logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata Dalawa

Tatiana's POV
Kinagabihan ay pumunta nga si Miguel sa bahay at may dala pa itong biko. Isa sa mga paborito ko ang biko siguro nag luto ang Nanay niya.
"Magandang gabi sa inyo Aling Patricia at sayo rin Tiana," magalang na pag bati ni Miguel sa amin at agad na siyang pinapasok ni Nanay.
"Magandang gabi naman Miguel, halika at pumasok ka," sabi ni Nanay Patricia at iginiya siya sa munting kusina namin.
"Oy! Miguel maupo ka na at malapit na ring matapos ang niluluto kong sinigang," sabi ko at inayos ko na rin ang mga ulam na naluto na. Nag luto ako ng sinigang na bangus, adobong manok at nag pancit din ako.
Biglang tumayo si Miguel at tinulungan ako sa pag aayos.
"Naku! Miguel huwag ka na sanang mag abala pa at bisita kita rito," sabi ko rito.
"Ano ka ba naman Tiana, parang iba ka na sa akin," sagot nito at inilagay na sa mesa ang mga lutong ulam. Agad na rin akong naglagay ng pinggan at mga kubyertos sa mesa. Inilagay ko na rin ang baso at pitsel ng tubig. Hindi naman kami mahilig sa powdered juice kaya tubig lang ang inilalagay ko. Nang matapos na ako ay tinawag ko na si Nanay Patricia sa sala.
"Nanay Patricia, kain na po at nakahanda na ang hapag," sabi ko kay Nanay.
"O siya anak! susunod na ako," sabi nito.
"Miguel, tama na 'yan at maupo ka na rito," sabi ko sa kanya. Titig na titig ito sa akin at para bagang may gustong ipahiwatig kaya naman ay nailang ako. Alam ko namang gustong-gusto niya ako pwera pag mamayabang. Wala na kasi itong ibang nililigawan na babae bukod sa akin. Alam kong hindi mahirap mahalin si Miguel. Gusto ko namang subukan pero natatakot akong masaktan ko siya kapag hindi ko maibalik ang nararamdaman niyang pagmamahal sa akin. Umiling ako at pinalis sa aking isipan ang mga isiping iyon.
"Lalo kang gumaganda Tiana kapag nasa kusina ka," seryoso nitong sabi pero nakangiti. Inirapan ko lang siya sa simpleng pagpapalipad hangin nito.
"Hay naku! Miguel, araw-araw mo na lang ba akong bobolahin?" sabi ko sabay taas kilay. Pinagtatakpan ko lang ang nararamdaman kong kakaiba sa kanya.
Natawa ito ng mahina.
"Ikaw talaga! lahat na lang ba ng papuri ko ay puro biro sayo?" balik tanong naman nito.
"O, huwag na kayong magtalo dyan at nasa harap tayo ng pagkain," sabi ni Nanay na kapapasok lang pala sa kusina.
"Umupo ka na anak," utos ni Nanay Patricia at agad na akong umupo kaharap ni Miguel.
"Sige na kumain na kayo," si Nanay.
Agad namang kumuha ng kanin si Miguel pero nagulat ako ng ilagay niya iyon sa aking pinggan. Kumuha rin ito ng ulam at inilagay ulit sa pinggan ko. Nagtaka akong tiningnan siya.
"Kumain ka ng marami at ang payat payat mo na oh!" sabi pa niya ng matapos mag lagay ng mga pagkain sa aking pinggan. Daig niya pa tuloy ang maasikasong asawa.
Napa buntung-hininga na lang ako.
"Sabi mo kanina ang ganda ko?" nakanguso kong sabi sa kanya. Kaya naman ay natawa ito.
"Maganda ka naman talaga, mapayat o mataba ay maganda ka pa rin, pero syempre gusto kong alagaan mo ang katawan mo at kalusugan mo," mahaba nitong sabi sa malambing na boses. Napatitig tuloy ako sa kanya. Kung pwede lang talagang turuan ang puso ay ginawa ko na. Perpektong-perpekto na ang kagaya ni Miguel. Gwapo, mabait, masipag at maasikaso. Wala ka nang hihilingin pa. Sana lang talaga dumating ang panahon na matututunan ko na siyang mahalin.
"Ewan ko sayo! pero salamat, huwag mo na akong asikasohin nakakahiya na sayo at bisita ka pa naman," mahina kong sabi. Totoo rin naman kasi ang sinabi ko. Siya nga ang bisita pero ako naman ang pinagsisilbihan nito.
Masayang-masaya kami na nagku-kwentuhan habang kumakain.
"O, siya nga pala! muntik ko ng makalimutan ang pinadala ni Nanay Carol na biko, alam kasi niyang gustong-gusto mo iyon," sabi ni Miguel at agad na kinuha ang lalagyan ng biko. Agad naman niya akong nilagyan sa platito at maging si Nanay ay nilagyan niya rin. Kahit kailan talaga ang lalaking ito ang tigas ng ulo!
"Miguel!" saway ko rito. Ay ang loko nginisihan lang talaga ako. Kaya naman ay pinandilatan ko siya ng mata at inirapan.
"Talaga bang Nanay mo ang nag luto nito?" tanong naman ni Nanay Patricia kaya nabigla si Miguel at nag-iwas ng tingin. Kung hindi ko pa alam ay siya talaga ang nagluto nitong biko at dinahilan lang ang Nanay Carol niya. Napatingin tuloy siya sa akin.
Nakangiti itong nag peace sign.
"Sorry, alam ko kasing gustong-gusto mo ng biko kaya gumawa na ako," mahina nitong sabi.
"Alam mo Miguel, ang tigas ng ulo mo," naka irap kong sabi.
"Baka ibang ulo ang matigas!" segunda ni Nanay Patricia at nahihiwagaan akong napa-tingin dito. Na-ubo naman si Miguel at nang tingnan ko ay medyo namumula ang mukha niya mas lalo tuloy akong na-intriga. Ngumisi lang si Nanay Patricia at agad ng inubos ang kanyang biko.
"Maiwan ko muna kayo at ako'y inaantok ng talaga," sabi nito. Sinulyapan niya muna si Miguel at parang may ipinapahiwatig na kung ano. Si Nanay talaga oo. Ngumiti lang naman at tumango si Miguel sa kanya.
"May hindi ba ako nalalaman, ha? Miguel?" tanong ko sa binata nang makaalis si Nanay at pinanliitan ko ito ng mata. Natawa lang sa akin ang binata.
"Anong hindi mo alam? lahat naman ay alam na alam mo ang tungkol sa akin," pilyo nitong sabi. Napailing na lang siya.
"Anong oras ka uuwi?" tanong ko sabay tayo at liligpitin ko na ang mga pinagkainan namin. Tumayo rin ito at akmang tutulungan ako ng pandilatan ko siya ng mata.
"Miguel! alam ko namang pagod na pagod ka! kaya tama na 'yang pag-tulong mo at kaya ko na!" sermon ko rito. Napakamot tuloy siya sa kanyang ulo.
"Tiana naman!" maktol nito.
"Tutulong ka o pauuwiin na kita?" pananakot ko rito. Kaya naman ay wala itong nagawa kundi ang hayaan ako ang mang ligpit ng aming pinagkainan. Pero habang nakatalikod ako sa kanya ay ramdam na ramdam ko ang maiinit nitong paninitig sa akin kaya medyo naiilang ako sa kanya.
"Tiana," mahina nitong tawag sa akin. Nagtayuan ang aking balahibo dahil sa uri ng kanyang boses. Tapos ko na ring mailagay ang huling baso sa lalagyan nito kaya naman pinunasan ko muna ang aking kamay bago ko siya nilingon.
"Hmm?" mahina kong sabi sabay upo kaharap sa kanya.
Maiinit at kakaiba ang titig niya sa akin.
"Pwede mo ba akong bigyan ng chance?" mahina ngunit seryoso nitong tanong. Nakikita ko rin ang sinsero nitong mga titig.
Napalunok ako.
"Per--," hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinutol na nito.
"Huwag kang mag-alala at hindi naman kita pipiliting mahalin ako, ang sa akin lang ay bakit hindi mo subukan?" tanong pa niya sa akin. Hindi ako umimik at tinitigan lang ito. Hinawakan niya ang kamay ko at may kakaiba akong naramdaman. Hindi ko alam kung tama bang paasahin siya sa wala o mas tamang bigyan ko siya ng pagkakataon at baka may mag bago nga? Litong lito talaga ako ngayon.
"Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo talaga Tiana, pero sana kahit chance lang ang ibigay mo sa akin, sapat na at kung sa loob ng panliligaw ko sayo ay wala talagang pagbabago ay hindi na ako mangungulit pa sa iyo," mahaba nitong sabi. Napabunting-hininga na lang ako. Siguro nga ay kailangan ko siyang bigyan ng chance para maipakita at maipadama niya ang pagmamahal niya sa akin at kung sakali mang magbago ang mararamdaman ko sa kanya ay mabuti 'yon para sa kanya ngunit kung wala talagang mag bago sana ay maintindihan niya.
Tiningnan ko siya at tinantya ko ang kanyang emosyon. Nakikita ko ang seryoso at sensirong tingin sa mga mata niya pero naroon rin ang pag-asa at pangamba.
Nakapag-desisyon na ako at bibigyan ko siya ng chance.
"Sige Miguel, bibigyan kita ng chance na patunayan mo sa akin ang sarili mo at baka nga sa paglipas ng araw ay may bago. Pero sana huwag mong taasan ang pag-asa at baka mabigo ka lamang," sabi ko naman sa kanya. Nakita ko sa mga mata niya ang saya kaya agad niya naman akong niyakap. Napasinghap ako ng lumapat ang katawan ko sa matigas niyang katawan. May init na hatid iyon sa buo kong katawan. Hinayaan ko na lamang ito at niyakap siya pabalik.
"Salamat Tiana, hinding-hindi ka magsisising binigyan mo ako ng konting pag-asa," halata sa boses nito ang kasiyahan kaya naman ay napangiti ako.
"Huwag ka ng mag-drama at lumalalim na ang gabi, alam kong marami ka pang gagawin," sabi ko sabay tulak sa kanya.
Nagpatinood naman ito.
"Maraming salamat uli sa napakasarap na hapunan, sana ay pang habang buhay na," tila nangangarap nitong sabi. Natawa na lang ako.
"Umalis ka na at kung ano-ano na naman 'yang pumapasok sa kukute mo!" mahina kong sabi rito.
"Pwede mo ba akong ihatid sa labas?" sabi naman nito. Napairap na lang ako sa hangin.
"Okay sige," sabi ko at agad niya namang hinawakan ang aking mga kamay. Hindi na ako umangal pa at hinayaan na lang siya.
Dahan dahan kaming naglakad at ng marating namin ang munting gate namin ay hinarap ko na ito.
"Sige na Miguel, umuwi ka na. Pakisabi rin pala kay Aling Carol na maraming salamat sa biko na ginawa niya, sa uulitin sana kamo," sabi ko sabay pilya na ngumiti, binibiro ko lang naman siya dahil umamin na ito kanina.
Nag iwas ito ng tingin at agad na napailing.
"Ang totoo niyan ako talaga ang gumawa ng biko, nabuko kaagad ako ni Aling Patricia, alam ko kasing gustong-gusto mo 'yan eh," napapakamot nitong sabi.
Napangisi ako dahil tama nga ang hula ko kanina. Hay Miguel! sana talaga ay maturuan ang puso upang ikaw ay mahalin.
"Sige, mag-iingat ka ha!" paalam ko rito.
"Para sayo Tiana, parati akong mag-iingat," sabay kindat nito sa akin. Ay! bakit naman ako kinilig? ipiniling ko na lang ang aking ulo.
"Hinay-hinay sa pambobola at baka tumalbog," pang babara ko sa kanya.
"Masarap ang magiging tulog ko ngayon dahil sa chance na ibinigay mo," sabi nito sabay kindat.
"Bye!" sabi ko na lang at ng maka-uwi na ito ng maaga sa bahay nila. Isang masipag na tao kasi si Miguel at maraming humahanga rito. Halos ang mga dalagang kababaihan dito sa amin ay pinapangarap na mapansin niya. Hindi ko alam kung bakit ako ang nagustuhan nito. Alam naman ng lahat na ipinanganak akong walang tatay at itinaguyod lang mag-isa ni Nanay Patricia.
Ng nakalayo na si Miguel ay agad na akong pumasok sa loob ng bahay at siniguradong naka lock ang bahay.
Nagulat pa ako ng makita si Nanay Patricia na gising pa.
"Nay bakit gising pa ho kayo?" tanong ko sa kanya.
"Halika anak, mag-usap tayo," sabi niya at sininyas na umupo ako sa tabi niya.
"May problema ba Nay?" tanong ko rito. Umiling ito at hinawakan ang mga kamay ko.
"Salamat at pinagbigyan mo si Miguel anak," sabi nito at medyo nagulat ako na nalaman ni Nanay na binigyan ko ng chance si Miguel. Nakita siguro ni Nanay ang katanungan sa mga mata ko kaya ipinagpatuloy nito ang sinasabi niya.
"Nagpaalam kasi siyang gusto niyang ipursige ang panliligaw sa iyo. Alam kong mabuti siyang bata anak, hindi man ganoon ka rangya ang buhay niya ay paniguradong kaya ka niyang buhayin, alam mo namang tumatanda na rin ako at gusto kong mapunta ka sa taong mamahalin at aalagaan ka ng mabuti," mahabang sabi ni Nanay Patricia. Nakagat ko ang aking labi.
Nagpapasalamat talaga ako at may isa akong Nanay na mapagmahal at maunawain.
"Salamat po Nay, alam ko pong gusto niyo lang na mapabuti ang kinabukasan ko, pero huwag kayong mag-alala Nay at susundin ko lahat ng payo niyo," sabi ko at sabay yakap sa kanya.
Hinimas nito ang mahaba kong buhok.
"Sige na anak, matulog na tayo," sabi ni Nanay at sabay na kaming tumungo sa silid namin. Ipinapanalangin kong sana ay maging maayos ang lahat ng sa amin ni Miguel. Ipinikit ko na ang aking mga mata.

Komento sa Aklat (80)

  • avatar
    Kris Cornelio Gamosa

    masaya

    07/07

      0
  • avatar
    Quennie Reyes

    uuujjjjjj

    28/06

      0
  • avatar
    Mark Jerico

    Nice story

    26/05

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata