. Hindi pa nga ako nakarating sa kusina ay kumalam na ang sikmura ko, kaya napahawak tuloy ako sa aking tiyan. Pero natigilan ako ng makita ko si Nanay Patricia na nasa kusina at nag-hahanda ng makakain. Nahiya tuloy ako sa aking Nanay Patricia.
"Nay ako na po diyan!" sabi ko at inagaw ko ang sandok sa kanya.
"Maupo muna kayo Nay, ako na po muna ang bahala rito," sabi ko at na-upo naman si Nanay.
"Dapat po ay nagpapahinga pa kayo Nay, sana man lang ay ginising ninyo ako para ako na ang maghanda nitong pagkain natin," mahaba kong litanya sa Nanay Patricia ko.
"Pasensya ka na anak, alam ko namang pagod ka eh," mahina nitong sabi.
"Kahit na po Nanay, may sakit po kayo at bawal kayong mabinat," sabi ko pa rito.
"Hindi naman mabigat 'yan anak eh," nakangiting sabi ni Nanay Patricia.
Kinuha ko na ang niluluto ni Nanay at inilagay ko sa lalagyan. Inihain ko na rin ang kanin at pati ulam. Inayos ko sa mesa. Naglagay ako ng plato at kubyertos. Nang maayos na ay isinunod ko ang pitsel ng tubig at baso.
"Halika na Nanay at kumain ka na," mahina kong sabi rito. Tiningnan ko ito at halata sa mga mata niya ang pamamaga. Alam kong may pinagdadaanan ito pero hinihintay ko lang siya ang mag sabi sa akin ng mga nararamdaman niya.
"Salamat talaga anak, kung wala ka hindi ko alam kung paano pa ako mabubuhay," sabi ni Nanay Patricia.
"Si Nanay naman! huwag na po kayong mag-drama dyan," nakangiti kong sabi.
"Salamat talaga anak," sabi niya at pinisil ang kaliwang kamay ko.
"Wala po 'yon Nay, nagpapasalamat nga po ako sa inyo dahil kayo ang nagluwal sa akin at syempre dahil kayo ang Nanay ko, kahit wala ang Tatay ay masaya rin naman po ako dahil magkasama tayo," mahaba kong sabi at nakangiti ko siyang tiningnan.
Gusto kong maipakita sa kanya na ayos lang kami na wala ang Tatay. Kukuha na lang ako ng tyempo kung paano siya tatanungin.
"Kumain na po kayo at baka lumamig na ang kanin," ngiti ko at nag-simula na nga kaming kumain ni Nanay Patricia.
Matapos kumain ay pumunta ako sa kwarto ko upang maghanda sa pa sorpresa ni Miguel. Alam kong special 'yon kaya naman ay paghahandaan ko. May special na akong nararamdaman sa kanya pero gusto ko ay ipapaalam ko lang sa kanya kapag handa na ako at sigurado na ako sa aking nararamdaman at hind pagka-awa lang.
Kinuha ko ang isa sa tinatago kong damit. Minsan ko lang itong isinuot at 'yon ay matapos ang graduation ko noong high school pa ako. Regalo sa akin ni Nanay Patricia. Kasya pa naman sa akin ito dahil medyo maluwang ito noon sa akin. Isa itong kulay dilaw na mahaba ang tabas, hindi ito sexy pero matatawag mong elegante. Lagpas tuhod lang ito, blouse type at round neck ito. Napaka lambot ng kanyang tela. Isinukat ko muna ito at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Napangiti ako ng makitang hakab na hakab sa balingkinitan kong katawan ang damit. Umikot pa ako ng tatlong beses. Agad ko itong hinubad at inilagay ko sa hanger. Kinuha ko rin ang aking flat shoes. Nilinis ko ito para mamaya ay handa na ako. Lumabas muna ako at sinilip si Nanay Patricia. Nakahiga ito at nakatalikod sa pinto kaya hindi ko makita ang ekspresyon ng kanyang mukha. Napabuntung-hininga na lang ako. Hahayaan ko muna siya at mag-iipon muna ako ng lakas ng loob. Mahal na mahal ko ang aking Nanay dahil siya lang naman ang kayamanan ko sa buhay. Ayaw ko itong mawala sa akin at lahat ay gagawin ko para sa ikabubuti naming dalawa. Ang gusto ko lang naman ay kahit hindi kami ang pinili ni Tatay ay gusto ko pa ring alamin ang mga dahilan niya. Oo, at kinamumuhian ko siya pero sapat na ba 'yon? gusto kong mas magalit sa kanya, pero iniisip ko ring mayroong dahilan ang Tatay kung bakit niya kami iniwan ng Nanay ko. Ayaw kong hanggang sa pagtanda ko ay magsisi ako na ni minsan ay hindi ko man lang sinubukang hanapin ang tunay kong Tatay. Baka sakaling mapatawad ko siya at maging ni Nanay Patricia. Hindi rin naman lingid sa aking kaalaman na mahal na mahal ng Nanay Patricia ang Tatay ko. Ni minsan ay hindi na ito tumingin sa ibang lalaki. Maraming manliligaw noon si Nanay pero lahat ng 'yon ay hindi niya pinaunlakan. Marahil hanggang ngayon ay si Tatay pa rin ang mahal niya o baka naman ayaw na niya ulit na masaktan kaya mas pinili niyang itaguyod akong mag-isa. Lumabas ako ng bahay namin at pumunta sa may baybayin. Ito ang parati kong ginagawa para mawala ang mga iniisip kong problema. Kinuha ko ang tsinelas ko sa mga paa ko at hinayaan kong maramdaman ng mga paa ko ang katamtamang init ng buhangin. Masarap pagmasdan ng tanawin. Malawak na dagat at tahimik ito. Kitang-kita ko rin ang bundok kung nasaan ang syudad. Napapa-isip ako kung anong hitsura at buhay ang pwedeng mangyari sa kanya sa syudad. Gustong-gusto ko talagang pumunta roon at kung palarin man ay magtrabaho. Pero dahil high school graduate lang ako malamang wala akong mahanap na trabaho. Gusto ko pa ngang makapag-aral din kahit na 'yong vocational course lang. Marami ang nagsabi sa aking matalino ako at kayang-kaya ko ang makipag-sabayan sa mga taga syudad at magkaroon ng scholarship. Pero naiisip ko rin naman si Nanay Patricia. Ayaw ko siyang iwanan dito. Kaya ngayon heto at hanggang pangarap na lamang ako. Mapait akong napangiti sa kawalan. Sana dumating ang araw na matutupad ko rin ang aking mga mithiin. Sana nga tama si Miguel na magkasama naming maaabot ang aming mga pangarap. Walang iwanan at walang maiiwan. Pinanghahawakan ko na ang mga pangakong 'yon ng binata.

Komento sa Aklat (80)

  • avatar
    Kris Cornelio Gamosa

    masaya

    07/07

      0
  • avatar
    Quennie Reyes

    uuujjjjjj

    28/06

      0
  • avatar
    Mark Jerico

    Nice story

    26/05

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata