logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata Tatlo

Chapter Three January
Tatiana's POV
Dahil sa pinayagan ko na ngang manligaw si Miguel ay walang araw na hindi nito ipinapakita ang pagmamahal nito kaya naman bawat araw na nag daan ay parang hinahaplos din ang aking puso.
Nasa baybayin kami ngayon at nakatanaw sa papalubog na araw.
"Masaya ka bang kasama mo ako?" malambing na tanong ni Miguel.
Nginitian ko siya at saka tumingala sa langit.
"Oo Miguel, salamat sa araw-araw mong pagpapasaya sa akin," masaya kong sabi rito.
Ginagap naman nito ang aking mga kamay.
"Masaya akong napapasaya kita Tiana," at pinisil niya ang kamay ko.
Alam kong hindi ko pa siya mahal pero hihintayin ko pa rin na dumating ang takdang panahon para matutunan ko siyang mahalin.
"May gagawin ka ba bukas ng gabi, Tiana?" tanong ni Miguel sa akin. Lumingon ako sa kanya at nakita ko ang kislap ng saya roon.
Pag-asa at pagmamahal ang mga emosyong nakikita ko sa mga mata niya.
Umiling ako bilang sagot sa tanong niya.
"Wala naman akong gagawin Miguel," sabi ko at ibinaling ulit ang paningin ko sa kalangitan na ngayon ay ganap na ang dilim tanging liwanag ng buwan at bituin na lamang ang nagsisilbing liwanag namin sa aming pwesto ngayon.
"Tamang-tama at may sorpresa ako sayo bukas ng gabi," masaya niyang sabi sa akin.
"Sana Miguel kung ano man ang kahinatnan ng iyong panliligaw sana ay maging magkaibigan pa rin tayo," mahina kong sabi rito habang ang mga mata ko ay tinitingala ang madilim na kalangitan.
Hindi kaagad na umimik si Miguel kaya naman ay lumingon ako sa gawi nito.
Nakita ko ang kalungkutan sa mga mata nito. Alam kong maaga pa para sabihin ang mga bagay na ito pero pinapaalalahanan ko lang siya sa pu-pwedeng mangyari.
Bumuntung-hininga ito, nang makita niyang matiyaga akong nag-hihintay sa magiging tugon nito.
"Huwag kang mag-alala Tiana, kapag walang nag bago sa iyong nararamdaman sa akin ay ako na mismo ang titigil sa kahibangan ko," sabi nitong may pait sa kanyang boses. Napalunok ako at umiwas ng tingin. Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya. Hinawakan ko ang mga kamay niyang nakapatong sa tuhod nito at pinaharap.
"Sana huwag kang mawalan ng pag-asa sa akin Miguel," mahina kong sabi sabay pisil ng kamay nito.
"Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa Tiana eh! kahit kailan ay hindi ako nawalan ng pag-asang isang araw ay matututunan mo rin akong mahalin, pero tao lang di ako Tiana, nasasaktan din ako lalo na at pinaparamdam mo sa aking wala talaga akong aasahan sa isang katulad mo," mahaba nitong sabi at malungkot na ngumiti sa akin.
"Pasensya ka na sa akin Miguel," sabi ko sabay tayo sa batuhang kina-uupuan namin.
Tumayo na rin si Miguel.
"Uuwi na ba tayo?" tanong ni Miguel sa akin.
"Oo, at baka hinahanap na ako ng Nanay," sagot ko rito. Agad naman niya akong inalalayan sa paglalakad.
"Alam mo bang pangarap kong makapunta ng syudad?" wala sa sariling tanong ko kay Miguel habang nag-lalakad kami papuntang bahay.
"Maging ako man ay pangarap ko rin 'yon Tiana," sagot nito.
"Pero ang labong mangyari, gusto kong bago man lang ako magka-pamilya ay makapunta man lang ako roon, gusto kong maranasan ang pamumuhay sa syudad," naka-ngiti kong sabi habang nangangarap.
"Gusto mo bang sabay nating abutin ang ating mga pangarap Tatiana?" tanong nito. Kapag tinawag na niya ako sa buo kong pangalan ay alam kong seryoso na siya sa kanyang sinasabi.
Natawa ako ng mahina.
"Mas may malaking oppurtunidad sa 'yo kaysa sa akin Miguel," mahina kong sabi rito.
"Sabay nating abutin ang pangarap natin Tiana, walang maiiwan at walang mang-iiwan, pangako!" seryoso nitong sabi. Napatango na lang ako sa kanya.
"Pangako!" sabi ko rin.
Natatanaw ko na ang bahay namin.
"Salamat talaga Miguel, araw-araw mo akong sinasamahan sa paglalako ko ng isda," sinsero kong sabi rito.
"Huwag kang magpasalamat at ginagawa ko naman 'yon para bantayan ka," parang wala sa sarili nitong sabi kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Anong sabi mo?" gulat kong tanong.
Napakamot ito sa kanyang ulo at pilyong ngumisi.
"Binabantayan kita para walang makalapit sa 'yong ibang lalaki," sabi nito na hindi man lang nagsisi sa ginawa at proud pa talaga ito.
Kaya naman ay hinampas ko ang braso niya.
"Loko-loko ka talaga Miguel!" gigil kong sabi rito at ang loko tinawanan lang ako.
"Hindi na kita isasama sa mga paglalako ko!" birong sabi ko sa kanya.
"Wala namang ganyanan!" maktol nito. Kaya ang ginawa ko ay inirapan ko siya.
"O, alis na at nandito na tayo sa bahay," pagtataboy ko rito.
"Hindi mo na ba ako papapasukin?" nakanguso nitong sabi. Para talagang bata.
"Huwag na at lumalalim na ang gabi, alam kong pagod ka sa araw-araw at sumasama ka pa sa aking maglako!" sermon ko rito.
Napakamot na lang ito sa ulo.
"Sige na nga! pero wala bang kahit good night kiss dyan?" singit pa nito.
"Miguel! kahit kailan ka talaga!" naiinis kong sabi rito kaya lalo lang tuloy itong ngumuso.
"Umalis ka na! may sorpresa ka pa kamo bukas sa akin?" sabi ko para agad na siyang maka alis.
"Ay, oo nga pala! susundiin kita bukas ng gabi ah?" sabi niya na parang excited pa.
"Opo, hihintayin kita bukas dito sa bahay," sabi ko.
"Mahal kita Tatiana, tandaan mo 'yan," sabi niya sabay halik sa kabilang pisngi ko.
"Hindi ako makagalaw kaagad sa aking kinatatayuan. Parang naputulan ako ng dila at nakita ko na lang na nakalayo na ang binata at masayang kumakaway sa akin. Napa iling na lang ako at agad na akong pumasok sa bahay. Nakita kong gising pa si Nanay Patricia at pilya itong naka-ngiti sa akin. Nakita siguro niya ang paghalik sa akin ni Miguel. Hinalikan ko siya sa pisngi pagka pasok ko.
"Nay bakit po gising pa kayo?" tanong ko rito.
"Hindi pa ako inaantok eh! tsaka hinihintay kita, hindi ka pa naman nag hahapunan," sabi ni Nanay Patricia.
"Dapat maaga kayong natutulog Nay," sermon ko rito.
Nagtungo ako sa kusina dahil hindi pa nga akk naghahapunan. Nag yaya kasi kanina si Miguel at gusto niyang mamasyal daw muna kami at ng mawala ang pagod namin sa buong araw na pag ta-trabaho. Kaya naman ay sumang-ayon ako rito. Masasabi kong masaya naman ang pamamamasyal namin. Bukod sa parati niyang pagbibiro ay napaka maasikaso niya rin.
Kumuha ako ng kanin at nag salin din ako nf ulam. Akala ko umalis na si Nanay pero hindi pa pala.
"Bakit hindi pa kayo natutulog Nay?" takang tanong ko at saka umupo ako para makakain na.
Na-upo rin si Nanay kaharap ko.
"Ano anak, sinagot mo na ba?" laglag ang panga kong tiningnan si Nanay.
"Nay naman! ang tsimosa niyo!" sabi ko rito sabay irap. Napahagikhik naman si Nanay.
"Nakita ko kasing hinalikan ka niya," tila teenager na sabi ni Nanay at sabay kilig pa. Namula tuloy ang buo kong mukha ng maalala kanina ang nangyari. Ni hindi man lang ako nakaimik dahil sa pagka bigla.
"Si Nanay talaga oh! ninakawan lang niya ako ng halik!" sabi ko sabay nguso.
"Ay! akala ko pa naman ay sinagot mo na siya eh! sayang!" sabi ni Nanay na parang nanghihinayang pa.
"Baka naman po Nay sinusuholan ka niyang si Miguel!" sita ko kay Nanay Patricia.
"Ano namang akala mo sa akin anak? nagpapasuhol?" balik tanong ni Nanay Patricia sa akin. Kaya naman ay nahiya ako.
"Sige na at kumain ka na dyan, matutulog na ako," sabi ni Nanay sabay tayo. Talaga bang kami lang ang inaabangan ni Nanay Patricia?
May lahi rin pala kaming tsismosa.
Napailing na lang talaga ako.
Masarap ang nilutong ulam ni Nanay ah.
Dahil mukhang napagod ako ay naubos ko ang kanin namin sa kaldero. Mabuti na lang talaga at hindi ako tabain kaya kahit anong lakas kong kumain ay slim body pa rin.
Niligpit ko kaagad ang aking mga pinagkainan at hinugasan 'yon.
Nag half bath muna ako at saka nahiga sa kama. Marami akong iniisip ngayon. Pangarap kong pumunta sa syudad dahil ang isang rason ko ay ang makita ang aking ama. Gusto kong malaman kung bakit niya kami iniwan ni Nanay. Isa rin sa mga iniisip ko ay ang sa amin ni Miguel, ayaw kong masaktan ko siya kahit nga ba ay pa-unti-unti ay may puwang na siya sa puso ko. Pero hindi lang dapat ang rason sa pagmamahal. Kailangan ay handa kang magbigay at handa kang magsakripisyo para sa taong mahal mo. Hindi ko pa pinaalam ang plano kay Nanay, ang balak kong paghahanap sa ama ko. Baka kasi pag sinabi ko sa kanya ay pagbawalan niya ako o kaya naman ay magalit siya sa akin. Ayaw kong magalit si Nanay para lang sa ama kong nang iwan sa amin. Pero sana maintindihan ako ni Nanay. Nagpa baling-baling ako ng higa dahil ang tagal dumalaw ng antok sa akin. Kaya naman ay naisipan kong lumabas ng kwarto at magtitimpla muna ako ng gatas para makatulog ako. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto ko at nagtungo sa kusina. Nang matapos akong magtimpla ay dinala ko ito sa kwarto ko pero natigilan ako ng marinig ko ang hikbi ni Nanay sa kwarto niya kaya naman ay dahan dahan akong sumilip sa pintuan niya. Nakita ko siyang umiiyak at nakatingin sa litrato. Hindi ko masyadong nakita ang nasa litrato dahil nakatagilid si Nanay sa akin.
"Bakit mo kami sinukuan agad Albert," sabi ni Nanay at patuloy sa pagluha.
Agad akong umalis sa pintuan at tumungo na sa kwarto ko. Tamang tama at may nalaman ako ngayong gabi. Kukunin ko ang litrato ng aking ama at hahanapin ko siya.

Komento sa Aklat (80)

  • avatar
    Kris Cornelio Gamosa

    masaya

    07/07

      0
  • avatar
    Quennie Reyes

    uuujjjjjj

    28/06

      0
  • avatar
    Mark Jerico

    Nice story

    26/05

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata